You are on page 1of 1

Liham panawagan

Kagalang-galang na Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan,

Sa mga nagdaang buwan, maraming sinalubong na pagsubok ang ating bansa. Hindi
maikakaliang ang pinakamaliki rito ay ang pandemyang dulot ng COVID-19 at ang ‘di
mapigilang paglobo ng mga kaso ng may sakit nito. Sa laki ng problemang ito, hindi ko
po maiwasang magtanong sa loob ng aking isipan:
Bakit gumawa pa kayo ng isa pang problema, ang problema ng pagpaso ng franchise
ng ABS-CBN?
Sa mga pagdinig ng Kamara, amin pong nababatid na may mga pagkukulang ang
nasabing media network. Hindi patas ang pay-per-view na programa nitong KBO at may
dose-dosena pang mga isyu ng dapat talakayin at maresolba bago mabigyan muli ng
prangkisa ang ABS-CBN. Hindi pala...bago mapaso ang prangkisa nito. Ito ay sapagkat
2014 pa lamang ay hinihiling na ng network ang pag-renew ng prangkisa; hindi ito
naaksyunan hanggang ilang buwan na lamang ang inilagi ng prangkisa nito. Noong
tumama ang pandemya, mas lalong hindi ito natugunan hanggang sa tuluyang huminto
ang pag-ere ng ABS-CBN. Saka pa lamang ito naaksyunan.
Kung may mga pagkukulang po ang ABS-CBN sa mata ng batas ay marapat lamang na
mabigyang katarungan ang paglabag. Datapwat kung may pagkukulang ang Kongreso,
hindi ba na nararapat ding malitis ang nagkulang sa mata ng batas? Kayo po ay
nabigyan ng tyansang maituwid ang pagkukulang ninyo. Ngunit ang ABS-CBN ay hindi
man lang nakatikim ng parehong oportunidad na iyon na inyo namang ibinibigay sa
napakaraming organisasyong napaso rin ang prangkisa. Kagalang-galang na Ginoong
Cayetano...
Bakit po?
Masagot niyo po sana ang aking munting katanungan ng tapat sa harap ng Diyos at ng
Inang Bayan.

Lubos na gumagalang,

Juan dela Cruz

You might also like