You are on page 1of 9

Macasandig, Lungsod ng Cagayan De Oro

Kagawaran ng Filipino
Ikalawang Markahan
Taong-Panuruan 2019-2020

IKA-9 Hanggang Ika-10 NG SETYEMBRE, 2019

MGA ARALIN NG PAGKATUTO


ASIGNATURA: Filipino 8
NILALAMAN: Kay Selya
MGA LAYUNIN NG PAGKATUTO:
 Nakikilala ang mga kasingkahulugan at kasalungat na salita na nakapaloob sa mga saknong na binasa
(F8PT-IV-d-34),
 Natutukoy ang dahilan kung bakit pinamagatang “Selya” ang aralin (F8PB-IVc-d-34),
 Nasusuri ang damdaming masasalamin sa mga saknong ng pag-aalay ni Balagtas kay Selya (F8PB-
IVd-e-35).

MGA KAGAMITAN:
Aklat – (Ikalawang Edisyon) Pinagyamang Pluma, pahina 489-491
Pantulong Biswal – Mga Manila Paper at Pentel Pen

MGA GAWAIN

A. PAGTUKLAS

 Pangganyak (Istratehiyang 8-clock Buddy)


Panuto:
1. Isusulat ng guro ang salitang kabiguan sa pisara.
2. Paharapin ang mga mag-aaral sa kanilang 8-clock buddy at pasagutan ang
tanong:
3. Nasubukan mo na bang makaranas ng kabiguan?
4. Sa paanong paraan ka nabgo?
5. Ano-ano ang iyong naramdaman kaugnay ng karanasang ito?

 Paglalahad (Istratehiyang Think-Pair-Share)


Panuto:
THINK: para magpaisip sa mga mag-aaral ng mga karanasan nila o ng ibang taong
kilala nila kung saan nagbunga ng kabutihan ang mga kabiguang naranasan nila sa
buhay.
PAIR: Para sa paharapin sila sa kanilang 6-o’clock Buddy.
SHARE: Ipabahagi ang kanilang kasagutan sa parareha.

Pagkatapos ng talakayan ay tatawag ang guro ng ilang kapareha upang magbahagi


ng kanilang mga isinagot sa bawat katanungan. Pagtibayin ang mga nakukuhang
ideya o mga sagot sa pamamagitan ng pagsabi ng:

“Ang sakit na dulot ng kabiguan ay gawing inspirasyon sa muling pagbangon at


paglikha ng mabuting bagay”
B. PAGLINANG

 Paghahawan ng mga sagabal (Istratehiyang Find Me and Use Me)

Bago tuluyang tatalakayin ng guro ang akda ay magkakaroon muna ng paghahawan ng mga sagabal
upang lubusang na maunawaan ang mga mensahe at salitang nakapaloob sa akda sa pamamagitan ng
istratehiyang “Find Me and Use Me”.

Panuto:
1. Ibibigay ng guro sa ilang mga mag-aaral ang mga salitang inihanda.
2. Sa loob ng isang (1) minuto hahanapin ng mga mag-aaral ang pares ng salitang kanilang
hawak-hawak. Sabay na ipapaskil ng pares na mag-aaral ang magkapares na salita.
3. Gagamitin ng pares na mag-aaral ang isa sa mga salitang kanilang napaskil sa pagbuo
ng pangungusap.

 Pormal na Pagtatalakay (Istratehiyang Sabayang Pagbigkas)


Panuto: Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral.

1. Uumpisahang babasahin ng guro ang tula.


2. Sasabihin sa mga bata, na kapag itinuro mo ang kanilang pangkat ay sila naman ang
babasa sa susunod na talutod. Kailangan maging handa ang pangkat na ituturo at
mabasa ito nang masining.
3. maaring bigyanng rekomendasyon o papuri ang pangkat na mahusay sa pagbigkas.
4. Pagkatapos babasahin ang walong saknong ay magsisimula ng magtatanong ang
guro:

Mga Katanungan:

1. Anong damdamin ang taglay ng mga saknong ng pag-aalay ni Balagtas para kay Selya?
2. Bakit kaya ganoon na lamang angkalungkutang kanyang nadama nang mabigo siya kay Selya?
3. Ano-anong saknong ang magpapatunay sa labis-labis na pagmamahal ni Balagtas sa kanyang si
Selya? Paano mo mailalarawan ang uri ng pagmamahal na inialay niya kay Selya sa iyong sariling
pananalita?

