You are on page 1of 26

PASULAT NA ULAT NG IKALAWANG PANGKAT

TUNGKOL SA

MGA URI NG DULA SA PANAHON NG KASTILA AT AMERIKANO

MGA MAG-UULAT

Jamila Abdulgani

Sittie Ainie Diangca

Jeannete Jane Garcia

Fritzie Joriz Gomonit

Jemalyn Lacuarta

Krexia Mae Liquido

Honeybee Lominquit

Saliha Lomondot

Jhune Ace Lubang

Lyde Jean Monsuller

Jhomar Montecillo

Cristy Omamalin
SAKOP NG ULAT

ANG MGA URI NG DULA SA BAWA'T PANAHON

1. Ang Dula sa Panahon ng Kastila

a. Katuturan ng mga Anyo ng Dula sa Panahon ng Kastila

2. Mga Dula sa Panahon ng Amerikano

 Pag-aaral ng mga Piling Dula


 Pagsusuri at Pagpapahalaga sa mga Dula
 Pagsasadula

3. Mga Dulang Pangtanghalan


4. Madulang Pagbasa
5. Chamber Theater
6. Fliptop

MGA SANGGUNIAN
ANG MGA URI NG DULA SA BAWA’T PANAHON

ANG DULA SA PANAHON NG KASTILA


ni Saliha Lomondot, Honeybee Lominquit, at Sittie Ainie Diangca

Dula sa Panahon ng Kastila

Itinatanghal sa entablado ngunit maaari rin itong ganapin sa bakuran o labas ng bahay. Tungkol
sa relihiyon ang karaniwang paksa ng mga dula sa panahon ng kastila.

Mga Uri ng Dula sa Panahon ng Kastila

 Dulang Pantanghalan
 Dulang Pantahanan
 Dulang Panlansangan

Dulang Pantanghalan - ito ay isinasagawa sa loob ng tanghalan o entablado.

Senakulo

 Itinatanghal sa dulang ito ang mga pangyayari at pasakit na dinanas ni Hesukristo sa kanyang
buhay.
 Ginaganap sa lansangan o bakuran ng simbahan at tuwing ‟Semana Santa‟. Sa ilang
pagkakataon, noong unang bahagi ng ika-20 siglo, ito rin ay naganap sa mga sabungan sa mga
lugar na malapit sa Maynila.
 Sa ilang probinsya, ang tradisyonal na pagtatanghal ng isang Senakulo ay maaaring tumagal
mula pito hanggang walong araw. Gayunpaman, ang mga pinaikling bersyon ay itinanghal sa
Biyernes Santo, partikular sa mga lungsod na bahagi.

Moro- Moro

 "Moor” pantawag sa mga Muslim na sa Spanish term ay Moro.


 Ito ay isang dulang makarelihiyon at ipinapakita sa dulang ito ang paglalaban ng mga
Kristiyano at Muslim na laging nagwawakas sa pagtatagumpay ng mga Kristiyano.
 Ito ay nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim. Ang
makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo nang mga Kristiyanong Malay,
mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga Espanyol laban sa mga
Pilipinong Muslim na nasa Timog.
 Ang moro-moro ay kilala din bilang comedia ay isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na
comedia de capa y espada.

Karilyo

 Dula-dulaang gumagamit ng mga kartong tauhan na pinagagalaw sa harap ng ilaw upang


magkaroon ng anino sa puting tabing.
 Karaniwang mga kagamitan na ginagamit ay puppets, screen o tabing, at ilaw.

Dulang Pantahanan

 Ito ay isinasagawa sa tahanan.


 Mga pagtatanghal sa loob ng bahay o bakuran kung may lamayan, may parangal at
pakikipagsunduan.

1. Pamamanhikan

 Ito ay masasabing dula, kahit “totohanan”.


 Tinatawag din itong panunuyo.
 Tinatawag na panliligaw sa pangkaraniwang panahon.
 Ito ay tungkol sa pag-ibig, pagliligawan, at pagpapakasal.

Tatlong Bahagi ng Pamamanhikan

a. Bulong - ang tagapagsalita ng binata ay pupunta sa bahay ng dalaga. Ito ay ang walang pasabi
na pagdating ng mga napiling kakatawan sa binatang umiibig. Sa pamamagitan ng mga bersi at
awitin, ang matapat na layunin ay maipadarama sa magulang ng dalaga.

b. Kayari - ito ay sumusunod matapos ang mga araw, linggo, o buwan ng matiyagang
paninilbihan. Isinasama na ng binata ang kanyang mga magulang upang hingin ang kamay ng
dalaga. Malalaman niya kung siya ba ay nakapasa na sa kanyang babaeng nililigawan ganon
din sa mga kaanak nito. Subalit kung ayaw sa kanya ng mga kamag-anak ng babae ay hihiling
sila ng bagay na alam nilang hindi nito kayang ibigay.

c. Dulog - ito ang huling bahagi ng pamamanhikan at ang pinakamasayang bahagi dahil
mayroong kainan at inuman. Dito rin pag-uusap ang pagtatakda ng oras at araw kung kailan
gaganapin ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Desposoryo - ito ay ang bisperas ng araw ng kasal. Pagdadala ng gamit para sa kasal.
2. Panubong o Putong

 Inaawit ang panubong at ito‟y ginaganap bilang pagpaparangal sa isang may kaarawan, sa
isang mataas na pinuno ng pamahalaan o isang tanyag na tao.
 Korona o Putong ay isang katutubong gawain na ginagawa pa rin sa lalawigan ng
Marinduque. Ito rin ay katutubong gamit pang-ulo ng mga sinaunang Pilipino bago pa man
dumating ang mga Kastila.
 Ang putong ay isang uri ng sayaw. Tungkol ito sa sayaw, para sa ipinuputong sa ulo.

