You are on page 1of 9

UP Sentro ng Wikang Filipino (SWF)

Ang SWF ay itinatag "upang pagyamanin at paunlarin pa ang Filipino bilang wika
sa pagtuturo, mga talakayang akademiko, at pananaliksik."
Kasama sa mga tungkulin nito sa larangan ng pananaliksik, pagsasa-Filipino at
paglalathala ang mga sumusunod:
Ang mga tungkulin nito ay ang:
1. paghikayat at pagbigay ng suportang materyal sa mga pananaliksik ukol sa
Filipino at iba pang wikang Pilipino na isinasagawa ng mga indibidwal na kasapi ng
kaguruan at ibang mga yunit ng sistemang UP,
2. pagtataguyod at pakikilahok sa mga survey ukol sa paggamit at pagtanggap sa
Filipino sa bansa at sa iba pang sektor ng lipunan;
3. pagbibigay ng prioridad at suportang materyal sa pagsasa-Filipino ng mga
kurso una muna sa pangkalahatang edukasyon at susunod ay sa ibang mga kurso sa
undergradweyt
4. pagpapahanda at pagpapalathala ng mga balarila at diksyonaryong Filipino;
5. mabilisang paglalathala ng mga natatanging talasalitaan sa Filipino na
manggagaling sa iba't ibang disiplina, mga sanaysay ukol sa wikang pambansa,
mga pananaliksik ukol sa Filipino at iba pang wikang Pilipino.
Masasabing ang tatlong huling tungkulin ng Sentro ay may tuwirang kinalaman sa
pagpapabilis at pagpapahusay sa gawaing pagsasalin, hindi lamang dahil sa higit na
malawak na bokabularyong maaaring pamilian ng mga salitang gagamitin sa pagsasalin
kundi maging sa malaking papel na gagampanan ng pagsasalin maging sa pagsasa-
Filipino ng mga kurso.
Sa kasalukuyan, nakapaglathala na ang SWF ng dalawang tomo ng Daluyan, ang
Journal ng SWF sa talakayang pangwika, hinggil sa pagsasalin noong 1995 at 1996.
Limang artikulo naman kaugnay sa pagsasalin ang nailathala sa Daluyan sa taong
1997.
Sa kasalukuyan, nakapaglathala na ang SWF ng dalawang tomo ng Daluyan
- Journal ng SWF sa talakayang pangwika (1995 at 1996)
- Limang artikulo naman kaugnay sa pagsasalin (1997).
Isa sa mahalagang kontribusyon ng SWF sa disiplina ng pagsasaling-wika ay ang
paglalathala noong 1999 ng Apat na Siglo ng Pagsasalin (Bibliograpiya ng mga
Pagsasalin sa Filipinas 1593-1998) ni Lilia F. Antonio. Binalangkas ang nilalaman ng
librong ito ayon sa tradisyonal na pagyuyugtong pangkasaysayan: Panahon ng Kastila.
Amerikano, Hapon kasalukuyan. Itinampok dito ang mga pagsasalin ng iba't ibang
anyong pampanitikan na naging malaganap sa bawat panahon. Ang huling bahagi na
malaking tulong sa pananaliksik sa pagsasalin ay ang bibliograpiya ng mga lokal at
dayuhang artikulo at aklat tungkol sa pagsasalin.
Isa sa mahalagang kontribusyon ng SWF
Bibliograpiya ng mga Pagsasalin sa Filipinas 1593-1998
ni Lilia F. Antonio.

Wikang Filipino sa Batas at ang SWF


Isa sa pinakapangunahing tagapag-ambag sa larangan ng pagsasalin ng batas sa
Pilipinas ay si Hukom Cezar C. Peralejo. Sa loob ng maraming taon, aktibo siyang
katuwang ng SWF sa mga proyektong naglalayong maipaabot at mapakinabangan ng
mga ordinaryong mamamayan ang batas. Sapul noong 1955, nang siya ay isa pa
lamang baguhang abugado, buong sigasig at tiyaga na niyang isinalin ang Ang Kodigo
Sibil ng Pilipinas (1964). Sa kanya ring walang humpay na pangunguna upang mabuo
ang Diksiyonaryong Legal (Ingles-Filipino) 1995 at muling maipalimbag ang Binagong
Edisyon 2004 sa pakikipagtulungan sa SWF, napatibayan niyang lubos na magagamit
ang wikang Filipino sa pagpapahayag maging ng mga teknikal at kumplikadong mga
konsepto at ideya.
Hukom Cezar C. Peralejo - pinakapangunahing tagapag-ambag sa larangan ng
pagsasalin ng batas sa Pilipinas
-Ang Kodigo Sibil ng Pilipinas (1964).
- Diksiyonaryong Legal (Ingles-Filipino) 1995 at muling maipalimbag ang
Binagong Edisyon 2004

