Professional Documents
Culture Documents
MONTERO
FIL127
ANG BALITA
2. KALAPITAN SA POOK.
Nangangahulugan ito na higit na kinagigiliwan ng mambabasa
ang mga pangyayari sa kanilang paligid kaysa mga nagaganap sa
malalayong pook. Kaya’t upang matulungan ang. Pangangailangan ng
maraming mambabasa, lalo na ng malalaking pahayagang pang-araw-
araw, naglalagay na sila ng nakabukod na seksiyon para sa balitang
lokal balitang panlalawigan at seksiyon ng mga balitang banyaga.
3. TUNGGALIAN.
Tulad sa kuwento at novela, ang tunggalian ang nangingibabaw
na katangian ng mga balitang nahihinggil sa isports, pagwewelga,
laban sa pulitika, paligsahan, atbp. Ang katangiang ito ang lalong
nakapagpapatingkad ng kariktan ng balita sa mga mambabasa. At
bunga ng tunggalian o labanan, ang mambabasa ay malimit na
pumapanig sa isa sa (mga) naglalaban. Halimbawa, sa larong
basketbol, marami ang pumapaborito.
4. KATANYAGAN.
Ang isa pang katangian ng balita ay ang kaugnayan ng
pangyayari nito sa mga taong tanyag Malimit na ang mga balitang
nagtataglay ng ganitong katangian ay yaong mga nahihinggil sa mga
pinunong pampamahalaan, mga lider, mga taong kilala sa iba’t ibang
larangan ng buhay, mga taong bantog.
5. KAHALAGAHAN.
Ang mga pangyayaring nagaganap sa sariling bansa man o
kaya’y sa ibang bansa ngunit nakakaafekto sa kalagayan ng ating
kabuhayan, pananalapi, edukasyon, kultura, atbp. Ay makabubuo ng
isang tunay na balita dahil sa kahalagahan nito sa mamamayan at sa
bansa.
6. PAG-UNLAD.
Lahat ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad sa
kabuhayan, edukasyon, agrikultura, kapayapaan, kultura, pulitika,
atbp. ay nakabubuo ng pangunahing diwa ng isang ganap na balita sa
mga pahayagan.
7. DI-KARANIWAN. A
numang pangyayaring di-karaniwan ay laging bago, laging
kawili-wiling basahin ng sinumang mambabasa. Kaya’t laging
sinasabing “Ano mang pangyayaring di-karaniwan ay isang balita.”
8. KAAKIT-AKIT SA TAO.
Ito ang katangian ng pangyayari na karaniwang pinaksa ng mga
balitang pinagaganda (colored news).
9. ROMANSA AT PAKIKIPAGSAPALARAN.
Kinagigiliwan ding basahin ng mambabasa ang mga ganitong
akda. Saan mang dako ay sagana sa mga akdang nahihinggil sa
romansa at pakikipagsapalaran, hindi man napag-uukulan ng pansin
at nailalabas sa mga pahayagan, ito’y nakapagbibigay-kabatiran
bukod sa nakalilibangan, kailangang magtaglay ng ganitong mga
paksa ang pahayagan, maging ito’y pahayagang pangkapulian,
pambayan, panlalawigan, pampurok o pampaaralan.
13. SEKS.
Ang mga pangyayaring nahihinggil sa seks ay paksang
kinawiwilihang malaman ng mga tao sa isang pamayanan mula pa
noong unang panahon. Kaya’t anumang pangyayaring hinggil dito ay
parang apoy kung lumaganap sa buong pamayanan kahit na sa bibig
lamang ng mga mamamayan tagpapalipat-lipat.
6. BULLETIN AT FLASH.
Ang mga ito’y kapwa pahabol na balita, kaya karaniwang maikli
at nakasingit lamang sa mga pahayagan.
Ang flash ay karaniwang nagbabanta ng isang malaking balita,
samantalang ang bulletin ay isang ulat ukol sa isang laganap nang
balita. Ang bulletin ay pauna ng tugaygay na balita, samantalang ang
flash ay pauna ng isang malaking balita.
7. TUGAYGAY NA BALITA (FOLLOW-UP NEWS).