3. Karagatan

 Uri ng sinaunang panitikang larong patula.


 Ang tulang ito ay ginagamit sa laro.
 Kadalasan itong ginaganap sa namatayan o may lamay at may matandang tutula ukol sa
paksa ng laro. Mayroon tabong papaikutin, at kung saan matatapat ang hawakan ng tabo ay
syang sasagot sa tanong ng isang dalaga na may matalinhagang bugtong at matalinhagang
sasagot ang binata. Nagpapasikatan ang mga binata sa kanilang mga husay at talento.
 Ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesa na nahulugan ng singsing habang siya'y
naglalakbay sa karagatan. Kung sino man ang makakita ng singsing ay siyang
mapapakasalan ng prinsesa.

4. Duplo

 Isang larong may kauganayan sa kamatayan ng isang tao at ang layunin ay aliwin ang mga
naulila.
 Isinama sa mga selebrasyon upang mabawasan ang kalungkutan sa pagdadasal para sa mga
namatay.
 Binubuo ng mga puns, biro at palaisipan sa bernakular.
 Ginaganap sa ika-9 na gabi.
 Patula ang mga pananalita ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at tugma.
 Dalawang hilera ng mga upuan ang nakaayos sa batalan. Dito nakaupo, ang belyekas at
belyekos. Sa gitna ng grupo nakaupo ang hari o ang duplero.
 Tinatawag na belyeko ang mga lalaki at belyeka ang mga babae.
 Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang patula.
 Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas
laruin tuwing may lamay sa patay.
 Ang manlalaro ay magbibintang sa iba ng mga kathang krimen. Ang mga akusado naman
ay ipagtatanggol ang kanilang sarili. Kapag ang isang nakikipagtalo ay nagbigay ng maling
sagot sa palaisipan na binigay sa kanya, magsasabi siya ng isang dalit para sa namatay.
 Bago mag-umpisa ang hari ay nagsisimula sa pagsasabi ng isang Ama Namin, Aba Ginoong
Maria, at isang Requiem para sa namatay. Pagkatapos ng dalangin, isisigaw ng hari ang
“Numeracion”. Ang mga kasali naman ay sasagot nang “Tribulacion”.
 Pagkatapos, dagli na sisimulan na ng hari ang laro sa pamamagitan ng pagbato ng bola o
panyo sa isa sa mga villacos. Yuyuko ang belyeko sa hari at dadalhin ang bola o panyo sa
isang belyeka na sumagot sa talumpati na ginawa ng belyeko.

5. Juego de Prenda

 “Laro ng Parusa”
 Nilalaro ito tuwing búrol o lamayan. Linalaro ito upang di makatulog ang mga tao habang
nagbabantay sa patay.
 Walang takdang bilang ang maaaring sumali sa laro ngunit malimit na kabataan ang mga
kalahok.
 Umuupo sa isang pabilog ang mga manlalaro, magkahiwalay ang mga babae at ang mga
lalaki, at may lider o hari sa gitna. Bawat manlalaro ay binibigyan ng pangalan. Pangalan ng
punongkahoy o bulaklak ang sa babae. Pangalan ng ibon o numero ang sa lalaki.
 Nagsisimula ang laro sa pamamagitan ng pahayag ng hari na nawawala ang kaniyang ibon
at sisimulan niyang pagbintangan ang isang kalahok na babae. Itatatawag ito ng
napagbintangan at ipapasa ang sakdal sa isang kalahok na lalaki. Kailangang mabilis sa
pagsagot at pagpapása ang kalahok. Kailangang memoryado din niya ang mga ibinigay sa
kanilang pangalan. Kapag namali sa pagsasabi ng pangalan, o bumagal.

Dulang Panlansangan

Salubong

 itinutunog ang kampana at nagkakaraoon ng prosesyon ng imahe ni Kristo at ng Birhen Maria


 nagtatapos ang prosesyon sa pagkita ng Ina at Anak sa loob ng simbahan
 ang mga malalahok ay hinihiwalay batay sa kasarian
- lalaki sa imahe ni Kristo
- babae sa imahe ng Birhen

Pinetenecia

 mula sa salitang Lumang French at Latin „poenitentia‟, na ibig sabihin ay pagsisisi o


kagustuhang patawarin
 paglalakad ng mga deboto sa mga lansangan habang pinapalo ang mga sarili ng may patalim na
tali
 pagpruprusisyun ng may dalang krus at saka pinapako sa krus ng mga deboto
Moriones

 pagsasadula tungkol sa sundalong bulag na si Longinus na biglang nakakita nang matalsikan


dugo ni Hesus ang kanyang mata
 kasaysayan:
- sa Valencia, Spain Festival de Moros y Cristianos (piesta ng mga moro at kristyano)
- "murió" o morir na ang ibig sabihin ay kamatayan
- unang beses isinatupad noong 1807

Flores De Mayo

 "Flores de Maria" o "Álay"


 pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Pilipino sa buong buwan ng Mayo bilang
pagbibigay parangal kay Birheng Maria

Santacruzan

 prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng Flores de Mayo


 inilalarawan nito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni Constantino

Panunuluyan

 ang tawag sa isang pagsasadula ng paglalakbay nina Maria at Hosep sa Bethlehem, kung saan
ang usapan ay kinakanta
 panunuluyan, pananawagan, o pananapatan ang tawag ng iba sa panunuluyan
 tinatanghal tuwing Mayo
 Panunuluyan tawag sa Tagalog
 Panawagan o Maytinis tawag ng mga Caviteño
 Kagharong sa Bicolano
 Daigon, Pakaon, o Patores sa Bisaya