Kaugnay naman sa layuning palakasin ang programa sa pagsasalin, inilathala ng


SWF ang mga sumusunod na pangunahing akdang pampanitikan sa pagitan ng
mga taong 1998-2003;

 Diyos ng Maliliit na Bagay (2003). Salin ni Monico M. Atienza ng God of


Small Things ni Arundhati Roy.
 Mga Talulot na Dugo (2002). Salin ni Romeo G. Dizon ng Petals of Blood ni
Ngugi Wa Thiong'o.
 Tala, Mga Panaginip at Bulaklak sa Libingan ng Daga (2002). Salin ni Mario
L. Miclat
 Insekto sa Pilipinas (2001). Salin ni Lilian delas Llagas ng akda nina Claire
Baltazar at Nelia Salazar
 Si Alice sa Daigdig ng Hiwaga (2000). Salin ni Aurora E. Batnag ng Alice in
Wonderland ni Lewis Carroll. Ang Matanda at ang Dagat (2000). Salin ni
Jesus Manuel Santiago ng The Old Man and the Sea ni Ernest Hemingway.
 Rebolusyong Filipino (1998) Salin ni Trinidad O. Regala ng Memorias
Intimas ni Manuel Sityar.
 Labindalawang Kuwento ni Vicente Sotto (1998). Salin ni Remedios B.
Ramos.

Tunguhin ng Pagsasalin sa UP
: Walang pasubaling maipahahayag na ang masigasig, patuloy at sistematikong
pananaliksik, paglalathala, pagsasalin ng mga akda at pagdaraos ng mga
pambansang kumperensya, workshop at seminar kaugnay sa pagsasalin ng mga
departamento sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura at Sentro ng Wikang
Filipino ay lubusang nakapag aambag sa pagpapahusay sa pagsasalin bilang
isang maunlad na programang akademiko.

Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)


Naitatag ang KWF noong Agosto 14. 1991 sa bisa ng Batas Republika 7104, sa
ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino. Nililinaw rito na tungkulin
ng pamahalaan na tiyakin at itaguyod ang ebolusyon, pagpapaunlad at pagpapayaman
ng wikang Filipino bilang kasangkapan sa pambansang pag-unlad. Ang Sangay ng
Pagsasaling-wika ay isa sa anim na dibisyong nagpapatupad sa mga programa at
proyekto ng KWF Kabilang sa mga pangunahing tungkulin nito ang mga
sumusunod:
 Pagbabalangkas at pagsasakatuparan ng mga programa at proyektong
pagsasalin para sa masigla at malawakang pagpapayaman ng wikang Filipino
at ng iba pang mga wika sa Pilipinas:
 Pagsasalin sa Filipino at sa ibang mga wika sa Pilipinas ng mahahalagang
akdang pangkasaysayan at mga tradisyong pangkultura ng mga pangkat
etnolingguwistiko, mga kodigo, batas, resolusyon, pagsasabatas, teksbuk at mga
kagamitang sanggunian sa iba't ibang disiplina at iba pang mga kagamitang
banyagang ipinapalagay na kailangan sa edukasyon at para sa iba pang mga
layunin;
 Pagsasalin ng mga akdang klasiko at moderno sa Ingles at sa ibang mga
wikang banyaga patungo sa Filipino gayundin ng mga panitikang etniko
kabilang na ang mga alamat, kuwentong bayan at iba pa, na isinulat para
mapagyaman ang pamanang pangkultura ng bayan;
 Tumulong sa pagbubuo ng mga patakaran, plano, at programang
malawakang pagsasalin mula sa ibang wika, kapwa katutubo at banyaga
patungo sa Filipino at gayundin, mula sa Filipino patungo sa ibang wika,
gayundin ang pagsasalin sa Filipino ng mga terminolohiyang pang-agham
at teknikal.
 Pagsasalin at/o pag-eedit ng mga kagamitang panturo, panimulang aklat.
module, talatanungan at iba pa sa kahilingan ng mga indibidwal at tanggapang
publiko at pribado;
 Pagdaraos ng mga kongreso, kumperensiya, seminar, workshop,
talakayang pambayan at panayam tungkol sa pagsasalin at mga pag-aaral
sa pagsasalin; at
 Pagsasagawa ng iba pang kaugnay na mga tungkulin.

