You are on page 1of 25

Kontemporaryong Panitikan

LINGGUHANG PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Filipino 8, Kwarter 3, Li nggo1
KONTEMPORARYONG PANITIKAN

Mga akdang may pagkakatulad sa paksa at tema sa tradisyonal na


panitikan subalit nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan, at kaalamang
teknikal.
MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG
PANITIKAN
 Tabloid
Ang tabloid ay isang uri ng print media na naglalaman ng balita,
impormasyon, patalastas, katatawanan at iba pa. Kadalasan itong
inilalathala ng araw-araw o lingguhan.
Tabloid
Tabloid: Isang Pagsusuri
ni William Rodriguez II

Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang
presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa.
Bumebenta pa rin kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa
radyo. May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay ‘di naman naibabalita sa TV at
radyo. Isa pa, hangga’t naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga
nilalaman nito.
Iba’t iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga
ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o’ di kaya’y sumagot ng palaisipan.
Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong
pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid
ay pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang midyum.
Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. “Yun nga lang,
sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya’t
tinagurian itong “sensationalized journalism.”
Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa
itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa
masamang balita?
Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang
nagsicirculate sa bansa.
Mga Gabay na Tanong
1. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit binabasa ng mga tao ang tabloid?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, mayroon bang epekto ang internet sa industriya ng pahayagan o
tabloid? Bakit?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
 Magasin

Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang


magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling
kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging
paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino.
Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang
Pilipino. Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng
pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan
ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng
kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga
nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon
ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba‘t
ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga
magasin na tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-
usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang
pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbinggabay
upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sakalusugan,
kagandahan, kultura at aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong
nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mgaresponsibilidad at
maging mabuting maybahay.
4. Yes! - Ang magasin ay tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay
palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol
sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggilsa
kagandahan.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Itoay gawa
ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mgamambabasa.
7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu
ngkalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mgapagsusuri
sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito aynaging paborito ng
maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may
mganapapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
Mga Gabay na Tanong
1. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang mga babasahing ito sa pag-unladng iyong
pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan?
___________________________________________________________________
_
2. Mahalaga pa bang mayroong magasin ngayon kahit na mayroong internet kung saan
nakakukuha tayo ng mga mahalagang impormasyon, mga estorya ng matagumpay na
personalidad at iba pa? Bakit?
___________________________________________________________________
 Komiks

Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at


larawan ayginagamit upang ihatid ang isang salaysay o
kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunting
diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga
larawan,na maaaring maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may
lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks,
sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito
na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang
mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na
nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng
kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista
na napakalawak ng imahinasyon. Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang
nagpagalaw maging sa mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita
ng iba. Sa Pilipinas, sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipino
na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala niya ang “Pagong atMatsing”. Ito ay
halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya.
Mga Halimbawa ng KOMIKS
Mga Gabay na Tanong
1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura,


tradisyon, at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan? Bakit?
______________________________________________________________
____________________________________________________________________
ASSIGNMENT:

Gawain 1: Pagbabatid
Panuto: Itala sa kahon ang mga ideya o pahayag na naglalarawan sa pahayagan o tabloid.

Gawain 2.a: Pagsusuri


Panuto: Gamit ang Venn Diagram ay suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid at magasin.

Repleksyon
Sa iyong pananaw, kailangan pa bang magpatuloy ang pagsulat at pag-imprinta ng tabloid, magasin at komiks? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

You might also like