You are on page 1of 17

•Mga katanungan

1.Bakit nakakalibang ang pagbabasa ng mga


komiks?
2.Bakit mas ginagamit ang mga salitang balbal
sa di-pormal na komunikasyon tulad ng
komiks?
3.Bakit ka nagbabasa ng mga komiks?
4.Kapaki-pakinabang ba para sa iyo ang mga
babasahing ito? Sa anong paraan?
Ang Komiks: Isang
Popular na Babasahin
ni William Rodriguez II
Sinasabing si Dr. Jose Rizal ang
kauna-unahang Pilipino na gumawa
ng komiks. Taong 1884 inilathala sa
magasing Trubner`s Record sa
Europa ang komikistrip niya na
``Pagong at Matsing`` halaw mula sa
isang popular na pabula ng Asya.
KOMIKS – ay isang grapikong midyum na ang
mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid
ang salaysay o kwento.
Ito’y makulay at popular na babasahin na
nagbigay-alis sa mambabasa, nagturo ng iba’t-
ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang
Pilipino. ang pagiging malikhain ng mga taga
komiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na
walang buhay.
Sa Pilipinas , ang bayaning si Jose P. Rizal ang
kauna-unahang Pilipino na gumawa ng komiks.
1884 – inilathala sa magasing “Trubner’s
Record” sa Europa ang komiks strip niya na
“Pagong at Matsing”. Lumabas ang komiks sa
magasin bilang page filler sa entertainment
section noong 1920.
1946 – nagsulputan ang mga regular na serye ng
Halakhak komiks. 1949 – Pilipino Komiks,
Tagalog Klasiks 1950 – Silangan Komiks Dekada
80 – unti-unting humina ang benta ng komiks dahil
sa pinatanggal ang ilan sa mga nilalaman at ipinag-
utos ang paggamit ng murang papel dahilan ng
pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa bansa at
nagtrabaho sa Amerika sa parehong industriya gaya
nina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño,
atbp.
Mga Sumikat na Manunulat pagkatapos
ng Martial Law 1. Pablo S. Gomez 2.
Elena Patron 3. Nerissa Cabral Ang
pagbabalik ng interes ng mambabasa sa
komiks ay tumagal lamang hanggang
simula ng 1990 dahil mahumaling na ang
mga tao sa iba’t-ibang anyo na
paglilibang.
Carlo J. Caparas – kilalang direktor at isa
sa mga nagnanais na muling buhayin ang
industriya ng komiks sa bansa. 2007 –
taong tinangka ni Caparas ma buhayin at
pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa
sirkulasyon sa pamamagitan ng ginawa
nilang komiks caravan.
Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa
PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang
komiks dahil may kakanyahan ito. Ang
katangiang biswal at teksto. Isang
kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa
kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino
ay may mga mat para makakita at bibig para
makabasa-magpapatuloy ang eksistensiya ng
komiks.” Bahagi ng Komiks.
Mga Bahagi ng Komiks
1. Pamagat ng kuwento
-Kalimitang nagpapahayag pangunahing diwa ng
kuwento.

2. Larawang-guhit ng mga Tauhan


- Larawan ng bawat tauhan na binibigyan ng
salaysay, halimbawa, ang pagpapakita ng
damdamin na makikita sa kaanyuhan ng mukha.
3. Kuwadro (frame)
- Naglalaman ng isang tagpo sa kuwento.

4. Kahon ng Salaysay (Caption Box)


- Naglalaman ng maikling salaysay tungkol sa tagpo o sa
nangyayari sa tauhan.

5. Lobo ng Usapan (Speech Balloon)


- Kinasusulatan ng diyalogo ng mga tauhan sa komiks, ito`y
may iba-ibang anyo batay sa inilalarawan ng dibuhista.
a. Lobong Pansarili ( Though Bubble)
- Ginagamit kapag ang diyalogo ay
sinasabi sa sarili.

Bakit ko kaya
nagawa `yun?
b. Lobong Pabulong( Whisper Bubble
-Ginagamit sa usapang pabulong

Sa atin-atin na
lang ito, ha!
c. Lobong Pasigaw( Scream Bubble)
- Ginagamit kapag ang sinasabi ay pasigaw,
pagalit, o pabulyaw.

Tulong!!!
d. Lobong Pangkaraniwan(Speech
Bubble)
-Ginagamit sa Karaniwang usapan.
Ang dami na naming
nahawa sa virus. Ang
kukulit kasi ng mga tao.

You might also like