You are on page 1of 57

PAGSULAT NG

BALITA
RAMEL T. OÑATE
Inaasahang Kawakasan

1.Lubos na kaalaman sa kahulugan


ng balita.
2.Kaalaman sa iba’t-ibang uri ng
balita.
3.Kaalaman sa mabisang paraan sa
pagsulat ng balita.
4. Kabatiran sa mga “DAPAT’’ o “DI-
DAPAT” (DO’s and DONT’S) sa pag
sulat ng balita
A. Katuturan- Ulat na maaring pagsulat o
pasalita ng mga bagay naganap,
nagaganap, o magaganap pa.

B. Mga salik na Mahalaga


(Factors essestial to news)-

1. mga pangyayari o detalye


2. kawilihan
3. mambabasa
C. Mga katangian.(Qualities of a good news
story)

1. Ganap na kawastuhan-
Kawastuhan paktual; tunay na pangyayari;
katumpakan ng pangkalahatang impormasyon;
Kaayusan ng mga detalye , tamang pag-bibigay
diin, hindi magulo o masalimuot ang diwa.

2. Timbang-
Kaukulang ng ibang tunay na pangyayari;
kawastuhan.(paglalakip ng tunay at napapanahong
pangyayari lamang)
3. Walang kinikilingan ( objective, unbiased)

4. Kaiklian

5. Kalinawan

6. Kasariwaan
D. Mga Uri

1.Ayon sa Saklaw o Pinagmulan-


(according to scope or origin)

a. Balitang lokal o nasyunal (local news)-


nagaganap sa loob ng bansa.

b. Balitang dayuhan o banyaga (foreign


news)-naganap sa labas ng bansa
c. Balitang may petsa at pinanggalingan
(date line news)- Pinangungunahan ng
petsa, kung kailan sinulat at ang lunan,
kung saan sinulat ng reporter.

HALIMBAWA:
lunsod ng Zamboanga, Abril 16, 2011-
Malakas na lindol ang pumatay ng maraming
mamayanan at puminsala ng ari-arian dito.
2. Ayon sa Pagkakasunod-sunod
(according to chronology or sequence)-

A. Paunang balita (Advance or anticipated)-


Ulat na ukol sa inaasahang pangyayari
tulad ng gaganaping patimpalak, konsyerto,
dula, palaro, kampanya, atb. Ito’y maaring
ilatha nang serye na inilalarawan ang iba’t-
ibang paksa sa bawat isyu. Ginagamit dito
ang pamaraan sa pagsulat ng tuwirang
balita (straight news) o ng balitang lathain
(news feature)
B. Balitang Di-inaasahan (spot news)-
Balitang isinusulat ukol sa pangyayaring
naganap na di inaasahan.

C. Balitang itinalaga (coverage news)- Balitang


isinulat o isusulat pa, batay sa isang
palagiang o pirmahang pinagkukunan
(based on a given beat or assignment)
gaya ng kongreso, ospital, fire
department, tanggapan ng punong- guro,
aklatan.atb
D. Balitang Panubaybay (Follow-up news)- Ulat
ukol sa pinakabagong pangyayari
bilang karagdagan o kasunod ng naunang
balita. Ito’y may sariling pamatnubay na
iba sa pamatnubay sa sinundang balita.

E. Balitang Rutin o Kinagawian(Routine news


story)- Balitang ukol sa inaasahang
magaganap tulad ng regular na
pagpupulong, panahunang pagsusulit,
palatuntunan.
3. Ayon sa anyo (According to structure)-
Inilalarawan kaanyuan o balangkas ng
pagkasulat.