Sa kasalukuyan, si Gng Elvira B. Estravo ang Puno sa Sangay ng Pagsasaling-wika ng


Komisyon sa Wikang Filipino. Kasama niya bilang mga Senior Language Researcher
sina Brenda Jean M. Postrero, Pinky Jane S. Tenmatay. Rosie A. Martinez, at Leonila
Villamor. Kabilang naman sa mga tagasalin sina Evelyn Pateno, Rena Bondame, at
Remedios Vasquez
Puno sa Sangay ng Pagsasaling-wika ng Komisyon sa Wikang Filipino - Gng
Elvira B. Estravo
Senior Language Researcher - Brenda Jean M. Postrero, Pinky Jane S. Tenmatay.
Rosie A. Martinez, at Leonila Villamor.
Tagasalin - Evelyn Pateno, Rena Bondame, at Remedios Vasquez

Talaan ng mga Pangunahing Nagawang Pagsasalin ng KWF mula 2005-2008

2008
1. Mga Artikulo hinggil sa International Year of Languages
2. Manual para sa Brigada Eskuwela - DepEd
3. Law Enforcement Code of Ethics
4. Pagsasalin sa walong pangunahing wika ng mga piling artikulo tungkol sa
multilingguwalismo na lathala ng Unesco.
2007
1. Pagsasalin sa Filipino ng Filipino in History (Tomo I-VI)
2. Glosaryo ng mga Katawagang Pangkasaysayan
3. 11-Point Agenda ni Mayor Lim
4. Primer on Philippine Reference System of 1992
5. Republic Act 1405
6: Code of Ethics of Supreme Court Personnel
7.Marker Text of the National Museum)
8. Official Titles Used in Government.
2006
1 Agreement on Cultural Cooperation between the RP Government and the
Government of the Democratic People's Republic of Korea
2: Articles on Charter Change
3. Desisyon ng Korte Suprema sa llang Kaso-GR no. 157013 at GR no. 167798
2005
1. Ang Bagong Kodigo ng Asal Panghukuman para sa Hudikatura ng Pilipinas
2. Katarungang Pambarangay
3. Primer on the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights
andInternational Humanitarian Law and the Joint Monitoring Committee(GRP
Monitoring).
4.The Expanded Senior Citizens Act of 2003 (Tagalog, Cebuano, Ilocano,
Hiligaynon, Waray)
5.Oath of Office of Members of the Constitutional Assembly
6. Phil. Deposit Insurance Company-Notice to the Public (8 Major Languages)
7. Position Titles and Names of Offices (Civil Service Commission-Lingkod
Bayan)
Mapapansing karamihan sa mga pagsasaling isinasagawa ng KWF mula sa Ingles
tungo sa iba't ibang pangunahing wika sa Pilipinas ay kaugnay sa batas. Napakahalaga
nito upang maitumpak ting mga kilos at gawi ng mga naglilingkod sa Korte Suprema af
iba pang sangay ng pamahalaan gaya ng pagsasalin ng "Code of Ethics of Supreme
Court Personnel. Gayundin, hindi matatawaran ang kapakinabangang dulot ng
pagsasalin ng mga batas na may tuwirang kinalaman sa mga karapatan at pribilehiyo
ng karaniwang mamamayan gaya ng "The Expanded Senior Citizens Act of 2003",
"Philippine Deposit Insurance Company - Notice to the Public/" at "Katarungang
Pambarangay."

