You are on page 1of 11

7

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 5
Mga Pangungusap na Walang Paksa

1
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
FILIPINO 7
Aralin 5 Unang Markahan
Learning Learning
Learning Tasks Mode of Delivery
Area Competency

Gumising, ayusin ang sarili, kumain ng umagahan at ihanda ang


sarili sa isang makabuluhang araw!
Mag-ehersisyo, mag-meditate at makipag-bonding sa pamilya.
Filipino MELC : 1. Basahing Ang Weekly Home Learning
Nasusuri ang mabuti at Plan at modyul ay ilalagay sa
pagkamakatoto- sagutan sa iyong isang expanded envelope na may
hanan ng mga kuwaderno ang kulay lila para sa Baitang 7 na
ilalagay sa plastic envelope bilang
pang-yayari bawat hinihingi
proteksyon sa pagkabasa.
batay sa sari- sa araling ito.
ling karanasan Ito ay kukunin ng mga
(F7PB-lh-I-5) 2. Isulat sa magulang o guardian sa paaralan
sagutang papel sa itinakdang araw at petsa para
Layunin: ang iyong tugon sa kanilang taon at pangkat.
Nakasusulat ng sa Tayahin sa Hanapin lamang ang silid-
isang pahina 9 at aralan ng Tagapayo kung saan
makatotoha- Karagdagang itinalaga ang taon at pangkat ng
nang patalastas Gawain sa mag-aaral.
gamit ang mga pahina 9. PAALALA: HUWAG KALIMUTANG
pangungu-sap ISULAT ANG SUMUSUNOD SA
na walang 3. Ipasa ang ITAAS NG INYONG SAGUTANG
paksa. sagutang papel PAPEL:
na may PANGALAN:
kumpletong SECTION:
sagot. SUBJECT:

Inihanda ni Iwinasto ni Binigyang pansin

FLORDELIZA R. ORTAL LEILA M. MONSANTO CRISTETA R. LAMBON


Guro sa Filipino 7 Ulungguro III Punungguro IV

2
Filipino 7 Mga Pangungusap na Walang
Unang Markahan
Modyul 5 Paksa
Alamin:

MELC : Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga


pangyayari batay sa sariling karanasan (F7PB-lh-I-
5)

Layunin: Nakasusulat ng isang makatotohanang patalastas


gamit ang mga pangungusap na walang paksa.

Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang tsek


(√) kung makatotohanan ang pangyayari at ekis (X)
naman kung hindi makatotohanan. Isulat ang tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
________ 1. Kaygandang umawit ng manok.
________ 2. Nangingitlog ang isang tandang.
________ 3. Tumitilaok ang tandang tuwing madaling-araw.
________ 4. May balahibo at matatalas na kuko ang manok.
________ 5. Ang tandang ay isang uri ng manok.

Balikan

PANUTO: Ayusin mo ang mga ito sa tamang pagkasunod-


sunod na naaayon sa iyong sariling karanasan. Isulat ang
bilang 1, 2, 3 at 4. Pagkatapos ay kompletohin ang
pangungusap sa ibaba gamit ang mga pang-ugnay sa
paglalahad upang mabuo ang diwa. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
3
- Kumakain bago umalis ng tahanan.
- Naliligo bago umalis ng tahanan.
- Nagsisipilyo pagkatapos kumain.
- Nagdarasal bago matulog.

Ating Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang bahagi ng sipi ng dulang


isinulat ni Arthur P. Casanova na pinamagatang “Ang
Mahiwagang Tandang”.

Ang Mahiwagang Tandang


Kuwentong mahika ng Maranao
(huling bahagi )
(Patutunugin ng isang guwardiya ang agong hudyat ng
pagtawag ng kapulungan ng mga taumbayan. Mula sa
likuran ng mga kurtina ay lalabas ang mga taumbayan:
lalaki, babae, bata’t matanda.)