Pangangaluwa

 kaugalian ng mga Pilipino bilang pagtupad sa tungkulin nila sa yumao nilang mga mahal sa
buahy na dalawin ang mga libingan ng mga ito
 gabi ng bisperas ng Undas o bisperas ng Araw ng mga Patay
 araw na ipinagdiriwang tuwing Oktubre 31
Tibag

 tungkol sa paghahanap nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino ang krus kung saan ipinako si
Hesus
 isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo na nakaugalian na sa Bulakan, Nueva Ecija, Bataan,
Rizal at Bicol

KATUTURAN NG MGA ANYO NG DULA SA PANAHON NG KASTILA

 Ginamit ng mga Espanyol ang dula para pasampalatyahin ang mga local na populasyon sa
Kristyanismo.
 Parte ito bilang pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa aspekto ng kultura.
ANG DULA SA PANAHON NG AMERIKANO
ni Lyde Jean Monsuller

Patuloy na pumailanlang ang mga tema ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan sa lahat ng


anyo ng literatura sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano. Sumiklab ang mga pelikula.

Sa panahong ito, isinilang ang mga imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at
Tagalog. Mga Amerikano rin ang nagpakilala ng iba‟t-ibang uri ng panitikan (genre). Dahil sa
impluwensyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensyahan din ang panitikan sa
bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito.

Dala ng mga Amerikano ang Bodabil na nagbunga sa Sarsuwela ng Pilipinas.

Bodabil – isang sikat na genre ng entertainment o libangan sa Pilipinas mula 1910s hanggang
kalagitnaan ng 1960s. Sa loob ng mga dekada, nakipagkumpitensya ito sa pelikula, radyo at telebisyon
bilang nangingibabaw na anyo ng mass entertainment ng mga Pilipino.

Sarswela

 Isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga mandudula na kinagigiliwan ng
mga tao sa panahon ng Amerikano.

 Ito ay naglalarawan ng mga kakaibang romantikong pag-ibig sa mga huwarang karakter na


Pilipino, at kadalasang isinasama ang mga kontemporaryong isyu sa lipunan, pulitika,
ekonomiya o kultura para sa kaugnayan at interes.

 Una itong umunlad sa Espanya noong ika-17 siglo. Binubuo ng pagsasalaysay na sinamahan ng
mga sayaw at tugutugin, at may paksang mitolohikal at kabayanihan.

 Idinala ni Alejandro Cubero ang Sarswela sa Pilipinas sa taong 1880. Kasama ni Elisea Raguer
ay initinatag nila ang „Teatro Fernandez‟ ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa
Pilipinas.

Honorata “Atang” de la Rama

 Tinaguriang “Reyna ng Kundiman at Sarswela”.


 Isa sa pinakamasigasig na tagapagtaguyod ng identidad o pagkakakilanlan ng kulturang
Pilipino. Sa gitna ng pananakop ng mga Amerikano ay walang takot niyang ipinaglaban ang
pananaig ng kundiman, isang uri ng awiting Pilipino.

Sa kabuuan, ang dula sa panahon ng mga Amerikano ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat
na Pilipino upang maipahayag ang hangad na kalayaan at makabayang pananaw. Subalit, ipinakilala
rin sa panahong ito ang pinilakang-tabing (silver screen o movie screen) o pelikula na naging dahilan
ng unti-unting nanghina ang Sasuwela at mas lalong nababawasang mga manonood ng teatrong
musical.
Mga Nakilalang Manunulat ng Dula sa Panahon ng Amerikano

 Severino Reyes “Lola Basyang”


 Aurelio Tolentino
 Hermogenes Ilagan “Ka Mohing”
 Patricio Mariano “G. Artigas u Cuerva”
 Julian Cruz Balmaceda

PAG-AARAL NG MGA PILING DULA


ni Jhune Ace Lubang

Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa atin nang higit
satatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898, tanda ng pagkakaroon natin
ng Kalayaan. Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas&
subalit ang kalagayang ito‟y naging panandalian lamang sapagkat biglang lumusob ang mga Amerikano.
Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong
1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900.

Makikita ang kabakasan ng pagpapasaring, pangungutya, at pagmumulat. Makikita rin dito ang
paghihimagsik ng mga Pilipino.

Pumailan lang ang mga tema ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan sa lahat ng anyo ng literatura sa
panahon ng pagdating ng mga Amerikano. Sa panahon ring ito ay sumiklab ang mga pelikula

Mga Katangian ng Panitikan sa Panahon ng mga Amerikano

 hangaring makamit ang kalayaan


 marubdob na pagmamahal sa bayan
 pagtutol sa kolonyalismo at imperiyalismo

Diwang Nanaig:

 nasyonalismo
 kalayaan sa pagpapahayag
 paglawak ng karanasan
 paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan

3 Pangkat ng mga Manunulat:

 Maka-Kastila
 Maka-Ingles
 Maka-Tagalog
Mahalagang Tao sa Panahong Ito

1. Severino Reyes

 Ama ng Sarsuelang Tagalog.


 Sa kanyang pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola
Basyang.
 Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula.
 Ang kanyang dula na pinamagatang “Walang Sugat” na nasulat sa unang bahagi ng
panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay pumapaksa sa
kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan.

