You are on page 1of 8

Dokumentaryong Pampelikula

 Anumang bagay na ating nakikita at napapanood ay may malaking


impluwensiya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Lalo na’t kung
ang ating mga pinanonood ay yaong makabuluhan at maiuugnay sa ating pang
araw-araw na pamumuhay. Ilan sa mga ito ay ang mga dokumentaryong
pampelikula. Bahagi na ito ngayon ng tinatawag nating kulturang popular o
“pop culture”.

Kulturang popular o “pop culture”


 Ito ay tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan ng mga tao sa
kasalukuyan

Dokumentaryong Pampelikula
 Ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at
katotohanan. Pangunahing layunin nito ang magbigay impormasyon,
manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan.

 Noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga Dokumentaryong


Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing
inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa anumang
Gawain ng mga tao sa araw araw. Inilalarawan ito bilang “ aktuwal na
tanawin sa eksena”. At sa patuloy na pagdaan ng panahon , naipakita sa
mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng “travelogue”,
“newsreel tradition” at “cinema truth”.

 Ito ang naging instrument laban sa politika at maling paniniwala , dahil sa


ipinakita nito ang realidad. Naging “wartime propaganda” at nagsilbing
inspirasyon upang makamit ang maraming tagumpay. Sa pamamagitan
ng “Cinema verite” ang salitang French na nangangahulugang “film
truth” o “pelikula totoo” kung saan nagkaroon ng totohanan na pag-
uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng “filmmaker” o tagalikha ng
pelikula at ng kanyang “film subject” o pinakapaksa ng dokumentaryo,
ay mas nagiging makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang
dokumentaryo.

 Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang mga


nabanggit, karaniwang nauuso ang mga “Independent o Indie Films”,
“Short Film”, “Advertisements at mga “Video Advocacies” bilang
bahagi ng kulturang popular at panitikang popular nating mga Pilipino.

Mga Elemento ng Pelikula

Sequence Iskrip
 Pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula.
Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
Sinematograpiya
 Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa mga manonood ang
tuany na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente
ng kamera.
Tunog at Musika
 Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tuong at
linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng
manonood.

Iba pang mga Elemento


Pananaliksik o Riserts
 Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil
sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang
mga detalye ng palabas.
Disenyong Pamproduksyon
 Pagpapanatili sa kaangkupang ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon
para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
Pagdidirihe
 Mga pamamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang
kuwento sa telebisyon o pelikula.
Pag-eedit
 Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa
mga eksenang nakunan na. ditto ay muling sinusuri ang mga tagpo upang
tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa
kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang
pelikula.

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera


Establishing / Long Shot
 Sa ibang termino ay tinatawag na “scene-setting”. Mula sa malayo ay
kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang
manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.
Medium Shot
 Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwang
ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang
taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong
detalye.
Close Shot
 Ang pokus ay nasa isang particular na bagay lamang, hindi binibigyang-
diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng
mukha; sulat-kamay sa isang papel.
Extreme- Close Up
Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang pinakapokus ay isang
detalye lamang mula sa close-up. Halimbawa, ang pokus ng kamera ay
nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha.
High Angle Shot
 Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.
Low Angle Shot
 Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
Birds Eye- View
 Maari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa
napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa
nito ay ang senaryo ng buong bayan.

 Tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may suliranin ng


“kamangmangan”. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na tila nakalimutan na
yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa sa mga unang nagpasimula ng ating
kabihasnan at kung anong klase at pamamaraan ng pamumuhay mayroon tayo
ngayon.

 Hunyo taong 1991, ang pagsabog ng matagal nang nananahimik na Bulkang


Pinatubo sa bahagi ng Zambales at Pampanga, gumimbal ang pangyayaring ito
sa buong daigdig dahil ang maging klima ng daigdig at ilan sa mga bansa nito ay
naapektuhan. Ang mga katutubong Aeta ay napilitang bumaba ng mga
kabundukan at nanirahan sa mga patag na lugar malapit sa kabayanan, kaya
naman ito rin ang naging daan upang mabigyan sila ng pagkakataong makapag-
aral sa mga paaralan na malapit rito.

 Isa sa halimbawa ng Dokumentaryong Pampelikula ay pinamagatang Manoro


(The Teacher). Ang salitang manoro ay nangangahulugang “tagapagturo” o
“guro” sa katutubong wika ng mga kapatid nating Aeta. Ito ay may kinalaman sa
isang batang katutubo, isang Aeta na nangangalang Jonalyn Ablong na
nagtapos ng kaniyang elementarya sa isang mababang paaralan sa Angeles
City, Pampanga at kung paano niya tinuruan ang kaniyang kababayan sa
kabundukan na bumasa, bumilang at sumulat.

