You are on page 1of 4

ANTI-TERROR LAW

For me hindi dapat pinatupad ang RA11479 Anti Terrorism Act. Dahil sa batas na to nawalan
tayo ng freedom of speech. Isa rin ito sa dahilan kaya maraming mamayan ng Pilipinas na nag
wewelga. Mapanganib rin ito dahil maaring maraming mapahamak na inosenteng tao lalot
marami saatin ang nakikilahok sa pag rarally.

Ang terrorism ay Isang lehitimong panganib sa kahit anong bansa.

Ngunit ang pagpasa ng isang batas Laban sa terrorism na may maraming probisyong tila
nagwawalang-bahala sa Karapatan pantao ng mga mamamayan ay dapat tutulan, ayon sa
maraming grupo at mga indibidwal sa Pilipinas.

Ang anti-terror bill ay ipinasa ng Kongreso nitong ika-3 ng Hunyo. Pirma na lamang ni
Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay bago ito maging ganap na batas.

Noong 26 Pebrero 2020, ipinasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 1083 o
ang Anti-Terror Bill. Noong 1 Hunyo 2020, pinatotohanang kagyat ni Pangulong Rodrigo
Duterte ang nasabing panukalang batas. Dalawang araw pagkatapos, sa kabila ng oposisyon mula
sa iba’t ibang grupo, inaprubahan ng Kamara ng mga Representante ang bersyon nitong House
Bill 6875. Ang layon ng panukalang batas ay baguhin at ipawalang-bisa ang Republic Act 9372
o ang Human Security Act of 2007 (HSA), na bagamat paksa ng kritisismo ng mga grupong
nagtataguyod ng karapatang pantao dahil sa posibleng abuso mula sa mga tagapagpatupad, at sa
maling gamit ng salitang human security noong isinabatas ito, ay ayaw din ng mga
magpapatupad dahil sa mga sanggâ nito laban sa abuso. Kung ano man, inaalis ng Anti-Terror
Bill ang sanggâ na mayroon ang HSA at binabawasan ang parusa sa pag-abuso sa
kapangyarihang magpasya ng mga Autoridad.

Sinasaad ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas na walang anumang batas ang maaaring ipasa na
magkakait ng buhay, kalayaan, at pag-aari sa sinumang tao nang hindi dumadaan sa marapat na
kaparaanan ng batas. Bagamat kinikilala namin ang problemang dulot ng terorismo at ang
pangangailangang epektibong makatugon ang mga tagapagpatupad ng batas, nangangamba rin
kami sa kung paano makaaapekto ang panukalang batas sa indibidwal at kolektibong karapatang
pantao. Sa particular, nais naming ituon ang atensyon sa mga sumusunod na isyu.
Malabong Kahulugan at Pag-abuso sa
Kapangyarihan

Anumang batas na nagpapataw ng parusa sa tao o grupong napatunayang nagkasala ay


kailangang maging malinaw sa pagpapakahulugan kung ano ang salà. Sa ilalim ng panukalang
batas, pinalawak ang saklaw ng gawaing “terorismo” at maaaring magkaroon ng maraming
interpretasyon. Ang malabong pagpapakahulugan sa “terrorists” at “acts of terrorism” ay
maaaring humantong sa pag-abuso ng kapangyarihan, lalo na kung bawas na ang pagbabantay ng
kaukulang institusyon.

Gayundin, pinalalawak ng panukala ang kasapian ng Anti-Terrorism Council (ATC), upang


maisama ang ibang pinuno ng mga departamentong pang-ehekutibo (Seksyon 45, SB 1083 at HB
6875). Ang kaso, lahat ng kasapi rito’y nananatiling mga alter-ego o mga itinalaga ng sinumang
umuupong pangulo. Binibigyan din ng kapangyarihan ang ATC na magtukoy ng mga tao o
organisasyon bilang terorista, dagdag pa sa natukoy na ng United Nations Security Council, para
mamanmanan at maimbestigahan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Maliban sa
probable cause, walang batayan ang ATC sa ganitong pagtukoy. Madali itong magkaroon ng
arbitraryong interpretasyon at aplikasyon, lalo na kung walang partisipasyon ang mga sangay ng
gubyerno na hindi saklaw ng Ehekutibo, tulad ng Komisyon sa Karapatang Pantao (CHR)
(Seksyon 25, SB 1083 at HB 6875).

