You are on page 1of 2

PISIKAL NA PARUSA SA MGA TAONG NAPATUNAYANG NAGKASALA

Isa sa mga isyung paulit-ulit na nababanggit at paulit-ulit ding pinagdedebatihan ay ang


Pisikal na parusa sa mga taong napatunayang nagkasala.

Maraming tao ang malayang ginagawa ang mga bagay na hindi dapat o lumalabag na sa
batas. Ito ay dahil sa pag-aakalang ayos lang sapagkat ikukulong lang naman sila. Ang
mga biktima ay dumarami at dumarami rin ang mga kriminal na nararapat nang itigil.

Nararapat na tapusin muna na pag-aralan ng mabuti ang kaso bago bigyan ng pisikal na
parusa. Maraming inosente ang nadamay sa mga ganitong isyu dahil sa kakulangan sa
ebedensya, kaawa-awang tignan ang mga taong naituro lamang lalong-lalo na yung mga taong
walang kalaban-laban.

Hanggang ngayon ay marami paring nagdedebate tungkol dito. May mga nagsasabing ito
ay tama sapagkat ito ang nararapat nilang matanggap na parusa sa kanilang nagawang kasalanan.
Nararapat na panagutan nila at bigyan ito ng pansin ng mga may kapangyarihan na ipatupad ito.

Anumang batas na nagpapataw ng parusa sa tao o grupong napatunayang nagkasala ay


kailangang maging malinaw sa pagpapakahulugan kung ano ang salà. Sa ilalim ng panukalang
batas, pinalawak ang saklaw ng gawaing “terorismo” at maaaring magkaroon ng maraming
interpretasyon. Ang malabong pagpapakahulugan sa “terrorists” at “acts of terrorism” ay
maaaring humantong sa pag-abuso ng kapangyarihan, lalo na kung bawas na ang pagbabantay ng
kaukulang institusyon.
Ayon sa mga estudyante na may kursong Political Science (PolSci) sa University of the
Philippines Diliman (UPDiliman), may karapatang malaman ng akusado ang kanyang sala. Isa sa
mga karapatang ginagarantiyahan ng Konstitusyon ay ang maipaalam sa akusado ang kalikasan
at dahilan ng akusasyon laban sa kanya.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang aarestong upisyal o pinuno ng piitan ang siyang
magpapabatid sa akusado ng kanyang karapatan sa sandali ng pag-aresto (Seksyon 30, SB 1083
at HB 6875) at detensyon (Seksyon 29, SB 1083 at HB 6875). Ngunit ipinapanukala na ilan sa
mga umiiral na karapatan sa HSA ay tanggalin.

Sa HSA, ang taong minamanmanan o ang isang akusado ay may karapatang malaman
ang mga gawain ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas at hamunin sa korte ang ligalidad ng
gayong panghihimasok (Seksyon 9, HSA). May karapatan din ang akusado na malaman kung
itinigil na ang pagmanman, panghihimasok at pagrekord, kung wala namang isinampang kaso ng
paglabag sa anumang batas (Section 10, HSA). Ngunit sa ilalim ng ipinapanukalang hakbangin,
tinanggal na ang mga bahaging ito. May restriksyon din at limitasyon na makita ang mga rekord
at talaan, na maaari sanang gamitin ng akusado sa pagsasampa ng kaso laban sa mga nagsagawa
ng malisyosong imbestigasyon sa kanya. (Seksyon 32 at 37, SB 1083 at HB 6875).

Maaaring maging walang kaalam-alam ang akusado sa nangyayari. Kung limitado ang
impormasyon, hindi siya makakatugon nang maayos sa anumang akusasyon sa kanya. Ito rin ay
paglabag sa karapatan niya sa due process. Kadalasang hindi pumuprotekta sa mahihirap at
walang kapangyarihan ang tinatawag na mga “sanggâ”.

Sinasaad ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas na walang anumang batas ang maaaring


ipasa na magkakait ng buhay, kalayaan, at pag-aari sa sinumang tao nang hindi dumadaan sa
marapat na kaparaanan ng batas. Bagamat kinikilala namin ang problemang dulot ng terorismo at
ang pangangailangang epektibong makatugon ang mga tagapagpatupad ng batas, nangangamba
rin kami sa kung paano makaaapekto ang panukalang batas sa indibidwal at kolektibong
karapatang pantao.

Perez, March Irich B.

12 STEM – Galilei

You might also like