You are on page 1of 27

KOMI

KS
INIHANDA NI:
B B . L A L A I N E A N TO I N E T T E S .
SERRANO
Base sa mga
ipinakitang larawan,
ano nga ba ang
komiks?
KOMIKS
-isang grapikong midyum na ang mga
salita at larawan ay ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento.
-maaaring maglaman ng kaunting
diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o
higit pang mga larawan.
KOMIKS
-isang makulay at popular na babasahin na
nagbibigay aliw sa mambabasa, nagturo ng
iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng
kulturang Pilipino.
-binubuo ng mga manunulat at dibuhista
na kapwa nagtataglay ng napakalawak na
imahinasyon.
Tony S. Velasquez - "Ama ng Pilipinong
Komiks" o "Ama ng Komiks sa Pilipinas,“

Mars Ravelo – “Hari ng Pilipinong


Komiks”
Pamagat
ng Kwento

Kahon ng
Salaysay
Kuwadro

Lobo ng Larawang
Usapan Guhit
Sinasabing si Jose Rizal ang kauna-
unahang Pilipino na gumawa ng
komiks. Noong 1884 ay inilathala sa
magasing Trubner’s Record sa Europa
ang komiks strip niya na “Pagong at
Matsing”. Ito ay halaw ng bayani mula
sa isang popular na pabula sa Asya.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada
otsenta unti-unting humina ang benta
ng komiks dahil sa ipinatanggal ang
ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang
paggamit ng murang papel.
Naapektuhan nito ang kalidad at itsura
ng komiks. Nagresulta ito ng pag-alis
ng mga dibuhista ng komiks sa
Pilipinas para magtrabaho sa Amerika
sa parehong insdustriya.
Pagkatapos ng Martial Law
muling namuhunan ang
industriya ng komiks. Sa
panahong ito sumikat ang
manunulat na sina Pablo Gomez,
Elena Patron, at Nerisa Cabral.
Ang pagbabalik ng interes ng mga
mambabasa sa komiks ay tumagal
lamang hanggang simula ng 1990 dahil
nahumaling na ang mga tao sa iba’t
ibang anyo ng paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang
nagnanais na muling buhayin ang
industriya sa bansa. Isa na rito ay ang
kilalang director na si Carlo J.
Caparas.
Noong 2007 tinangka niyang
buhayin at pasiglahin ang
tradisyunal na komiks sa
sirkulasyon sa pamamagitan ng
mga ginawa nilang komiks
caravan sa iba’t ibang bahagi ng
Pilipinas.
Kinilala ang galing at husay ng
mga Pinoy sa larangan ng sining
at malikhaing pagsulat sa local
man at internasyonal na
komunidad.
Kabilang ang mga komikerong
Pilipino na kilala sa labas ng
Pilipinas sina Gerry Alanguilan,
Whilce Portacio, Philip Tan,
Alfredo Alcantara, at marami
pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon
ay popular na babasahin pa rin
ang komiks. Ayon kay Prof.
Joey Baquiran ng UP, sa
PASKO SA KOMIKS…
“Hindi mamamatay ang komiks dahil may
kakanyahan ito. Ang katangiang Biswal at
teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi
mamamatay sa kulturang Pilipino hangga’t
ang mga Pilipino ay may mga mata para
makakita at bibig para makabasa –
magpapatuloy ang eksistensya ng
komiks.”
GAWAIN: MGA BAHAGI NG KOMIKS

3.
Pamagat
ng Kwento

1.
Kahon ng
Salaysay
4.
Kuwadro

Lobo ng Larawang
2.
Usapan 5.Guhit

You might also like