You are on page 1of 5

HANDOUTS GRADE 11/3RD GRADING

ARALIN I

1. Sinasabing angkultura ay pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao kung saan


ang mg kasapi ay natatagpuan sa isangteritoryo, responsible sa bawat isa, at may
pagkakakilanlan.
2. Masasabing ang wika ay nakasandig sa kultura.
3. Balita -naglalarawan ng mga kasalukuyang pangyayari sa loob at labas ng bansa at anumang
pangyayaring di-karaniwan ay balita.

MGA DAPAT TANDAAN SA BALITA:

1. Isinusulat kaagad ang mga talang nakuha kaugnay ng isang pangyayari.


2. Binibigyang halaga ang mga mahahalagang puntos sa isang balita.
3. Dapat na wasto ang pangalan ng tao/mga taong ibinabalita,wasto rin ang petsa at mga
pangyayari.
4. Hindi dapat naglalaman ng kuru-kuro ang isang balita.
5. Banggitin ang awtoridad na pinagmulan ng balita, ilahad ang mga pangyayaring walang
pinapanigan, gumamit ng isang pangungusap na talata.
6. Gawing maikli, malinaw, at payak ang mga pangungusap.
7. Higit sa lahat, dapat na kasulatang balita ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

DISIPILINA SA BANGKETA:

1. Ipinahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)na kailanganang


Urbanidad upang magkaraoon ng disiplina sa bangketa.
2. Urbanidad ang tamang pag-uugali sa paninirahan sa mataong lugar at pagsunod sa batas at
kautusan ng komunidad.
3. Sa urbanidad nagmumula ang dangal ng bayan, kung paano ang bawat isang mamamayan,
kasama ang kanilang pamahalaan, ay pawang magkakaibigan.

KONSEPTO NG LIPUNAN:

1. Ang limang konsepto ng lipunan ay ang mga sumusunod:


a. Lipunang sagana
b. Lipunang payapa
c. Lipunang maunlad
d. Lipunang nagkakaisa
e. maka-diyos

TANGING LATHALAIN

-ito ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagpapaliwanag at may


sanligan at impresyon ng sumulat.
-madamdamin at personal ang paraan ng pagpapaliwanag.
-pangunahing layunin ng tanging lathalain ay manlibang bagama’t maaaring
magpabatid o makipagtalo rin ito.
-isang uri ng journalistic na pagsulat ang tanging lathalain na nag-uulat at
nagpapaliwanag ng mga makatotohanang bagay o pangyayari.
KATANGIAN NG TANGING LATHALAIN:
1. Walang tiyak na haba, maaaring maikli, maaaring mahaba na naayon sa nilalaman na ibig
isulat.
2. Batay sa katotohan na maaaring may kaugnay sa balita.
3. Maaaring sulatin sa anumang anyo,estilo o pamamaraan, ngunit kailangang ito’y naaangkop
sa nilalaman at layunin nito.
4. Nasusulat sa himig na payak na parang nakikipag-usap lamang.
5. Maaaring gumamit ng una, ikalawa o ikatlong panauhan.
6. Pinakamahalaga sa lahat ng uri ng journalistik.
7. Maaaring gumamit ng matatalinghagang pahayag tulad ng tayutay o idyomatikong pahayag
hangga’t kailangan.
8. May panimula, katawan at wakas.

Tsart ng Pagdedesisyon-isang teknik na nililinang ang pagdedesisyon tungkol sa isang mahalagang


bagay.
Concept Map- isang teknik na ginagamit din bilang graphic organizer na pagsasama-sama ng
magkakaugnay na konsepto tungkol sa isang paksa o bagay.
Pamamahayago print ay ang pag-uulat o pagbabalita na maghahatid ng mga pangyayari sa kaalaman
ng mga mambabasa.
Broadcasting- ito ay paghahatid ng impormasyon sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.
Tabloid- tinatawag na diyaryo ng masa dahil para ito sa lahat na magbigay impormasyon at
manlibang.
Mga dahilan kung bakit marami ang bumibili sa tabloid;
1. Kolokyal ang antas na gamit ng wika kaya medaling maunawaan.
2. Mas mura ang presyo.
3. Maikli ang balita.
4. Maikling panahon ang inilalaan sa pagbasa.
5. Nagsisilbing libangan, natututo at nakakakuha ng maraming impormasyon na maiuugnay sa
araw-araw na buhay nila.
6. Tanggap ang wikang ginagamit.
7. Nagsisilbing pampalipas oras upang hindi mabagot sa buhay.

