You are on page 1of 30

Pamantasan ng Bikol

KOLEHIYO NG EDUKASYON
Daraga, Albay

FIL. ED. 12-


INTRODUKSYON
SA
PAMAMAHAYAG
PAGSULAT
NG
LATHALAIN
Mga Mananaliksik

Pinangungunahan ni:

BERGONIO, JOELLE MAINE R.

Mga kasapi:

AGUIRRE, HANNAH B. BERAÑA, KATE B.

BARASONA, JOAN P.

BUENO, SHEENA MARIE C. CORNEL, KRISTINE JOY C.


Mga Mananaliksik

DARIA, MARK VINCENT N. LORICA, LORELYN V.

STA. ROSA, CHARMAINE M. ZEPEDA, KRYZZTEIN MAE L.

THERESA M. RAÑESES

Dalubguro
PAGSULAT
NG
LATHALAIN
-Katuturan, Katangian, Layunin
-Mga Uri ng Lathalain
-Pagsulat ng Mahusay na
Lathalain
PAGSULAT NG LATHALAIN

Ang Lathalain

Ang lathalain, katulad ng balita, ay hindi


lamang isinulat upang magpabatid, kundi
lalo pa nitong pinalalawak ang balita
impormasyon sa pamamagitan ng kawili-
wiling pamamaraan. Ito ay nagdaragdag at
nagpapatingkad ng kulay at buhay sa
pahayagan. Kaya ang istilo nito ay
nakasalalay sa malikhaing isipan ng
manunulat.
Ito ay isang akdang batay sa misteryong
sangkap sa pamahayagan na tinatawag na
pangkatauhang kawilihan – isang
pangyayari ng nakagaganyak sa atin dahil
masasalaminnatin dito ang ating sariling
buhay. Kung ang balita ay tumatalakay sa
mga mahahalagang pangyayari, ang
lathalain naman ay tumatalakay sa mga
kawili-wiling bagay.
PAGSULAT NG LATHALAIN

Ang Lathalain

Ito ay isang sanaysay batay sa tunay na


pangyayari na nagtataglay ng mga
pagpapaliwanag, sanligan at impresyon ng
sumulat. Hindi ito katha-katha lamang.
Bilang isang karaniwang sanaysay,
nagtataglay ito ng maramdamin, personal
at mapagpatawang pangyayari kaya't ito
ay sinasabing akdang "may laman at dugo"
may ganap na katauhan. Ang pangunahing
layunin nito ay manlibang kahit na ito'y
maaari ring pagpabatid o makipagtalo.
Ito ay isang akdang naglalahad ng mga
makatotohanang pangyayari batay sa
karanasan, pagmamasid, pag-aaral,
pananaliksik o pakikipanayam at sinusulat
sa isang kawili- wiling pamamaraan.
Ang lathalain ay kauri ng salitang artikulo
at salin sa Ingles na feature.
PAGSULAT NG LATHALAIN

Ang Katuturan ng Lathalain

Isang uri ng pamahayagan na nag-uulat ng mga


makatotohanang bagat o pangyayari batay sa pag-
aaral, pananaliksik o pakikipanayam at sinusulat sa
isang kawili-wiling pamamaraan.

Isang sanaysay na batay sa tunay na pangyayari


na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, saligan
at impresyon ng sumusulat.

Isang uri ng sulatin na ang kawilihan ay nasa ibang


bagay sa halip na sa mahalagang tala.
PAGSULAT NG LATHALAIN

Mga Katangian
ng Lathalain
at
Mga Katangian ng
Isang Manunulat
ng Lathalain
PAGSULAT NG LATHALAIN
Mga Katangian ng Lathalain

Ang lathalain ay nagsasaad ng katotohanan at


nababatay sa isang ulat kaya naiiba sa maikling
katha, bagamat ang pamamaraang ginagamit
ay halos magkatulad.
Ang lathalain ay nagsasama ng kuru-kuro ng
sumulat ngunit ang binibigyang-diin ay ang mga
nalikom na tala at ulat kaya naiiba sa
pangulong tudling.
Ginagamitan ng makabagong pamatnubay
(novelty lead) sa halip na na kabuurang
pamatnubay (summary lead).
Ang lathalain ay naiiba sa balita sapagkat ito'y
may halong pagpapakahulugan at
pagpapaliwanag ng sumulat.
Ang lathalain ay nagtuturo, nagpapayo,
nagpapabatid at higit sa lahat ay nanlilibang ng
mga mambabasa.
Ang lathalain ay nararapat na napapanahon at
kailangang magkaroon ng salik ng kawilihang-
tao.
PAGSULAT NG LATHALAIN
Mga Katangian ng Lathalain

Ang lathalain ay walang tiyak na haba.