2. Hermogenes Ilagan

 Si Hermogenes Ilagan ay isang Filipino tenor, writer, stage actor, and playwright.
 Kinilalang Ama ng Dulaang Tagalog. Kapanahon siya ni Severino Reyes. Tulad ni Reyes,
isa rin siya sa masigasig na tagapagtaguyod ng sarsuelang Tagalog.
 Malaki ang kaniyang nagawa upang magiging popular sa madla ang sarsuwela. Bukod pa,
ang kaniyang sarsuwelang “Dalagang Bukid” ang itinuturing na isa pinakapopular na dula
bago magkadigma.
 Siya ang ninuno ng mga Ilagan na kinikilala sa larangan ng pagtatanghal sa radio, pelikula
at telebisyon - sina Robert Arevalo, Jay Ilagan, Liberty Ilagan at ang noo'y sumikat na
si Eddie Lat Ilagan.
 Noong 1902, inorganisa ni Ilagan ang Compania Lirico-Dramatica Tagala de Gatchalian y
Ilagan (naging Compania Ilagan kinalaunan), ang unang kompanyang sarsuwela.
Nagtanghal sila sa iba‟t ibang lalawigan ng Luzon tulad ng Bulacan, Laguna, Nueva Ecija,
at Tayabas (ngayon ay Quezon).
 Kabilang si Ilagan sa mga dramatistang nagpayabong sa tinatawag na “Gintong Panahon ng
Teatrong Filipino.”

Sila ang nagpilit na magpakilala sa mga tao ang mga lalong kapakinabangang matatamo sa
Sarsuwela at Tahasang Drama. Sinasabing ang Sarsuwela ang pumatay sa Moro-moro.

Mga Dula sa Panahon ng mga Amerikano

1. Sarsuwela

 Ang sarsuwela ay nagpapakita ng kaapihan ng mga Pilipino at ng paghihimagsik sa bayan.


 Isa sa mga tanyag na pinakilalang dula sa kapanahonang ito, “Walang Sugat” na isinulat ni
Severino Reyes.
 Dala ng mga Kastila mula sa Europa noong huling bahagi ng kanilang pananakop-1878
dumaong sa Maynila ang kompanyang Sarswela ni Dario Cepedes at itinanghal ang Jugar
Con Fuego sa Teatro Novedades. Kung gaano kasigla ang pagtanggap ng sambayanang
Pilipino sa mga sarsuwela noong unang taon ng mga Amerikano o sa panahon ng Aklatang-
Bayan ay siya namang panlalamig.
 Pinigil ng mga Amerikano ang pagpapalabas nito dahil ang dulang ito ay umiikot sa
repormang sosyal at patriotism.
2. Dula sa Makabagong Panahon
3. Dulang Pantanghalan na may Iba't-ibang Tema
4. Dulang Musikal

PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA DULA


ni Fritzie Joriz Gomonit

Mahalagang suriin at pahalagahan ang dula dahil nakakatulong ito sa pagiging isang mahusay
natin sa pagbigkas, mahalaga rin na malaman ang dulang pilipino upang mas makilala natin ang mga
ito, upang mas matuto tayo.

Sa panahon ng Amerikano, Taong 1902 nang simulan ni Bolima Ginalyn C. mag-ukol ng


panahon para sa pagsulat at pagpapaunlad ng dulang Tagalog.

Ayon sa mga manunulat ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa mga unang
taon ng pananakop ng mga Amerikano.

Ang panahong ito ay nahahati sa tatlo:

1. Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan sa Panitikan

Mahalaga sa mga manunulat ang kalayaan sa pagpapahayag at ang makasulat sila ng kahit ano,
lalo na patungkol sa mga karanasan nila sa buhay sa panahon ng mananakop, ngunit sa panahon ng
Amerikano sa ilalim ng Batas Sedisyon (itong batas sedisyon pala nakasaad dito ang pagbabawal sa
pagsasalita at pagsusulat laban sa Amerika lalong lalo na ng mga kaisipang may kaugnayan sa
kalayaan ng Pilipinas) hindi makapagpahiwatig o makapagsabi ng lantaran laban sa mga Amerikano.

2. Panahon ng Romantisismo
3. Panahon ng Malasariling Pamahalaan

Panahon ng malasariling pamahalaan, kasi nga diba napasailalim tayo ng mga Kastila for about
333 years, pagkadating ng mga Amerikano akala natin naisalba na tayo sa pananakop, but little do we
know ay paiikutin lang pala nila tayo at may pagkakapareha lang pala sila ng intensyon ng mga
Kastila.

Hinangad ng mga Pilipino ang naudlot na kalayaan mula sa mga Kastila nang nasakop ng mga
Amerikano ang Pilipinas. Ito ang isa sa mga dahilan na sumibol ang mga panulat na may temang
nasyonalismo: pagmamahal sa bayan, sariling kalinangan, panitikan, at wika.
Dula sa Usaping Nasyonalismo

1. “Tanikalang Ginto” ni Juan Abad


2. “Kahapon, Ngayon, at Bukas” ni Aurelio Tolentino

Itong mga dulang ito, nagpapahayag ito ng mga kaisipang mapanghimagsik. Ang pagtatanghal
ng mga dula na ito ay hinarangan ng mga nasa kapangyarihang Amerikano. Kung ilang beses
naitanghal ang “Tanikalang Ginto” ay ganoon na rin kung ilang beses dinakip ang mga mandudula at
kinumpiska ang mga gamit nito.

