You are on page 1of 1

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA

Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang Dokumentaryong


Pampelikula sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigay- impormasyon,
manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas
malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang
Makita ang realidad at katotohanan.
Maaga nang taong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga
Dokumentaryong Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing
inilalarawan ay ang pagkuha ng ibat-ibang mga eksena sa anumang Gawain ng
mga tao sa araw-araw.. inilalarawan ito bilang ang aktuwal na tanawin o eksena.
At sa patuloy na pagdaan ng panahon, naipakita sa mga tao ang nakakatulad na
dokumentaryo tulad ng travelogue, newsreel tradition at cinema truth.
Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat
ito ang instrument laban sa pulitika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita nito
ang realidad. Naging wartime propaganda, ethnographic film at nagsilbing
inspirasyon upang makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng
tinatawag na Cinema Verite, ang salitang French na nangangahulugang film trut
o pelikula totoo kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at
pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng filmmaker o tagalikha ng pelikula
at ng kanyang film subject o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa pamamagitan
nito, mas nagiging makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang
dokumentaryo. Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang
mga nabanggit, karaniwang nauuso ang mga Independent o Indie Films, Short
Films, Advetisements at mga Video Advocacies bilang bahagi ng kulturang
popular at panitikang popular nating mga Pilipino.
Higit pa rito, dapat mong malaman na ang isang epektibong dokumentaryong
pampelikula ay nagtataglay ng sumusunod na elemento:
Mga Elemento ng Pelikula
a. Sequence Iskrip Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento
sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kwento.
b. Sinematograpiya Pagkuha sa watsong anggulo upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng
ilaw at lente ng kamera.
c. Tunog at Musika Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng
ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at
damdamin ng manonood.
Iba Pang Mga Elemento
a. Pananaliksik o Riserts Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng
dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at
makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
b. Disenyong Pamproduksyon Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,
pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na
pagkukuwento.
c. Pagdidirihe Mga pamaraan at diskarte ng director kung paano patatakbuhin
ang kuwento sa telebisyon at pelikula.
d. Pag-eedit Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo
mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo
upang tayain kung alin ang hidi nararapat isama ngunit di makaaapekto sa
kabuuan ng istorya dahil may laang oras/ panahon ang isang pelikula.

You might also like