Ang lathalain ay maaaring sulatin sa una,
ikalawa at ikatlong panauhan.
Ang lathalain ay may simula, katawan at
magandang wakas.
Maaaring sulatin sa anumang anyo, istilo at
pamamaraan.
Ang lathalain ay itinalagang maglahad ng
mahahalagang balita sa isang
nakasisiyang paraan.
Ang lathalain ay isinusulat na may pataas
nang pataas ng pagbuo ng kapanabikan.
Mga Katangian ng
Isang Manunulat
ng Lathalain
Handang manaliksik upang mabatid ang iba’t-
ibang bagay hinggil sa isang karaniwang
balita o pangyayari na ikinatatanggi ng mga
ito.

Masigasig at masiyasat sa pagkuha ng mga


tala hinggil sa pangyayari.

May kakayahang magawang lathalain ang


alinmang balita.
May sariling pamamaraan at istilo sa
pagsulat.
Mataas na pagmamasid.

Pangkaisipang pag-uusisa.
Kakayahang tumuklas ng lathalain sa pang-
araw-araw na pangyayari.

Katambak ng mga salitang naglalarawan at


idyoma.
Kakayahang humabi ng mga salita sa paglika
ng mga kawili-wiling pangungusap.
Kakayahang sumulat ng mabisa at
pambararilang pangungusap.
PAGSULAT NG LATHALAIN
Apat na Layunin ng Lathalain

Magpabatid

Magturo

Manlibang

Magpayo at magbigay ng aral


PAGSULAT NG LATHALAIN

Mga Uri ng
Lathalain
PAGSULAT NG LATHALAIN
Mga Uri ng Lathalain
Lathalaing Pabalita o Paglalahad (News
Feature)
- Ito'y nakabatay sa ang balitang nakapupukaw ng
damdamin. Pinalalawak nito ang bahagi ng
balitang may kababalaghan, o makabagong likha
na nakapagbibigay sa mga mambabasa ng
kaalaman, simpatya at kawilihan.
Halimbawa : Ang Ipu-Ipo sa Cavite

Lathalaing Naglalarawan (Descriptive Feature)


– Ang lathalaing ang pangunahing layunin ay
maipakita ang katangian ng tao, pook o bagay na
inilalarawan.
Halimbawa: Ang Boracay (Pook), Ulirang Ina ng Tahanan
(Pangkatauhan), Gandang Pilipina (Pangkatauhan)

Ang Lathalaing Pangkasaysayan (Historical


Feature)
- Ito ay tungkol sa pinagmulan o kasaysayan ng
paaralan, ng barangay, ng bayan at iba pang
bagay o lugar.
Halimbawa: Ang Ebolusyon ng Bandilang Pilipino, Ang
Mga Unang Salita ng Tao

Lathalaing Pasalaysay (Narrative Feature)


- Maaari itong karanasang personal ng sumulat o
salaysay ng isang pambihirang lihim ng isang tao
o isang napabantog na institusyon.
Halimbawa: Ale, Mama, Bili na Kayo!
PAGSULAT NG LATHALAIN
Mga Uri ng Lathalain
Lathalaing Panlibang (Entertainment
Feature)
- Layunin ng lathalaing ito ang magbigay ng
aliw at magsilbing gamot sa taong nalulumbay
o pampalipas ng oras ng mga taong
nababagot.
Halimbawa: Ang Kahulugan ng Bawat Kulay, Ang Ibig
Sabihin ng Iba't Ibang Uri ng Halik

Lathalaing Nagpapabatid (Informative


Feature)
- Nagbibigay ito ng kapaki- pakinabang na ulat,
nagdaragdag ng kaalaman at may layuning
magturo o magpayo.
Halimbawa: Mga Babala Kapag May Darating na Tsunami

Pangkatauhang Lathalain (Personality


Sketch)
- Lathalaing naglalarawan ng mga kilalang tao,
ng kanilang buhay, ng kanilang gawain, ng
kanilang tagumpay o kabiguan.
Halimbawa: Kakaibang Istilo ni Kris Aquino

Lathalaing Pagmamatwid
- Lathalaing ang layunin ay manghikayat o
magpapaniwala upang manindigan sa isang
bagay o kuru- kuro.
Halimbawa: Tutol Ako sa Cyber Sex
PAGSULAT NG LATHALAIN
Mga Uri ng Lathalain
Lathalaing-Pang-agham
- Ito ay lathalaing nauukol sa mga bagong
imbensyon sa larangan ng agham o anumang
mga artikulo o paksang kaugnay sa agham.

Halimbawa: Mga Bagong Tuklas na Pampaganda

Lathalaing May Makataong Damdamin


- Ito ay pinakamalapit sa puso ng mga
mambabasa sapagkat may kaugnayan sa
buhay at pamumuhay ng tao. Ang mga
pangyayari at hindi karaniwang nagaganap sa
buhay kaya't pinananabikang basahin.

