You are on page 1of 14

LIHAM NG PAGREREKLAMO

October 1, 2019

MR. ADOLFO A. PONCE


Bgy. Kagawad
Bgy. Maligaya, Bayan ng Lucena

Mahal kong Kagawad,

Nais ko po sanang ipagbigay- alam sa inyong tanggapan ang malimit na problema ng aming
purok tuwing sasapit na ang gabi. Malimit pong nagkakaroon ng rambulan ng mga kabataan sa
aming lugar na madalas ay nagkakaroon pa ng batuhan ang mga kabataan. Ang mga
pangyayaring ito ay lubos ng nakakabahala hindi lamang sa mga nakatira sa aming purok kundi
sa aming mga kalapit purok.

Nais po sana naming matutukan ng inyong tanggapan ang problemang ito at mabigyan ng
agarang aksyon

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Efipania A. Santos
LIHAM NG PAGREREKLAMO

October 1, 2019

MR. SILVERIO A. LUZANO


Bgy. Kagawad
Bgy. Milagrosa, Bayan ng Imping

Mahal kong Kagawad,

Nais ko po sanang ipagbigay- alam sa inyong tanggapan ang malimit na pagtatapon ng mga
basura sa dalampasigan na sakop n gating Barangay. Madalas ang pagtatapon ng basura ay
nangyayari tuwing sumasapit na ang gabi. Ito ay lubhang nakakabahala sapagkat alam naman po
natin na ang dalampasigan ng Estrella ay madalas na ginagawang paliguan ng ating mga
kabataan lalong lalo na tuwing sumasapit ang tag- init.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa mabilis na pagtugon ng inyong ahensya hinggil po sa aming


reklamo.

Lubos na gumagalang,

Salvador B. Panelosito
LIHAM NG PAGREREKLAMO

October 1, 2019

MRS. ANECLITA A. SABSAB


Punong Tagapamahala
Ahensya ng Kalusugan

Madam,

Nais po sana naming i- reklamo sa inyong tanggapan ang pag- aalaga ng baboy ng aming
kapitbahay na sina Ginoo at Ginang Balmonte sa kanilang likod- bahay. Para po sa amin, okey
lang nman po ang kanilang pag- aalaga kung hindi po nakakaperwisyo ng kapitbahay. Ang amin
pong mga reklamo ay ang mga sumusunod:

1. Mabaho na po ang lumalabas na amoy mula sa kanilang likod- bahay.


2. Madalas na pag- iingay ng kanilang mga alaga lalong- lalo na tuwing dis-oras ng
gabi.
3. Madalas na pagkakasakit ng aming mga anak dahil sa amoy na nagmumula sa
kanilang mga alaga.

Lubos po naming ipagpapasalamat sa inyo kung ito pong aming reklamo ay mabilis po ninyong
matutugunan.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

SILVANA A. DIOSDADO
LIHAM NG PAGREREKLAMO

October 1, 2019

MRS. GOEGRAFINA A. MENDEZ


Punong Tagapamayapa
Tribu ng mga Cagayanen

Madam,

Nais po naming ipaalam sa inyong tanggapan an gamin pong hinaing sa isa nating kasamahan sa
tribu na si Mr. Leopoldo A. Sacleta. Siya po ay madalas na umuuwing lasing sa kanilang tahanan
na kung saan ay naaapektuhan ang kanyang maybahay at ang kanilang dalawang anak. May mga
pagkakataon po na aming nakikita mula sa aming tahanan ang pananakit ni Mr. Sacleta sa
kanyang asawa tuwing umuuwi poi to ng kanilang tahanan.

Nais po sana naming mabigyan nyo poi to ng karampatang aksyon sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

GINA A. SANTOS
LIHAM NG PAG- APLAY

October 1, 2019

MR. DIGRACIAS A. PINONG


Human Resource Officer
Hotel Alabama

Sir,

Akin pong napag- alaman ang pangangailangan ng inyong kumpanyan ng mga aplikante para sa
bakanteng posisyon bilang Room Attendant. Nais ko po sanang mag- aplay ng trabaho

Ako nga po pala si Michael A. Santos, 23, taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa Purok
Masagana, Bgy. Trinidad, bayan ng Lucena. Ako po ay nagtapos ng Hotel and Restaurant
Management sa Pamantasan ng Lucena taong 20018. Ako po ay may malawak na kaalaman sa
ganitong trabaho dahil sa nakapagtrabaho na po ako nung ako po ay nag- aaral pa.Naging
working student po ako ng Pamantasan ng Lucena sa loob ng dalawang taon.

