You are on page 1of 39

Kontempo

-raryong
Panitikan

- G. Grant Gil Gatchalian


KONTEMPORARYONG PANITIKAN
-May mga akdang ang tagpuan ay ang
panahon pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig

-Marami sa mga akdang ito ang


kabilang sa tinatawag na popular na
panitikan.
POPULAR NA PANITIKAN
-Ito ang mga akdang sinulat para sa
masa Dahil pangmasa,
nagugustuhang basahin ang mga
akdang ito ng mas maraming
mambabasa. 
-Pangunahing layunin ang
makapagbigay-aliw.
TABLOID 
-Dito mababasa ang
mahahalagang
balitang umaapekto sa
bansa at sa daigdig.
-Regular itong
inilalabas araw-araw,
bawat dalawang araw,
o linggo-linggo. 
DALAWANG URI
NG PAHAYAGAN
• BROADSHEET 
- inilalathala ang broadsheet sa malaking
format at naglalaman ito ng mga
seryosong balita.
• TABLOID
-ay isang pahayagang kalahati ng'
broadsheet ang laki at naglalaman ng
maiiksing balita Kadalasan, higit na
binibigyang pansin nito ang mga balitang
nakakagulat, lalo na ang tungkol sa krimen,
sex, at pelikula.
KOMIKS
KOMIKS
Ang komiks ay isang midyum
ng pagpapahayag na
gumagamit ng mga imahe,
kadalasan may teksto o iba
pang mga anyo ng
impormasyong biswal, upang
magpahayag ng mga ideya o
maghatid ng salaysay o
kuwento.
-Kadalasan, binubuo ang
komiks ng mga magkakatabi
at sunod-sunod na panel ng
mga imahe.
Kaligirang Kasaysayan ng Komiks 
Jose Rizal - ang kauna-unahang Filipino na gumawa ng
komiks.
Nailathala noong 1948 sa magasing “Trubner’s
Record” sa Europa ang komiks istrip niya na “Pagong
at Matsing.”

Mula 1896 hanggang 1898 (yugto ng rebolusyon ng


Pilipinas)
- Ilang magasin ang lumabas sa Maynila na may
nakaimprcntang cartoons. Dalawa sa mga ito ay
ang “Miao” at "Te Con Leche.”
KALIGIRANG KASAYSAYAN
NG KOMIKS 

Mula 1896 hanggang 1898


Jose Rizal - ang (yugto ng rebolusyon ng
kauna-unahang Pilipinas)
Filipino na gumawa
ng komiks.
Ilang magasin ang
Nailathala noong 1948 sa lumabas sa Maynila na
magasing “Trubner’s Record” may nakaimprcntang
sa Europa ang komiks istrip cartoons. Dalawa sa
mga ito ay ang “Miao”
niya na “Pagong at Matsing.” at "Te Con Leche.”
“LIPANG KALABAW,"
-Inilathala noong 1907 , isang magasin
na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Lope
K. Santos.
- Ito ay nasa wikang Tagalog at
nagtataglay ng mga satirikong cartoon na
patungkol sa mga Amen'kanong opisyal. 
 “Telembang” at
“Lipang' Kalabaw” 
-Dalawa sa mga magasin noong 1920 na
lumabas ang mga unang serye ng
Filipino komiks na nagtataglay ng mga
satirikong cartoon ' laban sa mga
Amerikano at mga pederalista. 
“Tagalog Klasiks noong 1949, at
Silangan Komiks noong 1950.”
- Ang unang komiks ng Silangan ay lumabas
noong March 15, 1950 sa ilalim ng
pamamahala ng editor na si Ben Cabailo, J r. 
- Ipinagmalaki nito ang mga pinakabata at
magagaling na dibuhista ng panahong iyon:
Nestor Redondo, Alfredo Alcala, Nolasco
“Noly” Panaligan, Elpidio Torres, at
Antonio de Zuniga. 
“AKSIYON KOMIKS NG
ARCADE PUBLICATIONS.”
- Naging editor nito si Eriberto Tablan,
at sina Alfredo Alcala at Virgilio
Redondo ang mga punong ilustrador.
PANG N
AN AI N
LA A
I L KOMIKS TH
GA AL
M A
• Bituin Komiks (April 1950)
• Bulaklak Komiks (August 1950)
• Pantastik Komiks (October 1950)
• Hiwaga Komiks (1950)
• Espesyal Komiks (1952)
• Manila { Klasiks (1952)
• Extra Komiks (1953)
Noong kalagitnaan ng 1950’s
-itinuring ang komiks bilang pambansang
libro ng mga Pilipino. 
kumuha ng inspirasyon ang komiks mula sa
ibang anyo ng panitikan ‘ tulad ng komedya,
alamat, mga paniniwala at maging sa
mitolohiyang Pilipino na sa kasalukuyan ay
nagging hanguan ng mga kontemporaryong
mga dagli na popular din sa mga
mambabasa. 
Kulafu at Og Darna D.I. Trece
(Tarzan) (Wonder Woman o Superman) (Dick Tracy)