Halimbawa: Isang Himala

Lathalaing Paglalakbay
- Naglalahad ng mga katangi-tanging lugar o
tao na narating at nakilala sa pamamagitan ng
paglalakbay.
Lathalaing Di-karaniwan
- Ito ay tumatalakay sa mga bagay na
paranormal at di-kapani-paniwala tulad ng mga
paksa tungkol sa engkanto, duwende, kapre at
iba pang kauri nito.
Lathalaing Pang-isports
– Nahihinggil ito sa mga paksang
pampalakasan.
PAGSULAT NG LATHALAIN

Paano ang pagsulat


ng isang mahusay
na lathalain?
PAGSULAT NG LATHALAIN
Mga Karaniwang Paksa ng
Isang Lathalain

Karanasan o Pakikipagsapalaran o
Paglalakbay (Experience or
Adventure)
Paglalarawan ng isang tao, lunan o
pangyayari (Descriptive Feature)
Kasaysayan ng Isang Pangyayari
(Historical Background)
Pangkatauhang - Dagli (Personal
Sketch)
Pangkaunlarang Lathalain
(Development feature)
Lathalaing "Ano" o "Paano" ang
Gagawin (How-to-do and what-to-do
articles)
PAGSULAT NG LATHALAIN

Mga Mungkahing
Hakbang sa Pagsulat
ng Isang Mahusay
na Lathalain
PAGSULAT NG LATHALAIN
Pagsulat ng Panimula
Ang panimula ay kinakailangang maikli subalit
kaakit-akit. Nararapat na makaantig ng
damdamin na titimo kaagad sa pihikang panlasa
ng mga mambabasa.

1. Panretorikal na Tanong (Rhetorical


Question)
Halimabawa:
Totoo bang desperado na ang mga Pilipina?
Prostitusyon at Cyber Sex na lang ba talaga ang
alam nating trabaho? Wala na bang iba pa?

2. Panggulantang na Pahayag (Starling


Statement)
Halimbawa:
Babae po ako! Sigaw ng isang binatilyo na
kumekendeng ang baywang at nakahawak sa
dibdib ang isang kamay na tila may sinasapo.
PAGSULAT NG LATHALAIN
Pagsulat ng Panimula
3. Pasalaysay na Panimula (Narrative
Opening)
Halimbawa:
Maliit pa ako noong namatay na magkasunod
ang tatay at nanay ko. Kaya't maaga kong
hinarap na mag-isa ang mga pagsubok sa
buhay. Subalit ang pangyayaring iyon ang
nagdala sa akin sa kinalalagyan ko ngayon.

4. Siniping Sabi (Quoted Remark)


Halimbawa:
"Kung kaya nila, kaya ko rin", Isang
paninindigang puno ng katapangan ang nakita
ko sa isang kabataan habang aking
kapanayam.
sa dibdib ang isang kamay na tila may
sinasapo.
PAGSULAT NG LATHALAIN
Pagsulat ng Panimula

5. Isang kasabihan, salawikain o


talinghaga (Maxim, Proverb or Aphorism)
Halimbawa:
"May pera mula sa basura" Ito ang sagot ng
"Kumikitang Kabuhayan", isang programa sa
ABS- CBN, sa naghihingalong pamumuhay ng
mga Pilipino sa kasalukuyan. Paano? Ganito ang
paraan.

6. Suliraning dapat pagtalunan sa artikulo o


isang pangyayaring dapat na patunayan.
(Problems to be discussed in the article or
fact to be established)
Halimbawa:
Solusyon sa problema ng mahihirap. Pagtatanim.
PAGSULAT NG LATHALAIN
Pagsulat ng Katawan
Sa katawan tinatalakay ang buong saysay ng
kuwentong inyong isinusulat. Dapat manatili
itong “tapat” sa introduksiyon. Ibig sabihin,
dapat masagot nito ang mga tanong o
matalakay nang husto ang paksang inyong
isinusulat.
Upang maging mabisa ang pagsulat ninyo ng
pinakakatawan ng inyong lathalain, dapat
tandaan ang ss. na mga bagay:
1. Gumamit ng makukulay subalit hindi naman
napakatatayog na mga salita (highfalutin
words).
2. Manatiling nakapokus sa paksa.
3. Siguruhin ang coherence o ang wastong
pagkakabit-kabit ng mga ideya.
4. Tiyaking hindi naman siksik na siksik ang
mga impormasyon para hindi magsawa ang
mga mambabasa. Sa pagtalakay, mahalagang
ilagay lamang ang pinakanakauugnay
(relevant) o pinakamahalagang impormasyon.
PAGSULAT NG LATHALAIN
Pagsulat ng Wakas
Ang wakas ay kailangang makahikayat sa
mambabasa na mag-isip, mag-usisa o
sumalungat sa ideya ng isang manunulat.
Kailangang may punch- panggulat.
Kung gaano kahalaga ang panimula sa
lathalain gayon din ang kahalagahan ng
pangwakas nito.

