You are on page 1of 3

KABANATA 2 : ANG PAGLALAKBAY AT

SANGKAP NG BALITA
FRONDA CAMILE C.
BSED- FILIPINO 3-1

Layunin :
a. naipapakita ang kaalaman sa pagsusuri sa mga sangkap ng balita
b. naipapakita ang kaalaman sa pagsusuri sa mga hakbang sa pagbuo ng balita

Introduksiyon

BALITA Isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa


labas at loob ng isang bansa na nakakatulong sa pagbibigay alam sa mga
mamamayan. Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag,
pagsasahimpapawid. Interneto galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa
maramihang mambabasa na nakikinig o nanonood.
Ayon kay Turner Catledge, ang tagapangasiwang patnugot ng New York Times, "na
hindi mo alam noong nagdaang araw ay isang balita Ipinapahiwatig nito na anomang
mga bagay na ngayon mo lamang nalaman ay bago sa iyong kabatiran samakatuwid ay
maaring maging karagdagan sa iyong kaalaman
Ayon naman kay Dr. Rufino Alejandro, isang ulat na hindi pa nailathala, tungkol sa mga
ginagawa ng mga tao na inaakalang pananabikan, maubigang mabatid at
mapalilibangan ng mambabasa Ilang mamamahayag naman ang nagsasabing ano
mang pangyayaring kagaganap lamang na bukod sa mga kakaibang katangian, ay
makatotohanan at kawiwili sa mambabasa ay isang balita.

A. Ang Paglalakbay ng Balita (The Journey of the News Story) sa pamamagitan ng Letter
Press

1.) Ang Pangyayari (isang palatuntunan, paligsahan, atb.)

a. Pagsulat ng balita tungkol sa sinubaybayang pangyayari


b. Pagdala ng kopya o sipi sa patnugot ng balita.

1. Pagsulat ng pananda at tagubilin (printer’s direction) sa kahista tungkol sa uri ng ulo ng balita
na nais gamitin.
2. Pagwawasto ng kopya o sipi at pag-uulo ng
balita (copyreading and headline writing)
3. Pagdadala ng kopya sa palimbangan ng tagapangasiwang patnugot.

2. Sa Silid-kamahan (At the Composing Room)


a. Paglinotipya ng balita
b. Pagwawasto ng mga mali sa gali (proofreading)
c. Pagbubuo ng pahina at ng ulo ng balita Pagkuha ng larawan ng pahina sa isang
karton sa pamamagitan ng pagtubog ng buong pahina sa tingga

1. Pagpapainit at pag-aakma sa bilog na dram


2. Pagbubuhos ng tunay na tingga sa puwang sa pagitan ng ibabaw ng kartun at ng
dram.

3. Sa Silid Limbagan (At the Printing Room)


a. Paglilimbag

1
b. Pamamahagi ng mga pahayagan sa mga mam- babasa

B. Mga Sangkap ng Balita (Elements of News)

1. Kapanahunan/Napapanahon (Immediacy or Time- liness) – Kailangan ang pangyayari’y


kagaganap o katutuklas lamang. Napapanahon pa rin ang balita kung ang pangyayari ay
matagal nang naganap ngunit ngayon lamang nabunyag o natuklasan.

2. Kalapitan (Nearness or Proximity) – Higit na kinagi- giliwan ng karaniwang mambabasa ang


mga pang- yayari sa kanilang paligid kaysa mga pangyayaring nagaganap sa malalayong pook.
Ang kalapitan ay maaaring tumukoy rin sa kalapitang heograpiya (geographical nearness),
kaangkan (kinship), kapaka- nan (interest) atb.

3. Katanyagan (Prominence) – Kung ang paksa ng balita ay bantog o tanyag, ito ay nakaaakit at
nakatatawag pansin. Maaaring ito’y ukol sa isang pinuno ng pamahalaan, lider ng purok, mga
taong kilala o dakila o tanyag sa lipunan. Maaari ring paksain ang isang matulaing pook.

4. Tunggalian (Conflict or Struggle)- Ano mang pang- yayaring naglalarawan ng paglalaban,


pagpapa- ligsahan at pagsasapalaran ay balitang interesante. Ito’y maaaring pagtutunggali ng
katawang pisikal at mental; tao laban sa kapwa tao; tao laban sa hayop; tao laban sa
kalikasan; tao laban sa kanyang sarili.

5. Kahulugan o Kalalabasan (Significance or Conse- quence)-Kung ang isang pangyayari o bagay


ay may ibubungang kabutihan o kasamaan ay nakatawag- pansin, ano ang kahulugan o
kalalabasan kung ang Kumunismo ay ating tatangkilikin?

6. Di-karaniwan, Pambihira (Oddity, Unusualness) – Mga bagay na pambihirang mangyari gaya ng


isang lalaking napabalitang nagdalantao, o ng isang taong patay na nabuhay at nang nakita
niyang nasa loob siya ng ataol, siya’y namatay uli dahil sa takot.

7. Pagbabago (Change)- Ano mang pagbabago, maging sa pag-unlad o pagsama ay nakakatawag


pansin.

8. Pamukaw-Damdamin o Kawilihan (Human Interest) – Ito’y umaantig ng damdamin at


kaukulang reak- syon ng mambabasa upang siya’y paiyakin, pata- warin, pagalitan, pahangain
atb.

9. Romansa at Pakikipagsapalaran (Romance and Adventure)-Ang romansa ay hindi nauukol sa


pag- iibigan lamang. Isang halimbawa nito ay ang romansa ni Hemingway at ng karagatan; mga
astro- nauts at ng kalawakan.

10. Hayop (Animals) – Magandang paksa sa balita ang mga hayop na may katalinuhan.

11. Pangalan (Names) – Kung marami ang mga panga- lang nakalathala na nasasangkot sa balita,
duma- rami rin ang mga mambabasa.
[Type here]

12. Drama (Drama) – Ang daigdig ay isang dulaan at ang mga tao ay nagsisiganap sa pamamagitan
ng dula ng tunay na buhay. Ang misteryo, pag-aalinlangan (suspense) o komedya ay nagbibigay
ng kulay sa isang kuwento.

Page | 3 13. Kasarian (Sex) – Ito’y nagbibigay ng kawilihan na karaniwang natutunghayan sa romansa, pag-
aasawa, pahihiwalay at pagdidiborsiyo. Nailalarawan din ang kasarian, halimbawa kung ang
isang babae ang pinuno ng mga bandido o kung ang naihalal na pangulo ng isang bansa ay
babae gaya ni Gloria M. Arroyo.

14. Pag-unlad o Pagsulong (Progress or Advancement) Magandang paksa ang mga ito sa balita.

15. Mga Bilang (Numbers) – Marami ang mahilig mag- basa ng mga estatistiks tulad ng ulat sa
pananalapi, kinalabasan ng eleksyon, panalong numero sa sweep- stakes, vital statistics ng
dalaga, atb.

Sanggunian :
https://www.scribd.com/presentation/448570097/Ang-Paglalakbay-Sangkap-at-Pamatnubay-ng-
Balita
https://www.studocu.com/ph/document/nueva-vizcaya-state-university/social-studies/kabanata-
2-paglalakbay-ng-balita/54309432
https://www.coursehero.com/file/71506443/Ang-Paglalakbay-Sangkap-at-Pamatnubay-ng-
Balitapptx/

You might also like