You are on page 1of 2

Panitikan

Tabloid, komiks, magasin,at mga kontemporaryong dagling katha

Pahayagan (tabloid)
Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura.
Ayon kay William Rodriguez, “Sinasabing ang tabloid ay pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang
midyum.”
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga
tabloid na makikita sa bangketa.
Iba’t iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports,
literatura o di kaya’y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam
itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa.

Ang TABLOID ay pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang midyum.
Subalit, sa tabloid masyadong binibigyang diin ang tungkol sa SEX at KARAHASAN kaya’t tinagurian itong sensationalized journalism.
Ito ay dahil sa katangian na ang magandang balita ay nasa masamang balita.
Mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsi-circulate sa bansa.

KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Maaring maglaman ng isang diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaring maglarawan o maghambing
ng pagkakaiba ng teksto upang makaapekto nang higit na may lalim.
Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan
ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
Komiks- isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng
kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.
Sinasabing si Jose Rizal ang kaun-unahang Pilipino na gumawa ng komiks. Taong 1884 inilathala sa magasing “Trubner’s Record” sa
Europa ang komiks strip niya na “Pagong at Matsing”, halaw mula sa isang popular na pabula ng Asya.
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa bansa magmula nang lumabas ito sa magasin bilang page filler sa entertainment section
noong 1920.
Halimbawa:
Halakhak Komiks (1946)
Pilipino Komiks (1949)
Tagalog Komiks (1949)
Silangan Komiks (1950)
Subalit humina ang komiks sa pagpasok ng dekada otsenta nang ipatanggal ng ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng
murang papel. Naapektuhan ang kalidad at itsura ng papel. Umalis ang mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas at nagtrabaho na lamang
sa Amerika sa parehong industriya.
Alfredo Alcala
Mar Amongo
Alex Nino
Pagkatapos ng Martial Law, muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sumikat sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral.
Ang interes sa komiks ay tumagal lamang hanggang 1990. Nahumaling kasi ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang.
Carlo J. Caparas- taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga
ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Ayon sa blog ni Fermin Salvador, ‘world-class’ ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks.

Mga komikerong kilala sa labas ng Pilipinas:


Gerry Alanguilan
Whilce Portacio
Philip Tan
Alfredo Alcantara
Ayon kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang
biswal at teksto. Isang kakanyahang hindiing hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga’t ang mga Pilipino ay may mga mata para
makakita at bibig para makabasa– magpapatuloy ang eksistensya ng komiks.

MAGASIN
Hindi nawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng ng mga maikling kuwento at sunod-
sunod na mga nobela. Naging paraan ito para mapalago ang kaalaman ng mga Pilipino.
Bago pa man ang digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng
pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
Mga nangungunang magasin sa Bansa
FHM(For Him Magazine)-tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-
usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig at iba pa.
COSMOPOLITAN- magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol
sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
GOOD HOUSEKEEPING-Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang
gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.
YES!-Ang magasin ay tngkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng nakaw- atensyon na larawan at
malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
Metro-Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
CANDY- Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na na mas
nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.
MEN’S HEALTH-Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo,
pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito kung kaya ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.
T3- Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito
rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
ENTERPRENEUR- Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.

You might also like