A. Tuwirang Balita (straight news)-


Inihahayag ang mga pangyayari sa ayos na
tigilo o baliktad na pirmanente (inverted
pyramid structure) mula sa
pinakamahalaga. Ito’y ginagamitan ng
kabuuang patnubay (summary lead), at
inilalathalang tuwiran nang walang
paliguy-ligoy. Maikli ang mga pangungusap,
at mga katagang simple at madaling
maunawaan lamang ang ginagamit.
B. Balitaang Lathain (News Features)-
Nakabatay rin sa tunay na pangyayari na
kagaya ng mga tuwirang balita. Sa halip na
baliktad na piramide, ang karaniwang ayos
nito ay ang palibang pinakamahalagang
pangyayari (suspended interest structure),
kagaya ng pagkakasaayos ng isang kwento.
Sa paksa at pamamaraan, ito’y nasa
pagitan ng pabalitang lathain sa karaniwang
lathalain. (features Article).
C. Balitang Iisang Paksa o Tala
(Single Features or one-incedent story)-
Iisang pangyayri o paksa ang taglay ng
pamatnubay. Sa katawan ng balita
ipinapaliwanag ang mga detalye
D. Balitang Maraming Itinatampok
(Several Features or composite story)-
Maraming bagay o paksa ang itinatampok
sa pamatnubay. Nakahanay ang mga ito
ayon sa kapuhang kalagahan (according to
decreasing importance). Ang pagpapaliwanag
sa mga paksa ay nakahanay sa katawan ng
balita na ayon din sa pagkaka ayos ng mga
ito sa pamatnubay.
4. Ayon sa pagtalakay ng paksa
(According to treatment of the topics).

A. Balitang may pamukaw-damdamin o


kawilihan (human interest story)-
Ito’y umaantig ng damdamin at kumukuha
ng reaksyon ng mambabasa. Karaniwang
maiikli, ngunit nagagawa nitong paiyakin,
patawanin, pagalitin ang damdamin ng
mambabasa. Kahit na madalas ay tao ang
pinapaksa, maari ring puksain ang hayop o
bagay.
B. Balitang may Pagpapakahulugan
(Interpretative or interpretive news)-
Ipinapaunawa sa mambabasa ang
kahalagahan ng pangyayari. Dito’y hindi
ipihahayag ang pangyayari. Dito’y hindi
ipinahahayag ang pangyayari sa payak o
tuwirang paraan lamang, kundi nilalakipan ng
interpretasyon upang lalong maunawaan ng
mambabasa. Maaring isama rito ang: 1)
Dahilan ng pangyayari, 2)
Salingan(background),3) Katauhan ng
pangunahing kasangkot sa balita at 4) ang
kabuluhan ng kahalagahan.
C. Balitang may Lalim (In-depth report)-
Pagbabalitang may paghamon sa kaisipan ng
mga mambabasa at kakayahan ng reporter.
Tulad ng balitang may pagpapakahulugan.
Ito’y higit pa sa karaniwang balitang payak
lamang ang paglalahad ng pangyayari. Ito’y
nasasalig sa backgrounding mula sa
pagsaliksik, o pangyayaring higit sa nakita o
nasaksihan. Nagbibigay kahulugan ito sa
mga pangyayari ngunit hindi lumalabas na
opinyon ng sumulat.
5. Ayon sa Nilalaman (According to content)

A. Balitang pang-Agham. (science news)

B. Balitang Pangkaunlaran (Development


news)

C. Balitang pampalakasan (Sports news)

Lahat ng ito ay tatalakayin sa susunot na


yunit.
E. Mga tanging Uri (Other Kinds)