Dokumentaryong Pantelebisyon
 Gaya ng pelikula, ang mga PROGRAMANG PANTELEBISYON ay
maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising
sa isip at damdamin ng isang tao.
 Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-
ispiritwal, pangkultura, pangmoralidad, pang edukasyon at iba pa.
 Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang.
Ang mga kaisipang, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay
maaaring maimpluwensiyahan ng mga pinanonood na mga programa sa
telebisyon.

Dokumentaryong Pantelebisyon
 Mga palabas naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong
proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa
kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

 FINAL REQUIREMENT
Aktwal na Pagsulat ng Pananaliksik, Presentasyon
at/o Publikasyon ng Pananaliksik

Ang Larangan ng PANANALIKSIK


Kahulugan at Kahalagahan ng Pananaliksik
 Ang Pananaliksik ay ang pagsubok, pagtuklas, pagbibigay-linaw sa isang
katotohanan na tinatanggap at napabalidong mga kaisipan at paniniwala.
Nangangailangan ito ng higit na atensyon, pagtitiyaga, maayos at
masistematikong pag-aaral tungkol sa nais na tuklasin tulad ng problema,
konsepto o kasalukuyang isyu o isang aspetong nais na pag-aralan.

Layunin ng Pananaliksik
1. Makakuha ng mga kinakailangang impormasyong mapapanaligan na
makakatulong sa pagtuturo, pagkatuto, pamamahala sa isang programa at
paghahanda ng kagamitan sa pagtuturo.
2. Makita ang kinahihinatnan ng ginawa sa loob ng silid-aralan tulad ng kabisaan ng
pagtuturo, programa o kurikulum, kagamitan at pamamaraan.
3. Mabigyang solusyon ang mga kinakaharap na problema sa pagtuturo tulad ng;
a. Kakulangan ng kagamitan
b. Kawalang interes ng mga mag-aaral o kahinaan sa kasanayan
c. Kahandaang ng guro
d. Pamamahala
4. Mataya ang buong programa, silabus at kagamitan.
5. Mapatunayan at mapasubalian ang mga establisado nang simulain, teorya o
katotohanan.

Kahalagahan ng Pananaliksik
1. Pampayaman ng kaisipan
2. Lumalawak ang karanasan
3. Nalilinang ang tiwala sa sarili
4. Nadaragdagan ang kaalaman

Mga Katangian ng Praktikal na Pananaliksik


1. Orihinal na akda
2. May Sistema
3. Hindi mahirap kalapin ang mga datos na pag-aaralan
4. Hindi magastos ang paksa
5. Praktikal
6. Makatotohanan
7. Maaaring kwantitatibo (quantitative) o kwalitatibo (qualitative)

Bakit Kailangang Manaliksik Gamit ang Wikang Filipino?


WIKA para sa
 Kritikal na pag-iisip
 Pagpapalawak at paglilinaw ng ideya
 Daan sa sistematikong kabuuan at pag-aayos ng mga ideya
 Imbakan sa pagpapahalaga ng ating mayaman na kultura
 Nagbibigay hubog sa kultura
 Napagbubuklod-buklod ang ating kultura
 Pagpapakilala ng idetidad
 Ipunan at salukan ng kaisipan ng kultura
 Instrumento ng pagpapalaya at layuning makabansa

Paksa ng Pananaliksik
 Mayaman sa kultura, panitikan at kaalaman ang ating bansa
 Maging malikhain
 Pagkakaroon ng tamang gabay at perspektiba sa pananaliksik

Pagpili ng bansa
 Nakapupukaw ng iyong interes at ng mambabasa
 Gawing partikular
 Kung may katuturan o halaga

Paksa ng Pananaliksik
 Paglatag ng mga katanungan
 Nilalaman ng pag-aaral
 Historical na konteksto (pagmamapa ng sarili nitong kasaysayan at
bahagi sa pangkalahatang kasaysayan)
 Ano ang mga katangian at kategorya ng paksa
 Ano ang halaga ng iyong paksa
 Pagbibigay ng pamagat

Istruktura ng Pananaliksik
1. Paghahanap ng paksa
2. Pagsasagawa ng mungkahing pananaliksik/ proposal.
3. Pananaliksik (paghahanap ng mga sanggunian, materyales, babasahin at iba
pa.
4. Pagsusulat ng unang burador (pagsusuri o interpretasyon ng mga datos)
5. Pagsusulat ng ikalawang burador pagkinis ng mga detalye/pagtiyak sa mga
tala)
6. Pagrerebyu (mga komento /mungkahing mga pagbabago para sa ikauunlad ng
pananaliksik)
7. Pagsusulat ng rebisyon (tuntungan at gabay sa rebisyon ang mga
komento/mungkahi ng nagrebyu/sariling pagtatasa sa pananaliksik)
8. Pagbabahagi ng pananaliksik/pag-lalathala (para sa maaaring makinabang at
praktika ng pananaliksik)
Dalawang Uri ng Pananaliksik
1. Quantitative (numbers)
(Probability Sampling)
 Experimental
 Descriptive
 Correlational
 Casual-comparative
2. Qualitative (narrative)
(Non-probability Sampling)
 Ethnographic
 Historical
 Case studies
 Content Analysis

