You are on page 1of 2

Sa Gitna ng Kahirapan / Pahid ng Kahirapan

Habang ako’y nakaupo sa upuang ito, kaharap ang aking laptop at nagfe-
Facebook, bigla kong naisipan na umpisahan na ang aking takdang aralin na
sanaysay sa Filipino. Sinubukan kong mag-isip ng paksa para sa aking sanaysay
ngunit nahirapan akong magdesisyon. Hanggang sa sumagi sa aking isipan
ang isa sa aking mga karanasan noong ako’y kinse anyos pa lamang.
Isa itong alaala na inaamin kong ninais ko nang kalimutan ngunit hindi ko
magawa, isang alaalang nahihiya akong alalahanin pa. Ngunit may isang parte
sa akin na nagnanais na ipahayag at ikwento ito dahil sa isa itong riyalidad
tungkol sa akin at sa pagkatao ng isang taong ibang-iba sa akin.

Hindi ko alam sa aking sarili kung bakit ko ito ikinahihiya. Marahil sa dahilang
may pagkamatapobre talaga ako. At dahil iniisip kong baka isipin ng ibang tao
sa akin ay cheap ako at mababaw. At inaamin kong wala pa talaga akong alam
at napakababaw pa talaga ng aking pag-iisip nang mga panahong iyon. Iyon
ang mga panahong nagrerebelde pa ako at inip na inip sa buhay.

Dahil nga sa mas nakakaangat pa kami sa buhay nang mga panahong iyon,
naging medyo pabaya ako at naging walang pakialam sa mundo. Kaya isang
araw, ay nabagok yata ako at bigla kong naisipan na tingnan ang buhay mula
sa ibang perspektibo, sa ibang lebel ng pagtingin, na malayong-malayo sa akin.
Tumawa siya, at sa tono pa lamang ng kanyang boses ay malalaman mong
nagbibinata pa lamang siya. Parang ipit at kumbaga, basag. Medyo
nanginginig ang aking kamay habang hawak ang telepono, pinipigil na
matawa sa kanya at sa kung paano siya mag-salita. May accent kasi siya at
hindi marunong mag-Ingles. Marahil ang alam lang niya ay ang katagang ‘I luv
u’ na nababasa niya lang sa mga quotes sa text.

Tawagin na lang natin siyang Jon-jon. Probinsyano, taga Iloilo, Bisaya. Labim-
pitong taong gulang. Grade 3 pa lamang nang siya’y tumigil sa pag-aaral.
Walo silang magkakapatid, at mukhang madadagdagan pa. Pumasok sa
pagawaan ng asukal bilang kargador ng tubo. Sumasideline ang kanyang ama
sa pangingisda at pagsasaka at sa bahay naman ang kanyang ina, nag-aalaga
sa kanyang mga nakababatang kapatid. Madalas siyang nakikitulog sa bahay
ng kanyang mga tiyahin kasama ang kanyang mga pamangkin. Paglalaro
lamang ng basketbol ang kanyang nakahiligan.

Ala-singko ng umaga siya gumigising para pumasok sa tubuhan at matatapos


siya ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes siyang ganoon. At kapag
Sabado ay tumutulong naman siya sa palayan. Ganoon ang buhay nila sa
probinsya, ani niya. Mahirap pero kinakaya. Kahit na hikahos ay kakayanin niya
ang lahat para sa kaniyang pamilya. Tinanong ko siya minsan kung may
pangarap ba siya at sa naalala ko’y hindi muna siya nakasagot. Umahon ata sa
kahirapan. Tinanong ko siya kung gusto ba niya mag-aral, at ang una niyang
sinagot ay ‘wag na. Ayaw na daw niya dahil sa matanda na siya at maraming
taon na ang lumipas nang siya’y tumigil. Marami silang magkakapatid at hindi
na rin siya kayang pag-aralin pa ng kanyang mga magulang.

You might also like