C. PAGPAPALALIM

 Pangkatang-gawain (Istratehiyang Inside-Outside Circle)


Panuto:

1. Itatanong sa mag-aaral: Bakit mahalaga ang muling pagbangon pagkatapos ng


kabiguan?
2. Magpaisip sa mga mag-aaral ng dalawang pagsubok na kanilang naranasan at
nalampasan. Ipasulat ang mga ito sa isang buong papel. Ipasulat din kung paano
ito nagkaroon ng positibong epekt sa kanilang buhay.
3. Ibabahagi ang kanilang mga kasagutan sa pamamagitan ng Inside-outside-Circle.

D. PALILIPAT/PAGLALAPAT

 Pangkatang-gawain (Istratehiyang Question and Answer)

Sa pamamagitan ng tanong-sagot sa klase, itatanong ng guro:


1. Anong mabuting bagay ang ibinunga ng kalungkutang nadama ni Balagtas nang mabigo siya
sa pag-ibig?
2. Paano ba ang tamang pagharap sa kabiguan?
E. PAGLALAHAT

 Paglalagom ng aralin (Istratehiyang Ticket to Leave)


Panuto:
1. Ipapasulat ang mga mag-aaral sa isang buong papel at ipapasagot ang katanungan na.
- Bakit mahalaga ang muling pagbangon pagkatapos ng kabiguan?
2. Ipapasa ng mga mag-aaral ang kanilang isang buong papel bilang ticket ng kanilang
pagtatapos sa pag-aaral ng mga saknong ng Florante at Laura na “Kay Selya”

F. EBALWASYON

 Pagtataya sa natalakay na aralin (Istratehiyang Maikling Pagsusulit)

Panuto: Sagutin kung Tama O Mali ang bawat pangungusap. Isulat angsalitang Tama kung tama ang
pangungusap at Mali kung mali ang pangungusap.

1. Ang pag-aalaala ni Balagtas sa masasayang sandaling magksama sila ng pinakamamahal


niyang si Selya.
2. Ang labis na kalungkutan ni Balagtas dahil sa pangungulila niya sa pagkakahiwalay nila ng
kasintahang si Selya.
3. Ang pagpapakasal nina Balagtas at ni Selya.
4. Ang pagbabalik-tanaw ni Balagtas sa masasayang tagpo at mga lugar na kanilang
pinuntahan noong sila’y magkatipan pa.
5. Ang labis na kalungkutang pinagdaanan na nagbigay-daan upang malikha niya ang awit na
nagsaad ng kanyang damdaming nasaktan o naaba.

Pamantayan:

Nilalaman: 5
Wika/Gramatika: 3
Kalinisan: 2

Inihanda ni:

Gng. Charmaine T. Ontong


Guro

Pinagtibay ni:

Gng. Leni P. Gako


Koordineytor
Macasandig, Lungsod ng Cagayan De Oro

Kagawaran ng Filipino
Ikalawang Markahan
Taong-Panuruan 2019-2020

IKA-11 NG SETYEMBRE, 2019

MGA ARALIN NG PAGKATUTO


ASIGNATURA: Filipino 8
NILALAMAN: Sa Babasa Nito
MGA LAYUNIN NG PAGKATUTO:
 Nailalahad ang mga tagubilin na nakapaloob sa aralin (F8PB-IVc-d-34),
 Naipapaliwanag kung bakit inihabilin ni balagtas na huwag baguhin ang berso ng kanyang tula(F8PB-
IVf-g-36);
 Napipili ang mga salitang hindi nabibilang sa pangkat dahil naiiba ang kahulugan nito (F8PT-Iva-b-33).