ARALIN 2; PELIKULA AT DULA


1. Pelikula- ito ay kilala bilang sine at pinilkang-tabing na isang larangan na nagpapakita ng mga
gumagalaw na larawan bilang anyo ng sining o bahagi ng industriya ng libangan.
Mga uri ng pelikula
a. Aksiyon
b. Animation
c. Dokumentaryo
d. Drama
e. Pantasya
f. Historikal
g. Katatakutan
h. Komedya
i. Musikal
j. Science fiction
2. Dula- isang akdang pampanitikan ng kilos at galaw sa tanghalan o entablado ay
naglalarawan ng kawil (pagkakasunod-sunod) ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-
panabik na bahagi ng buhay ng tao.
Maynila sa Kuko ng Liwanag- isang nobelang isinulat ni Edgardo Reyes

Ang pagsusuri ng isang pelikula at isang akda ay maituturing na mataas at tampok na


kasanayang dapat linangin sa isang indibidwal.
Mga Dapat tandaan sa pagsusuri;
1. Gawing malinaw kung anong pelikula o akda ang tinutukoy.
2. Igawa ng buod
3. Gumamit ng mga salitang makatutulong sa babasa ng pagsusuri.
4. Huwag hayaang mahaluan ito ng pahayag na nakagawa ng ng pagsusuri.
5. Banggitin ang mabubuting aspeto ganoon din ang kahinaan nito.
6. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng pelikula
7. Iwasan ang pagbibigay ng hatol.
Mga elemento ng pelikula;
1. Iskrip
2. Sinematograpiya
3. Direksiyon
4. Pagganap ng artista
5. Produksiyon
6. Musika
7. Mensahe
Mga element ng dula;
1. Tagpuan
2. Tauhang lapad o bilog
3. Diyalogo
4. Tunggalian
5. Wakas
6. Aral
7. Implikasyon ng mga pangyayari sa kasalukuyang lipunan
8. Estilo ng sumulat ng dula

Aralin 3/Ang Komiks sa Lipunang Pilipino;


1. Komiks- isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento.
2. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunting dayalogo sapagat binubuo ito ng isa o higit
pang larawan.
3. Karaniwang paksang katatawanan ang komiks at inihahanay bilang kulturang popular
4. Buhay na buhay na pinagagalaw ng komiks ang buhay-Pilipino sa pamamagitan ng iba’t-
ibang kuwento na may kaugnayan sa buhay-Pinoy.
5. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista.
6. Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpapagalaw maging sa mga bagay na
walang buhay.
7. Ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahan Pilipino na gumawa ng komiks na
pinamagatang ‘’Pagong at Matsing’’.
8. Unang lumabas ang komiks noong taong 1920.
Mga halimbawa ng komiks;
a. Halakhak komiks
b. Tagalong klasiks noong 1949
c. Silangang komiks noong 1950
9. Humina ang komiks noong dekada 80, dahlia upang tanggalin ang ilang nilalaman at
paggamit ng murang papel.
Mga manunulat ng komiks na nagtrabaho sa ibang bansa;
1. Alfredo Alcala
2. Mar Amongo
3. Alex Nino
10. Carlo J. Caparas- kilalang direktor na binuhay ulit ang komiks noong taong 2007.
11. Fermin Salvador- isang blogger na nagsabing ‘’world class’’ ang kakayahan ng mga Pilipino sa
paglikha ng komiks.
Mga komikerong Pilipino na kilala sa labas ng bansa;
1. Gerry Alaguilan
2. Whilce Portacio
3. Philip Tan
4. Alfredo Alcantara
12. Prof. Romulo Baquiran ng Unibersida ng Pilipinas- ayon sa kanya ‘’Pasko sa Komiks’’, dahil
kailanman hindi mawawala ang komiks hangga’t ang mga Pilipino ay may mata para
makakita at mata para makabasa.
13. Masasabing malaki ang naging pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo maging sa ating
bansa gaya ng internet.