Mahirap talaga ang dinanas ng mga manunulat, mandudula sa ilalim ng panahon ng


Amerikano. Isipin mo yun, ilang beses dinakip ang mga mandudula at kinumpiska ang mga gamit nila.
Ngunit kahit na ganoon, hindi ito naging dahilan upang tumigil ang mga manunulat at mandudula.
Kahit na sa ilalim ng Batas sedisyon, may mga manunulat, at tanyag pa din na mga dula na nagawa ang
mga Pilipino.
PAGSASADULA SA PANAHON NG AMERIKANO
ni Krexia Mae Liquido

Introduksyon

Patuloy na pumailanlang ang mga tema ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan sa lahat ng


anyo ng mga akdang panliteratura sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano. (Espina, et.al, 2009).

Sa dulang Pilipino higit na sumingaw ang diwang makabansa. Ang mga mandudulang Pilipino
ay nakaranas na maaresto, mabilanggo, at mabigyan ng babala.

Bodabil

Hinango sa Pranses na Vaudeville at inilapat sa teatrong Amerikano. Ito ay dumating sa bansa


noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Ito ang unang kapansin-pansing impluwensya ng
Amerika sa bansa. Ang mga kanta at sayaw ng bodabil ay pampuno sa mga maikling sarsuwela o sa
pagitan ng mga mahahabang pagtatanghal.

Sarswela

Ang sarswela ay isang uri ng pagtatanghal na may kasamang pag-awit at pag-sayaw. Subalit,
hindi lamang kanata at sayaw ang elemento ng pagtatanghal na tinatawag na sarswela. Ito ay dinadala
sa pamamagitan ng isang dula gamit ang patula, pasalita, o pakantang dayalogo. Nagtatalakay ng mga
karanasang Pilipino na nakabalangkas sa kuwentong pag-ibig.

Atang De la Rama - Hernandez

 Reyna ng Kundiman
 Mutya ng Dulang Tagalog
 Primadonna ng Tanghalang Pilipino
 Reyna ng Sarswelang Tagalog

Severino Reyes

 Tinaguriang “Ama ng Dulang Tagalog” at itinuturing na “Ama ng Sarsuwela”.


 Siya ay lalong kilala sa bansag na “Don Binoy”.
 Sa edad na 41, siya‟y nagsimula na magsulat ng mga dula.
Mga Dulang Umani ng Paghanga at Tagumpay

R.I.P - noong 1902 ang una niyang dula.


Walang Sugat – pinakasikat na dula, tungkol sa mga repormang panlipunan. •
Ang Kalupi – dulang tumutuligsa sa Moro-Moro.

Aurelio Tolentino

 Mandudula ,nobelista, at orador sa wikang Espanyol, Tagalog, at Pampango, bukod sa


pagiging katipunero.
 Bumuo siya ng samahan na Junta de Amigos.

Mga Tanyag na Dula

 Ang Makata – sarsuwelang may isang yugto at ang paksa ay politika.


 La Rosa - sarsuwelang may isang yugto.
 Manood Kayo - mga awit at mga pangyayaring pinag-ugnay sa tatlong yugto.
 Bagong Kristo – dulang may paksang panlipunan.
 Luhang Tagalog - dulang pangkasaysayan at obra maestra niya.
 Kahapon, Ngayon, at Bukas – pinagsakyan niya ng pagtutol sa pamahalaang Amerikano
ng pagbabantang muling paghihimagsik at ng paghuhulang magtatagumpay ang
pagkabangon.

Mga Anyo ng Dulaan sa Panahon ng Amerikano

Dulang Sedisyoso o Dulang Makabayan

Dulang politikal na namalasak noong panahon ng Amerikano. Ang “Tanikalang Ginto” ni


Juan K. Abad (ang unang pagtatanghal ay noong 1902).

Naging bahagi ito ng kasaysayan ng dula sa Pilipinas nang pigilin ng puwersa-militar ng


mga Amerikano ang pagtatanghal ng dulang nabanggit sa Batangas noong Mayo 10, 1903.

Si Juan K. Abad ay pinaratangan ng salang sedisyon at nahatulang magbaad ng multang


2,000 dolyares at mabilanggo nang dalawang taon. Subalit binago ng Korte Suprema ang hatol
noong 1906 at pinawalang sala ang mandudula.
MGA DULANG PANTANGHALAN
ni Jemalyn Lacuarta at Jamila Abdulgani

Ano ang dulang pantanghalan?

Ang dulang pantanghalan ay isinasagawa o itinatanghal sa pampublikong entablado kung


saan ipinapahayag ng mga tauhan ang kanilang emosyon, tulad ng pagkanta, pagsayaw,
pagsasadula ng isang kuwento, at iba pa. Ito ay kahit ano mang drama na isinusulat bilang isang
berso para wikain at isinasagawa sa tanghalan.

Elemento ng Dulang Pantanghalan

1. Simula (tauhan, tagpuan)

 Makikilala sa bahaging ito ang mga tauhan, tagpuan at pangyayari sa kwento.

2. Gitna (banghay, dayalogo, saglit na kasiglahan, tunggalian, kasukdulan)

 Makikita ang banghay o pagkasunod sunod ng ng mga tagpo o eksena. At ang


pinakamahalagang bahagi ng dula ay diyalogo.

3. Wakas (kakalasan, wakas)

 Mababatid ang resolusyon na maaring masaya o malungkot ang magiging wakas ng


kwento.