1. Batay sa mga Talang Nakuha (Fact Story)-


Pagsasalaysay ng karaniwang pangyayari
na kasagutan sa Sino?, Ano? Saan?, Kailan?,
Bakit?, at Paano? (Answering the traditional
5 W’s and H).
2. Batay sa kilos o aksyon (action story)-
Pag sasalaysay ng mga pangyayaring hindi
lamang paktwal kundi yaong tinatampukan
ng kilos (action), madulang pangyayari
(dramatic incident) paglalarawan sa tao
(description of the person), pahayag ng isang
saksi o kaya mga nagpapaliwanag ng mga
bagay-bagay(explanatory data).
3. Ukol sa Talumpati o panayam
(Quotes, speech or interview story)-
Isinasaad kung sino ang taga-pagsalita o
kung sino ang kinapanayam, ang paksang
diwa ng kanyang talumpati; okayson oras at
pook ng pinagdausan, siping pangungusap,
paglalarawan ng madlang tagapanood, pati
di karaniwang kilos at reaksyon nila.
4. Balitang Pangkatnig (slide bar)-
Maikling balitang isinusulat nang hiwalay
ngunit kaagapay at kaugnay ng isang
pangunahing balita. Ito’y ukol sa isang panig
lamang at inilalagay sa malapit sa
kinauugnayang balita. Halimbawa ang
pangunahing balita ay ukol sa isang malakas
na lindol na naganap kung saan maraming tao
ang nangamatay, ari-ariang napinsala at
kung ano ang sanhi at saan ang sentro nito.
Ang sidebar ng balitang ito ay isa ring
balitang nauukol sa iba’t-ibang malakas na
lindol na naganap na sa bansa. Maari ring
slidebar ang isang lathalain.
5. Balitang Kinipil (news brief)-
Maiikling balita na karaniwang binubuo ng
hindi hihigit sa dalawang talata. Ang
pinagsama-samang balita kinipil ay
tinatawag na news round-up. Karaniwang
hinahanay ang mga ito sa ilalim ng
palagiang ulo gaya ng news Brief o news
round-up, isang palagiann kolum na
inilalabas sa palagiang lugar sa pahayagan.
6. Bulitin (Bulletin)-
Habol o karagdagan sa kasalukuyang
mahalagang balita. Ito’y inilalagay sa unang
pahina, nakakahon at sa tipong mariin
(Bold face).

7. Dagliang Balita (Flash)-


Pinakabuod ng bagong mahahalagang
balita na kailangang mailathala kaagad
dahil huli na para mailathala ang buong
balita. Maaring tapos na ang pag-aanyo(Lay-
out) ng pahina o wala ng ispasyo para rito
F. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita.

1. Isulat ang buod.

2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o


paliit na kahalagahan (decreasing importance).

3. Hanapin ang impormasyong itatampok sa


pamatnubay. Unahin ang pinakatampok.

4. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunod-


sunod na pangyayari batay sa pababang
kahalagahan.
G. Mga Mungkahing Paraan sa Pagsulat
ng Balita.

1. Isulat kaagad ang balita pagkatapos


makalap.
2. Bigyang-diin at palawakin ang
nangingibabaw na pangyayari.
3. Maging tumpak.
4. Iwasan ang magbigay ng opinyon(no
editorializing) Ang mga opinyon ay nararapat
lamang sa mga tanging kolum, pangulong
tudling , artikulong may pangalan (by-line) ng
sumulat at sa balitang isport o pampalakasan.
5. Bangitin ang owtoridad o pinagmulan
(Source or attribution) ng balita lalo na kung:
1) nangingibabaw ang opinyon-kaysa tunay na
pangyayari, 2) Ang balita ay kontrobersyal at
3) ang balita ay nagapatalas ng bagong
regulasyon.

6. Ibigay ang buong pangalan ng tao sa unang


pag-banggit. Pagkatapos gamitin na lamang
ang G. sa apelyido ng lalaki; Bb o Gng. Sa
babae o ano mang tanging titulo sa mg
sumusunod pang pagbanggit.
7. Ilahad ang pangyayri nang walang
kinikilingan.

8. Ipakilala ang pangalang binanggit.

9. Iwasan ang pagkakaroon ng kulay sa


paggamit ng salita o parilalang maaaring
makapinsala sa paniwala at asal ng
mambabasa o ng ibinabalita.

10. Simulan ang bawat talata sa mahalaga at


kawili-wiling pangyayari.
11. Sumulat ng maikling pangungusap. Pag
iba-ibahin din ang haba, ngunit kailangan
payak at maliwanag.

12. Ilagay ang tuwiran at di-tuwirang sabihin


din ang haba, ngunit kailangan payak at
maliwanag.

13 Iwasan ang pahaba o pampakapal lamang


na mga pangungusap at talata na pamuno
lamang ng ispasyo (avoid padding)
14. Gumamit ng mga payak at tiyak na salita.
Ang mga Pang-uri at pang-abay ay dapat
magbigay daan sa mga pandiwa at pangalan.
Iwasan ang mga di-karaniwang salita.