Pambansang Komisyon Para sa Kultura at mga Sining (NCCA)


May dalawang batas Republika na nagsisilbing batayan upang makabuo ng isang
mabilis, komprehensibo, at makabuluhang Pambansang Programa sa Pagsasalin
ang Komite sa Wika at Salin ng NCCA.
Ang una ay ang Batas Republika Blg. 7356 na lumikha sa NCCA at malinaw na
nagsasaad ng probisyon para sa komprehensibong programa sa pagsasalin:

Sek. 12 Upang matiyak ang pinakamalawak na diseminasyon at produktong


artistiko at kultural sa lalong pinakamaraming mamamayan sa buong
bansa at sa ibang bansa man nang mapahalagahan at tangkiliking may
kasiyahan ang mga ito sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon,
Kultura at Isports, Turismo, Interyor at Pamahalaang Lokal, Ugnayang
Panlabas at iba pang ahensiyang kinauukulan, publiko o pribado man, ang
Komisyon ay (4) magpapasigla at magmomonitor sa isang
komprehensibong programa sa pagsasalin upang ang mga akda ng mga
Filipino at ibang piling dayuhang klasikong akda ay makaabot sa mga
Filipino at sa ibang dayuhang mambabasa.

Ang ikalawa ay ang Batas Republika Blg. 7104 na lumikha sa Komisyon sa


Wikang Filipino at may mga kapangyarihan, mga gawain at mga tungkulin para sa
pagsasaling- wika gaya ng nasasaad sa ganitong probisyon:

Sek. 14 Lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng


pagsasalingwika na gaganyak, sa pamamagitan ng mga insentibo na
magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino at sa iba
pang mga wika ng Pilipinas ng mahahalagang akdang historikal at
tradisyong kultural ng mga grupong etnolingguwistiko, mga batas, mga
resolusyon at iba pang mga akdang lehislatibo, executive issuances, mga
pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga dokumentong opisyal,
mga teksbuk at mga materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina at iba
pang mga dayuhang materyales na maaaring ipasiyang kinakailangan sa
edukasyon at para sa iba pang mga layunin.

Noong Nobyembre 4, 1999, ang Komite sa Wika at Salin ng NCCA sa pamumuno


ni Andres Cristobal Cruz ay nagdaos ng isang Kongreso sa Pagsasalin na
dinaluhan ng mga pangunahing iskolar at dalubwika mula sa iba't ibang
institusyon at ahensiyang pampamahalaan. Tinalakay rito ang mga mungkahi
para sa Pambansang Programa sa Pagsasalin (PPP).
Pangunahing layunin ng PPP ang magbigay ng direksiyon sa pagsasalin, magmonitor
ng mga naisagawa na, magsulong ng mga patakaran at pamantayan, at sa
pangkalahatan, magsilbing sanggunian ng mga indibidwal at institusyong nagnanais
magsagawa ng salin. May pitong lawak ang mga gawaing pampagsasalin
alinsunod sa inihandang mungkahi ng Komite sa Wika at Salin. Ito ang (1)
saliksikan: (2) salinan: (3) lathalaan; (4) ugnayan; (5) pandayan; (6) gawaran; at (7)
sulungan. Nasa loob ng panaklong ang pangalan ng indibidwal o ng institusyong
nagsasagawa ng proyekto.

Para sa taong 2009, ang Komite sa Wika at Salin ng NCCA ay nakapagkaloob ng


grant sa mga sumusunod na proyekto:

 Palihang Salin sa Tatlong Sentrong Panrehiyon ng Filipinas (NCLT Project)


