You are on page 1of 7

ZAMBALES NATIONAL HIGH SCHOOL

Pambansang Mataas na Paaralan ng Zambales


Zone VI, Baytan, Iba, Zambales
8- AVOCADO S.Y. 2019-2020

FILIPINO 8
IKATLONG MARKAHAN

REPLEKSYON
sa KASALUKUYAN
tungo sa
KINABUKASAN

isinumite ni: de padua, jerez r.

isinumite kay: titular, emilie


GURO SA FILIPINO
TALAAN ng N I L A L A M A N Page | 2

Tabloid…………………………………………...………2

BROADSHEET……………………...…………………3

KOMIKS………………………………………….3

MAGASIN………………………………………………….5

DAGLI ………………………………………………………5
Ano ba ang dyaryo?
Ang dyaryo ay isang uri ng pahayagan na kapaimprenta sa papel, ito ay may
sariling hatak sa pagbabalita dahil hindi naman lahat ng mga tampok na balita
ay nailalathala sa telebisyon o kaya naman sa radyo. Kaya ang mga karamihan
ay bumibili ng dyaryo upang malaman ang mga napapanahong kaganapan sa Page | 3
ating nasasakupang bansa o sa labas man ng ating bansa. Ito ay napakamura
lamang ng presyo sa merkado kaya hindi manghihinayang ang mamimili at
sulit naman ito bilang mga mambabasa. Dito sa dyaryo ay pinaghalu-halo ang
mga iba’t ibang aspekto na gusto ng mga mambabasa, gaya na lamang ng
pampalakasan, napapanahong ulat, mga showbiz balita, tungkol sa agham,
literatura at marami pang iba.
Mayroong mga pangunahing uri ng dyaryo sa panahong ito, ang tabloid at ang
broadsheet ano nga ba ito at ano ang mga halimbawa nito sa panahon ngayon?

TABLOID
Ang Tabloid ay isang uri ng diyaryo na tinaguriang pangmasang diyaryo dahil
nakasulat ito sa tagalog (filipino), bagama’t ang ilan sa mga midyum ay ingles
na salita ang nakasulat. Ang Tabloid ay tinatawag na sensationalize journalism
dahil ang mga tampok dito ay ang may mga tungkol sa sex, at kaharasan. Ang
tabloid ay may katangian na, may magandang balita kung mayroong
masamang balita. Ito ay kabilang sa popular na panitikan na ang pangunahing
layunin ay ang makapagbigay ng kasiyahan sa kanyang mambabasa.

HALIMBAWA:
BROADSHEET

Ang broadsheet ay isang uri rin ng diyaryo na kabilang sa artistikong panitikan


na binibigyang diin ang mataas na antas ng kagandahan at kapinuhan. Ang Page | 4
target reader ng broadsheet ay class A at class B.
Ang Broadsheet ay isang uri ng pahayagan na may laki at haba ang pormat. Ito
ay isang uri ng pahayagan ng mayroong seryosong pagbabalita. At ang saklaw
na sakop nito ay malawak. Sapagkat hindi lamang pambansa ang sakop nito
kundi kasama din ang Internasiyonal.
HALIMBAWA:

KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at
larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring
maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng isa o higit pang
mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba

KASAYSAYAN NG KOMIKS
Ang pinaniniwalaang unang pilipinong gumawa ng komiks ay ang ating bayani
na si Dr. Jose Protacio Rizal, na ang pamagat ay unggoy at matsing noong 1948
sa magasinng “Trubners Record” sa kontinente ng Europa.
Noong 1896 hanggang 1898, ito ang panahon ng rebolusyon na kung saan ay
may lumabas na mga iilang magasin sa maynila na may titulong “Miao” at “Fe
Con Leche”. Nang sumapit ang 1907 nailathala ang “Lipang Kalabaw” sa
matiwasay na pamumuno ni Lope K. Santos, ito ay nagtataglay ng mga
satirikong kartun na patungkol sa mga amerikanong opisyal. Ang simula ng
1920 ay ang unang serye ng filipino komiks bilang isang page filler ito ay ang
“Telembang” at muling binuhay ang “Lipang Kalabaw”. Nagtataglay ito ng
satirikong kartun laban sa mga amerikano at mga pederalista, ito ang mga
unang nagpasimula ng komiks sa pilipinas. Noong 1923, nabuo ang Page | 5

“Liwayway” na naging seryeng komiks noong 1929 kasama ng “Mga


Kabalbalan ni Kenkoy”. Sumikat naman ang “Tagalog Komiks” noong 1949
at ang “Silangan” sa Dalisay na pamumuno ni Ben Cabailo jr. katulong nito
ang mga pinakabata at pinakamagagaling na dibuhista sa nasabing panahon n
iyo. Ito ay sina Nestor Redondo, Alfredo Alcala, Nolasco “Noly” Panalingan,
Elpidio Torres, at si Antonio de Zuniga. Pagkatapos nailathala ng ilang lingo
ang “Silangan” ay sumibol naman ang “Aksiyon Komiks” ng Arcade
Publication, na naging pinuno nito ay si Eriberto Tablan at ang mga ilustrador
ay sina Alfredo Alcala, at si Virgilio Redondo. Sumunod ang “Bituin komiks”
(April 1950), “Bulaklak Komiks” at “Pantastik Komiks” (August 1950),
Hiwaga komiks (1950), Espesyal Komiks at Manila Klasiks (1952), at Extra
komiks (1953). Noong taong 1950 tinaguriang pambansang libro ang Komiks.
Lumawak ang ginagamit na anyo nito, mayroong komedya, alamat,
paniniwala, at pilipinong mitolohiya gaya ng aswang, kapre, nuno sa punso,
tikbalang at maraming iba’t ibang klaseng sinaunang paniniwala. Ang mga
ilang komiks gaya ng Darna, kulafu at og, at D.I. trece ay hango sa mga komiks
sa amerika.
Sa panahong ito ay hindi na uso ang mga Komiks ngunit binubuhay parin ito
ng mga haligi ng industriyang Komiks kabilang na rito si Carlo J. Caparas.
HALIMBAWA:
MAGASIN

Ang magasin ay naglalaman ng mga anunsyo, artikulo, kwento, larawan at iba Page | 6

pa na binabago ng lingguhan o buwanan, ito ay may sukat na mas malaki pa sa


ordinaryong libro at mas maliit sa dyaryo.
Pangunahing magasin noon ay ang “Liwayway”, ang mga paksang napapaloob
ditto ay ang mga maiikling kwento at serye ng mga nobela na ginawa at
pinagsikapan ng mga batikan na manunulat. Humina lamang ito ng nag-iba ang
timpla o panlasa ng mga Pilipino simula noong magsilabasan sa merkado ang
mga iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa.

HALIMBAWA:

DAGLI
Ito ay isang espesyal na anyo ng Panitikang Filipino na tumatalakay sa iba’t-
ibang paksa sa buhay ng isang tao. Ang kaibahan nito sa iba pang mga Akdang
Pampanitikan gaya ng mga Alamat, Pabula, at iba pa, ay sadyang maikli ito
kumpara sa iba. Ang karaniwang bilang lamang nito ay nasa isang daang salita
o kaya naman ay aabot hanggang apat na raang salita lamang.
HALIMBAWA:

Page | 7

You might also like