You are on page 1of 2

BALITA

Kahulugan

Isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at loob ngisang
bansa na nakakatulong sa pagbibigay alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sa
pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahimpapawid, Internet,o galing sa bibig at ikalat sa
ikatlong partido o sa maramihang mambabasa na nakikinig o nanonood. Ayon kay Turner
Catledge, ang tagapangasiwang patnugot ng New York Times, “na hindi mo alam noong
nagdaang araw ay isang balita”. Ipinapahiwatig nito na ano mang mga bagayna ngayon mo
lamang nalaman ay bago sa iyong kabatiran , samakatuwid ay maaring magingkaragdagan sa
iyong kaalaman. Ayon naman kay Dr. Rufino Alejandro, isang ulat na hindi pa nailathala,
tungkol sa mga ginagawa ng mga tao na inaakalang pananabikan , maiibigang mabatid at
mapalilibangan ng mambabasa. Ilang mamamahayag naman ang nagsasabing ano mang
pangyayaring kagaganap lamang, nabukod sa mga kakaibang katangian, ay makatotohanan at
kawiwili sa mambabasa ay isang balita.

Bahagi

Pamatnubay

Ito ang pinakamahalagang bahagi ng balita na matatagpuan sa unahan. Sumasagot ito sa mga
tanong na sino, ano, kailan, bakit at paano.

Katawan ng Balita

Ito ay naglalaman ng mga datos na naglalahad ng patnubay mula sa pinakamahalagang datos


hanggang sa pinakamaliit na detalye ng mga pangyayari ukol sa balita.

Uri

1.Paunang Balita (Advance News)-Itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng


balita,subalitinilathala na rin bunga ng pangangailangang maipaabot agad sa madla.

2.Tuwirang Balita (Straight News)-Sa ganitong uri ng paglalahad,tinatalakay


angpinakamahalagang impormasyon tungo sa maliit na detalye.

3.Balitang bunga ng pakikipanayam- karamihan sa balitang nabasa,naririnig at napapanood


aybunga ng pakikipanayam. Sa ganitong uri, ang pinakamahalaga lamang ang dapat isulat.

4.Kinipil na Balita- Ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa


pahayagankung kaya ang buod ng maliliit na balita ay pinagsasama-sama.

5.Madaliang Balita o Flash- Ikinukulong sa kahon upang makatawag agad ng pansin.

6.Depth news o Balitang may lalim- Kinakailangan ang masusing pananaliksik,upang higit
namatalakay ang mga ulat na nakapaloob dito.
7.Balitang Pansensiya- Tungkol sa mga makabagong imbensyon o pagtuklas sa mga bagay
namakakatulong sa pagpapadali ng gawain.

Katangian

1. Ganap na kawastuhan--ng kawastuhang paktuwal ay nangangahulugan na bawatpahayag,


pangalan, petsa, edad, tirahan, at pangyayari ay tumpak. Upang matamoito, dapatna
makipanayam at kumpirmahin muli bago ilathala upang masiguroang katumpakan ngmag
detalye.

2.Timabang –ang isang balita ay nagtataglay ng ganitong katangian kungnaglalaman ito


ngmahalagang detalye hinggil sa tunay na pangyayari.

3. Walang kinikilingan –ang balita ay hindi dapat magtaglay ng personal na


opinionngmanunulat. Kailangan na isulat niya nag pangyayari ng hindi ipinahihiwatigang
kanyangpananaw, tapat at walang pagkiling. Upang matamo ito, dapat naisulat ang dalawang
panigng istorya o pangyayari.

4.Kaiklian at kalinawan –dahil sa ang layunin ng balita ay magpabatid, kaya’tkailangangmaging


maikli at malinaw ito upang higit na maunawaan ngmambabasa.

Kahalaganan

1. Nagpapayaman ito ng talasalitaan.

2. Nagbibigay ito ng dagdag na karunungan.

3. Nagpapalawak ito ng kaalaman tungkol sa paligid.

4. Nagpapabatid ito sa takbo ng panahon at kalagayan.

5. Nagpapatalas ito ng kakayahang mangatwiran batay sa mga tiyak na kaalaman.

You might also like