Mga Disenyo ng Pananaliksik


I. Paglalarawan (Descriptive)
 Hal. Pag-aaral sa mga suliranin ng mga mag-aaral na naninirahan sa
mga boarding houses at ang nagging epekto nito sa kanilang pag-aaral.
II. Eksperimental
 Kilala sa tawag na action research, isang uri ng pananaliksik na
karaniwang layunin ang mabigyan ng ebalwasyon ang kasalukuyang
kalakaran at humahanap ng mas mabuting alternatibo.
III. Pangkasaysayan (Historikal)
 sinusuri ditto angmga pangyayari, ang pag-unlad, ang mga dahilan ng
bagay-bagay at sanhi at bunga.
Hal. Ang pag-aaral ukol sa pag-unlad ng ating Pambansang Wika.
IV. Pag-aaral ng isang Kaso (Case Study)
 Ito’y isang malawak na pag-aaral sa isang aklat, pangyayari, karanasan,
isang pasyente, kaso sa hukuman, o kaya’y mabigat na suliranin.
Hal. Pag-aaral ukol sa kaso ng isang sugapa sa ipinagbabawal na gamot
na nagging dahilan ng pagkapasok niya sa rehabilitation center.
V. Genetic Study
 Pinag-aaralan at sinusuri nito ang pag-sulong at pag-unlad ng isang paksa.
Hal. Pag-aaral sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ng isang tao.
VI. Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan (Normative)
 Inihahambing ang resulta ng isang pag-aaral sa isang umiiral na
pamantayan.
Hal. Paghahambing na nagampanan sa Ingles ng mga ikatlong baiting sa
isang dibisyon sa pambansang pamantayan sa ingles ng mga nasa
ikatong baiting.
VII. Hambingang Pamamaraan ( Comparative Analysis)
 Ginagamitan ito ng mga talahanayan ng paghahambing ng mga datos.
Hal. Pag-aaral ng bunga ng edukasyon sa mga mag-aaral ng paaralang
publiko at paaralang pribado.

Ang Pagsulat ng Pananaliksik


Rebyu sa mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik
 Pagpili ng batis (Sources) ng Impormasyon
 Pagbabasa at Pagbubuod ng impormasyon
 Pagsasalin, Paraphrasing Atbp.
 Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik
 Pagbabalangkas

Balangkas IMRAD
I – ntroduction (panimula)
M – ethodology (metodolohiya/pamamaraang ginamit)
R – esults (resulta ng pag-aaral)
A – nd
D – iscussion (paglalahad, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos)

I-NTRODUCTION (Panimula)
 Ang pamagat ng pananaliksik ay nasa gitnang bahagi.
 Maglahad ng mga detalye/impormasyon sa iba’t ibang perspektibo (mega,
macro, micro level) na nauugnay sa paksa ng ginagawang pananaliksik.
 Ano ang layunin ng pag-aaral? Bakit ito?
 Ano-ano ang mga suliranin na gagawing pananaliksik?
 Ano-ano ang mga magiging kapakinabangan ng gagawing pananaliksik?

M-ETHODOLOGY (Metodolohiya/Pamamaraang Ginagamit)


 Ano-anong disenyo/instrument ang ginamit?
 Sino-sino ang mga kasangkot sa pananaliksik/
 Paano sila pinili?
 Ano/saan ang saklaw ng pag-aaral?
 Ano-anong hakbang/pamamaraan maisasagawa ang pag-aaral?

Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos


 Inilalahad dito ang mga resulta na pag-aaral
 Ang paglalahad ng mga kasagutan ay naaayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
binanggit na suliranin
 Maaaring gumamit ng mga talahanayan na may kaangkop ng paliwang sa bawat
talataan

CONCLUSION (Konklusyon)
 Nakasulat ang pagtalata tungkol sa naging paksa ng pananaliksik, nagging
resulta at mga konklusyong ibibigay sa nagging resulta ng pag-aaral.

ANG TRADISYONAL NA PANANALIKSIK


Mga Bahagi
I. Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral
II. Rebyu ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
III. Pamamaraan at Metodolohiyang Ginamit
IV. Paglalahad, Pagsusuri at interpretasyon ng mga Datos
V. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

TSAPTER 1
1. Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral
 Panimula
 Paglalahad ng Suliranin
 Kahalagahan ng Pag-aaral
 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
 Depinisyon ng mga Terminolohiya

Paglalahad ng Suliranin
 Nakapaloob ditto ang mga katanungan o layunin ng gagawing pag-aaral. Ito ay
dapat na may kasamang paglalarawan o pagpapaliwanag sa kaligiran ng
problema.

