You are on page 1of 7

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 7

Ika-20 ng Setyembre taong 2022

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa


mga
akdang pampanitikan ng Mindanao.
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang
proyektong panturismo.
Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng
posibilidad (maaari, baka, at iba pa)

I. MGA LAYUNIN
Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral sa Filipino 7 ay inaasahang:
a. Natutukoy ang iba’t ibang ekspresyon ng posibilidad.
b. Nagagamit sa pangungusap ang mga ekspresyon na nagpapahayag ng posibilidad.
c. Naiuugnay ang sarili sa pagbuo ng halimbawa gamit ang mga iba’t ibang ekspresyon ng
posibilidad.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Mga Ekspresyon ng Posibilidad
Sanggunian: Diwa Textbook (2019), FILIPINO ng LAHI, p. 17-18
Rowie Lhyn (2020), Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad, p. 2-9.
https://www.slideshare.net?RowieOpena/mga-ekspresyongg-naghhahayag-
ng-posibilidad.
Kagamitan: PowerPoint Presentation, Laptop, Projector, Visual Aids, Litrato at Pentelpen.

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN
a. Pagbati
 Magandang hapon sa inyong lahat mga
 Magandang hapon din po, Bb. Macatingrao
mag-aaral sa ika-7 na Baitang sa Filipino!
at kapwa mag-aaral!

b. Pagpanalangin
 Tumayo ang lahat at tayo’y mananalangin  Ipikit ang ating mga mata at damhin ang
na pangungunahan ni Mae. presensya ng ating Panginoon…

c. Pagtala ng Lumiban  (Susunod sa utos ng Guro)


 Maupo na ang lahat.  Wala po, Bb.
 Mayroon bang lumiban ngayong araw?

d. Pagbabalik-aral.
 Buo at malinaw pa ba sainyo ang tinalakay  Opo!
natin kahapon?

 Sige nga, Marie. Ano ang tinalakay natin  Ang atin pong tinalakay kahapon ay
kahapon? patungkol sa mga pahayag na nagbibigay
ng mga patunay.

 Mahusay, Marie! Ano nga ang mga pahayag  Ito po ang mga pahayag o mga salitang
na nagbibigay ng mga patunay, klas? ating ginagamit sa tuwing tayo ay
nagpapahayag ng posibilidad.
 Maraming salamat. Ilang pahayag ang  Mayroon pong pitong pahayag ang
mayroon? nabanggit kahapon.

 Ang nagpapahiwatig, nagpapakita, may


 Ano-ano ito? ebidensya, may katunayan, matibay na
konklusyon, kapani-paniwala at mga
detalyeng pinatutunayan.
 Magaling! Maraming salamat.

e. Pagganyak
 (Ididikit sa pisara ang visual aids na may
litratong nakadikit)

 Ano ang nakikita niyo sa nakadikit sa  Larawan po ng isang batang babae, Bb.
pisara?

 Tama! Ano ang napansin niyo sa batang  Sa una po payat siya, sumunod ay parang
babae? natatakot at ang sumunod naman po ay
para sinubukan niyang gawin ‘yong
kaniyang kinatatakotan at sa panghuli po ay
para kinahiligan niya nang gawin ‘yon.

 Mahusay, Ann! Bigyan ng tatlong bagsak.  (Palakpakan ng mag-aaral)


 (Ididikit ulit ang isang litrat

 Dito sa pangalawang litrato, ano sa tingin  Umuulan po at umaaraw. Parang


niyo ang ibig sabihin nito? pagkatapos pong umulan ay aaraw na.

 Tama! Ano sa tingin niyo ang gustong  ‘Yong mga imposible pong mangyari ay
ipahiwatig ng dalawang larawan? maaaring mangyari.

 Magaling! (Ididikit ulit ang isang larawan)


 Maaaring magkaroon ng posibilidad ang
mga imposibleng mangyari ngunit hindi pa
tiyak o sigurado.

B. PAGLINANG NA GAWAIN
a. Paglalahad
 Ang pag-uusapan natin sa araw na ito ay
tungkol sa Mga Ekspresyon ng Posibilidad.

 Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral


sa Filipino 7 ay inaasahang:
a. Natutukoy ang iba’t ibang ekspresyon ng
posibilidad.
b. Nagagamit sa pangungusap ang mga
ekspresyon na nagpapahayag ng
posibilidad.
c. Naiuugnay ang sarili sa pagbuo ng
halimbawa gamit ang mga iba’t ibang
ekspresyon ng posibilidad.