4. Aspektong Teknikal (sound effects, musika, pag-iilaw, iba pang kagamitan)

 mahalaga ang apektong pantunog dahil ito ay ginananap sa harap ng madla, kaya't
kailangangang malinaw na maipahatid ang bawat linya ng dula sa pamamagitan ng
maayos na tunog.
 sound effects, musika, at iba pang kaugnay na tunog sa pagtatanghal
 isa pang mahalaga aspektong teknikal sa dula ang ilaw, ito ay upang mabigyang
buhay ang mahalagang tagpo ng dula

5. Yugto/Act (eksena/scene, tagpo/frame)

 Ang yugto kung baga sa nobela ay ang kabanata. Ito ang malalaking hati ng dula.
Ang Isang dula ay maaring magkaroon ng isa, dalawa tatlo o higit pang yugto.
 Sa tanghalan, ang bawat yugto ay maaring gamiting panahon upang ihanda ang susunod pang
mga yugto at ayusin ang tagpuan.
 At para makapagpahinga sumandali ang mga tagapagsiganap at mga manonood.
 Ito ay maaring tumagal hanggang labinlimang minute, ang pansumandaling pagpapahinga.

Uri ng Dulang Pantanghalan Ayon sa Anyo

 Komedya
 Trahedya
 Melodrama
 Tragikomedya
 Saynete

Ang saynete ay itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng
mga Espanyol sa Pilipinas. Ang paksa nito ay tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang
lahi o katutubo tungkol sa kanilang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapuwa.

Halimbawa: La India Elegante Y Negrito Amante ni Francisco Baltazar

 Proberbyo

Ito ang mga dulang may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain.

Halimbawa: “Kung ano ang iyong tinanim, siya ring iyong aanihin.”

 Parsa

Ang parsa ay dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kuwento. Ang mga
aksiyon ay slapstick. Ibig sabihin, mga sinasadyang kabubuhan o clumsy actions. Ang mga actor
ay walang ibang ginagawa kundi ang magpaluan, maghampasan, at magbitiw ng mga
kabalbalan. Sinasabi ring karaniwang napapanood ito sa isang comedy bar.
:
 Parodya

Ito ay dulang mapanudyo. Ginagaya ang mga ayos, kilos, pagsasalita, at pag-uugali ng
tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna.

Uri ng Dulang Pantanghalan

 Moro-moro

Ang moro-moro ay isang uri ng dula sa panahon ng mga kastila. Ito ay sinasabing
adaptasyon ng mula sa dula sa Europa na “comedia de capa y espada”. Ang moro-moro ay
natatangi sapagkat walang ibang bansa ang nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas
maliban sa Pilipinas. Ang pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ng moro-moro kung kaya‟t ito
ay tuluyan nang itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo.
Tinatalakay nito ang paglalaban ng mga kristiyano at muslim.

Halimbawa Link: https://www.youtube.com/watch?v=ONxdIFouDRo

 Sarsuwela

Ang sarsuwela ay pinaghalong komedya at melodrama o tragikomedya. Mayroon itong


kasamang awit at tugtog at pumapaksa sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig,
kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan, atbp. O kaya naman ay tungkol sa suliraning
panlipunan o pampulitika.

Ayon sa kasaysayan nito, ito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa opera ng Italya
sapagkat magkahalo ang diyalogong ginagamit dito – patula at pasalita. Ang patulang bahagi ay
karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan at ang tuluyang diyalogo ay sa mga
tauhan/katulong.

Bagama‟t ipinakilala ito noong panahon ng mga Kastila ay lubos itong sumikat noong
panahon ng himagsikang Pilipino at panahon ng Amerikano.

Ang mga kilalang manunulat ng sarsuwela ay sina Severino Reyes, Hermogenes Ilagan,
Juan Abad, atbp.

Si Severino Reyes ay kilala bilang “Ama ng Sarswelang Tagalog”. Iilan sa mga naisulat
niyang sarswela ay mga sumusunod:

Minda Mora (1904), Filipinas para los Filipino (1905)


Ang Pagbibili ng Pilipinas sa Hapon (1906)
Ang Bayani ng Puri (1922)
Ang Puso ng Isang Pilipina (1923)

Ngunit, ang pinakatanyag ay ang “Walang Sugat”. Ibinatay ito sa panahon ng


rebolusyon at tungkol ito sa kawalan ng hustisyang tinatamasa ng mga Pilipino noong panahon
ng Kastila. Ang mga temang gamit dito ay pagmamahalan sa gitna ng digmaan, sakripisyo,
pagkawalay, at kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya. Isinulat ito ni Severino Reyes upang
ipakita sa lahat ang kanyang pahayag sa imperyalismo

Bidyo Link: https://www.youtube.com/watch?v=ESBNfhqoRS

Sa kabilang dako, si Hermogenes Ilagan ay kinikilala rin siyang “Ama ng Dulaang


Tagalog”. Iilan sa mga naisulat niyang sarswela ay mga sumusunod:
Ang Buhay nga Naman
Ang Buwan ng Oktubre
Bill de Divorcio
Dahil kay Ina
Dalawang Hangal

Ngunit, ang pinakatanyag ay ang “Dalagang Bukid”. Ang kuwento ng Dalagang


Bukid ay kuwento ng pag-iibigan na kalaban ang lahat. Kung saan binigyang-diin ng may-akda
ang kahalagahan ng pagsusuyong tapat at wagas. Ipinakita sa tema na hindi lahat ng kaligayahan
ng tao sa mundo ay nakukuha sa silaw ng salapi.

Bidyo Link: https://www.youtube.com/watch?v=P2iPV4zQ5fY

Panghuli, si Juan Abad ay umani ng papuri at pagkilala dahil sa matagumpay na


pagtatanghal ng kaniyang “Ang Tanikalang Ginto”. Ito ay pumapaksa ng nasyonalismo.
Dinidipekta ng dula kung ano ang sitwasyon ng Pilipinas sa panahon ng mga Amerikano.