15. Sumulat ng mabisang pamatnubay. Huwag


ilagay lahat ng 5 W’s sa simulang
pangungusap kung makakagulo sa diwa at sa
mahusay na pagbasa. Iwasan ang
pagsisimulang ng pamatnubay sa numero
(Figure), panukoy na. ang, mga at sa mga
panlinaw na sa, ito, may, mayroon, at doon.
Gayunman kung ang pangungusap ay
mababago at masisira ang kayarian, ay
makakabuting gamitin na ang panukoy.
16. Gamitin ang tinig na tukuyan (Active voice)
kaysa balintayak (Passive voice), maliban kung
ang layon ay higit na mahalga kaysa gumanap.

17. Sundin ang istilong pamahayagan. (style


sheet).
H. Pamantayan sa Paghahanda ng sipi
(Guidelines in preparing copy).

1. Makinilyahin nang may dalawang patlang


ang lahat ng sipi (double space).

2. Gamitin ang karaniwang sukat ng papel (8


½’’ x 11’’).

3. Simulan ang balita mula sa 1/3 ng pahina


pababa sa unang pahina. Simulan ng dalawang
dali mula sa itaas ang karugtong ng balita sa
susunod na pahina.
4. Mag-iwan ng isang daling palugit sa
magkabila at sa ibaba ng pahina sa lahat ng
sipi.

5. Sa isang sulk sa itaas gawing kaliwa ay


isulat ang pananda sa balita sa unang pahina
(slugline)-pangalan ng pahayagan o logo, ang
nilalaman ng balita, pangalan ng reporter at
ang petsa gaya ng:
The New Horizon

Eleksyon (Bilugan ito)


Warren Cruz
2 17 2001
Sa mga sumusunod na pahina, isulat
lamang ang paksa at bilang ng pahina.

Halimbawa: Eleksyon (…2)


6. Sa ibaba ng lahat ng pahina, Maliban sa huli,
isulat ang “pa” (more) at kulungin.

7. Sa ibaba ng huling pahina isulat ang # o 30


at kulungin din.
I Batayang Ayos O Kayarian (Basic
structure)

Sa pagsulat ng balita ng iba’t ibang uri ng


balita

Karaniwang Balita

Kasukdulan
(climax)
Kahalagahan pababang
2 kahalagahan
Datos(decreasing importance)
Pikson: Salaysay, Kwento
Datos
Padiing kahalagahan (details)
(increasing Importance) kahalagahan
2
t
pamatnubay
(climax) pamatnubay
(lead facts)
Datos Batas sa mga talang
2 Nakalap (Fact Story)
Datos
3
Datos 4
Tuwirang sabi
(Direct quote)
Balitang Sinipi
Di tuwirang sabi(DTS)
(Quote or speech story)
Tuwirang Sabi (TS)

D-T-S

T-S
pamatnubay

Datos
2 Batay sa Kilos
Datos (Action story)
3

Datos
4
Balita ukol sa sakuna Balitang panubaybay
(accident story) (Follow-up news)
pamatnubay panibagong
pamatnubay
(news lead)

ulat sa namatay Pag-uugnay


nasaktan sa naunang balita
napinsala (Tie-In)

aksiyon salaysay Bagong Datos o


Datos pa pangyayari
Balitang Talampati o Panayam.
(speech quote story)
tuwirang sabi o
di-tuwirang sabi.
tuwirang sabi
Di tuwirang sabi

T-S

pinagsamang TS at D-T-S

Konklusyon
Balitang May Maraming
Itinatampok o Maraming Talang
Balita

Angulong Pamatnubay Pinagsamang-Samang


ibat’-ibang pangyayri

Buod ng mga Ibang Datos ng unang Angulo


Angulo (summary of other angle) Datos ng Angulo

Datos ukol
sa pamatnubay Datos ng Angulo
Iba pang Angulo Datos (1) pa
iba pang Datos (2) pa
anggulo Datos (3) pa
Balitang Lathalain
(news Feature)

Pamatnubay na
Di-kombensyonal

Salaysay
(Narrative)