 Bago natin simulan ang pagtatalakay,  Naiintindihan po, Bb!


hahatiin ko muna kayo sa tatlong pangkat.
Ang mabubuong tatlong pangkat ay sasagot
sa ibibigay kong tanong habang nangyayari  (Tatalima sa utos ng Guro)
ang pagtatalakay sa paksa. Naiintindindihan
ba, Klas?
 Makinig po.
 (Ipapangkat na sa tatlo ang mga mag-  Intindihin po ang bawat salitang
aaral). Ngayon ay pumunta na kayo napakikinggan.
sainyong kagrupo.  Isulat po ang mahahalagang impormasyon.
 At Huwag pong mag-iingay.
 Sa tuwing may nagsasalita sa unahan, ano
ang dapat ninyong gawin sainyong upuan?

 Tama!

b. Pagtatalakay
 May iba’t ibang pahayag na ginagamit sa
araw-araw na pakikipag-usap sa ibang tao.

 Ang mga pahayag na ito ay mahalaga sa


pagpapahayag ng ideya, saloobin, o
opinyon tungkol sa isang tao, bagay, o
pangyayari.

 Ang posibilidad ay isang pahayag na


naglalahad ng isang pangyayaring maaaring
mangyari o magkatotoo ngunit walang
katiyakan o kasiguraduhan.

 Gumagamit tayo ng mga ekspresyong


nagpapahayag ng posibilidad kung ang
taong nagpapahayag ay nagbabakasali pa o
hindi pa nakatitiyak sa katotohanan ng
kaniyang ideya o saloobin.

 Karaniwan ding nagpapakita ng ugnayang


sanhi at bunga ng mga pangyayari ang mga
ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad.

 Mayroong iba’t ibang ekspresyong


nagpapahayag ng posibilidad tulad ng:

 Baka  Posible
 Maaari  Sa palagay ko
 Marahil  Parang
 Tila  Ang pang-ugnay na maaari po, Bb.
 Siguro
 Kung  Dahil po ang bunga ay may posibilidad
 Sakali
 Kapag pong mangyari dahil sa kaniyang pagsisipag
 Mayroong mga ekspresyong may posibilidad sa pag-aaral.
na maging bunga o epekto. Ito ang mga
pang-ugnay na baka, maaari, marahil, at
tila.  (Palakpakan ng mga mag-aaral).

 Halimbawa, Masipag si Ronald mag-aral


kaya maaari siyang makapagtapos na may  Magbabasa ako ng mga aralin mamayang
maayos na grado. Ano ang ekspresyong gabi, baka tumaas na ang aking marka sa
nagpapahayag ng posibilidad na maging mga asignatura.
bunga sa halimbawa, unang pangkat?
 Bakit maaari?  Dahil po ay may posibilidad na magkaroon
ng epekto ang kaniyang pagbabasa sa mga
aralin sa kaniyang pagtaas ng marka sa
bawat asignatura.
 Mahusay! Bigyan ng wow clap ang unang
pangkat.  (Palakpakan ng mga mag-aaral)

 Ikatlong pangkat, magbigay nga kayo ng


halimbawa gamit ang pang-ugnay na baka.

 Magaling. Bakit baka ang pang-ugnay na


ginamit?

 Ang pang-ugnay na kung po, Bb.


 Magaling! Bigyan ng ang galing clap ang  Dahil po ay ang pang-ugnay na kung ay
ikatlong pangkat. ginagamit ito kapag po may posibilidad na
maging sanhi ang isang pangyayari.
 Mayroon ding mga ekspresyong maaaring
 Karagdagan, Bb. Kaya po kung ang ginamit
maging sanhi o dahilan para magkatotoo
sa pangungusap dahil may posibilidad na
ang posibilidad. Ito ang mga pang-ugnay na
maging sanhi ng pagbili ng mga bagay na
sakali, siguro, kung, at kapag.
kailangan ay ang makatipid ako.
 Halimbawa, Makatitipid siguro ako kung  (Palakpakan ng mga mag-aaral)
bibili lamang ako ng mga bagay na talagang
kailangan. Ano naman ang ekspresyong
nagpapahayag ng posibilidad na maging
sanhi sa halimbawa, ikalawang pangkat?  Ang pang-ugnay na kapag po, Bb. Ito po
 Bakit? ay dahil may posibilidad na maging sanhi ng
paggamit ng bagong sapatos ang kaniyang
pagtakbo nang matulin.

 Mahusay, Ikalawang pangkat! Bigyan silang


yey clap.

 Isa pang halimbawa, Matulin ang aking


takbo kapag bagong sapatos na ang gamit
ko. Anong pang-ugnay ang ginamit sa
halimbawa? At Bakit? Sige, Ikalawang
pangkat.

 Maraming salamat, Ikalawang Pangkat.