MGA KAGAMITAN:
Aklat – (Ikalawang Edisyon) Pinagyamang Pluma, pahina 510-511
Pantulong Biswal – Mga Manila Paper at Pentel Pen

MGA GAWAIN

A. PAGTUKLAS

 Pangganyak (Istratehiyang 9-o’clock Buddy)


Panuto:
1. Itatanong sa mga mag-aaral:
- Nasubukan mo na bang mapagbilinan ng iyong magulang o isang taong
malapit sa iyo?
- Ano-ano ang karaniwang inihahabilin sa iyo?
2. Pahaharapin ang mag-aaaral sa kanilang 9 o’clock buddy. Ipabahagi sa kapareha
angsagot sa dalawang tanong.
3. Sunod na itanong sa mga mag-aaral.
- Ano-ano ang ginagawa mo sa mga habilin ng mga taong malapit sa iyo?
4. Tatawag ng kapareha ang guro upang magbahagi ng kanilang mga kasagutan.

 Paglalahad (Istratehiyang Socialized Scenario Building)


Panuto:
1. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng iba’t ibang scenario ng guro kung saan kanila
itong gagawin sa kanilang kapangkat.
2. Bibigyan ang bawat pangkat ng ilang minuto upang kanilang pag-iisipan ang
kanilang nakuhang scenario.
3. Itatanghal ng bawat pangkat sa loob lamang ng tatlong minuto ang kanilang
nabuong scenario.
4. Ang mga scenario ibibigay ng guro ay mayroong kaugnayan sa susunod na
tatalakaying paksa kung saan ito ay ang mga habilin ni Franciso Balagtas sa
kanyang mga mambabasa.
B. PAGLINANG

Paghahawan ng mga sagabal (Istratehiyang Spin the Word)

Bago tuluyang tatalakayin ng guro ang akda ay magkakaroon muna ng paghahawan


ng mga sagabal upang lubusang na maunawaan ang mga mensahe at salitang
nakapaloob sa akda sa pamamagitan ng istratehiyang “Mix and Match”.

Panuto:
1. Magpapakita ng isang Spinning Wheel angmag-aaral kung saan ito ay
kinapalooban ng mga talasalitang makikita sa akdang itatalakay.
2. Ipaiikot ng guro ang spinning wheel at kung ano ang salitang kung saan hihinto
ang spinning wheel ay bibigyang kahulugan ito ng mag-aaral natatawagin ng
guro.
3. Tatawag muli ang guro ng isang mag-aaral upang gamitin ang pangungusap na
sinagot ng mag-aaral.

C. Pormal na Pagtatalakay (Istratehiyang Investigative Questioning)


Panuto: Papangkatin ng guro sa anim ang mga mag-aaral.

1. dahil sa anim lamang ang saknong na nakapaloob sa aralin ay ang bawat pangkat
ay magkakaroon ng tig-iisang saknong.
2. Sunod-sunod na babasahin ng mga mag-aaral ang saknong ng may tamang bigkas
at damdamin.
3. Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na imbestigahan kung ano ang mga
aral na makukuha sa bawat saknong na nkaatas sa kanilang pangkat.
4. Magtatanong na ang guro ng ilang mga investigative questions.

Mga Katanungan:

1. Paano inilarawan ni Balagtas ang kanyang akda?


2. Ano-anong habilin ang nakapaloob sa mga saknong ng “Sa Babasa Nito”.
3. Sa paanong paraan maihalintulad ang bahaging ito sa “Paunang Salita” ng mga aklat
sa kasalukuyan.
4. Sa iyong palagay, bakit kailangang maghabilin ng manunulat para sa kanyang
mambabasa?

D. PAGPAPALALIM

Pangkatang-gawain (Istratehiyang Malayang Talakayan)


Panuto:
 Sa pamamagitan ng malayang talakayan, itatanong ng guro sa mga mag-aaral.
1. Bakit mahalagang tuparin ang mga tagubiling makabubuti hindi lang sa iyo kundi maging sa ibang
tao?
2. Kung ikaw ay isang manunulat, ano ang madarama mo kapag binago nang walang paalam o
inangkin ng ibang tao ang iyong pinaghirapang gawin?

