You are on page 1of 3

CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.

CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya Province of Quezon R4A
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

Anumang bagay na ating nakikita, napakikinggan at napanonood ay may malaking


impluwensiya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Marahil ay lubos kang
kumbinsido at naniniwala sa mga pahayag na ito, lalo na’t kung ang ating mga pinanonood
ay yaong makabuluhan at maiuugnay sa ating pang-arawaraw na pamumuhay. Ilan sa mga
ito ay ang mga dokumentaryong pampelikula na ating napapanood.

Bahagi na ito ngayon ng tinatawag nating kulturang popular o “pop culture”. Ito ay
tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan at kinahihiligan ng mga tao sa kasalukuyan ito man
ay may kinalaman sa adbertismo, mga produktong ginagamit, uri ng libangan, paraan ng
pananalita, lebel ng wikang ginagamit, pinanonood at maging binabasa. Sa ganito ring
konsepto, umusbong ang Panitikang Popular, mga anyo ng panitikan na makabago ang mga
dulog at pamamaraan. Dahil na rin sa makabago nitong pamamaraan, estilo at anyo.
Partikular na ito’y binabasa at pinanonood ng kabataang tulad mo. Kabilang na rito ang mga
nauna mo nang napag-aralan, ang print media, broadcast media at ang paksang iyong
matututuhan ngayon, ang Dokumentaryong Pampelikula. Pangunahing layunin ng
Dokumentaryong Pampelikula ang magbigay-impormasyon, manghikayat, at magpamulat ng
mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan. Isa itong ekspresiyong biswal na
nagtatampok ng katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang ginagalawan.

Ang isa pa sa pangunahing instrumento sa pagtataguyod nito ay ang integrasyon at


paggamit ng ICT o Information and Communication Technology upang lalo pang
mapalaganap ang ganitong mga akdang pampanitikan. Ang pelikula, na kilala din bilang
sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan
bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging
pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang
letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya
bilang ang pag-aaral ng pelikula.

Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. Nililikha ang
pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay (kabilang ang inarte na
pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun.

Ang pelikula ay mayroong sariling wika. Ayon kay Ingmar Bergman, si Andrei Tarjirjy
ang kanyang tinuturing na pinakamagaling na direktor sapagkat nagawa niyang isa-pelikula
ang buhay sa paraang makikita ito bilang isang panaginip. Ang wika ng pelikula ay
mababatay sa pag-arte ng aktor na parang nagsasalita ng personal sa tagapanood.

Karaniwang pinoproseso ang mga pelikula upang maibahagi ito sa madla.


Karaniwang mga propesyonal na distributor ang gumagawa nito at maaaring ipalabas sa
teatro, telebisyon, o personal na panonood sa pamamagitan ng DVD-Video o Blu-ray Disc,
video-on-demand, o pag-download mula sa internet. Dahil sa mabilis na pag-unlad ng
teknolohiya, mabilis na ring makapanood ng mga pelikula sa ibang nagbibigay ng serbisyong
ito gaya ng Netflix o maaari na ring makakuha ng mga pelikula online sa ilegal na paraan
gaya ng torrent.

Ang montage ay isang paraan kung saan hinahati ang parte ng isang pelikula at ito ay
pinipili, inaayos, binabago para makagawa ng mas magandang seksyon ng pelikula. Ang
pinangyarihan ay pwede magpakita ng isang lalaki na sasabak sa laban, na may sulyap ng
kanyang kabataan at sakanyang buhay noon. Kapag kumpleto na ang pelikula na ito, dito
dinadagdagan ang mga pwede pang animasyon para gumanda lalo ang pelikula.

Ang pagkritik ng pelikula ay ang pagpupuha ng isang gawa batay sa mga rubriks. Ang
pagkritik ay masusuri sa dalawang kategorya, ang pagsuri ng mga akenemiko at ang pagsuri
ng mga mamahayag na kalimitang magbabasa sa mga diyaryo at iba pang matining na
katinig.
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya Province of Quezon R4A
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong pampelikula


sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigay-impormasyon, manghikayat, magpamulat
ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang
ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan.

Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga Dokumentaryong
Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha
ng iba’t ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito
bilang ang “aktuwal na tanawin o eksena”. At sa patuloy na pagdaan ng panahon, naipakita
sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng “travelogue”, “newsreel tradition” at
“cinema truth”. Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat
ito ang naging instrumento laban sa politika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita nito
ang realidad.

Naging “wartime propaganda”, ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon upang


makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng tinatawag na “Cinema Verite”
ang salitang French na nangangahulugang “film truth” o “pelikula totoo” kung saan nagkaroon
ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng
“filmmaker” o tagalikha ng pelikula at ng kanyang “film subject” o pinakapaksa ng
dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging makatotohanan, mabisa at makabuluhan
ang isang dokumentaryo. Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang
mga nabanggit, karaniwang nauuso ang mga “Independent o Indie Films”, “Short Films”,
“Advertisements” at mga “Video Advocacies ” bilang bahagi ng kulturang popular at
panitikang popular nating mga Pilipino.

Ang mga sumusunod ay mga elemento ng pelikula:

1. Sequence Iskrip – ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


kwento. Ang magandang pelikula ay may kwento na hindi madaling mahuhulaan ng mga
manonood ang mga susunod na mangyayari.

2. Sinematograpiya – ito ang pagpapakita ng angkop na tagpuan gamit ang maayos na


anggulo at magaling na lente ng kamera, wastong ilaw para ipakita ang mga pangyayari sa
mga manonood.

3. Tunog at musika – ito ang elemento na nagpapasidhi ng damdamin at emosyon ng mga


pangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng wastong tunog at pagpapatunog ng angkop na
musika para mapukaw ang interes ng mga manonood.

Iba pang mga Elemento

a. Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng


dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan
ang mga detalye ng palabas.

b. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,


pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.

c. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento
sa telebisyon o pelikula.

d. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga


eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang
hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may
laang oras/panahon ang isang pelikula.
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya Province of Quezon R4A
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera

1. Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”. Mula sa


malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa
magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.

2. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwang
ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap.
Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye.

3. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang-
diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-
kamay sa isang papel.

4. Extreme Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang pinakapokus ay


isang detalye lamang mula sa close-up. Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata
lamang sa halip na sa buong mukha.

5. High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.

6. Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.

7. Birds Eye - View – Maaari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa
napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi.

You might also like