HUGOT LINES;
1. ito ay makabagong paraan ng pagpapahayag ng mga emosyon gamit ang social networking
site.
2. Mga katagang gumuguhit sa damdamin ng isang tao.
3. Karaniwang salita na may potensiyal at personal na dinaramdam tungkol sa isang pangyayari.
4. Kadalasang ginagamit ng tao kapag may pinagdadaanang problema sa buhay.
5. Hindi lamang mababasa sa social networking site, maaaring maging bahagi na ito ng usapan
maging sa komiks.

ARALIN 4/Adbertisement sa Kapaligirang Pinoy


1. Tinatawag na adbertisment ang tila isang maikling pelikula o isang nakasulat na
pabatid/impormasyon na ipinapalabas o ipinapakita sa publiko upang makatulong na mabili
ang produkto.
2. Maaari itong magbigay ng anunsiyo.
3. Layon nito na magbigay ng maayos na impormasyon sa mga mamimili.
4. Repleksiyon ng personalidad ng gumagawa ng adbertisement ang bawat ginagawa niya.

ADBERTISEMENT SA KAPALIGIRANG PINOY;


1. Adbertisement sa Bus
- Karaniwang mga pelikula o isang produkto ng gadget,pagkain,gamit pangmedikal at iba
pa.
- Bukod sa nakapanghihikayat ang adbertisement sa bus, nakapagdudulot din ito ng
karagdagang kagandahan sa disenyo ng bus.
2. Adbertisement sa Telebisyon
- Ang bawat komersiyal sa telebisyon ang nagsisilbing adbertisement.
- Pinakaepektibong uri ng adbertisement sapagkat halos lahat ng tao ay may panahon
para manood ng telebisyon.
- Iba-iba nag register na gamit nang ayon sa produkto o sitwasyon.
3. Adbertisement sa Radyo
- Kailangan ang airtime sa estasyon o network upang marinig ang mga komersiyal kaugnay
ng adbertisemnt.
- Dito ay nagkukuwento o parang nakikipag-usap na daan sa mabisang pag-aadbertays ng
anumang produkto.
- Ang bawat detalye ay pakikinggan lamang at di kailangang pagtuunan ng pansin ng
paningin.
4. Adbertisment sa Online
- Isang paraan ng promosyon gamit ang Internet at World Wide Web upang ipahayag ang
ganda ng pprodukto.
5. Adbertisement sa Billboard
- Malaking estruktura sa mga pampublikong lugar na nagpapakita ng adbertisement sa
mga motorist at pedestrian.
- Karaniwang makikita sa mga lansangan.
- Makikita sa mga lugar na matao tulad ng bus, sa mall at iba pa.

KAHALAGAHAN NG ADBERTISEMENT SA LIPUNANG PILIPINO;


1. Nagsisilbing gabay sa tamang pagbili.
2. Nalalaman ang kakaibang katangiang taglay ng isang produkto.
3. Nagkakaroon ng pagkakataon na piliin ang tamang produkto.
4. Nakapagbibigay ng karagdagang impormasyon na lagging tatandan sa pagbili.
5. Nagiging kritikal sa pagpili ng bibilhin.
6. Nagpapaalala ng magandang katangian ng mga produkto na dapat laging tandaan.

Kakayahang Lingguwistika- maagham na pag-aaral ng wika


-ang pokus ay ponolohiya o palatunugan, morpolohiya o palabuuan ng
mga
salita at sintaksis o palaugnayan ng isang wika.
Kakayahang Estruktural - layon nito na ilarawan ang estruktura o porma ng isang wika ayong kay
Otanes
noong 1990.
Kakayahang Gramatikal- pag-aaral sa sistema ng pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa
pagpapahayag ng kaisipan.

You might also like