 Tibag

 pagtatanghal tuwing buwan ng mayo


 may makukulay na kasuotan ang mga gumaganap
 Ito ang pagsasadula ng paghahanap ni Sta. Elena sa nawawalang krus na pinagkunan
kay Hesus. Kinakailangan tibagin ang ilang bundok ayon sa kasaysayan upang
matagpuan ang banal na krus. Ang kumakatawan kay Sta. Elena at sa mga kawal,
kasama pati ang Haring Constantino ay lumilibot upang hanapin ang Krus na
kinamatayan.

 Senakulo

 Isang dulaang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng poong Hesuskristo.


 Ang Senakulo ay isang dula patungkol sa buhay, pagpapasakit, kamatayan at muling
pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.
 Isa ito sa mga tradisyon ng Semana Santa sa ilang grupong Cristiano, partikular na sa
mga Katoliko.

 Panunuluyan

 Prusisyong ginaganap tuwing bisperas ng pasko o disyembre 24 ng gabi bago mag


misa de gallo.
 Ito ay paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mahal na birhen sa pag silang kay
Hesus Kristo.
 Magwawakas ang dula sa harap ng simbahan o kapilya at doon isisilang ni Maria si
Hesus na nakatakda namang maging tagapagligtas ng daigdig.
MADULANG PAGBASA
ni Jeanette Jane Garcia

Ano ang madulang pagbasa?

 Isang uri ng pagbabasa na may nakapaloob na damdamin, emosyon, kaalaman, kumpas at


galaw ng katawan. Sa pamamagitan nito ay naipapahatid sa mga manonood o audience
ang isang piyesa ng sining (literary piece).

 Isang proseso kung saan ang mga mambabasa o ang presentator ng madulang pagbabasa
ay namimili ng piyesang kanyang nais ibahagi sa manonood o audience.

 Ito rin ay isang sining ng pakikipagtalastasan na nagbibigay halaga sa tamang paggamit


ng boses, ekspresyon ng mukha, at mga mumunting kilos upang maiparating ang
kahulugan ng kanyang binasa. Ito ay maaring tula o dula.

 Ang madulang pagbabasa ang pinakamatandang anyo ng speech communication.

 Noong ika-18 at ika-19 siglo, ito ay tinatawag na ELOCUTION o pananalumpati.


Ngayon ay tinatawag na INTERPRETASYON.

 Upang mas maging epektibo ang isang pagganap kinakailangang linangin ang kakayahan
sa pagpapahayag, maayos na tono, at kulay ng boses at eye contact.

Aspeto ng Madulang Pagbasa

Paglalahad - ito ay tumutukoy sa paraang ginamit upang mailahad ang piyesa.

Manonood (Audience) - sila ang makikinig, manonood, at huhusga sa kung ano ang
ipinaparating ng presentor

Masining na Pagpapahayag - tumutukoy sa tamang retorika ng bawat salita at kilos na


binibitawan ng mambabasa.

Komunikasyon - ito ay tumutukoy sa ugnayang nabuo sa pagitan ng mambabasa at tagapakinig.


Ito ay nag-uugnay sa presentor at audience kung saan sila ay nagtatagpo sa isang damdamin ukol
sa ipinapahayag ng akdang ipiniprisinta.
CHAMBER THEATER
ni Jhomar Montecillo

Ano ang Chamber Theater?

Ang chamber theater ay isang pampanitikang metodolohiya sa entablado kung saan ang
isang dula ay ginagamit at nananatiling tapat sa orihinal na tekstong pinagmulan ng isang dula.
Pasalaysay at kasama ang narasyon o pagsasalaysay sa pagsasagawa ng dula. Ang
tagapagsalaysay ay maaaring makilahok sa mga tauhang gumaganap at ang mga tauhan ay
nakikibahagi rin sa mga gawain ng tagapagsalaysay.

Ito ay isang dramatikong pagtatanghal ng isang uri ng panitikan sa pamamagitan ng


dayalogo o script. Kadalasang minimal lamang ang tauhan at ang paggamit ng stage props at
nagpapahiwatig ng mga setting. Higit na hinahayaang ang manonood ang mag-isip at
magpagalaw ng imahinasyon sa mga kilos na wari ay binubuksan ang pinto at bintana.

Una itong ipinakilala ni Propesor Robert S. Bren (1909-1991) sa kanyang mga estudyante
sa Northwestern University noong 1947.

Readers Chamber Theater

Ito ay isang paraan o imahinasyon ng pagtakas ng mga tao mula sa reyalidad papunta sa
mundo ng pantasya.

Ito ay maihahalintulad sa masining na pagkukuwento. Maaari lamang silang gumamit ng


silya at mesa.

Mga Sangkap / Elemento ng Chamber Theater

Iskrip o Dayalogo - ito ay tumutukoy sa binabasa ng mga aktres o aktor na kalahok sa Readers
Chamber Theater.

Paksa - ito ang temang nakapaloob sa iskrip.

Aktor/Aktres - mga taong gumaganap sa Readers Chamber Theater. Nagbabasa lamang sa


inihandang iskrip.
Tagapagsalaysay - ang taong inatasan na magbasa sa linya ng bawat sitwasyon o pangyayari sa
isinasagawang pagbabasa.

Mga Kabutihan ng Paggamit ng Readers Chamber Theater

1. Hindi kailangang imemorya ang bawat linya.

2. Hindi kinakailangan ang mga props at costume.

3. Maaaring isagawa kahit sa mga simpleng silid aralan lamang.

4. Ito ay mabisang paraan upang mahasa ang aspetong pananalita ng isang indibidwal
.

Mga Dapat Taglayin ng Isang Mambabasa ng Teatro

1. Magandang Tinig - ito ay pinakamahalagang bagay na dapat taglayin ng mga actor na


kalahok sa isang readers theater. Malinaw at wastong diin sa salita.