Binawasan na ang mga sanggâ. Sa panukalang aprubado ng Kongreso, binabaan ang parusa sa
hindi awtorisado at malisyosong eksaminasyon at paggamit ng maling ebidensya, mga dinayang
dokumento, o mga pekeng ebidensya (Seksyon 37 at 43, SB 1083 at HB 6875).

Gayong nasa kamay ng ATC ang pagpapasya at bawás ang parusa sa abusadong interpretasyon
ng batas, maaaring magkaroon ng mga paglabag sa karapatan ng isang indibidwal sa due process.
Ibig bang sabihin nito’y ipagpapalagay munang nagkasala ang isang tao bago patunayang
inosente?

Pagmanman at Pagkulong

Sa panukala, ang panahon ng pagmanman ay pinahaba mula sa 30 tungong 60 araw. Kasama sa


pagmanman ang paghahanap, pagbuntot, o pag-imbestiga sa indibidwal o organisasyon; o ang
pag-wiretap, pakikinig, intersepsyon, pagsilip, pagbasa, at pagrekord ng mga mensahe, usapan,
talakayan, binigkas o sinulat na mga salita, kabilang ang pagmanman sa computer at network, at
iba pang komunikasyon ng mga indibidwal na pinararatangan o pinaghihinalaang sangkot sa
terorismo (Seksyon 16, SB 1083 at HB 6875). Kahit kailangan ang awtorisasyon ng huwes bago
magsagawa ng pagmanman, ang mekanismo at kagamitang ginagamit sa mga tinukoy na gawain
ay nananatiling nasa kontrol at pagpapasya ng mga yunit at tauhan sa paniktik ng militar.

Ang panahon ng pagkukulong sa pinaghihinalaang terorista nang walang warrant of arrest galing
sa huwes ay itinaas din mula tatlo hanggang labing-apat na araw at maaari pang pahabain ng
sampung araw sa maksimum. Gayundin, hindi kailangang iharap ng umaarestong upisyal ang
pinaghihinalaan sa isang huwes (Seksyon 29).

Lumalabag ang mga probisyong ito sa karapatan ng tao sa komunikasyon at pribasiya na


sinumpaan ng estado na pagsisilbihan at poprotektahan.

Di na Kailangan ang Atas ng Korte

Isang bahagi ng panukalang batas ang nilaan sa kapangyarihang mag-imbestiga, sumilip at


sumiyasat sa mga deposito sa bangko ng isang akusado. Sa kasalukuyang batas, kailangan ng
nakasulat na atas mula sa Court of Appeals (CA) bago mabuksan ang deposito ng isang akusado.
Ito ang sanggâ na magtitiyak na walang malisyosong imbestigasyon ang maaaring isagawa at
walang lalabaging karapatan ninuman.

Sa pinapanukala, hindi na kailangan ng Anti-Money Laudering Council (AMLC) ng atas mula sa


korte para makapagsagawa ng imbestigasyon (Seksyon 35, SB 1083 at HB 6875). Maaari itong
humantong sa mga walang-habas na imbestigayon ng AMLC, sa utos ng ATC, sa mga kalaban
sa pulitika, kritiko, at oposisyon ng alinmang administrasyon.