 Pambansang Seminar-Workshop tampok ang Sampung Pinakamahuhusay
na Guro sa Wika at Panitikan ng Pilipinas at Publikasyon ng Ikatlong
SANGFIL Sourcebook (SANGFIL)
 Lakbay-Seminar sa Pagpapalaganap ng Wika at Panitikan ng Pilipinas
(Wika at Kultura at Agham, Inc.)
 Pagmamapa sa Pangingibang Bayan ng Larangang Wikang Filipino
Karanasan sa Asya (Melanie Lagahit-Abad)
 Pagbuo ng Diksiyonaryo ng mga Kritikal na Termino sa Panunuring
Pampanitikan, Pangwika at Pangkultura sa Filipino (ARAMFIL)
 Publikasyon ng A Dictionary of Bisayan Arts: Cebuano. Hiligaynon, Waray
(Dr. Erlinda K. Alburo)
 2009 Pambansang Kumperensya sa Wika at Panitikan (PSW)
 Akanon Glosari: Mga Halimbawang Pangungusap (Melchor F. Cichon)
 Glosari ng Sekswalidad sa Hiligaynon (Elidora Labos-Dimzon)
 Diksyonaryong Kultural Iloilo (SWF-UP Visayas Iloilo)
 Diksiyonaryong Kultural ng Aklan (Prof. John A. Barrios)
 Diksyonaryo ng Pantayong Pananaw at Bagong Kasaysayan (Prof. Mary
Jane Rodriguez-Tatel)
 Pagdalo sa kumperensya sa UCLA-UC Berkeley Joint Conference
onSoutheast Asia Studies, UCLA (Jimmuel Naval)
 Translation of Kapampangan Sarswela (Julieta Mallari)
 Mga Paligsahan sa Buwan ng Wika sa Sentenaryo ng UP Los Baños (SWF-
LIP Los Baños)
 Wika, Arte at Kultura - Xavier University Buwan ng Wika celebration (Xavier
University-Ateneo de Cagayan)

Bukod pa rito, ang Pambansang Komite sa Wika at Salin ay patuloy na


nagtataguyod ng mga proyekto sa:
1. Pagsasalin ng mga akda sa larangan ng Humanidades (Mga) Panitikang
Nasusulat sa mga Wika ng Pilipinas). Agham Panlipunan (kabilang dito ang
pagsasalin ng mga dokumento ng gobyerno: SCRA, kodigo ng mga lokal na
pamahalaan. at Mga Tungkulin ng mga lokal na Pamahalaan/Parliamentaryong
katitikan ng Barangay). Agham at Teknolohiya.
2. Pagbuo ng mga Wordlist/Glosari,
3. Paggawa ng Diksiyonaryo mula sa Wikang Katutubo patungo sa Filipino:
4. Pagilimbag ng Pananaliksik sa Wika at Pagsasalin (Translation Work) sa anyong
libro at paglilimbag sa elektronikong anyo
5. Pagdaraos ng Fora: Panrehiyon,
6. Pananaliksik;
7. Pagdalo sa Kumperensya sa labas ng Bansa, at
8) Pagdiriwang ng Buwan ng Wika/Pagdiriwang ng Wika (Ambahan. Balagtasan,
Debate, Bigkasan, Omposo, Balitaw).

MGA PAMBANSANG SAMAHAN SA PAGSASALING-WIKA


May tatlong pambansang samahang pangwika na nakabase sa mga kolehiyo at
unibersidad ang may direktang tunguhing mapaunlad ang larangan ng pagsasaling-
wika sa Pilipinas. Ito ay ang Pambansang Samahan sa Pagsasaling-wika, Ink. (1983).
Unyon ng mga Tagasalin sa Pilipinas (1990) at Filipinas Institute of Translation, Inc.
(1997).

1.Pambansang Samahan sa Pagsasaling-wika; Ink. (PSPW)