 Mukhang naintindihan niyo nang maayos at


malinaw ang ating paksa. Ngayon ay
magkakaroon ulit tayo ng pangkatang  1. Posibilidad 4. Malamang
gawain. 2. Marahil 5. Sa palagay
3. Baka
 Ang Pagtukoy. (Unang pangkat) Panuto:
Tukuyin ang mga ekspresyong ng
posibilidad.
1. May posibilidad na tatamaan tayo ng
malakas na ulan.
2. Marahil ay hindi na siya makakasama sa
bakasyon.
3. Baka makapunta ako mamaya pagkatapos  1. Pwede kaya ang luto ko para sa
ng oras ko sa trabaho. tanghalian namin?
4. Malamang na may bagyo dahil may mga 2. Siguro may pasulubong sa akin si
kulog at kidlat. nanay dahil napakabait ko ngayon.
5. Sa palagay ko ay mas mabuting may 3. Tila ay hindi ako makakapasok
kasama kapag lalabas. mamaya dahil uulan.
1. Posible
4. Sa palagay ko ay makapagtatapos
kayang makansela ang
ako ng byahe
aking pag-aaral dahilsa
dahil sa kagustuhan
nangyaring
 Pagbuo ng Pangungusap. (Ikalawang kong suklian
insidente? ang mga hirap at pagod
Pangkat) Panuto: Gumawa ng pangungusap ng5.
5. aking mga magulang.
Bakaako ang susunod na
gamit ang mga ekspresyon na 2. Masaya
tawagin ni siguro ang pamilya
Bb. Macatingrao namin
dahil ang
nagpapahayag ng posibilidad. kung hindi
ingay ko. nagloko si papa.
1. Pwede kaya ang 3. Baka hindi ko na ipagpatuloy ang
2. Siguro aking pag-aaral sa kolehiya.
3. Tila 4. Posibleng mapag-aral ko ang aking
4. Posible  bunsong kapatid sa darating na
5. Baka panahon.
5. Siguro masayang mahalin ni crush.
 Tungkol po sa Mga Ekspresyon ng
 Pag-ugnay sa sarili. (Ikatlong pangkat) Posibilidad po, Bb.
Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang
mga iba’t ibang ekspresyon ng posibilidad
batay sa sariling karanasan o mararanasan.  Mayroon pong labing-isa na nabanggit.
Salungguhitan ang mga ginamit na
ekspresyon ng posibilidad.  Ito po ay ang baka, maaari, marahil, tila,
kung, kapag, sakali, siguro, sa palagay ko,
posible, at parang.

 Mayroon pong apat na pang-ugnay na


nabanggit. Ito ay ang baka, maaari,
marahil, at tila.

 Mayroon din po itong apat na pang-ugnay.


Ito ay ang sakali, siguro, kung, at kapag.
c. Paglalahat
 Tungkol saan ang ating pinag-usapan?

 Ilan ang mga eskpresyon na nagpapahayag


ng posibilidad na nabanggit?

 Ano-ano ang mga ito?

 Mahalagang maunawaan at makilala po ito


 Sa mga ekspresyong may posibilidad na dahil ito ay nakatutulong sa atin sa pagbuo
maging bunga o epekto, ilan at ano-ano ng kaisipan ng pangungusap.
ang mga pang-ugnay na nabanggit?
 Mahalaga pong gamitin ito upang
makapapahayag tayo nang wasto kung
 Ilan at ano-ano naman ang mga pang- totoo ito o may pag-aagam-agam.
ugnay na nabanggit sa mga ekspresyong
may posibilidad na maging sanhi?

 Sa tulong ng mga salitang ito, nagpapatibay


sa pangungusap na ang pahayag ay
maaaring magkaroon ng katotohanan
subalit hindi tiyak. Tandaan klas na ang
pagtugon sa mga bahaging naglalahad ng
posibilidad ay nakaayon sa taong tutugon
ng mensahe.

d. Pagpapahalaga
 Bakit mahalagang maunawaan at makilala
ang mga ekspresyon ng posibilidad?

 Bakit naman mahalaga ang paggamit ng


mga ito?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Bilugan ang tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa mga pahayag na maaaring
magkatotoo subalit hindi pa matiyak o
masigurado?
a. Posibilidad c. sanhi at bunga
b. Pang-ugnay d. wika
2. Alin sa mga pang-ugnay ang naiiba sa
pangkat?
a. Baka c. maaari
b. Pwede d. sa katunayan
3. Posible kayang mapagalitan ako ng aking
magulang sa isang beses na pagliban sa klase?
Anong ekspresyon ng posibilidad ang ginamit sa
pangungusap?
a. Pagliban c. posible
b. Mapagalitan d. beses
4. Ano ang tinutukoy na posibilidad na
mangyari gamit ang mga pang-ugnay na baka,
maaari, marahil, at tila?
a. Sanhi o dahilan c. wika
b. Pahayag d. bunga o epekto
5. Ano ang tinutukoy na posibilidad na
mangyari gamit ang mga pang-ugnay na sakali,
siguro, kung, at kapag?
a. Sanhi o dahilan c. wika
b. Pahayag d. bunga o epekto

V. TAKDANG-ARALIN.
Gumawa ng sanaysay patungkol sa mga karanasan gamit ang mga ekspresyon ng posiblidad.

You might also like