You are on page 1of 15

ISTILO NG AWTOR

LABAN SA ISTILO NG
TAGAPAGSALIN
Istaylistiko
• -Bahagi ng linggwistika na nakatuon sa ibat-ibang paggamit ng wika, na
malimit, bagamat di-eksklusibo; ay may katangi-tanging pagtuon sa
masaklaw na paggamit ng wika sa panitikan.
• -Pag-aaral ng istilo nang may mungkahi, mula sa porma ng salita, ng
makaagham o mapamaraang pag-aaral. (Chapman, 1973:8)
Napakahalaga ng wika bilang pangunahing instrument ng komunikasyon
dahil ito ang nilalaman at porma ng pag-iisip ng isang tao. Ang pagkatuto sa
wika ay pagbuo ng mga salita upang mabuo ang mga parirala at
pangungusap ay nagiging mulat tayo sa pagbibigay ng bagong kaalaman sa
saklaw ng pag-aaral ng wika at pagtanggap sa iba’t ibang direksyon ng
istaylistiko.
Tatlong dahilan ni Arnold (1982)
• Marami nang halimbawa ang naisagawa sa istaylistiko na sumusuri sa
aestetisko at iba pang mga layunin ng organisasyon gramatikal sa tekstong
pampanitikan
• Ang tula, nobela, at dula ay nagtataglay ng maraming pangungusap at
mahalagang mahikayat ang mga mag-aaral na makapag-aral ng
organisasyong tekstwal sa masistemang paraan.
• Gaya ng sinabi ni Stubbs, nagkakaproblema ang mga estudyante
makalikha ng kohesibong diskurso.
Tepuena(1977)
Itinuturing ng mga kritikong manunulat na ang istaylistiko ay sangay ng
linggwistika na may dalawang pangunahing layunin;
• Una ay ang imbistigasyon ng imbestaryo ng natatanging wikang
pangmedia kung saan ang ontolohikal na paglalarawan ay makakakuha sa
katangi-tanging epekto ng pagsasalita.
• Ikalawa ay ang tiyak na uri ng teksto odiskurso na bunga ng pagpili at
pagsasaayos ng wika ay nakikilala sa aspektong pragmatiko ng
komunikasyon.
• Sa pagtatamo ng mga layunin ng istaylistiko, ang ilang magkakaugnay na
disiplina disiplina tulad ng panitikan, sikolohiya, lohika, at maging ng
estadistika ay magagamit. Ito’y hindi mapapasubalian sapagkat sa
kasalukuyan, walang agham ang makapaghihiwalay sa iba’t ibang domeyn ng
kaalamang pantao; at ang sangay ng istaylistiko sa pagsasalin ay hindi
maiiwasang maging sanggunian ng mga disiplinang nabanggit dahil sa
nauugnay ito sa mga nagkakapatung-patong na mga isyu.
• Ang pagsanga-sanga ng istaylistiko sa pagsasalin, ay hindi tuwirang resulta ng
mahabang paraan ng mga gramaryan na maipagpatuloy ang mga
imbestigasyon ng pangungusap, parirala, at kumbinasyon ng mga salitang
nakaporma.
• Sa pagsasalin ng anuman akda, maging iton’y teknikal or panitikan,
masasabing di-maaring magkatugma kailanman ang istilo ng awtor sa istilo ng
tagapagsalin.
HIMIG PANAHON NG
AWTOR LABAN SA
HIMIG PANAHON NG
TAPAGSALIN
• Ang maanyong kasaysayan ng pagsasalin-wika sa Pilipinas ay nagsimula sa
panahon ng mga Kastila. Bukod sa pagkalimbag ng “Doctrina Christiana”,
nasulat at nalathala ang mga iba’t ibang pamplet at aklat, kasama na ang mga
salin at halaw ng mga awit pansimbahan, katekismo, sermon, buhay ng mga
santo, at iba pang lathalaing nakatulong sa pagpapalaganap ng Katolisismo.
Ang mga ito’y bahagi ng pamamaraan ng mga prayle sa kanilang
paagpapalaganap ng relihiyon na may layuning umakit ng mga tao at
mapasunod sa kanilang mga aral at kagustuhan. Halos kapanabay nito’y
nalathala rin ang ang mga ibat ibang gramatika bokabularyo at
diskusyunaryo na kagaya ng “Volcabularyo de la Lengua Tagala” (1614) in
P. Pedro de San Buenaventura, ang “Vocabularyo de la Lengua Tagala”
(1754) nina P. Juan de Noceda at Pedro de San Lucar, na ipinapalagay na
inakamasaklaw na bolabularyng lumitaw sa panahin ng kastila.
• Sa panahong ito naisalin ni Rizal ang ilang kwentong bit bit ni
Hans Christian Anderson na katulad ng “Ang Puno ng Pino”
(The Pine Three), “Si Gahinlalaki” (Thumbelina) at iba pa na