Kung inyo po akong papaunlakan na makapag- trabaho ay maaari nyio po akong matawagan sa
aking telepono 0915- 254- 2675.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

MICHAEL A. SANTOS
Aplikante
LIHAM NG PAG- APLAY

October 1, 2019

MS JANA A. LOPEZ
Human Resource Officer
NICZ Enterprise

Madam,

Akin pong nalaman mula sa inyong pahayagan ang inyo pong pangangailangan ng karagdagang
mga empleyado sa inyong kumpanya, NICZ Enterprise. Nais ko po sanang mag- sumite ng aking
liham sa pag- aplay at maging isa sa inyong mga Mensahero. Kalakip po ng aking liham na ito
ang aking Buong Detalye ng aking Resume na pwede nyo pong pagkuhanan ng impormasyon
tungkol sa akin.

Lubos po akong magpapasalamat kung ako po ay pauunlakan niyo ng isang interview. Maaari
nyo po akong matawagan sa aking telepono 0912- 364- 1536.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

PETER HENRY A. LUZANO


Aplikante
LIHAM NG PAG- APLAY

October 1, 2019

MS. SUSANA A. SANTOS


Human Resource Officer
Travel Company.com

Madam,

Isang mapagpalang umaga!

Nais ko po sanang mag sumite ng aking lihamsa pag- aplay sa inyong kumpanya, Travel
Company.com. Ang inyo pong paanyaya sa paghahahanap ng mga kwalipikadong indibidwal ay
akin pong napag- alaman mula sa inyong website. Ako nga po pala ay nag- sumite na ng aking
resume sa inyong website.

Kung inyo pong mamarapatin at taos- puso ko pong pauunlakan ang inyong interview
anumang oras na nais nyo po akong ipatawag. Maari nyo po aong matawagan sa aking numero
0912- 185- 1825.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

NICO P. SAN JUAN


Aplikante
LIHAM NG PAG- APLAY

October 1, 2019

MR. NICCOLO A. TRAMPE


Human Resource Officer
Turissimo Hotel

Sir,

Nais ko po sanang mag- aplay sa inyong kumpanya bilang Food Attendant. Ako po ay marami
ng karanasan sa ganitong uri ng trabaho. Malimit na din po akong nakakapag- trabaho bilang
isang “On- Call Food Attendant” sa iba’t ibang mga aktibidad ng mga Hotels and Restaurant
ditto sa ating lalawigan. Madalas po ay naipapadala din po ako sa ibang lugar upang makipag-
compete sa ibang lugar sa larangan ng “Bartending”.

Kung inyo pong pagbibigyan na makuha sa inyong tanggapan, maaari nyo po akong matawagan
sa aking numero 0926- 456- 1234.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

BEN A. LUCIA
Aplikante
LIHAM NG PASASALAMAT

October 1, 2019

MR. VOUGNE A. LOPEZ


Owner
Books Unlimited

Sir,

Nais po sana naming magpasalamat sa inyong kabutihang- loob dahil sa inyong pagbibigay ng
mga libro na malaki ang naitutulong sa aming mga mag- aaral. Kayo po ay taun- taon po at
walang sawang tumutulong sa aming paaralan lalong- lalo na sa aming mga estudyante.

Sa darating pong Miyerkules October 3, 2019, kayo po ay aming iniimbitahan sa aming paaralan
upang dumalo sa aming “Taon ng Pasasalamat”. Ito po ang aming aktibidad sa aming paaralan
para sa aming mga ka- partners na walang sawang tumutulong sa aming munting paaralan.
Umaasa po kami na kayo po ay makakadalo sa aktibidad na ito

Marami pong salamat.