Ang ilang komiks ay hinango ang mga ideya ng


karakter sa mga komiks ng Amerika
CARLO J .
CAPARAS 

-Isa sa bumubuhay
sa Komiks sa
kasalukuyan.
MAGASIN
-isang publikasyon na
may regular na
pagitan ang paglabas,
kadalasan ay
lingguhan o buwanan,
at naglalaman ng mga
artikulo, kuwento,
larawan, anunsyo, at
iba pa.
-Ito ay may sukat na
mas malaki kaysa
aklat, ngunit mas
maliit kaysa
pahayagan. 
Liwayway
-ang pangunahing magasin sa Pilipinas noon.
Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at serye ng
mga nobela na ginawa ng mga tanyag na manunulat.
MGA PAGGUNAHING
MAGASIN SA
KASALUKUYAN 1. FHM (For Him Magazine) Isa
itong lifestyle magaazine na
pangkalalakihan. Naglalaman
ito ng mga larawan ng
magagandang dilag at ng mga
artikulo tungkol sa buhay at
pag-ibig. 

2. Cosmopolitan -Ito ay isang


magasing pangkababaihan. Ang
mga artikulo dito ay nagsisilbing
gabay upang maliwanagan ang
kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kalusugan,
kagandahan kultura at aliwan. 
3. Good Housekeeping - lsang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga
artikulong nakasulat , dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga
responsibilidad at maging mabuting maybahay. ‘ 

4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging
bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa
mga pinakasikat na artista sa bansa.

5. Metro Magasin - tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu


hinggil sa kagandahan.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at
suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batan g manunulat
na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa. ‘ 

7. Men’s Health Magasin - na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga


isyu ng kalusugan. May mga artikulo ito tungkol sa pamamaraan sa pag-
ehersisyo, pagbabawas ng timbang, at mga pagsusuri sa pisikal at mental
na kalusugan
8. T3 – lsang magasin para lamang
sa mga gadget. Ipinakikita rito ang 9. Entrepreneur Magasin
mga pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya at kagamitan. Ito rin - para sa mga taong may
ay may mga napapanahong balita negosyo o nais magtayo ng
at gabay tungkol sa pagaalaga ng negosyo. 
mga gadget. 
Kontemporaryong

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan


na maituturing na maikling maikling
kuwento.
-sinasabing lumaganap ito sa unang
dekada ng pananakop ng mga Amerikano.
-Wala nakatitiyak sa angkop na haba para
masabing dagli ang isang akdang
pampanitikan.
-Subalit sinasabing kinakailangang hindi
ito aabot sa haba ng isang maikling
kuwento.
Jose Corazon de Jesus Iñigo Ed. Regalado

Rosauro Almario

Patricio Mariano Francisco Laksamana Lope K. Santos

MGA KILALANG MANUNULAT NG DAGLI


KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN NG
DAGLI
1902 – Taong sumulpot ang dagli, kasabay ng
pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na
pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy
hanggang 1930.
Nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng
mga Espanol.
Instantaneas – tawag sa dagli na naging tampok sa
mga pahayagang Espanyol.
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang
ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para
sa antolohiyang “Ang Dagling Tagalog:
1903-1936”

-ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki


sa isang patriyarkal na lipunang kanilang
ginagalawan.
-Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang
babaeng napupusuan
-may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang
kanilang mga damdaming makabayan at
kaisipang lumalaban sa mananakop na
Amerikano.
Nagpapalit-palit ang anyo ng dagli. Nagbago
na ang dagli. Hindi na ito tinatawag na dagli at
nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at
katawagananekdota, slice-of-life, day-in-the-
life, at iba pa. Umaangkop ang dagli o
anomang estilo ng porma ng panitikan-sa
politika ng panahon batay sa politikal na
ekonomiya ng paglalathala. Tulad ng
maraming estilo, ang dagli ay kuwento pero
ibang uri ng kuwento.
ANG DAGLI SA KASALUKUYAN
Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash
fiction o sudden fiction ang dagli. Nguni’t nagkaroon
na ng dagli sa Pilipinas bago pa man nagkaroon ng
katawagang flash fiction na umusbong noong 1990s.

Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga


Kuwentong Paspasan” na pinamatnugutan ni Vicente
Garcia Groyon.
Taong 201l naman nang mailathala ang “Wag Lang Di
Makaraos ( 100 Dagli: Mga Kuwentong Pasaway,
Paaway at Pamatay)” ni Eros Atalia.
ANG DAGLI SA KASALUKUYAN
Ayon sa blogger na si William Rodriguez,
tinatalakay ang “samu’t saring pangyayari sa lipunan
sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang
paggamit ng wika.”
Mayo 2012 - Inilathala naman ang koleksyon ng mga
dagli ni Jack Alvarez na may pamagat na “Ang
Autobiografia ng Ibang Lady Gaga”
Ayon kay Aguila: “Naiangat ni Jack Alvarez ang
dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig
mula sa maliit at partikular na karanasan. . . Isang
makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan ng
bansa.”
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos
ihambing din sa tulang tuluyan, pasingaw, at proto-
fiction micro-flction sa Ingles.
HALIMBAWA
Lalaki, Babae, at Reporter
ni Salvador R. Barros:

"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang


lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba.
“Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa
kabila.
“Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay
lumalabas sa bibig.
“At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay
lumalabas sa pahayagan." (Sampagita. 8 Nobyembre
1932).
ANG DAGLI SA KASALUKUYAN
Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang nagsulputan na
hinango sa flashFiction. Batay sa naging karanasan ni Abdon Balde
Jr., isang manunulat, mula sa isang pulong ng lupon ng manunulat sa
Pilipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa higit na
pinaikling maikling kuwento. Lumabas ang “Mga Kuwentong
Paspasan,” na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga
kuwento ay walang sukat at karamihan ay lampas ng 150 salita. Si
Vim Nadera ay nagpanukala na ang dapat itawag ay Kagyat. Sabi nI
Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan ay
maigi ang pangalang malapit sa Flash Fiction". Nang magpanukala si
Michael Coroza ng lglap ay saka naisip ni Abdon Balde Jr. ang
Kislap, Kuwentong ISang igLAP. Kung kaya ang naging bunga ng
pag-uusap ay naisulat at nailathala ang aklat na “Kislap” ng
manunulat na si Abdon M. Balde Jr. Ang aklat na ito, ayon sa
manunulat, ay kalipunan ng mga kuwentong maaari ng umabot,
maaari ng hindi, ngunit hindi hihigit sa 150 salita.
HALIMBAWA
Hahamakin ang Lahat
ni Abdon M. Balde Jr.

"Kung kaya mong magbreakdance


sa JS,”

sabi ni Cherry. May halong biro. Para na rin niyang


sinabing, Pagputi ng uwak.
HALIMBAWA
Hahamakin ang Lahat
ni Abdon M. Balde Jr.

Ngunit hindi ganoon ang dating kay Dindo.

Sinuway ni Dindo ang bilin ng magulang. Inilihim niya


sa mga kaibigan ang balak. Nagpalakas siya. Kinausap si
Sam. Nagsanay si Dindo. Hindi alintana ang sakit at
hirap.
HALIMBAWA
Hahamakin ang Lahat
ni Abdon M. Balde Jr.

“Pede ka na,"

Sabi ni Sam pagkaraan ng isang buwan.


Isang linggo bago mag JS Prom, nilapitan ni Dindo si
Cherry na nagmemeryenda sa canteen.
HALIMBAWA
Hahamakin ang Lahat
ni Abdon M. Balde Jr.

“Para sa’yo, handa na ‘ko,”


“Oh, shocks!”

“Serious ka?
Kami na ni
Joko, no!”

Sagot ni Cheny, nakangisi,


Malungkot na tumalilis si Dindo, ika-ika, hila ang paang
may polio.
HALIMBAWA
Hahamakin ang Lahat
ni Abdon M. Balde Jr.

Malungkot na tumalilis si Dindo, ika-ika, hila ang | paang


may polio.
Malupit ang pag-ibig.
HALIMBAWA

"Huwag lang Di Makaraos'


ni Eros Atalia

Ang White Lady sa Kakahuyan

Module Pahina: 11
WAKAS

Kontempo
-raryong
Panitikan

- G. Grant Gil Gatchalian

You might also like