Ang Papel ng Komisyon sa Karapatang


Pantao

Pinanatili ng panukalang batas ang inaasahan sa Komisyon sa Karapatang Pantao (CHR) na


magbigay ng “pinakamataas na prayoridad sa imbestigasyon at pagsasakdal sa mga paglabag sa
karapatang sibil at pulitikal ng mga tao kaugnay ng pagpapatupad” ng batas na ito. Ngunit
tinatanggal na sa CHR ang “concurrent jurisdiction” na isakdal ang mga lumabag sa karapatang
sibil at pulitikal ng mga taong napaghinalaan o ikinulong sa mga krimeng nasasaad at maaaring
parusahan sa ilalim ng batas na ito (Seksyon 47, SB 1083 at HB 6875).

Upang maiwasan ang mga abuso sa bahagi ng ehekutibong sangay, kailangan ang pagbabantay
ng lehislatibong sangay. Ang kaso, sa ilalim ng panukalang batas, lubhang pinalabnaw ang
kapangyarihang magbantay (Seksyon 50, SB 1083 at HB 6875).

Ginawang taunan imbes na dalawang beses sa isang taon ang pag-uulat ng ATC sa Kongreso.
Hindi kailangang may rekomendasyon para sa muling pagtatasa, pagbabago, o pagpapawalang-
bisa ng Batas at iba pang probisyon tungkol sa awtorisasyon ng pagmanman sa taong
pinaghihinalaan o akusado. Gayundin, hindi obligadong mag-ulat tungkol sa istatus ng mga kaso
ang mga korteng mayhawak nito sa dalawang Kamara ng Kongreso at sa Pangulo.

Ang pagbabawas sa kapangyarihang magbantay ay nagbubukas ng posibilidad sa mga abuso sa


pagpapatulad ng batas. Imbes na magsilbing bantay sa kapangyarihan ng ehekutibo, ang ibang
sangay ng gubyerno ay nagiging kasapakat pa sa sistematikong pagkakait ng mga karapatan.

Lubha rin kaming nababahala sa napiling panahon at paraan ng pagpapasa ng panukalang ito. Sa
gitna ng isang pandemya, pinili pa ng Kongreso na unahin ang isang anti-terror law, na
nagbubunsod ng takot imbes na malasakit. Higit dito, may mga kritikal na desisyong ginawa sa
loob lamang ng ilang araw—sadyang maikling panahon para sa isang hakbanging
nangangailangan ng masusing pagbusisi.

Ilang miyembro ng Kamara ng mga Representante, sa partikular, ang hindi binigyang-


pagkakataon ng liderato ng Kamara na maghapag ng rebisyon sa bersyon ng Senado at
inaprobahan nang buo ng mayoriya ang bersyong ito ng Senado. Nagkaroon ba ng masusing
pagbasa ng mga probisyon at maingat na deliberasyon sa mga mungkahing pagbabago? Ano’t
kailangan ng ganitong pagmamadali sa panahon pa man din ng kagipitan sa pampublikong
kalusugan?

Mariin din naming kinukundena ang marahas na dispersal sa mga mapayapang nagpoprotesta
laban sa panukala, sa isang demonstrasyon noong 5 Hunyo 2020 sa campus ng Unibersidad ng
Pilipinas Cebu. Kunwang pagpapatupad daw iyon ng general community quarantine sa lungsod.
Kung ang isang batas na sinasabing pumuprotekta sa pampublikong kalusugan ay ipinapatupad
sa abusadong paraan tulad nito, paano pa kaya ang panukalang Anti-Terror Bill, at ang mga
problematiko nitong probisyon?

Bagamat hindi kabilang ang adbokasiya, protesta, pagsalungat, pagtigil sa trabaho, industriyal o
maramihang pagkilos, at iba pang paraan ng pagsasabuhay sa karapatang sibil at pulitikal, may
panganib kung ipapasakamay sa ehekutibong sangay ang kapangyarihan ng pagsupo sa
terorismo. Kapag inabuso, ang batas na ito’y magkikintal lamang ng takot sa mga kritiko ng
alinmang administrasyon—isang walang kaparis na sandata.

Para saan pa ang freedom of speech kung itong batas na to ay hindi tayo hahayaang magsalita at
magbigay ng saloobin.

You might also like