ipinapadala niya sa kanyang mga pamangkin sa Calamba.
• Namumukod katangian ng pagsasaling wika sa panahon ng Amerikano
ang paglitaw ng maraming salin ng mga nobela kaysa sa iba pang uri ng
lathalain at literatura. Kabilang sa mga lumitaw na salin noon ay ang
“Dahil sa Pag-ibig” na salin ng “La Hija del Cardinal” (Kastila) ni Felice
Guzzoni ang “Halina sa Paris” na salin ng “Tosca” ni Glacomo Puccini an
“Landas ng Paggiliw” na salin ng “Miss Wilson” ni Jhon Bartlett at ang
“Langit na Maulap” na salinn ng “Namiko” (Hapones) Kenuro Tautomi.
Ang mga ito’y salin sa Pilipin ni Gerardo Chanco. Lumitaw rin sa
panahong ito ang salin ni Sofronio Calderon ng “Noli Me Tangere” ni
Rizal ng “Buhay ni Martin Luther”, “Dakilang Repormador” ng “Mga
Banal na Kasulatan at ang Kasulukuyang Bill Jones” at iba pang bantog at
makabuluhan akda.
• Sa panahaon ding ito lumabas “Ang Palaisip na Maharlikang si
Don Quixote dela Mancha” na salin ni Dionisio San Agustin ng
“Don Quixote dela Mancha” ni Miguel de Cervantes ang “Ang
Bulag na Pag-ibig” na salin ni Pascual de Leon ng “Romeo at
Juliet” Shakesphere, ang “Ang Bathalang Dula” na slin ni
Rosendo Ignacio ng “Devina Comedia” ni Dante Alighieri at
marami pang iba
• Tulad din ng nakaraang dalawang panahon (ng Kastila at ng Amerikano)
Ang pagsasaling wika ay kasangkapan ng mga Hapones upang maipaunawa
at maalaganapang kanilang layuning “Greater Co-Prosperity Sphere” (higit
na malawak na purok bg agkakasamang pagsulong.) Dhail dito’y maraming
salin ang nalathala tungkol sa mga ginagawa ng pangasiwaang Hapones,
mga propaganda, pamplet, at poster, at iba pang babasahin. Sa panahong ito
naisasagawa ang pagsasalin ng ilang piling dulang gaya ng “Cyrano de
Bergerac” at iba pa. Ang mga ito’y kabilang sa mga dulang itinanghal ng
Dramatic Philippines sa Metrapolitan Theater upang maaliw ang mga
mamamayan sa dinaranas sa kalupitan ng mga Hapones. Halos kapanabay
nito, kung hindi man kasunod , ang pagtatanghal ng mga isinaling dula ng
samahan ng mga artista sa puting tabing ng pamahalaan n Simeon
Rodriguez at sa direksyon ni Lamberto Avellana.
• Ano pa’t sa kalahating pagtataya, nilagom ni Lilia F. Antonio
(1982) na ang malaman at makabuluhang salin noong panahon
ng Hapones ay ang literaturang ginamit ng mga kilusang
mapaghimagsik o gelirya, lalo na nag Hukbakahap. Ang mga
dokumentong ginamit ng mga kasapi sa kanilang pag-aaralay
pulos nasusulat sa ingles at isnilain sa tagalog,kapangpangan,
Bisaya,at iba bang wikang abot ng kapagyarihan ng
Hukbalahap.
• Pagkaraan ng pamamayani ng mga Hapones, mula sa panahon ng
liberasyon, maraming manunulat na Pilipino ang nagsipagsalin ng mg
piling literatung Kastila, Ingles, at iba pang wiang banyaga klasiko at
hindi man batay sa ibat ibang layuning indibidwal at pangkalahatang sa
particular ay sa larangang pang-udukasyon, pampanitikan, at pang wika.
Kabilang sa kanila’y sina Francisco ‘soc’ Rodrigo na nagsalin ng “Tatlong
Muskitero” si Rufino Alejandro na nagsalin ng “Rubaiyat”ni Omar
Khayyam at “Mi Ultimo Adios” ni Rizal, Jose Villa Panganiban na
nagsalin ng “Marcelino Pan y Vino” “Julius Caesar” at “Mi Ultimo Adios”
ni Rizal at iba pa.
• Sa mga piling tulang nasulat sa banayagang wika marahil ang may
pinakamaraming saling naisagawa ay ang “Mi Ultimo Adios” ni Rizal.
Kabilang sa mg nagsalin sa Pilipino ng tulang ito ay sina Andres
Bonifacio, Jose Gatmaytan, Jose N. Sevilla, Pascual H. Poblete, Julian
Cruz Balmaceda, Jose Corazon de Jesus, Albino C. Dimayuga, Guillermo
Tolentino, G. Santiago Y. Cuino, Jacinto R. de Leon, Desiderio Camacho,
Nieves Baens del Rosario, atbp

You might also like