2. Tamang ekspresyon ng mukha.

3. Tiwala sa sarili.
FLIPTOP
ni Cristy Omamalin

Ano ang fliptop?

Ang FlipTop Battle League (mas kilala sa tawag na fliptop) ay ang kauna-unahan at
pinakamalaking rap battle conference sa Pilipinas. Ang Fliptop ay maituturing nating isang rap.
Ito ay ginagamitan ng maliksing pagiisip ng mga salita, kailangan ay may tunog, nasa tono at
tiyempo sa paraan ng pakikipagtalastasan sa katunggali. Ang bawat isa rin ay binibigyan ng oras
upang mailahad ang bawat mensahe nila sa isa‟t isa.

Itinatag ito ni Alaric Riam Yuson (kilala bilang Anygma) noong taong 2010. Ang liga ay
layong mas itaguyod ang Pinoy hip hop. Ang fliptop ay masasabing na-impluwensyahan ng mga
orihanal na rap battle leagues sa kanluran na naitatag naman noong taong 2008 tulad ng - Grind
Time Now, King of the Dot and Don't Flop, na nagbigay inspirasyon sa pagkakatatag ng Fliptop
at ng iba pang liga sa iba't-ibang sulok ng mundo. Ang ligang ito ay nasa pamamahala ng
FlipTop Kru Corp, isang kumpanya na itinatag mismo ni Yuson.

Laban

Karaniwang binubuo ng tatlong rounds ang paligsahan na mayroong time limit ang bawat
kalahok na itinakda ng reperi o ng namamahala. Ang obertaym ay ipinapataw kung tabla ang
laban. Ang unang sasalang ay napagpapasyahan sa pamamagitan ng toss coin o
pagpahagis/pagpitik/pagpapaikot ng barya. Hindi pinagbabawal ang mga barang naisulat na bago
ang laban pati na ang mga hindi pa naisusulat. Ang panunungayaw, malalang pamimintas,at
panunukso ay hindi pinagbabawal sa laban, at nararapat na 'wag itong tanggapin na seryoso,
totoo, at personal. Ang magkabilang panig ay maaari ding magdala ng props para sa event.
Filipino ang pangunahing wika na ginagamit sa laban bagamat may mga laban din na
ginagamitan ng ibang wika at diyalekto o idyoma. Ang panalo sa laban ay pinagpapasyahan ng
mga hurado. Ang batayan para sa paghatol ay maaaring sa paggamit ng mga salita, ang
kakaibang epekto sa madla, at estilo sa pagra-rap.

Tatlong Battle Format ng Fliptop

Written - ang sa ngayon ay karaniwang labanan sa Fliptop, wala itong background music.
Maaring mayroon o walang sukat ang mga rima.
Freestyle - noong simula ito ang madalas na format ng labanan sa Fliptop, may mga freestyle
battle pa rin ngunit 'di na kasing dalas ng Written format. Mayroon at wala itong background
music, at wala ring sukat ang mga rima.

Old School - madalas gamitin sa tryouts. Mayroon itong background music, at naipagsasama sa
Freestyle.

Iba't ibang Baryasyon ng Rap Competition sa Fliptop

Dos por Dos - ito ay kampihan ng dalawa laban sa dalawang rap emcee o femcee, maaari itong
Written o Freestyle.

Five on Five - ito ay kampihan ng lima laban sa limang rap emcee o femcee, maaari itong
Written o Freestyle.

Femcee Battle - tanging mga kababaihan lamang ang maaaring lumaban dito na tinatawag na
femcee.

Intergender Battle - kalalakihan laban sa mga kababaihan.

Royal Rumble - isang rap battle na binubuo ng tatlo o mahigit pang katao, na inaatake at
matinding pinipintasan ang bawat isa.

Secret Battle - ito ay tulad rin ng iba, ngunit mapapanood lamang ng mga pili o limitadong
manunuod. Minsan biglaan ang laban.

Won Minutes - isang minutong lamang na bara kada round.


MGA SANGGUNIAN

https://www.scribd.com/presentation/423473320/Dula-Sa-Panahon-Ng-Kastila-1

https://slidetodoc.com/mga-dula-sa-panahon-ng-kastila-ni-francis/

https://kulturang-noypi.blogspot.com/2015/03/ano-ang-tibag.html

https://prezi.com/zlrsexa3xuv7/mga-dulang-panlansangan/

https://www.slideshare.net/maureenandreilepatan/filipino-presentation

https://www.youtube.com/watch?v=7FMFCuKUlC4

https://www.youtube.com/watch?v=fqtSVmlDQFA

https://philippineculturaleducation.com.ph/ilagan-hermogenes/

https://fil.wikipilipinas.org/view/Dalagang_Bukid

https://philippineculturaleducation.com.ph/abad-juan/

https://www.coursehero.com/file/44614984/Tanikalang-Gintopptx/

https://www.youtube.com/watch?v=lbzq5De5_Uk&fbclid=IwAR3mh8AXVO0JEtgVlrLF4I7C0
YaN1wE-vQyF47RHfQk_glcMZm5Y6gAeGnc

https://www.youtube.com/watch?v=GG8vciCS2kA&fbclid=IwAR1PS0W65nbLNX6VuplhkXo
zzV5HWCGiNohsTZt-qKd-DaWvv1ZMune2Kjg

http://thetody.blogspot.com/2015/09/papanimulakaligiran-fliptop-ay-ating.html?m=1

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/FlipTop

You might also like