Di-Inaasahang
kasukdulan(Surprise Climax)
MGA MODELO O HUWARAN

Tuwirang Balita
(straight news)
Ginapi ng Torres Goldies ang Laurel Greenies kagabi
sa Torres High School Oval dahil sa lalong magaling na
paglaro. 65-60 (pamatnubay)
Ang koponang Torres ay binubuo nina Antonio
Oropesa, Captain ball; Rodelio Romero, Forward; Cecil
Baun at Raul Cruz. Guard. (dagdag na paliwanag sa
‘’sino?”)
Ang laro ay ginaganap sa gabi ng setyembre 10
kaugnay sa pagdiriwang ng araw ng baranggay. Ito ang
kauha-unahang pagkatalo Greenies sa larong pampurok.
(dagdag na ulat ukol sa “kailan at “Bakit”)
Maingat ang paglaro ng Goldies. Hindi sila
nagbubuslo hanggang hindi sila malapit sa
basket. Nagpasigla sa mga manlalaro ng
magkabilang panig ang sigawan at hiwayan ng
mga nanunuod. (dagdag na ulat sa “paano?)

Kahit na ang panghuling iskor ay 65-60,


may mga pagkakataon na ang mga Goldies ay
umabot sa 10 puntos (Dagdag ang paliwanag.)
Balitang Lathalain
(News Features)
Lubhang makaysaysayan ang ika-24 ng Oktubre sapagkat
sa araw na ito, Martes, isinilang ang mga nagkakaisang bansa.
(United nations), ang kapisanang binuo ng mahigit isang daan
at tatlumpu’t limang malalayang bansa na naglalayon na
pangalagaan ang katahimikan ng daigdig nang malunasan o
mapigil ang pagsiklab muli ng isang digmaang pandaigdig
(pamatnubay kombensyunal).
Bawat klaseng kalahok sa parada ay may taglay na bandila
ng bansang kanilang kinatawan.
Ang paradang may mahigpit na isang kilometro ang
haba ay dumaan sa mga lansangang napapaligid sa paaralan.
(salaysay).
Sa pamamagitan ng proyektong ito, ang kapisanang
UNESCO ay nagpabatid sa madla kung ano ang mga
nagkakaisang bansa at kung paano ito makakatulong sa
kapayapaan ng daigdig. (reaksyon, Di-inaasahang
kasukdulan).
Balitang Batay sa Talang Nakalap
(Fact story)
Matagumpay at matahimik na naidatos ang araw ng
Edukasyon sa Linggo ng mga kabataang Lalaki at Babae sa
Paaralang Araullo noong Disyempre 14. Ang lahat na nahirang
ay maayos at matagumpay na gumanap ng kani-kanilang
tungkulin sa araw na yaon. (Pamatnubay).
Ang gumanap sa tungkulin ng punong-guro ay si Araceli
Quiambao at sa pangalawang punong-guro at si Salvacion
Domingo. (Dagdag pang datos)
Samantala, sa Sangay Yangco naman, ay naging
pangulong-guro si Rene Santos. Ang pagiging tagapatnubay ay
ginampanan ni Anabelle Campos. (Dagdag pang datos)
Naging kapuri-puri ang mga gurong-mag-aaral na pawang
tumupad ng kanikanilang tungkulin at gayon din ang mga
mag-aaral na nagpamalas ng kanilang paggalang sa bawat
mag-aaral na nagturo sa kanila bilang pagdiriwang sa araw ng
Kabataan. (Dagdag pang datos).
Balitang Talumpati
(speech story)

“Pinupuri ko ang inyong masidhing pang-akay sa


mga Kabataan tungo sa wasto at timbang na paghubog
ng kanilang kaisipan, katawang pisikal at diwang
ispiritwal.
“Subalit walang kabuluhan ang inyong
pagsusumikap kung hindi ninyo iaalay ang inyong
pagpapasakit sa maykapal, sa sangkatauhan at sa
bayan”(pamatnubay na tahasang sabi/ Qoutation lead).
Ito ang pahatid ni Dr. Paraluman Espejo
tagapamanihala ng mga Paaralang Lunsod ng Maynila,
sa mga bagong itinalagang pamunuan ng kapisanang Hi-
Y, Setyembre 25 sa YMCA Forum Hall, Youth Center.
Manila (Buod ng 5 W’s)
“Ituring na ang bawat mag-aaral ay isang potensyal
na lider ng bayan sa kinabukasan. Ang bawat isa sa
kanila ay nilikha sa larawan ng panginoon. Walang
batang pinanganak na tunggak. Akayin sila at ituro ang
wastong daan” ang payo ng tagapanimahala. (tuwirang
sabi)

Ayon kay Doctor Espejo, Malaki ang pananagutan ng


mga guro na mauunlad, mangaral at kapaki-pakinabang
na kinabukasan ng mga kabataan. (dituwirang sabi)

“Ang inyong malasakit sa kanila ay lubhang


napakahalaga” ang dugtong pa niya. (tuwirang sabi)

Ang itinalaga ay sina G. Carlito Reyes, pangulo G.


