You are on page 1of 32

 Katuturan ng Balita

Ang balita ay napapanahon at


makatotohanang ulat ng mga
pangyayaring naganap na, nagaganap
at magaganap pa lamang.
Ito ay maaaring maibahagi sa
pamamaraang pasalita, pasulat at
pampaningin
 Mga Katangian ng Balita
Kawastuhan -ang mga datos ay inilahad
nang walang labis, walang kulang

Katimbangan – inilahad ang mga datos na


walang kinikilingan sa alinmang
panig na sangkot.
Makatotohanan– ang mga impormasyon ay
tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa
lamang.
Kaiklian- ang mga datos ay inilahad nang
diretsahan , hindi maligoy.
 Mga Uri ng Balita
A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos
1. Tuwirang Balita
Diretsahan ang pagkahanay ng mga
datos at ginagamitan ng
kombenkombensyonal o kabuurang
pamatnubay.
2. Pabalitang Lathalain
Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos
at ginagamitan ng makabagong
pamatnubay.
B. Ayon sa lugar na pinangyarihan
1.Lokal na Balita
Kung ang kinasasaklawan ng
pangyayari ay sa pamayanang
kinabibilangan o tinitirhan ng taga-
pakinig o mambabasa.
a. pambarangay d. panlalawigan
b. pambayan e. panrehiyon
c. panlunsod f. pambansa

2. Balitang Pang-ibang Bansa


C. Ayon sa nilalaman
♦ Pang-agham at teknolohiya
♦ Pangkaunlarang komunikasyon
♦ Pang-isports o
pampalakasan
D. Ayon sa pinagbabatayan o pinag-
kukunan

1. Batay sa aksyon
Ang manunulat / mambabalita
ay naroon mismo sa lugar na
pinangyarihan ng aksyon o
pangyayari.
2. Batay sa Tala
Kung ang
pinagbabatayan
ng balita ay mga
talang nakalap
mula sa talaan ng
pulisya, ospital at
iba pang ahensya.
3. Batay sa Talumpati
Kung ang pinagkukunan ng datos ay
ang talumpati ng mga kilalang tao.

4. Batay sa pakikipanayam
Kung ang mga datos
ay nalikom sa pamamagitan
ng pakikipanayam sa mga
taong sangkot o may alam
sa pangyayari.
F. Ayon sa pagkakalahad ng
nilalaman

1. Balitang pamukaw-kawilihan
Karaniwang maiikling balita tungkol
sa tao, bagay, hayop na umaantig
sa damdamin ng
mambabasa.
 Ang Pamatnubay
Pamatnubay ang tawag sa una at
pangalawang talata ng balita.
Nagsisilbi itong pang-akit sa mga
mambabasa dahil ito ang pinaka-
buod ng balita. Sa akdang
lathalain o pabalitang lathalain, ito
ay maaaring isang salita, parirala,
pangungusap o isang talata.
 Mga Uri ng Pamatnubay

1. Kombensyonal o Kabuuurang
Pamatnubay
Sinasagot nito ang mga tanong na
Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit?
at Paano?
Ang balita ay inilalahad sa baligtad na
piramide kung saan ang mga
Mahahalagang datos
ay nasa una at
pangalawang
talata. Karaniwang
ginagamit
sa tuwirang balita.
2. Makabagong Pamatnubay
Ginagamitan ng pangganyak na
panimula ang akda upang akitin
ang mambabasang basahin
ang kabuuuan nito.
Karaniwang
ginagamit ito
sa pagsulat
ng Pabalitang Lathalain.
 Mga
Uri ng Kombensyonal na
Pamatnubay

1. Pamatnubay na Ano
Kung ang pinakatampok
sa balita ay ang
pangyayari.
2. Pamatnubay na Sino
Kung higit na pinakatampok
ang tao o organisasyong
kasangkot sa pangyayari.
3. Pamatnubay na Saan
Kung higit na mahalaga
ang lugar na pinangyarihan
kaysa sa gawain o tao
na kasangkot dito.

