You are on page 1of 5

LIHAM PAKIKIRAMAY

Bucay, Abra

March 22, 2017

Mahal kong Linda,

Kaming magkakaklase ay nakikiramay sa pagkamatay ng iyong Lolo Sebyo.


Huwag kang labis na malungkot. Ipinagdarasal namin ang kanyang kaluluwa. Nawa ay
maging matahimik siya sa kabilang buhay.

Ipahatid mo sa iyong pamilya ang aking pakikiramay at ng aking mga kamag-aral.

Ang iyong kaibigan,

CHUNSEY
LIHAM PASASALAMAT

Bucay, Abra

March 22, 2017

Mahal kong Jesica,

Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mong bagong damit noong magtatapos


ako sa Mababang Paaralan.

Ang sabi ng nanay ko ay bagay na bagay raw sa akin ang kulay ng tela at yari
niyon. Lalo raw akong nagmukhang dalagita.

Hustong-husto iyon sa akin. Ang sabi nga ng kapatid ko ay para raw isinukat.
Talagang tuwang-tuwa ako at gandang-ganda sa iyong regalo.

Salamat na muli.

Nagmamahal,

CHUNSEY
LIHAM NAG-AAPLY NG TRABAHO

Bucay, Abra

March 22, 2017

Gng. Maria Christina Villar


Manager

Mahal kong Gng. Villar:

Ito po ay bilang pagpapahayag ko ng interest na maging kawani ng iyong kompanya


bilang isang Executive Assistant.Batid ko po na tinataglay ko po ang hinahanap ng iyong
kompanya para sa nabanggit na posisyon.

Kalakip ko nito ang aking bio-data.

Umaasa po ako na bibigyan ninyo ng atensyon ang liham kong ito.

Nagpapasalamat,

CHUNSEY VIERNES
LIHAM NAGBABALITA
Bucay, Abra

March 22, 2017

Mahal Kong Brian,

Kamusta ka aking kaibigan? Sana ika'y nasa mabuting kalagayan at patuloy pa ding
nananalig sa Diyos. Matutuwa ako lalo sayo kung ika'y patuloy pa ding nagpapasaya ng
mga tao sa paligid mo. Sadyang hindi ko pa din makalimutan ang ating mga masasayang
araw noong tayo'y magkakaklase pa. Malugod ko kayong inaalala simula ng tayo'y
magkahiwahiwalay.

At kung ako nama'y iyong tatanungin, tila'y tumatanda at lumalaki pa din akong malusog
at inaalagaan pa din ang aking sarili. Wala namang bago sa akin ngayon, kung ano ako
dati'y ay ganun parin naman aqh; sa pagiisip, sa paguugali maging sa pananamit, at ito na,
nais kitang balitaan sa aking matuwirang pagpapapayat ngayon. SlenFit ang aking
iniinom at ang pageeehersisyo sa gym ang aking pinagkakabalahan. Abayy! Sadyang
kaytagal din ng ako'y nabulag sa mga pagkaing sagana sa kolesterol. Sabagay ay hindi ko
naman ito pinagsisishan, kundi dahil dito, hindi ako matututong disiplinahin at mulatin
ang aking sarili.

Kinasasabikan ko ang muli nating pagsasamasamang magkakamag-aral.

Ang iyong kaibigan,

CHUNSEY
LIHAM NAG-AANYAYA

Bucay, Abra

March 22, 2017

Mahal kong tita Ana,

Inaanyahan ko po kayong pumunta sa aking graduation na magaganap sa April 6


alas 8 ng umaga.Alam ko pong matutuwa kayo para sa akin dahil magtatapos ako ng
elementarya na may sertipiko at diplomang matatanggap.

Inaasahan ko po ang inyong pagdating.

Nagmamahal,

CHUNSEY VIERNES

You might also like