You are on page 1of 19

PAGHAHANDA PARA SA

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


KOMIKS
• Komiks
– grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kwento. Isa sa halimbawa nito
ay Ang Panday na isinulat ni Carlo J. Caparas.

– Ayon kay Allice Guillermo, isang kritiko at propesor ng sining,


ang komiks ay halimbawa ng sining biswal dahil sa popular na
anyo nito.

– Halaklak Magasin - pinakaunang komiks magasin na lumabas


sa Pilipinas noong 1946. Noong 1947, pinondohan ito ni Ramon
Roces.
• KIKO AT ANGGE
– Pinakaunang komik istrip na Pilipino na nailathala sa Pilipinas sa
magasing Telembang noong 1922 na isinulat ni Inigo Ed Regalado.

• KENKOY
– Isa ito sa sumikat na komik istrip noon dahil sa nakakatuwang kataunahan
ng karakter. Mahilig umingles ngunit ang bersyon ay “carabao english”.
Lumabas ito sa magasing Liwayway.

• KULAFU
– Tungkol ito sa isang sanggol na pinalaki ng tsonggo sa isang kagubatan sa
Visayas. Kwento ng adbentura, pakikipaglaban sa mababangis na hayop sa
kagubatan.
PAHAYAGAN
PAHAYAGAN
- ito ay napagkukunan ng maraming mahalagang
impormasyon. Naglalaman ng nakalimbag na sari-saring
mahahalagang impormasyon, simula sa pangyayari sa paligid
hanggang sa mga anunsiyo o patalastas.

DALAWANG URI/SUKAT NG PAHAYAGAN


• Broadsheet - malaking sukat ng pahayagan. Ito ay 21 pulgada
patayo at 12.5 pulgada pahalang.
• Tabloid - maliit na sukat ng magasin. Ito ay 13 pulgada patayo
at 11 pulgada pahalang.
BAHAGI NG PAHAYAGAN
• Pangunahing Balita
Pinakamalaki at pinakamahalagang balita na nakasulat ang pamagat sa
malalaking titik at mababasa sa unang pahina ng pahayagan.

• Pahina ng mga balita


Naglalahad ng mga pangyayari na naganap sa loob ng 24 oras, mula
sa pinakamahalaga hanggang sa maliit na mga balita.

• Pahinang Classified Ads


Mababasa rito ang mga patalastas tungkol sa mga produkto, bukas
na empleyo, obituaryo at iba pa.
• Pahinang Pampalakasan
Nasusulat dito ang mga balita ukol sa palakasan o isports.

• Pahinang Panlathalain
Naglalaman ito ng mga artikulong tumatalakay nang malalim sa
mga usapin o isyu.

• Pahinang Pang-aliw
Makikita rito ang mga komiks, horoscope, sudoku at mga
balitang showbiz.
PORMAL AT IMPORMAL
NA WIKA
• PORMAL
– mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng mga nakapag-aral sa
wika.
• IMPORMAL NA WIKA
1. BALBAL
– ito ay kilala bilang “slang” sa wikang ingles. Ginagamit ng isang partikular na
grupo o pangat kaya kadalasan ay mahirap maunawaan.
2. KOLOKYAL
– isinasaalang-alang ang mga wikang madaling maintindihan. Madalas na
ginagamitan ng pagpapaikli at pagkakaltas. Ginagamit sa araw-araw.
3. LALAWIGANIN
– mga salitang ginagamit sa partikular na pook kung saan nagsimula o kilala
ang wika.
KOMENTARYONG
PANRADYO
• KOMENTARYONG PANRADYO
– Ayon kay Elena Botkin - Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ito ay ang
pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga
opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang
isyung kanilang napilingtalakayan at pagtuunan ng pansin.

ISTASYON SA RADYO
1. Amplitude Modulation (AM)
- nag-uulat ng mga balita, kasalukuyang pangyayari, serbisyong publiko,
serial na drama at napapanahong isyu.
2. Frequency Modulation (FM)
- nakapokus sa musika.
DOKUMENTARYONG
PANTELEBISYON
• Ang DOKUMENTARYO ay isang programa sa telebisyon o
pelikula na naglalahad ng mga katotohanan at impormasyon
tungkol sa isyu o problemang panlipunan, politikal o historikal.

• TELEBISYON
– pinakamahalagang imbensyon ng nakaraang siglo kung saan
pinagsasama-sama ang nagagawa ng radyo, potograpiya, pahayagan at
pelikula.
• KATANGIAN NG DOKUMENTARYONG
PANTELEBISYON

1. Paksa – tumatalakay sa nilalaman ng dokyumentaryo kung


saan nagpopokus ito sa pagkilos ng tao sa lipunang kanyang
ginagalawan at kung papaano siya kumilos sa buhay. Ang mga
tao, lugar at pangyayari ay totoong nagaganap at kadalasang
napapanahon.Ito rin ay naglalahad ng katotohanan sa mga
nagaganap sa loob ng isang lipunan halimbawa ng paksang
ukol sa kahirapan.
2. Layunin – ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod paksa ng
dokyumentaryo. Layunin nitong irekord ang panlipunang kaganapan na
itinuturing nila na mahalagang maipaalam sa lipunan. Sa pamamagitan nito,
layunin din nilang mapataas ang pagkaunawa sa mga isyu, mga tinatangkilik at
marahil ang ating simpatya sa isyung ito. At dahil din dito ay may kakayahan
silang maipaalam sa atin ang nagaganap sa ating lipunan upang magkaroon tayo
ng aksyon ukol dito. Halimbawang layunin nito ay mamulat tayo sa iba pang
buwis buhay na hanapbuhay ng mga Pilipino dahil sa kahirapan.

3. Anyo - ang anyo ng dokyumentaryo ay nahuhugis habang nasa proseso na


kung saan ang mga diskusiyon ay orihinal at ang mga tunog at tanawin ay pinipili
kung akma o karapat-dapat dito. May mga pagkakataon na ang iskrip dito at ang
mga aksyon ay mula sa mga umiiral na mga pangyayari.
4. Estilo at/o Teknik- tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at
sa panahon ng pageedit nito. Ang isa sa mga mahalagang sangkap ay ang mga
nonactors o ang mga ‘totoong tao’ sa paligid na walang ginagampanang anomang
karakter. Ang lugar din ay aktwal na hindi gaya ng mga nasa pelikula na nasa loob
ng studio. Maaaring tingnan ang iba’t-ibang Uri ng anggulo sa Dokyumentaryong
Pampelikula.

5. Uri ng karanasan- Ang dalawang bahagi nito ay ang pang aestetiko at ang
epekto nito sa tao na maaaring magtulak sa kanya upang gumawa ng aksyon.
Ninanais ng mga nasalikod ng dokyumentaryo sa mga makakapanuod nito ay
hindi magpokus sa mga artista kundi sa pinapaksa nito. Maaaring maiugnay ito sa
paksa kung saan ninanais ng mga nasa likod ng kamera na alamin ng manunuod
ang kanilang layunin. Maaari itong maging uri ng karanasang tumulong sa mga
batang nasa lansangan, at iba pa.
GENRE NG PELIKULA
• Romansa/Pag-ibig
• Drama
• Pakikipagsapalaran
• Krimen
• Pantalambuhay
• Pantasya
• Komedya
• Science Fiction

You might also like