E. PALILIPAT/PAGLALAPAT

Pangkatang-gawain (Istratehiyang Circular Response)

Panuto:
1. Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa dalawa o tatlo na mayroong
sampung miyembro.
2. Magtatanong ang guro at bibigyan ng panuto ang mag-aaral na sasagutin ang
kasagutan simula sa unang numero hanggan ikasampu.
3. Hahayaan ng guro na ibuod ang kanilang mga kasagutan.
4. Ibabahagi ng mag-aaral ang kanilang kasagutan sa klase.

F. PAGLALAHAT

Paglalagom ng aralin (Istratehiyang One Sentence Summary)

Panuto:
1. Sa loob ng isang-kapat na papel ay bubuo ng isang isang pangungusap ang mga
mag-aaral ayun sa kabuuan ng aral na natutunan sa talakayan.
2. Ipapasa ito sa guro at ang guro ay itatanong kung ang pangungusap na nabuo ng
kamag-aral ay mayroong katotohan sa pakasang naitlakay.

G. EBALWASYON

Pagtataya sa natalakay na aralin (Istratehiyang Pagbuo ng Isang Sanaysay)


Bakit mahalagang tuparin ang mga tagubiling makabubuti hindi lang sa iyo kundi maging sa ibang tao?

Pamantayan:

Nilalaman: 5
Wika/Gramatika: 3
Kalinisan: 2

Inihanda ni:

Gng. Charmaine T. Ontong


Guro

Pinagtibay ni:

Gng. Leni P. Gako


Koordineytor
Macasandig, Lungsod ng Cagayan De Oro

Kagawaran ng Filipino
Ikalawang Markahan
Taong-Panuruan 2019-2020

IKA-11 NG SETYEMBRE, 2019

LINGGUHANG PAGSUSULIT #1

IKA-16 NG SETYEMBRE, 2019

MGA ARALIN NG PAGKATUTO


ASIGNATURA: Filipino 8
NILALAMAN: Ang mga Hinagpis ni Florante
MGA LAYUNIN NG PAGKATUTO:
 Natutukoy ang salita o mga salita na kasalungat ng salitang nasa loob ng panaklong (F8PT-IVf-g-36);
 Naibabahagi ang karaniwang ginagawa ng mga mag-aaral kapag nahaharap sa isang pagsubok o
mahirap na kalagayan sa buhay (F8PB-IVd-e-35);
 Naiisa-isa ang mga paghihinagpis na naramdaman ni Florante at mga bagay na kanyang
ipinagdadalamhati (F8PN-IVg-h-37).
MGA KAGAMITAN:
Aklat – (Ikalawang Edisyon) Pinagyamang Pluma, pahina 489-491
Pantulong Biswal – Mga Manila Paper at Pentel Pen

MGA GAWAIN

A. PAGTUKLAS

 Pangganyak (Istratehiyang Think-Pad-Brainstorm)

 Itanong sa mga mag-aaral gamit ang estratehiyang Think-Pad-Brainstorm: Ano ang


karaniwang ginagawa mo kapag nahaharap sa isang pagsubok o mahirap na
kalagayan?
 Think: Bigyan siya ng pagkakataong pag-isipan ang tanong.
 Pad: Magsusulat ng tatlo hanggang limang paraang ginagawa nila kapag
nahaharap sa pagsubok o mahirap na kalagayan.
 Brainstorm: Ipabahagi sa kapareha ang mga paraang naisip at naisulat nila.

 Paglalahad (Istratehiyang Malayang Talakayan)


 Iuugnay ng guro ang ginawang aktibi sa magiging talakayan.
 Tatawag ng ilang mag-aaral ang guro upang itanong:
1. Bakit kailangang maging matatag sa gitna ng anumang pagsubok o problema?
 Ipapaliwag ng guro:
 Ang pagharap sa mga pagsubok sa buhay ay isang paraan upang sukatin ang ating
mga sarili na maging mas matatag pa at maging matapang sa pagharap sa maaaring
pagsubok na darating sa buhay. Katulad ng magiging talakayan. Paano ba hinarap ng
tauhan ang mga pagsubok na naranasan?
 Pormal na ilalahad ng guro ang paksa.

