Ang KOMIKS ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba[1] ng teksto upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.- Wikipedia Ang aklat o magasin na komiks ay isang paglalathala na naglalaman ng sining ng komiks sa anyong guhit-larawan na sinasalaysay at naaayos ng may pagkakasunud- sunod sa mga panel. Ang mga panel ay kadalasang may kasamang naglalarawang prosa at nakasulat na salaysay, kadalasan, ang salitaan ay nasa lobong tulad na nasa sining ng komiks. Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at
larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Maaring maglaman ng isang diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang makaapekto nang higit na may lalim. KASAYSAYAN NG KOMIKS Bagaman may ilang pinagmulan ang komiks sa ika-18 siglong hapon, naging popular ang aklat o magasin na komiks sa estados unidos at reino unido noong dekada 1930. Ang unang makabagong aklat o magasin na komiks, ang famous funnies, ay nilabas sa estados unidos noong 1933 at ito ay isang muling paglilimbag ng naunang katatawanang istrip ng komiks sa pahayagan, na naitatag ang mga kaparaanan sa pagkukuwento na ginagamit sa komiks.[1 Sa wikang ingles, hinango ang katawagang comic book mula sa mga amerikanong aklat ng komiks na una naging isang pagtitipon ng mga istrip ng komiks na katatawanan; bagaman, napalitan ang kasanayan na ito sa pamamagitan ng pagtampok ng kuwento sa lahat ng uri, kadalasang hindi nakakatawa. KASAYSAYAN NG KOMIKS SA PILIPINAS KASAYSAYAN NG KOMIKS SA PILIPINAS Mula sa ingles na comics, tumutukoy ang komiks sa mga nakalarawang salaysay sa loob ng mga nakahanay na kuwadro sa limbag na pahina. Isa ito sa panitikang biswal na naging popular nitong ika-20 siglo sa bansa. MAUUGAT ANG PAGGUHIT NG KOMIKS NOONG 1885, NANG IGUHIT NI JOSE RIZAL SA ANYONG CARTOON ANG TANYAG NA PABULANG ANG PAGONG AT ANG MATSING SA ALBUM NI PAZ PARDO DE TAVERA NA NILILIGAWAN PA NOON NI JUAN LUNA SA PARIS. INIHIUDYAT NAMAN ANG PAGIGING INDUSTRIYA NG KOMIKS NANG LIKHAIN AT ILATHALA NI TONY VELASQUEZ ANG NAKATATAWANG BUHAY NI KENKOY NOONG 1929. NAGING BAHAGI ITO NG LINGGUHANG MAGASING LIWAYWAY NA NAISALIN DIN SA IBA PANG MGA REHIYONAL NA MAGASING GAYA NG BANNAWAG, HILIGAYNON, BISAYA, AT BIKOLNON PAGKATAPOS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, NAGSIMULANG MAGING PANGUNAHING BABASAHING FILIPINO ANG KOMIKS NA HINALAW SA COMIC BOOK NG MGA AMERIKANO. Nailathalaang halakhak komiks noong 1946, ang kaunaha-unahang lingguhang serye ng komiks na nailimbag sa filipinas. Sinundan ito ng pilipino komiks, hiwaga komiks, espesyal komiks, at tagalog klasiks ng ace publications sa pamamahala ni tony velasquez at sinundan pa ng ibang publikasyon. Noong mga dekada 1970-1980, umabot sa tatlong milyon kada linggo ang nailalathala at malaki ang ambag sa pagpapalaganap ng pambansang wika at pagbasa para sa mas nakararaming mamamayang walang kakayahang bumili ng mga libro. Subalit, nanghina ito sa pagbubukas ng dekada 90 dahil nagsawa diumano ang mambabasa sa hindi nagbabago bukod sa sumasamang uri ng kuwento’t guhit, ang palatandaan ng sobrang komersiyalisasyon. MGA KATANGIAN NG KOMIKS: 1. ANG KOMIKS AY DALASANG NAGLALAMAN MG MGA MAIIKLING KWENTO NG KABABALAGHAN, MGA KUWENTONG PAMBATA, DRAMA AT IBA PA. 2. ANG KOMIKS AY KARANIWANG MAKULAY AT PUNO MG MGA KOMIKONG PAGLALARAWAN NG MGA TAUHAN BAGAY O PANGYAYARI SA KUWENTO. 3. MADALAS, ANG KOMIKS AY MAY IBAT-IBANG KUWENTO NA WAKASAN SUBALIT MAYROON DIN NAMANG MGA INTINUTULOY SA MGA SUSUNOD NA ISYU. Ang komiks ay kaiba sa mga panitikang Pilipino. Ito ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ang gamit upang maipahatid at maisalaysay sa mga mambabasa ang kwento. Ang salitang komiks ay mula sa salitang ingles na comics. Pinalitan lamang ng letrang "k" ang "c" base sa baybaying filipino. - Brainly Ang unang pilipino na gumawa ng komiks ay si jose rizal. Ito ay ang pagong at ang matsing na halaw sa kilalang kwento ng pabula. Hanggang sa naging sunod sunod na ang pagdami at paglaganap ng komiks. Ang unang pilipino na gumawa ng komiks ay si Jose Rizal. Ito ay ang pagong at ang matsing na halaw sa kilalang kwento ng pabula. Hanggang sa naging sunod sunod na ang pagdami at paglaganap ng komiks. Title Lorem Ipsum