Prospero Mendoza, pangalawang pangulo: Bb. Concodia
Dayrit, kalihim;at si G Ceciliano Jose Cruz,taga-suri( iba
pang datos)
Balitang Batay sa Kilos
(action story)

Mahigit sa 200 mag-aaral sa Paaralang Nolasco ang


lumahos sa “Operasyon Tanim” na itinataguyod ng
Paaralang Lungsod ng Maynila na ginanap noong
Setpyembre 2 (pamatnubay, tampok tampok na
pangyayri)
Nakasuot damit-pangtrabaho at may dala-dalang
gamit sa pagtanim, ang mga mag-aaral. Kasama ang
mga guro, ay nagparada sila mula sa paaralan
hanggang sa North Bay Blvd. bago isinagawa ang
pagtatanim. (pangalawang datos)
Dalawa lamang lote ang inilaan para sa paaralan, at
ito ay kanilang binungkal at tinamnan ng tudling ng
kamoteng kahoy at kamoteng baging. Nagpunla rin sila
ng buto ng sitaw, kalabasa at petsay. (pang-3 Datos)
Ang mga batang lumahok sa pagtatanim ay
pinangkat-pangkat.
Sabay-sabay na isinagawa ang pinasaya sa apat na
purok ng Maynila. Ang kinatawan na si Kgg. Martin Isidro
ang siyang naguna sa kilusan sa Tondo. (pang- 4 datos)

Ang proyektong ito ng lungsod isinagawa bilang


pakikiisa sa proyektong pagpapasagana ng pagkain na
kasalukuyang itinataguyod ng lungsod upang maiwasan
ang kagutuman na tulaf ng dinaranas ng ibang bansa sa
daigdig( pang-5 datos)

Nagbigay-kulay sa pagtatanim ang mga tugtuging


bukid na ipinarating ng kasapi sa rondalya na kusang
sumama sa pagtatanim na gaya ng kinaugalian sa mga
bukid habang nagtatanim ng palay. (pang-6 datos)
Balitang Ukol sa Sakuna
(Accidentaly story)

Tatlong katao ang nasawi at apat ang malubhang nasaktan


nang ang kanilang sinasakyang bus ay bumangga sa isang
poste sa Kilometro 70 sa Dau Express Way, Lungsod ng
Angeles.(pamatnubay)

Ang mga nasawi na kinilala ng pulisya ay sina Rosa David,


45 ng Mabacat, Pampanga; Ramon Miclat ,17 ng Capas,Tarlac
at si Mario Guinto, 50 ng Dau, Pampanga (Ulat sa mga
namatay)

Ang mga nasaktan ay sina Belen Reyes 18; Mario


Santos,21, at Cenon Lagman, 17, pawang Mag-aaral sa Holy
Angel Academy, Lungsod ng Angeles, at si Dr. Carlos Tobias,
70. may ari ng Tobias Clinic sa nasabing lungsod. (Ulat ng
nasaktan)
Ang mga nasawi ay dinala ng may kapangyarihan sa
Punerarya Ramirez Angeles, samantala ang mga
nasaktan naman ay isinugod sa pagamutang-bayan.

Ayon kay Cerilo Buan, isang sakay na dentista , ang


bus na pag-aari ng Phillipine Rabbit na may plate
number 666 ay matuling magpatakbo na patungong
Tarlac nang ito ay nasiraan ng preno.