1. Ibuod ang artikulo (Summary of the


whole article)
Halimbawa:
Tunay na ang pananalig ang tanging pag- asa
nating lahat dahil sa Kanya lamang nagiging
posible ang imposible. Subalit ang pananalig
ay sabayan natin ng gawa.
PAGSULAT NG LATHALAIN
Pagsulat ng Wakas
2. Pahayag ng pinakamahalagang
bahagi sa kauna-unahang pagkakataon
(An announcement of the main point
for the first time)
Halimbawa:
Kaya nga ang pinakamahalagang katangian
nanunungkulan sa gobyerno ay KATAPATAN.

3. Katanungang nabuo sa kaisipan ng


mambabasa (A question left in the
reader's mind)
Halimbawa:
Ang pagpatay ay talamak na sa ating lipunan
sapagkat limang libo na lamang ang halaga
ng buhay ng tao sa kasalukuyan.
PAGSULAT NG LATHALAIN
Mga Dapat Iwasan sa
Pagsulat ng Lathalain
Maligoy
Masalita
Paggamit ng malalalim na mga salita
Sobrang haba ng mga pangungusap
at talata
Kulang sa dramatikong kalidad
Sabog ang pagkakaayos ng mga
ideya
PAGSULAT NG LATHALAIN
Mga Karagdagang Kaalaman
sa Pagsulat ng Lathalain
Magpokus sa human interest; mahalaga ang
papel ng emosyon sa inyong isinusulat
Maging malinaw kung bakit ninyo isinusulat
ang lathalain
Magsulat sa “active voice”. Hangga’t maari,
gumamit ng mga pandiwa o verb na nasa
active voice o pangkasalukuyan.
Mahalaga ang accuracy o kawastuan ng mga
datos o impormasyong ilalagay sa sulatin.
Laging isaalang-alang ang inyong
mambabasa habang isinusulat ninyo ang
akda. Ano ba ang dapat nilang malaman at
maramdaman? Nauunawaan ba nila ang
wikang ginamit ko?
Iwasan ang clichés o yaong gasgas na mga
linya.
Makipagpanayam (interview) nang personal.
Iwasan ang email o kaya naman ay phone
interviews. Sa harapang pag-uusap kasi, mas
madedetalye mo ang damdamin at kulay ng
iyong paksa.
PAGSULAT NG LATHALAIN
Mga Karagdagang Kaalaman
sa Pagsulat ng Lathalain
Gumamit ng mga quotation at anecdotes.
Iwasang mag-opinyon sa inyong istorya.
Taliwas sa sinasabi ng ibang “opinionated”
ang lathalain, hindi ganoon sa lahat ng
pagkakataon. Dapat na magsalita mismo ang
datos o ang taong pinapaksa ng inyong
sulatin.
Gumamit ng “multi-sources” sa inyong akda
para sa kredibilidad ng inyong isusulat.
Subalit, takdaan ang sarili: ilagay lamang
ang DAPAT ilagay.
Laging tiyaking tama ang inyong bantas
(punctuations), baybay (spelling) at
konstruksiyon ng inyong mga pangungusap.
Manatili sa tense o panahunan ng inyong
istorya.
Iwasan ang mahahaba at makakapal na
pangungusap.
PAGSULAT NG LATHALAIN
SANGGUNIAN

A. Aklat
Mata M.G. (2014). Panimulang Pamamahayag.Plaridel,
Bulacan. St. Andrew Publishing House.

B. Websites
https://www.slideshare.net/christine25/lathalain-
35730452

https://www.slideshare.net/Ken_Writer/filipino-writing-101

https://www.slideshare.net/ghiemaritana/pagsulat-ng-
tanging-lathalain

https://hiddentwists.darkbb.com/t24-how-to-write-
feature-articles-lathalain-a-guide-for-new-writers

https://panitikanatbp.wordpress.com/2012/07/27/lathalai
n/

https://www.slideshare.net/mobile/TeacherJenny2216/pa
gsulat-ng-lathalain-campus-journalism

https://www.scribd.com/doc/101986005/Uri-Ng-Lathalain

https://www.academia.edu/9398124/LATHALAIN

https://www.coursehero.com/file/pa7u35/Uri-ng-
Lathalain-1-Lathalaing-Pabalita-Ang-lathalaing-ito-ay-
batay-sa-isang/

You might also like