Kahalagahan ng Pag-aaral
 Ang bahaging ito ay kinapapalooban ng mga kahalagahan kung paano
mapapakinabangan ang pananaliksik at kung sino ang makikinabang at kung
paano maging inspirasyon ito upang maging batayan ng mga susunod na mag-
aaral.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral


 Ang saklaw at lawak ng pag-aaral ang nagsasaad kung saan makakakuha ng
sapat na impormasyon at ang lugar na pagdarausan, kasama rin ang magiging
kalahok. Maari naman gawing limitasyon ang sakop ng panahon, edad, lugar,
kasarian at iba pa.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


 Ito ang huling bahagi ng unang kabanata kung saan inilalahad dito ang termino
na gamit sa pag-aaral na dapat mabigyang kahulugan. Ang pagbibigay
kahulugan ay may dalawang paraan, maaaring konseptwal kung saan ang
kahulugan ay nakukuha sa diksyunaryo at operasyonal naman ay batay sa kung
paano nagamit sa pag-aaral.

TSAPTER 2
Rebyu ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
 Kaugnay na Literatura
 Kaugnay na Pag-aaral
A. Banyaga
B. Lokal
 Teoryang Ginamit sa Pag-aaral
 Balangkas Konseptwal

Kaugnay na Literatura
 Anumang nabasang akda, artikulong umuugnay sa kasalukuyang pananaliksik
na buhat sa mga aklat, pahayagan, journal at magasin. Makikita sa bahaging ito
ang mga nahanap na sanggunian na may kaugnayan sa ginagawang pag-aaral.

Kaugnay na Pag-aaral
 Mga kaugnay sa tesis at disertasyon na may kaugnayan sa ginagawang pag-
aaral.
A. Banyaga
B. Lokal
 Pamagat ng tesis, pananaliksik, taon kung kalian ginawa ang pag-aaral
 Pamamaraan at naging resulta ng pag-aaral
 Paghahambing at pagtutulad

Teoryang Ginamit sa Pag-aaral


 Ito ay nagpapaliwanag ng mga kadahilanan kung bakit kinakailangan humanap
ng mga panibagong datos ang mananaliksik na kaniyang susuriin, ipapaliwanag
at lalagumin. Nagsisilbing basehan ito upang ilarawang mabuti ang proseso ng
pag-aaral.

TSAPTER 3
Pamamaraan at Metodolohiyang Ginamit
 Disenyo ng Pananaliksik
 Pinagmulan ng mga Datos
 Instrumento ng Pag-aaral
 Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos
 Pagsusuring Pang-istatistika

Mga Pamamaraang Ginamit sa Pag-aaral


Disenyo ng Pananaliksik
 Uri ng pananaliksik na gagamitin
 Dahilan ng pagkapili nito.
Hal. Descriptive-analitic
Content Analysis (pagsusuring nilalaman)

Paraang Pangangalap ng Datos


 Ipinapakita rito nang detalyado ang mga naging hakbang/proseso sa
pangangalap ng datos at iba pang pamamaraan na nagawa ng mananaliksik.

Pagsusuring Pang-istratistika
 Inilalahad ditto ang simpleng istatistiks na magagamit matapos maitala ang mga
nagging sagot sa sarbey-kwestyuner sa bawat respondent. Maaari nang gamitin
ang pagpoporsyento/bahagdad matapos maitally ang mga numerical na datos.

TSAPTER 4
Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
 Sa bahaging ito makikita ang mga talahanayan o grap na ginamit. Ang mga
talahanayano grap ang siyang magpapaliwanag sa bawat nailahad na
katanungan sa unang bahagi ng pag-aaral. Ang bahagi na ito ay
nangangailangan ng isang eksperto sa pagkakakuha ng mga bilang ng
populasyon o mga taong sangkot sa pag-aaral.

TSAPTER 5
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
 ito ay bahaging magbibigay kasagutan sa suliranin ng pananaliksik

Sa Paglalagom ng resulta, ipakita ang pinakamahalagang resulta na nakikita sa pag-


aaral, ibase ang lagom sa layunin ng pag-aaral.

Ang Konklusyon ay ang kabuuang pahayag na maaaring makapagbigay ng kasagutan


sa suliranin ng pananaliksik.

Ang Rekomendasyon ay ang mga planong dapat bigyan ng aksyon na maaaring


sariling pananaw at kaisipan ng mananaliksik tungkol sa ikabubuti at ikauunlad ng pag-
aaral.

You might also like