You are on page 1of 28

Goa National High School

Goa, Camarines Sur

Malikhaing Pagsulat
Ni: Ramel T. Oñate
MAED – Filipino
Ano ang pagsulat?
 Ang PAGSULAT ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,simbulo
at ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning maipahayag ang
kanyang /kanilang kaisipan.

 Ito ay kapwa isang pisikal na aktibiti na ginagawa para sa iba't ibang


layunin. Ito rin ay mental na aktibidad sapagkat ito ay isang ehersisyo ng
pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng
debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng gramar na
naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit. 
TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT
1.IMPORMATIB NA PAGSULAT Kilala rin sa tawag na expository
writing.Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga
paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.
Halimbawa: Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga istatistiks na
makikita sa mga libro at ensayklopidya,balita,at teknikal o bisnes report

2.MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT Kilala sa tawag na persuasive writing.


Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang
katwiran,opinyon o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang
mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor. Halimbawa:
editoryal,sanaysay,talumpati,pagsulat ng proposal at konseptong papel
3. MALIKHAING PAGSULAT Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga
akdang pampanitikang tulad ng maikling katha,nobela,tula,dula at iba
pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng
awtor dito ay magpapahayag lamang ng kathang-
isip,imahinasyon,ideya,damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

4. PANSARILING PAGPAPAHAYAG Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na


nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat
bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Ilan pa sa mga
halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba
 MGA URI NG PAGSULAT
AKADEMIK Pagsulat sa paaralan mula sa antas na primarya hanggang
doktoradong pag aaral. Itinuturing ng isang intelektwal na pagsulat.
Hal: Kritikal na sanaysay, term paper,lab report, ekspiremento.

1. TEKNIKAL - Nagsasaad ng impormasyon na maaring makatugon sa


isang komplikadong suliranin. Nakatuon sa isang espesipik ng audience.
2. JOURNALISTIK - Uri ng pagsulat na ginagawa ng isang journalist.
Makikita sa columnar ng dyaryo,tulad ng editoryal,balitang sulatin,
lathalain.
3. REPERENSYAL - Sulatin na naglalayon magrekomenda ng iba pang
mga sors o reference. Para sa mas malawak na pag intindi sa isang paksa.
Hal.: Literatura mula sa awturidad, thesis sa bahaging Mga kaugnay na
pag aaral at literatura.

4. Propesyonal - Uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusib sa isang tiyak na


propesyon. Hal: Pulis report, Investigative report, Medical report.

5. MALIKHAIN - Masining Pokus ang imahinasyon ng manunulat.


Paganahin ang imahinasyon ng mambabasa. Piksyunal o di-piksunal Hal:
tula, nobela, maikling kwento, malikhain sanaysay.
Ang malikhaing pagsulat (creative writing)
ay anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang 
prupesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga
anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pangpagsasalaysay,
pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan.
Dahil sa kaluwagan ng kahulugan, maaari para sa pagsusulat na katulad ng
mga tampok na kuwento upang maituring bilang malikhaing pagsusulat,
bagaman nakapailalim ang mga ito sa pamamahayag, dahil sa ang
nilalaman ng mga tampok ay tiyakang nakatuon sa pagsasalaysay at
pagpapaunlad ng tauhan.
Ang mga akdang kathang-isip at hindi kathang-isip ay kapwa
sumasailalim sa ganitong kategorya, kasama na ang mga anyong
katulad ng mga akdang-buhay, mga talambuhay, mga maiikling
kuwento, at mga tula. Sa kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing
pagsusulat ay karaniwang pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring
kathang-isip at panulaan, na may pagtutuon sa pagsusulat na nasa
estilong orihinal, na salungat sa paggaya ng dati nang umiiral na mga
henerong katulad ng krimen o katatakutan.
Ang pagsusulat para sa pelikula at entablado— pagsusulat ng senaryo (
screenwriting) at pagsusulat ng dula— ay itinuturo nang magkahiwalay,
subalit naaangkop din sa kategorya ng malikhaing pagsusulat.
Paano maging malikhain ang pagsulat?
Bigyan ng buhay ang pinakamaliit na bagay
Alamin ang ginagamit na material
Think outside the box
Gamitan ng Salawikain, mga tayutay, idyoma at hugot lines
Magkaroon ng orihinalidad o Sariling istilo
Gumamit ng mabisang simula
SALAWIKAIN
Ang salawikain ay mga kasabihan na nagmula sa mga pahayag at payo ng
mga matatanda ayon sa kanilang mga karanasan sa buhay o sa isinalin sa
kanila ng kanilang mga ninuno.
Ang ibang salawikain ay napapalooban ng mga pahayag sa kagandahang
asal kaya ang mga ito ay nagsisilbing parang “code of conduct.”
Halimbawa:
 Ang paalaala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.
 Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.
 Hangga’t makitid ang kumot, magtiis mamaluktot.
 Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.
IDYOMA
Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang
kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng
tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay
di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at
kaugalian ng isang lugar.
Halimbawa:
 butas ang bulsa - walang pera
 ilaw ng tahanan - ina
 alog na ang baba - matanda na
 alimuom - baho -
 bahag ang buntot - duwag
 ikurus sa kamay (o ibang bahagi
ng katawan) - tandaan
 bukas ang palad - matulungin
 kapilas ng buhay - asawa
 nagbibilang ng poste - walang
trabaho
 basag ang pula - luko-luko
Tayutay
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang
isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit
ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang
bigyan diin ang kanyang saloobin.
MGA URI NG TAYUTAY

Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang


magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng,
kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay
tinatawag na Simile sa Ingles.
Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na
ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na
nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na
inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay,


pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga
bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang
nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
'PERSONIFICATION' sa Ingles.

Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na


tila ito ay isang tao.
Uri ng Tayutay
Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng
kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan,
damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung
ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa
huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang
bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang
mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa
huli.
Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa
kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na
antas.
Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng
pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang
kabaligtaran ng ibig sabihin.
Uri ng tayutay
Pag-uulit/Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
 Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng
isang sugnay.
 Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.
 Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na
taludtod.
 Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga
pahayag.
 Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa
isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.
Pagkakaiba ng malikhaing pagsulat sa karaniwang
pagsulat
Ang malikhain at karaniwang pagsulat ay dalawang paraan ng
pasulat na pakikipagtalastasan o komunikasyon sa
pamamagitan ng nakasulat na wika.

Ang pinakamahalagang katangian ng karaniwang pagsulat ay


ang pangangailangang naiintindihan ang pahayag ng
nagpadala at tumatanggap.
Nauunawaan ng dalawang tao ang mensaheng nag-uugnay sa kanila.
Naiintindihan sa kagyat na sandaling iyon. Iyon lamang at wala nang
ibang mahalaga. Kahit masalimuot, naiiba, weird, hindi pangkaraniwan
ang wika o kahit pa hindi naiintindihan ng iba ang pahayag. Dagling
pagkakaintindihan lamang ng dalawang tao sa panahon ng
komunikasyon ang mahalaga sa karaniwang pagsulat.

Halimbawa, popular ngayon sa kabataan ang text messaging.


Karaniwang pagsulat ang text messaging na gumagamit ng ispesyal na
wika na kung tawagin ay text speak. Gaya nito:
Gpm. Punta k d2. My surprise me sa u.
Pagkakaiba ng malikhaing pagsulat sa karaniwang
pagsulat

Sa malikhaing pagsulat, hindi sapat ang basta


maintindihan lamang. Hindi sapat ang maunawaan
lamang tayo ng ating kinakausap. Bagaman maunawaan
ang pangunahing layunin ng komunikasyon.Maintindihan
ang pangunahing inaasahan sa lahat ng anyo at uri ng
komunikasyon. Sa malikhaing pagsulat, may kahingian o
requirement na higit sa basta maunawaan lamang.
Dalawang bagay, bukod sa pangangailangang maunawaan,
ang pinakapayak na requirement ng pagsusulat upang
maituring na malikhain: Kailangan nitong maging
mapagparanas at makintal. Sa Ingles, ibig sabihin ng
mapagparanas at makintal ay evocative and impressive.
SUBJECT NG TULA (MALIKHAING PAGSULAT)

ANG MAG-AALAK 

Ang kibal na bunga’y hamog nitong buhay,


Na ang bawat patak ay nagsilbing suhay,
Sa mga paa kong pati kuko’y patay.
Bakas ang putikan lagos hanggang hukay.
Ang sikat ng araw lumilitaw sa parang,
Habang naghihintay, pawis ng sasahan,
Ang disteleriya’y handa ng kuminang,
Sa apoy ng lupang kanyang sinilangan.

Alimangong paslit ang nasusulyapan,


Pakiwal-kiwal lang sa may patubigan,
Siya’y napangiti saka kinindatan,
Ang nakikilangoy, isa ng pulutan.
Ang paghahanap ng subject ng tula o anumang akda ay hindi
nangangailangan ng matagal na proseso. Maaari itong magmula
sa pinakasimpleng bagay o mga pangkaraniwang pangyayari sa
araw araw na buhay. Ngunit kung bibigyan ng kahulugan at
importansiya ang isang simpleng bagay ay makikita ang value o
market value nito. Si Rolando Tinio (isang dakilang poet at
mandudula) ay tinaguriang "bagay poet" dahil isa siya sa
nagpauso sa paggamit ng mga subject ng tula na hinahango sa
mga simpleng bagay lamang tulad ng kanyang tulang "Sa
Poetry" kung saan gumamit siya ng mga simpleng bagay bilang
mga imahe sa kanyang tula.
Pero hindi ibig sabihin ng simple ay walang kawawaan o
walang saysay. Madalas kong sabihin, minsan sa mga
simpleng bagay tayo makakahugot ng mga sustansiya,
malalalim na pakahulugan at ibig sabihin sa isang teksto. At
pagkaminsan pa nga, sa mga kumplikadong bagay tayo
walang mawawaan o maunawaan. Hindi kailangang maging
malalim sa paghahanap ng subject ng tula. Ang lalim ng
tula ay nasa kahulugang binuo ng mundong ininugan nito.
 
Pamantayan sa Pagsulat ng Tula

Krayterya:
Nilalaman at pamamaraan          –           50%
Istilo                                        –           25%
Pananalita                                –           15%
Orihinalidad                             –           10%
Sanggunian

https://www.slideshare.net/GinoongGood/batayang-kaalaman-sa-pagsulat
https://tl.wikipedia.org/wiki/Malikhaing_pagsusulat
https://prezi.com/czzg8upv2jyn/malikhaing-pagsulat/
http://renevillanueva.blogspot.com/2007/11/malikhaing-pagsulat-1.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Tayutay
http://gladyegimena.blogspot.com/2008/04/subject-ng-tula-malikhaing-pagsula
t.html

You might also like