You are on page 1of 35

KOMIK STRIP AT ANG

MGA BAHAGI NITO


 Komiks
 Isang grapikong midyum na ang mga salita at
larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o kuwento. Ito ay ibinibilang ding isang
makulay at popular na babasahin na ang layunin
ay magbigay-aliw sa mga mambabasa, magturo
ng iba’t ibang kaalaman, at magsulong ng
kulturang Pilipino.
 Komiks
 Kadalasang naglalaman ang komiks ng
kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng
isa o higit pang mga larawan, na maaaring
maglarawan o magbigay-kahulugan sa teksto
upang higit na mapukaw ang atensyon ng
mga mambabasa.
 Komiks
 Ang pagiging malikhain ng mga
gumagawa ng komiks ang
nagpapagalaw maging sa mga
bagay na walang buhay.
 Komiks
 Nakikita nila ang mga bagay na hinidi nakikita
ng iba. Nakalilikha sila ng mga bagay na mula sa
wala. Nakagagawa sila ng mga mahika o
kababalaghan. At kahit walang teleskopyo, gamit
ang kanilang imahinasyon ay nagagalugad sa
ultimong tuldok sa kalawakan.
 Komiks
 Nakalilikha sila ng kuwentong bukod sa ating
mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa
palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang
lumaki kasabay ng komiks at hinangaan nila ang
katapangan at kabayanihan ng mga superhero na
lumalaban sa mga hamon ng buhay.
 Komiks
 Maraming pinaliligaya ang komiks, maraming
binibigyang pag-asa, at marami rin ang napaiibig
dahil sa mga mensaheng hatid nito sa mga
mambabasa.
 Uri ng Komiks
1. Alternative Comic Books-
karaniwang naglalahad ng
istorya base sa reyalidad.
 Uri ng Komiks
2. Horror- mga istoryang katatakutan
 Uri ng Komiks
3. Manga- ito ay mga komiks na nanggaling sa
Japan
 Uri ng Komiks
4. Action- ito ay naglalahad ng mga istorya ng mga
“superhero”
 Uri ng Komiks
5. Romance/ Adult- ang
komiks na ito ay naglalahad
ng istorya ng pag-ibig
 Uri ng Komiks
6. Science fiction/ fantasy- ang
komiks na ito ay karaniwang
naglalaman ng mga bagay mula
sa imahinasyon
 Bahagi ng Komiks
1. Pamagat ng kuwento- pamagat ng komiks,
pangalan ng komiks.
2. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento-
mga guhit ng tauhan na binibigyan ng
kuwento.
3. Kuwadro- naglalaman ng isang tagpo sa
kuwento (frame)
 Bahagi ng Komiks
4. Kahon ng Salaysay- pinagsusulatan ng maikling
salaysay.
5. Lobo ng Usapan- pinagsusulatan ng usapan ng
mga tauhan, may iba’t ibang anyo ito batay sa
inilalarawan ng dibuhista.
 Anyo ng Lobo ng Usapan
1. Caption Box

2. Speech Bubble

3. Broadcast/ Radio Bubble


 Anyo ng Lobo ng Usapan
4. Scream Bubble

5. Whisper Bubble

6. Thought Bubble

You might also like