You are on page 1of 3

Mga sakop

Ang lahat ng mga sistemang batas ay tumutungkol sa parehong mga pangunahing isyu bagaman
ang mga hurisdiksiyon ay umuuri at tumutukoy sa mga paksang legal ng mga ito sa iba't ibang
paraan. Ang karaniwang distinksiyon ang sa pagitan ng "publikong batas"(public law) na terminong
malapit na kaugnay sa estadokabilang ang konstitusyonal, administratibo at kriminal na batas at ng
"pribadong batas"(private law) na sumasakop sa mga kontrata, tort at pag-aari. Sa mga sistemang
sibil na batas, ang kontrata at tort ay nahuhulog sa pangkalahatang batas ng mga obligasyon
samantalang ang mga batas tiwala(trust law) ay tinatalakay sa ilalim ng mga statyutoryong rehimen
o mga internasyonal na konbensiyon.

Batas internasyonal
Ang batas internasyonal ay maaaring tumukoy sa tatlong bagay: publikong internasyonal na batas,
pribadong internasyonal na batas o alitan ng mga batas at ang batas ng supranasyonal na mga
organisasyon.

Batas konstitusyonal at administratib


Ang batas konstitusyonal at administratibo ay nangangasiwa sa mga isyu ng estado. Ang
konstitusyonal na batas ay tumutungkol sa parehong ugnayan sa pagitan ng ehekutibo, lehislatura,
at hudikatura at ang mga karapatang pantao o mga sibil na kalayaan ng mga indibidwal laban sa
estado.

Batas kriminal
Ang batas kriminal na kilala rin bilang penal na batas(penal law) ay nauukol sa mga krimen at
mga parusa. Ito ay nangangasiwa ng depinisyon at mga parusa para sa mga paglabag na may
sapat na mapanganib na epekto sa lipunan ngunit sa sarili nito ay hindi gumagawa ng moral na
paghatol sa lumabag o nagpapataw ng mga restriksiyon sa lipunan na pisikal na pumipigil sa mga
tao na gumawa ng krimen sa simula pa lamang. Ang pag-iimbestiga, pagdakip, pagkakaso, at
paglilitis sa mga sinusupetsahang manlalabag ay pinangagasiwaan ng batas ng kriminal na
pamamaraan. Ang modelong kaso ng isang krimen ay nakasalig sa pagpapatunay na lagpas sa
makatwirang pagdududa(beyond reasonable doubt) na ang taong ito ay talagang gumawa(guilty) ng
dalawang bagay. Una, ang akusado ay dapat gumawa ng aktong itinuturing ng lipunan na kriminal o
actus reus(guilty act o aktong nagpapatunay na gumawa ng kasalanan). Ikalawa, ang akusado ay
dapat may paunang malisyosong layunin na gumawa ng aktong kriminal o mens rea(guilty mind).
Gayunpaman, sa mga striktong liabilidad na mga krimen, ang actus reus ay sasapat. Ang mga
sistemang kriminal ng tradisyong batas sibil ay nagbubukod sa pagitan ng intensiyon sa malawak na
kahulugan(dolus directus at dolus eventualis) at kapabayaan(negligence). Ang kapabayaan ay hindi
nagdadala ng kriminal na responsibilidad malibang ang isang partikular na krimen ay nagbibigay dito
ng parusa. Ang halimbawa ng mga krimen ay kinabibilangan ng pagpatay, pag-

atake(assault), pandaraya at pagnanakaw. Sa mga eksepsiyonal na sirkunstansiya, ang


pagtatanggol(defence) ay maaaring ilapat sa mga spesipikong akto gaya ng pagpatay sa
isang pagtatanggol sa sarili(self defence) o pagsasamo ng kabaliwan.

Batas kontrata
Ang batas kontrata ay tumutungkol sa maipatutupad na mga pangako at sinusuma ng pariralang
Latin na pacta sunt servanda (ang mga kasunduan ay dapat tuparin).

Batas tort
Ang mga tort na minsang tinatawag na delict ang mga kamaliang sibil. Upang makagawa ng aktong
tort, ang isang tao ay dapat lumabag sa tungkulin ng isa pang tao o lumabag sa isang umiiral na
karapatang legal. Ang isang simpleng halimbawa ay aksidental na pagtama sa isang tao ng bola ng
kriket. Sa ilalim ng batas ng kapabayaan na pinakaraniwang anyo ng tort, ang nasaktang partido ay
maaaring mag-angkin ng kompensasyon sa mga pinsalang nakamit sa responsable partido.

Batas ng pag-aari
anAng batas ng pag-aari ay nanganasiwa sa mga mahahalagang bagay na tinatawag ng mga taong
"kanila". Ang pag-aaring real o estadong real(real estate) ay tumutukoy sa pag-aari ng lupa at mga
bagay na nakakabit dito. Ang pag-aaring personal ay tumutukoy sa lahat ng iba pang bagay gaya ng
mga gumagalaw na bagay tulad ng kompyuter, kotse, alahas, tinapay o hindi mahahawakang
karapatan gaya ng stock at mga bahagi.

Sa etika at pilosopiya
Sa etika at pilosopiyang moral, kadalasang tinatawag na "kodigo legal ng tao" ang ganitong uri ng
batas upang ibukod ito sa mas fundamental na batas na maaaring ilapat sa lahat ng nilalang
(metapisika, ontolohiya). Maaaring makita ang gayong mga batas bilang pinagtibay na legal
na kodigong etika o bilang "kodigong moral na secular" (sa antas na napalitan ng mga pinunong
pampolitika ang mga relihiyosong pinuno bilang halimbawang moral).

Sa pananampalataya
pananampalatayang katulad ng Hudaismo, Katolisismo at Kristiyanismo partikular na sa Lumang
Tipan ng Bibliya tinatawag na Batas ang unang limang aklat ng Bibliya, na kilala rin
bilang Tora (sa Hudaismo) at Pentateuko. Naglalaman ang unang limang aklat na mga ito ng lahat
ng mga panuntunan o patakarang moral ng Diyos kung paano nararapat sambahin ng Israel ang
Diyos, at kung paano rin sila dapat mamuhay bilang mga tao o mamamayan ng Diyos. Dahil sa
pagiging likas na makasalanan ng lahat ng mga tao, hindi maaaring makagawa
ng pangangatwiran ang Banal na Batas na ito ng Diyos, subalit naging tama at naaangkop
siHesus sa harapan ng Diyos bilang isang handog para sa mga tao ng Diyos. Tumutukoy din ang
batas sa lahat ng praktikal na mga alituntuning nais ng Diyos na sundin ng tao, mga instruksiyon na
tumutulong sa taong maipakita ang kanilang pagmamahal sa Diyos, at nagsasabing kung paano sila

makapapamuhay ng mapayapa sa piling ng isa't isa. Bilang dagdag, itinuturo pa rin sa mga
pananampalatayang ito na matatagpuan mula sa pagsunod sa perpektong Batas ng Diyosang tunay
na kalayaan ng tao na kinakatawan ng isang bagong utos ng Diyos: ang "mahalin ang bawat isa". [1]

Tingnan din

Krimen at mga kaguluhanNakapahilis na panitik'Makapal na panitik

Mga sanggunian
1.

Jump up The Committee on Bible Translation (1984). "Law". The New Testament, God's
Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado,
USA., Dictionary/Concordance, pahina B6 at B7.

You might also like