“Pilit na inihinto ng drayber na si Jesus Pating ang


bus, ngunit ito ay rumaragasang sumalpok sa poste at
tuluyang tumaob” ang sabi ng dentista. (aksyon
salaysay, datos pa.)
Balitang Panubaybay
(Follow-up story)
Kinoronhan si Bb. Lolita Rafols IV-1, bilang Reyna ng mga
Puso ni Gng. Meliza Isidro, maybahay ni kinatawan ni Martin
Isidro, Unang Distrito ng Maynila, noong Pebrero 14 sa
bulwagang panlipunan, kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng
mga puso. (pamatnubay)
Si Lolita, isang labing-anim na taong iskolar ng paaralan,
ay siyang napili ng lupo ng inampalan sa YMCA noong
nakaraang buwan, alinsunod sa mga sumusunod na batayan:
ganda20%:talino 50%;tindig 15% at pamumuno,10%.
Ang lupon ng inampalan ay binuo nina Konsehal Cesar
Lucero, tagapangulo; Gng. Mabini S.A. Gonzales ,punong-guro
at Bb. Elvira Carluen, pangalawang punong-guro.(pag-ugnay
sa unang pangyayari o tie-in)
Ang putungan ay nasaksihan ng mahigit na 500 katao na
pinasiglang mg pagputok ng mga kuwitis at ng pagtugtog ng
“Aida March” (datos pa ng mga bagong pangyayari)
Balitang Iisang Paksa o Iisang Talang
Balita na Nauukol sa Sunog
(single Features story on a Fire Report)
Dalawang katao ang nasawi, tatlo ang nasaktan at
tatlong susali ang natupok sa isang sunog noong Oktubre
17 sa Perla St., Lungsod ng Pasay, sanhi ng nagliyab na
kawad ng kuryente sa kisame ng Ever Pharmacy.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi: Jose Ramos,
46,may-ari ng Ever Pharmacy at si Maria Moncada, 16, ang
kanyang utusan.
Ang mga nasaktan, ayon din sa pulisya ay sina Juan
Corpuz, 18; Romeo Taruc, 21 ar si Dante Aquino,25 pawang
manggagawa.
Ang mga natupok ay ang Ever Pharmacy. Go Chong
sarisari Store at ang Ramos grocery. Tinataya na ang
kabuuang halagang napinsala ay aabot sa 50 milyong piso.
Ang apoy ay nasugpo ng bombero pagkalipas ng
tatlong oras.
Balitang Maraming Itinatampok O
Maraming Talang Balita na Nauukol sa
Sunog
(Composite or Several Features Story On a fire report)

Tatlong sunog ang naganap sa Metro Manila: sa Perlas St.,


Lungsod ng Pasay, Oktubre 17; sa 16-B Paz st., Paco,Maynila sa
araw ring yaon, at sa 24 San Roque St., Pandacan, Maynila,
Oktubre 21.

Dalawang katao ang nasawi, tatlo ang nasagutan at


tatlong gusali ang natupok sa Pasay. Kinikilala ng Pulisya ang
mga nangamatay na sina Jose Ramos,46 may-ari ng Ever
Pharmacy; at si Maria Moncada, 16, ang kanyang utusan.

Ang mga nasaktan, ayon din sa pulisya ay sina Juan


Corpuz 18; Romeo Taruc, 21; at Dante Aquino, 25 pawang
manggagawa
Ang mga natupok na gusali ay ang Ever Pharmacy.
Go Chong sari sari store at ang Ramos Grocery. Tinataya
na ang kabuohang halagang napinsala ayaabot sa
kalahating milyong piso. Ang apoy ay nasugpo ng
bombero pagkalipas ng tatlong oras.
Samantala, ang bahay naman ni Piskal Roman Santos
sa Paco nagkakahalagang 600,000 pesos ang nasunog.
Hanggang sa kasalukuyan hindi pa nababatid ng may
kapangyarihan ang pinagmumulan ng sunog at wala
pang ulat tungkol sa mga taong nasaktan.
Ang naging biktima ng sunog sa Pandacan ay ang
pamilya ni G. Juan Vasques . Napag-alaman na ang apoy
ay galing sa isang sumabog na kalang de-gas.
“Tinangka naming sugpuin ang apoy sa
pamamagitan ng Fire-extinguisher ngunit kami’y nabigo”
ang salaysay ni Gng. Vazquez.
Ang maagang pagdating ng bombero ang nakapigil
sa pagkalat ng apoy sa mga kapit bahay.

You might also like