Ito ang pinakaunang samahan para sa pagsasalin na itinatag sa Pilipinas.
Ginanap ito sa Batac, llocos Norte noong Abril 15, 1983. Limampu't apat na mga
delegadong guro sa palihan ang nagbuklod bunga ng adhikaing pabilisin ang
paglinang at pagpapaunlad sa katutubong wika at panitikang pambansa sa
pamamagitan ng pagsasaling wika. Mababasa sa simulain ng samahan ang
sumusunod:
"Kami, mga edukador, mga manunulat, mga tagapagtaguyod ng wika. panitikan
at kulturang Pilipino, mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas, nananalig sa
kahalagahan ng pambansang kamulatan at kultura sa pagpapaunlad ng bansa at
sambayanan, naninindigan na lalong mapauunlad at mapayayaman ang
pambansang kaalaman sa pamamagitan ng pagsasaling wika ay sama- samang
nagbuklod sa isang samahan at nagpapahayag ng taimtim na hangaring
makatulong sa mga sistematikong gawain kaugnay ng pagsasaling-wika."
Pagkaraan ng may limang buwan, idinaos ang Unang Pambansang Kumperensya sa
Pagsasaling-wika sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Malolos noong
Oktubre 6-8, 1983. Nagpaabot ng pagbati sa Samahan ang noo'y Gobernador ng
Bulacan na si Ignacio Santiago at ang noo'y kasalukuyang Direktor ng Surian ng
Wikang Pambansa na si Atty. Ponciano B.P. Pineda. Hindi maikakaila ang malalim na
pagnanais ng yumaong Direktor Pineda na mapatatag ang gawain ng pagsasalin sa
ating bansa. Mula sa kanyang pahatid, binanggit niyang" Kailangan sa ating mga
gawain sa pagpapaunlad sa lahat ng aspekto ng buhay bansa ang pagsasalin sa ating
wika ng mga karunungan at kaalamang nasusulat sa dayuhang wika. Ang pagsasalin
ay isang paraan ng pagpapayaman sa edukasyon at kultura ng bansa. At ganito rin ang
bisa sa isang tao. Makatwiran lamang, kung gayon, na maihatid sa pinakamatayog na
kalagayan ang sining na ito."
Lupong Tagapamahala ng PSPW
Pangulong Tagapagtatag: Lilia F. Antonio (U.P)
Pangalawang Pangulo: Cesario Y. Torres (P.U.P.)
Kalihim: Teresita C. Sayo (P.U.P)
Katulong na Kalihim: Rene D. Somera (Ateneo de Manila University)
Ingat yaman: Rogelio M. Lota (DLSU)
Katulong na Ingat-yaman: Janet C. Flores (Adamson U.)
Punong Tagapag-ugnay: Dante Desiderio (Baliuag Colleges)
Kagawad: Maurita L. Glinofria (U.E)
Naging madali ang pagsasagawa ng mga seminar at workshop sa iba't ibang kolehiyo
at unibersidad sa Metro Manila tungkol sa pagsasalin dahil ang mga kasapi ng Lupong
Tagapamahala ay aktibong miyembro sa Kagawaran ng Filipino na kanilang
Linabibilangan.
Nakipagtulungan ang PSPW sa Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino
(PSSP) at Language Education Council (LEDCO) bilang aktibong kasapi ng samahan
sa Ibob ng maraming taon sa pagdaraos ng mga kumperensya at seminar-workshop
kaugnay sa pagsasalin, sikolohiya ng wika, at wika at kulturang Filipino sa iba't ibang
rehiyon ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, hindi aktibo ang samahang ito dahil ang mga
kasapi ay naging lubhang abala sa kani-kanilang mga gawain, o di kaya'y permanente
nang nanirahan sa ibang bansa at ang iba naman ay sumakabilang-buhay na, tulad
nina Cesario Y. Torres (Ka Cesar) at Rogelio M. Lota
Naging katulong ng PSPW ang Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino
(PSSP) at Language Education Council (LEDCO).

2.Unyon sa Pagsasalin sa Pilipinas (UNTAP)


