You are on page 1of 3

Balita

Ito ay nagtataglay ng ganap na kawastuhan, katotohanan, katarungan at kawili- wilingulat na maaring


pasulat o pasalita ukol sa mga mahahalagang pangyayari at nagbibigay ngtumpak na impormasyon sa
mga mambabasa.

Mga Bahagi ng Balita

Mayroong dalawang bahagi ang balita

ang

pamatnubay

at ang

katawan ng balita

.Ang

pamatnubay

ay ang unang talata o panimula ng balita. Ito ay maaaring salitalamang, isang parirala, isang sugnay, isang
maikling pangungusap o isang buong talata. Ito angpinakamahalagang parte mg isang balita sapagkat
sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino,kailan, bakit, saan at paano.Nakapagbibigay ito ng agarang
pagkakakilanlan ng tao, lugar at pangyayaring sangkotna kinakailangan sa balita.Ang tatlong uri ng balita
ay ang kumbensyunal o kabuuang pamatnubay, angpanimulang pambalarilang pamatnubay at ang di-
kumbensyunal o makabagong pamatnubay.Samantala, ang katawan ng balita ay nagbibigay ng
karagdagang impormasyon o datossa pangyayari at nagbubuod sa kabuuan ng balita.

Mga Paksang Maaaring Ibalita sa Kampus:

• Nakakaaliw o kakaibang kilos ng mga estudyante

• Balita tungkol sa tagumpay, kaguluhan o di

- inaasahang pangyayari.

• Nagbibigay impormasyon, o nagdudulot sa mga estudyante, guro at administrasyon ng

kagustuhan ng reporma o pagbabago.


• Mga programa o pagdiriwang

• Mga panayam mula sa prominenteng tao

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BALITA

KAISAHAN

- Bawat pangungusap ay kailangang tumalakay o may kinalaman sa pangunahing paksa.

HINDI BASTA TUMATALON SA IBANG PAKSA ANG BAWAT TALATA.

- May isang sentral na ideya

- Umiikot ang talakay sa paksang sinusulat- Ginagamit ng wasto ang mga salita para sa transisyon

KALINAWAN

- Ang mga pangungusap ay malinaw, hindi magulo ang pagkakaayos at nauunawaan ang naisiparating.-
Hindi kalat-kalat ang mga ideya at hindi kung saan-saan napupunta ang tinatakakay.- Hindi dapat paliguy-
ligoy ang pangungusap.- Maayos na pagdugtung-dugtong ng pangungusap.- Lohikal ang pagkakaayos ng
mga datos o impormasyong nakalap.- Maayos ang ugnayan ng sinundan at kasunod na talata.- Mahusay,
makinis at malinaw ang pagkakasulat.

Mungkahi sa Pagsulat ng Balita

1. Pagkatapos makalap ang mga impormasyon isulat agad ang balita.

2. Unang iulat ang mahahalagang datos, pagkatapos ay bigyang diin at palawakin angnangingibabaw na
pangyayari.3. Siguraduhing tumpak ang mga nakuhang datos.4. Maging impormatibo, iwasan ang
magbigay ng opinyon5. Isulat ang awtoridad o pinagmulan ng balita lalo kung a) mas higit ang opinyon
kaysa tunay napangyayari b) kontrobersyal ang balita c) nagpapataas ng bagong regulasyon ang balita.6.
Ilagay ang buong pangalan ng tao sa unang pagbanggit. Pagkatapos gamitin na lamang ang G.sa apelyido
ng lalaki at Bb. O Gng sa babae o sa anumang titulong nabanggit.7. Iulat ang balita nang walang
kinikilingan.8. Bigyan ng pagkakakilanlan ang pangalang binanggit.9. Huwag gumamit ng mga makukulay
at mabubulaklak na salita sa paglalarawan o pag-uulat ngmga pangyayari sa iyong ibabalita.10. Laging
simulan ang bawat talata sa mahalaga at kawili-wiling pangyayari.11. Bigyang-linaw ang pagsulat sa
bawat pangungusap.12. Ilagay ang tuwiran at di-tuwiran sabi ay ilagay sa magkahiwalay na talata.13.
Gamitin ang mga payak at tiyak na salita.14. Iwasang gumamit ng mga pampahabang pangungusap at
walang importansya sa balita.

15. Iwasan ang paglalagay ng lahat ng 5W’s sa pamatnubay kung ito ay nakakagulo lamang.

16. Mainam na gamitin ang tinig na tukuyan kaysa balintayak sa pag-uulat.17. Laging sundin ang istilong
pampahayagan.

Istruktura ng Balita (Baligtad na Piramide)

Ang

balita

ay karaniwang isinusulat sa ayos ng baligtad na piramide (invertedpyramid).

You might also like