You are on page 1of 3

SAN AGUSTIN ACADEMY

Panglao, Bohol
6340 PHILIPPINES
Member: Bohol Association of Catholic Schools (BACS) – Diocese of Tagbilaran
Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP)

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Guro: Bb. Ana Marie L. Ravanes Petsa: Oktubre 10, 2023


Asignatura: Filipino 7 Oras at Seksiyon: St. Anne (8:30 – 9:30 am)

St. Catherine (10:45 – 11:45 am)


St. Monica (1:00 – 2:00 pm)

I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
● nakikilala ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap,
● natutukoy ang uri ng pang-ugnay na ginamit sa talata; at
● nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda (F7WG-If-g-4).

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Paksa : Retorikal na Pang-ugnay
B. Sanggunian : Pinagyamang Pluma nina Baisa-Julian, Ailene G., et. Al. pahina 85-86
C. Kagamitan : Kagamitang biswal, pisara, chalk

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
a.1. Balik-tanaw
Ano-ano ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga?
a.2. Pagganyak
“Ang pagkaing ito ay Nena.”
“Nag-aral ng mabuti siya pumasa.”

Pagganyak na tanong:
Ano ang masasabi ninyo sa mga pahayag na ibinigay?

Pagproseso sa ginawa:
Pag-iisa-isa sa mga sinagot ng mga mag-aaral at bigyang-diin ng guro nang pahapyaw ang mga retorikal na
pang-ugnay mula rito.

a.3. Pag-alis sa sagabal


Pagpakahulugan ng mga salitang pang-ugnay at salitang retorikal.
1. Pang-ugnay - mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring
salita, dalawang parirala o dalawang sugnay
2. Retorika - tumutukoy sa sining nang maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akit napagpapahayag upang
maunawaan at makahikayat sa mga tagapakinig o mambabasa

B. PANLINANG NA GAWAIN
b.1. Pagbigay kahulugan sa Retorikal na Pang-ugnay
b.2. Pag-iisa-isa sa bawat uri ng Retorikal na Pang-ugnay: Pang-angkop, Pang-ukol, at Pangatnig
C. PANGWAKAS NA GAWAIN
c.1. Paglalahat
Ano ang Retorikal na pang-ugnay? Isa-isahin ang 3 pang-ugnay sa wikang Filipino.

c.2. Paglalapat
Gamitan nang wastong retorikal na pang-ugnay ang sumusunod:

Ako’y walang magawa _____ wala ka sa piling ko. ______ mawala man ang ala-ala ko, lagi mong
tandaan na hindi ka pa rin mawawala sa puso ko. ______ siya’y umalis ibig sabihin wala na kami.

D. PAGTATAYA
A. Panuto: Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap. May mga pangungusap na higit
sa isa ang pang-ugnay.
1. Alinsunod sa kalooban ng Diyos ang kanyang mga naging pasiya.
2. Ang lahat ng ating ginagawa ay dapat nakatuon para sa kabutihan ng ating kapwa at bansa.
3. Ang matapat na pinuno ay mahal ng taumbayan.
4. Ang matiwasay na pamumuhay ay hangad ng lahat.
5. Ang pusong maunawain ay madaling makapagpatawad.
6. Bagaman mayaman ay nagawa niyang makisalamuha sa mga simpleng tao.
7. Dahil sa sipag at tiyaga’y umunlad siya sa buhay.
8. Maging maingat sa lahat ng iniisip at ginagawa upang hindi makapanakit ng damdamin ng iba.
9. Mahirap maging kaibigan ang mga taong sinungaling at mapaggawa ng kuwento kaya mag-ingat sa pagpili
ng kaibigan.
10. Maraming magagandang oportunidad ang naghihintay sa isang matalinong mamamayan.

B. Isulat sa linya ang uri ng pang-ugnay na may salungguhit sa talata.

Ang Talinghaga Tungkol sa Dalawang Anak


Ano ang palagay ninyo (1) ukol sa kuwentong ito? May (2) isang tao na may (3) dalawang anak na lalaki.
Lumapit siya (4) sa nakatatanda at sinabi, “Anak, lumabas ka at magtrabaho sa ubasan ngayon.” “Ayoko po,” tugon
niya. (5) Ngunit nagbago ang kanyang isip at siya’y naparoon. Lumapit din ang ama sa (6) anak na bunso at (7)
gayundin ang kanyang sinabi. “Opo,” tugon nito. (8) Datapwat hindi naman siya naparoon. (9) Para sa iyo, sino sa
dalawa ang sumunod sa kalooban (10) ng kanyang ama?
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

IV. TAKDANG-ARALIN
Ano ang dula at ang mga dulang panlansangan? Isulat sa inyong kwaderno ang sagot.

You might also like