4. Pamatnubay na Kailan
Hindi gaanong gamiting pamatnubay
dahil ginagamit lamang ito
kung higit na mahalaga ang
petsa kaysa sa iba pang
aspeto ng mga pangyayari.
5. Pamatnubay na Bakit
Kung ang dahilan o
sanhi ng pangyayari
ang pinakamahalaga.

6. Pamatnubay na Paano
Kung ang kaparaanan ng
pangyayari ang pinakamabisang
anggulo na dapat itampok.
 Sapagpapasya kung aling uri ng
kombensyonal na pamatnubay
ang itatampok,dapat munang alamin
ng manunulat kung aling anggulo
ng balita ang higit na mahalaga.
Kapag parehong matimbang ang
Ano at Sino, unang itatampok ang
Sino dahil higit na mahalaga ang
tao kaysa sa mga bagay at
pangyayari.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
mabisang Pamatnubay:

1. Gumamit ng payak na pangungusap

2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa


mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan,
Paano at Bakit sa isang pangungusap
lamang, kung ito ay makasisira sa
kaisipan ng talata at makalilito sa
mambabasa.
Alalahaning ang pangalawang
talata ay pangalawang
pamatnubay rin.
3. Huwag uliting gamitin ang mahalaga o
di-karaniwang salita sa isang
pangungusap.

4. Iwasan ang pag-uulit ng


mga sugnay, parirala at
mga iba pang katulad
nitong gramatikong
kayarian.
 Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita

1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.

2. Itala ang mga datos ayon sa pababang


kahalagahan.

3. Unahing itampok ang pinakamahalagang


datos bilang pamatnubay.
4. Ibigay ang buong pangalan ng
taong awtoridad o pinagkunan ng
datos at kaniyang katungkulan. Sa
muling pagbanggit sa kanya ay
gamitin na lamang ang G. at
apelyido ng lalaki at Bb. o Gng. at
apelyido ng babae o anumang titulo
na angkop sa kanya.
5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.

6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.


7. Gawing maikli ang talata.

8. Gumamit ng mga payak


na salita.

9. Gawing maiikli ang


pangungusap at
pag-ibaibahin
ang haba nito
10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan
kaysa sa balintiyak.

11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa


magkahiwalay na talata.

12. Ilahad ang dalawang panig ng mga


taong sangkot sa balita.

13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang


9 at gawing tambilang ang 10 pataas.
 Kaayusan ng Balita
Ang kaayusan ng paglalahad ng mga datos
sa balita ay sumusunod sa baligtad na
piramide tulad ng nasa ibaba:
 Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng
Balita
1. Ang talata ay hindi sumusobra sa
75 na salita.
2. Ilagay ang mahahalagang datos sa
unahan ng talata.
3. Iwasan ang paggamit ng mga
magkatulad na mga salita o mga
sugnay sa simula ng magkasunod
na talata.
4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at
buod nito sa isang talata.

5. Ang isang pangungusap na talata


ang pinakagamitin sa balita ngunit
kung hindi maiiwasan ang paggamit
ng mahigit sa isang pangungusap,
hindi ito dapat na sumobra
sa 3 pangungusap.
6. Isaayos ang mga talata ayon sa
pababang kahalagahan upang kung
kukulangin sa ispasyo ay maaaring
putulin ang mga huling talata na
hindi naaapektuhan ang nilalaman
nito.
 MgaKatangian ng Isang Manunulat
ng Balita

1. Matalas ang pang-amoy sa balita.

-Alam kung saan makapangalap ng datos.


-Marunong kumilatis kung alin ang anggulo
sa pangyayari na itatampok sa balita.
-Madaling makakilala ng mga
kaganapang karapat-dapat ibalita.
2. Mapagtanong
3. Matiyaga
4. Makatarungan at walang kinikilingan
5. Totoong interesado sa tao.
6. Laging mapaghanap
ng buong
katotohanan
7. Mapamaraan
8. Malawak ang kaalaman sa
talasalitaan at gramatika
9. Alam ang sariling
kalakasan
10. Mapagbasa

You might also like