You are on page 1of 2

Mayo, Girlie Rachelle B.

Ika-19 ng Mayo, 2020


BSMA 1A Filipino sa Iba’t-ibang Disiplina

Ang Kontrobersyal na Pagpipinid ng ABS-CBN


(Reaksyong Papel)

Nito lamang ika-5 ng Mayo ay matatandaang nagbitiw ng pasasalamat at


pamamaalam na salita ang programa ng ABS-CBN na syang naghatid ng kalungkutan sa
mga tagapanood at tagasubaybay nito sa loob ng dalwampu’t limang taong pagseserbisyo
ng nasabing programa sa publiko. Nagdulot ng komosyon at palitan ng opinyon o kuro-
kuro hindi lamang ng mga ordinaryong tao sa social media kundi pati na rin ng mga
matataas na tao sa kongreso. Ayon sa iba, hindi dapat ito ipinasara kaagad at binigyan ng
pagkakataong maisaayos ang anumang pagkukulang nila lalo pa’t isa ang tv station na ito
sa mga pinagkukunan ng balita na siyang kailangan ngayon ng masa sa gitna ng
kinakaharap na pandemya. Salungat sa pananaw ng iba na nararapat lamang ito upang
matutunan ng ABS-CBN ang sumunod at tumalima sa takdang oras at mga alintuntinin.
Ang pagkukulang umano ng nasabing programa na magsumite ng importanteng mga
dokumento na nagdulot ng pagkapaso ng kanilang prangkisa at ang pagpapabayad sa mga
hindi dapat pabayaran sa mga tagapanood ang ilan sa mga naging dahilan ng pagpapasara
sa kanila ng National Telecommunications Commission.

Kung tatanungin ang aking kuro-kuro ukol dito, ang naturang pagpapasara sa
pinakamalaking tv station na ito sa bansa ay nararapat lamang dahil may mga batas
tayong sinusunod. Nasa sa batas na hindi maaaring mag-operate ang anumang mga
kumpanya ng wala o napaso na ang prangkisa nito. Kahit gaano man kahalaga ang
kumpanyang ito sa masa nararapat pa ring sundin at pakilusin ang batas. Paano susundin
ng mga maliliit na tao ang batas na para sa kanila kung mismong ang isang
maimpluwensyang kumpanyang kagaya nito ay hindi kayang sumunod sa batas na
itinalaga sa kanila? Kung ipapasok naman ang isyung pangangailangan ng tagapagbalita
sa gitna ng pandemya ay marami pa namang ibang mga programa ang naghahatid ng
mapagkakatiwalaang balita. Hayaan nating matuto ng kaniyang leksyon at managot sa
Mayo, Girlie Rachelle B. Ika-19 ng Mayo, 2020
BSMA 1A Filipino sa Iba’t-ibang Disiplina
pagkukulang ang siyang dapat. Kahit mahirap man sa nakararami sa atin, isipin nating
para din naman sa ipagkakatuto nila ito.

You might also like