Lubos na gumagalang,

TANYA A. LUCIL
Principal
Magayum Elementary School
LIHAM NG PASASALAMAT

October 1, 2019

MRS. TANYA A. CARCACENA


Department Head
City Social Welfare

Madam,

Nais ko po sanang magpasalamat sa inyong tanggapan dahil sa lubos nyo pong pagtulong sa
aking anak inoperahan dalawang Linggo na ang nakakalipas. Ang akin pong anak ay si SAB A.
DIOSDADO na nakaranas ng sakit na Acute Ulcer. Sa tulong po ng inyong ahensya ay mabilis
po ang pagtugon sa amin ng ospital na nagging dahilan ng mabilis na pagsasagawa ng operasyon
sa kanya.

Sa ngayon po ay patuoy na nagpapagaling na an gaming anak sa aming tahanan sa Bgy.


Maligaya.

Muli ay tanggapin po ninyo ang akin pong taus- pusong pasasalamat. Patuloy po sana kayong
biyayayan ng malusong na pangangatawan upang marami pa po kayong matulungan.

Maraming- maraming salamat po.

Lubos na nagpapasalamat,

GNG. PANI A. DIOSDADO


LIHAM NG PASASALAMAT

October 1, 2019

MRS. CRECENCIA A. SANTOS


Department Head
City Social Welfare

Madam,

Isang mapagpalang umaga!

Ang amin png grupo ng Tagbanua mula sa Bundok ng Himalayas ay taus- pusong
nagpapasalamat sa inyong tanggapan. Sa lahat po ng inyong pagsisikap na maabot kami ng
inyong tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkain, kasuotan at mga gamot sa lahat
ng mga kasapi ng aming tribu. Ito po ay tatanawin naming na malaking utang na loob. Asahan po
ninyo an gaming suporta sa lahat ng inyong mga aktibidad ng inyong ahensya

Muli maraming maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Salik-A Baob
Punong Tagapamahala
Tribu ng Tagbanua
LIHAM NG PASASALAMAT

October 1, 2019

MR. LEONARDO D. SAURICIO


Officer-In- Charge
Sagip- Bata Inc.

Sir,

Ang amin pong grupo ng mga Senior Citizens ditto sa Bayan ng Talavera ay lubos na
nagpapasalamat sa inyong isinagawang Medical Mission sa aming lugar. Bilang pagpapasalamat,
kayo po sampu ng inyong mga kasamahan ay iniimbitahan po naming sa aming nalalapit na
kapyestahan sa darating na October 15, 2019. Maraming pong naihandang mga aktibidad ang
aming grupo na sa tingin po naming ay inyo pong magugustuhan.

Lubos po kaming magpapasalamat sa inyo kung an gamin pong imbitasyon ay inyo pong
pagbibigyan.

Maraming salamat po.

Lubos na nagpapasalamat,

EUGENIO A. CARDINAL
LIHAM NG PASASALAMAT

October 1, 2019

PSUPT. SALVADOR A. TRINIDAD


Police Chief
Baa Police Station

Sir,

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong mabilis na aksyon sa aming kahilingan na pagronda


sa aming Purok dahil sa madalas na nakawan. Dahil po sa inyong presensya ay wala na pong
nangyayaring nakawan sa aming lugar. Sa tingin po namin ay nagging matagumpay po ang
inyong gabi- gabing pag- iikot sa aming lugar na siyang dahilan upang matakot na ang mga
taong gumagawa ng mga mga krimen.

Saludo po kaming lahat sa inyong mabilis na aksyon.

Maraming salamat po.

Lubos na nagpapasalamat,

CELSO A. ADIER
Purok Leader
Purok Milagrosa
LIHAM NG PAMIMILI

October 1, 2019

MRS. CRECENCIA A. SANTOS


Operations Chief
Manila Trade

Madam,

Ninanais po ng aming samahan ng mga Magninyog dito sa Bayan ng Talavera na inyong


masubukan an gaming mga ipinagmamalakaing produkto. Kami po ay gumagawa ng iba’t ibang
mga produkto mula sa prutas ng niyog.

Maari nyo pong matawagan an gaming samahan sa numero 0914- 286- 1672.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

MICHAEL A. DAYRIT
Marketing Officer
Coconut Planters

You might also like