B. PAGLINANG
 Paghahawan ng mga sagabal (Istratehiyang Talasalitaang Pagsusullit)

Bago tuluyang tatalakayin ng guro ang akda ay magkakaroon muna ng paghahawan


ng mga sagabal upang lubusang na maunawaan ang mga mensahe at salitang
nakapaloob sa akda sa pamamagitan ng istratehiyang “Mix and Match”.

Panuto:
Tukuyin at bilugan ang salita o mga salita sa pangungusap na kasalungat ng salitang nasa
loob ng panaklong.

(mapanglaw) 1. Naiisip ni Florante ang masayang kahariang sinilangan.


(uyamin) 2. Noo’y labis kung siya’y parangalan dahil sa kanyang husay sa
pakikidigma.
(kaliluhan) 3. Ang kanyang kabutihan ay kinikilala ng lahat ng tao sa kaharian.
(lugami) 4. Siya noo’y lagging panalo sa lahat ng labanang pinamunuan.
(nakalulunos) 5. Nakatutuwa ang mga nagdaang alaala ng nakalipas.

 Pormal na Pagtatalakay (Istratehiyang Main Idea Chart)


 Sa pamamagitan ng isang grapikong organayser na “Main Idea Chart” ay susuriin at itatalakay
ng guro ang mga mahahalagang pangyayari sa “Hinagpis ni Florante” at iisa-isahin ang mga
hinagpis nanaranasan ng pangunahing tauhan sa awit.
 Itananong ng guro:
1. Bakit labis ang paghihinagpis ni Florante? Ano-anong bagay ang kanyang
ipinagdadalamhati?
2. Bakit maging ang Panginoon ay tila may hinanakit siya? Makatwiran ba ang nadarama
niyang ito?
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Florante, ano ang gagawin mo upang hindi lubusan na
maglaho ang iyong pag-asa?

C. PAGPAPALALIM

 Pangkatang-gawain (Istratehiyang Pagbuo ng Simbolo)


Panuto:
1. Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa lima.
2. Pag-uusapan ng bawat pangkat ang katanungang ilalahad ng guro sa kanila.
3. Bubuo ng isang simbolo ang bawat pangkat na may kaugnayan sa katanungan.
4. Bibigyan ng manila paper at pentel pen ang bawat pangkat upang iguhit ang
kanilang simbolo.
5. Pipili ng isang representanti ang bawat pangkat upang maglahad ng kanilang
mga paliwanag sa simbolo.

D. PALILIPAT/PAGLALAPAT

 Pangkatang-gawain (Istratehiyang Lap-Clap-Click)

Panuto:
1. Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa lima.
2. Magsasagawa ng isang larong Lap-Clap-Click.
3. Isa-isang magbabanggit ng mga kilos sa tamang pagharap ng mga pagsubok o
kabiguan sa buhay..

E. PAGLALAHAT

 Paglalagom ng aralin (Istratehiyang One Sentence Summary)


Panuto:
Mula sa mga sagot na isinulatng bawat pangkat ay lagumin ang naging talakayan sa
pamamagitan ng estratehiyang pairing kung saan sa loob ng tig-iisang minuto ay pag-
uusapan at bibigyang-diin ng magkapareha ang mga karaniwang bagay na ginagawa
nilang makapagpapanatili sa ating kalayaan tulad ng pagtangkilik sa mga bagay na
sariling atin. Pagkatapos nito ay tumawag ng ilang mga mag-aaral upang magbahagi
ng kanilang mga sagot.

F. EBALWASYON

 Pagtataya sa natalakay na aralin (Istratehiyang Scenario Building)


Panuto:
1. Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa tatlo.
2. Bawat pangkat ay bibigyan ng sitwasyon kung saan kanila itong pag-uusapan.
3. Pagbibigyan ng pagkakaon ang mga mag-aaral na magmumuni-muni para pag-
usapan ang gagawing scenario building.
4. Ilalahad ng bawat pangkat ang kanilang nabuong scenario.

Inihanda ni:

Gng. Charmaine T. Ontong


Guro

Pinagtibay ni:

Gng. Leni P. Gako


Koordineytor

You might also like