You are on page 1of 4

Dedikasyon

Buong-puso kong inihahandog ang aklat na ito sa


mga taong sumuporta sa akin sa pag-likha nito. Una
sa lahat ay ang aking mga magulang na nag-gabay
sa akin upang mabuo ko ang nilalaman ng aklat.
Para sa aking kapatid na nagbigay ideya sa mga
maaari kong ilaman na bahagi ng aklat. Para sa
aking mga kaibigang isa sa mga naging inspirasyon
ko sa pagbuo nito. At higit sa lahat, ang aking guro sa
Filipino na si Binibining Magcawas.

Masasabi kong hindi ko mabubuo ang aklat na


ito kung hindi dahil sa mga taong aking nabanggit.
Kung walang nagsilbing inspirasyon ko at nagbigay
suporta sa akin ay maaaring magawa ko nga ito
ngunit hindi kanais-nais ang nilalaman.
Inihahandog ko ang aklat na ito para sa kanila.
Pasasalamat
Taos-puso akong nagpapasalamat sa aking mga
mahal sa buhay sapagkat kung hindi dahil sa kanila
ay wala akong magiging inspirasyon sa pag-likha ng
aklat na ito. Una sa lahat ay ang Panginoong
nagbigay sa akin ng kakayahan na makapag-buo ng
aklat. Lalong-lalo na sa aking pamilya na nag-gabay
sa akin sa pag-likha ng aklat na ito.

Malaki rin ang pasasalamat ko kina Izzah,


Aira, Queen, at Kristine na aking mga kaibigan. Ang
pagkakalayo-layo namin sa isa't isa ay isa sa mga
pinaka-mabigat na dahilan ng pagkakabuo ng aklat
na ito. Maraming salamat sa aking guro sa Filipino
na si Binibining Magcawas na siyang nagpayabong
sa aming kakayahang unawain ang sariling wika.
Maraming salamat po.
Ukol sa May-Akda
Si Maria Socorro Navarro ay
ipinanganak ng taong 2005 noong ika-16
ng Enero at nagmula sa Lumbang, Lipa
City. Dumalo siya sa iba't ibang paligsahan
ukol sa Wikang Filipino mula sa kaniyang
eskwelahan simula noong taong 2016.

Ang tanging gusto niyang maging


bunga ng kaniyang ginawang aklat ay ang
mahalin at pagsanayan pang mabuti ng
mga Pilipinong kabataang gaya niya ang
sariling wika.

You might also like