Itinatag noong Hunyo 30-Hulyo 2, 1990.
Ang UNTAP ay isang samahan na itinatag noong Hunyo 30-Hulyo 2, 1990 matapos
ang isang seminar-workshop sa pagsasalin na dinaluhan ng mga praktisyoner sa
Lungsod ng Baguio. Ito ay sa pagtataguyod ng Presidential Commission on
Culture and the Arts Ingayo'y ang NCCA) sa Teacher's Camp, Baguio City. Naging
unang tagapangulo ng Samahang ito si Teodoro Antonio, isang kilala't mahusay na
makata. Pansamantalang naging PUNTA (Pambansang Unyon ng mga Tagasalin)
ang pangalan ng samahan dahil kahawig ng akronim ng Translator's Association
of the Philippines (TAP). Idinaos ang kanilang Unang Kongreso noong Agosto 16,
1991 sa Pulungang Recto, Bulwagang Rizal UP Diliman at dito pinagtibay ang
saligang batas ng samahan. Ginanap ang Ikalawang Kongreso na may temang
Sentenaryo ng Pagsasalin sa Philippine Normal University noong Oktubre 15.
1998. Naging abala ang mga kasapi ng samahang ito kaya't may mga panahong hindi
nagiging aktibo.
Noong Nobyembre at Disyembre 2002, nagkaroon ng reorganisasyon ang UNTAP.
Pinalitan ang pangalan nito at naging SALIN (Samahan ng mga Tagasalin). Si Dr.
Aurora E. Batnag ang naging ikalawang Tagapangulo ng Samahan. Ang Lupong
Patnugutan ay mula sa iba't ibang kolehiyo at unibersidad na kinabibilangan nina
Virgilio S. Almario, Lilia F. Antonio, Teresita Fortunato, Joaquin Sy, Mario l.
Miclat, Michael Coroza, Lilia Quindoza-Santiago, Jose M. A. Tejido, Rebecca
Añonuevo at marami pang iba.
Layunin ng SALIN na magsagawa ng mga hakbang upang itaas ang pamantayan
ng pagsasalin sa pamamagitan ng:
(1) paglalathala ng mga aklat, pananaliksik, at iba pang babasahin tungkol at
para sa pagsasalin:
(2) pagtatatag ng mga sentro upang lumikha ng malikhaing kaligiran;
(3) pagsasagawa ng pana-panahong pagtatanghal paglulunsad o pagkilala sa
mga salin ng mga kasapi bukod sa pagdaraos ng mga seminar. palihan, at
kumperensiya:
(4) pagtiyak ng pagkakaunawaan at pagtutulungan ng mga kasapi sa
pamamagitan ng paglalathala ng newsletter at pagsisilbing clearing house;
(5) pakikipag-ugnayan sa ibang bansa upang linangin ang pagpapalitang
pangkultura, habang pinangangalagaan ang mga karapatang intelektuwal ng mga
kasapi;
(6) pagtatayo ng aklatan para sa mga kasapi
(7) paglalathala, kung maaari at kinakailangan, ng mga salin ng mga kasapi:
(8) pagtataguyod sa makatarungang bayad sa salin.

3.Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT)


Itinatag noong Setyembre 3, 1997
Mga Kasapi
Kasalukuyang Pangalawang Pangulo: Mario I. Miclat
Kasalukuyang Kalihim/Ingat-yaman: Perfecto T. Martin
Kasalukuyang, Pangulo at Tagapangasiwang Direktor: Romulo P. Baquiran, Jr.
Leuterio Nicolas, Galileo S. Zafra, Roberto Añonuevo at Victor Emmanuel
Carmelo Nadera, Jr. at iba pang mga kilalang manunulat, guro, tagasalin, at
manggagawang pangkultura na aktibo sa pagsasalin ng dula at paglilimbag ng mga
aklat at lathalaing may kaugnayan sa pagsasalin.
Layunin ng samahan
1) Pagtataguyod sa pag- unlad ng pambansang wika;
2) Paglinang sa sining at kulturang Filipino;
3) Pagbibigay ng pagkakataon sa mahusay na pagsasalin sa mga teknikal at
akademikong teksto mula sa katutubo o dayuhang wika patungo sa Filipino, at
vice-versa; 4) Pagsasanay sa mga propesyonal na tagasalin sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng palihan at seminar sa pagsasalin; at
5) Paglalathala ng mga akdang naisalin.
Aktibo ang FIT sa loob ng nakalipas na mga taon hanggang sa kasalukuyan sa
pagtataguyod ng mga proyektong pampanitikan. Sa pakikipagtulungan sa UP
Institute of Creative Writing, Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), at
National Commission for Culture and the Arts (NCAA)nagdaos sila ng mga
patimpalak na binansagan ayon sa anyo ng katutubong tulang itinatampok:
Textanaga, Dalitext, at Dionatext.

Ang tomo ay maaaring tumukoy sa: Bolyum o tomo, bahagi ng aklat.


Ang Daluyan ay monolingguwal sa Filipino at may layuning paunlarin ang pag-aaral at
pananaliksik tungkol sa wika, panitikan at kulturang Filipino at pagyamanin ang diskurso sa iba't
ibang disiplina sa wikang Filipino.

You might also like