You are on page 1of 1

Sa pagsasara ng ABS-CBN, nararapat lamang na matalakay ang higit na malalawak na karapatang lagpas

pa sa kaparatan ng mga may-ari at manggagawa ng network. Nangunguna na rito ang freedom of the
press o kalayaan ng pamamahayag, na ginagarantiya ng Saligang Batas. Nakasaad sa Section 4, Article III
ng 1987 Constitution na “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of
the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of
grievances.” Kaya naman di ako sang-ayon sa pagpapasara sa istasyon dahil sa malinaw na ang pag-
atake sa ABS-CBN ay dahil sa kapansin-pansing kawalan ng pinapanigan nito. Kahit anong masusing
pagsusuri ng pagbabalita ng public affairs ng network ay sasang-ayon na walang political agenda sa likod
ng mga ulat at palabas nito. Maaari ko pang maituro ang ilan sa mga kilalang taga-pagbalita (anchor ng
network) na tila may simpatya sa kasalukuyang administrasyon kahit na nag-uulat sila ng mga
mahahalagang balita ukol sa kapalpakan ng pamahalaan.

Sa aking palagay ay Isang itong babala para sa lahat ng iba pang organisasyong pang-medya ang
pagsasara ng ABS-CBN na nagpapahiwatig ang administrasyon na "Kayo na ang susunod! Hahabulin
namin kayo!". Mabuti naman at karamihan sa mga mamamahayag at organisasyong pang-medya,
kasama na ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at ang Kapisanan ng mga
Broadcasters ng Pilipinas (KBP), ay nagbigay ng mariing suporta sa network. Gayon din naman, naglabas
din ng matapang na pahayag ang mga samahan ng mga abugado tulad ng Free Legal Assistance Group at
National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) at human rights organizations tulad ng Karapatan.

Bakit ako di sang-ayon sa pagpapasara sa ABS-CBN sa kadahilanang higit na mapaminsala at anti-poor sa


panahon ng pandemya ang aksyong ito ng administrasyong Duterte. Ang mga istasyon ng TV at radyo ng
ABS-CBN ang dalawa sa pangunahing pinagkukunan ng impormasyon at entertainment ng milyun-
milyong Pilipino, karamihan ay nasa malalayo at liblib na lugar, at marami sa kanila ay walang internet o
cable TV, sa gayon ay wala ring daan upang makakuha ng alternatibong balita hinggil sa mga nangyayari
sa kasalukuyan. Marami ring mga overseas Filipino ang umaasa sa ABS-CBN para sa balita. Maaari pa
ring Makita ng mga may cable ang ilan sa mga palabas ng istasyon, ngunit ang mga mahihirap ay walang
kakayahan upang magawa ito. Samakatuwid, ang pagpapasara dito ay isa ring pagyurak sa karapatan ng
bawat Pilipino para sa impormasyon at entertainment.Panghuli, nilalagay din sa panganib ng pagsasara
ng ABS-CBN ang kabuhayan ng mga manggagawa nito. At para sa mga artists – ang mga creatives,
direktor, manunulat, aktor at iba pang tao na dito umaasa.Tinanggal din ang kalayaang magpahayag ng
sarili mula sa kanila.

Palaging sinasabi ng mga abugado at mga mag-aaral ng batas na dapat ipatupad ang batas kahit sino
man ang masaktan. Kung saan wala ng hard law na hindi maaaring mabali upang makamit ang
katarungan o ‘di kaya ay makalabag ng mga batayang karapatan.

You might also like