Sultan Abdullah: Nais kong ipaalam sa inyo na ang inyong


prinsesa ay makakaisang-dibdib ni Bagoamama sa
lalong madaling panahon.
Mahiwagang Tandang: At lahat kayo ay makatatanggap ng
bigay-kaya.
Korong Lalaki: At tumilaok nang tumilaok ang Mahiwagang
Tandang.
Korong Babae: Maraming tela ang lumabas sa bibig ng
Mahiwagang Tandang.
Taumbayan 1: Ang gaganda ng kulay.
Taumbayan 2: Ang gagara.
Taumbayan 3: Elegante. Panreyna at pansultan ang mga
telang ito.

4
Mahiwagang Tandang: Sige mamili kayo ng mga gusto
ninyo. Huwag kayong mag-agawan. Lahat kayo’y
makatatanggap ng mga tela buhat sa akin.
Korong Babae: Nang magkaroon na ng tela ang bawat
taumbayan, nagsimula nang dumumi ang
Mahiwagang Tandang.
Mahiwagang Tandang: Ugh! Ugh! Ugh!
Taumbayan 4: Ai-dao! Ginto’t pilak ang lumalabas sa
puwit ng tandang!
Taumbayan 5: Ai-dao! Oo nga. Ginto’t pilak.
Taumbayan 6: Para sa atin din ba ang mga iyan?
Mahiwagang Tandang: Oo. Paghahatian ninyong lahat iyan.
Korong Lalaki: Tuwang-tuwang namulot ng mga ginto’t
pilak ang mga taumbayan.
Korong Babae: Naging masaya ang lahat.
Mahiwagang Tandang: Bagoamama, sa palagay ko’y tapos
na ako sa aking misyon. Panahon na upang ako’y
lumisan. Dalangin ko ang masaya at masaganang
pamumuhay ninyo rito sa Kaharian ng Agamaniyog.
Bagoamama: Paalam, Mahiwagang Tandang! Dakila ka!
Sana’y dalawin mo kami sa hinaharap. Salamat.
Lokus a Babae: Hindi namin malilimutan kailanman ang
iyong labis na kabutihan. Salamat sa ginintuan mong
puso.
Korong Lalaki: Masayang lumipad ang Mahiwagang Tandang
sa himpapawid.
(Ang lahat ay kumakaway sa Mahiwagang Tandang.
Lumuluha sina Bagoamama at Lokus a Babae.)
Bagoamama: Salamat muli kaibigan. Utang na loob ko sa iyo
ang lahat ng tinatamasa ko ngayon. Sana’y
patnubayan ka ni Allah.
(Mula sa Pinagyamang Pluma 7, pp.94-108)

5
Suriin

Pangungusap na Walang Paksa


Sa wikang Filipino ay may mga pangungusap na walang
paksa. Ito ay ang sumusunod:
1. Pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon
a. Temporal – nagsasaad ng panahong panandalian
lamang.
Halimbawa: a. Alas dose na. b. Pasukan na. c.
Lunes kahapon.
b. Penomenal –tumutukoy sa kalagayan o
pangyayaring pangkalikasan o pangkapaligiran.
Halimbawa: a. Lumilindol! b. Maalinsangan
ngayon.
2. Maikling Sambitla –Iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng masidhing damdamin.
Halimbawa: a. Ay! b. Sus! c. Naku! d. Aray!
e. Grabe!
3. Pautos – binubuo ng basal na pandiwa at sinusundan
ng mo at pang-abay.
Halimbawa: a. Tawagan mo nga. b. Sulat na.
4. Pahanga – nagpapahayag ng damdaming humahanga.
Halimbawa: a. Napakabait mo. b. Kay buti mo.
Padamdam – nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa: a. Bilis! b. Ang bait! c. Kayganda ng
buhay!
5. Pormularyong Panlipunan – mga pagbati, pagbibigay-
galang at iba pang nakagawian na ng lipunang Pilipino.
Halimbawa: a. Mabuhay! b. Tao po. c. Makikiraan.
d.Salamat po. e. Magandang araw f. Mano po.
6. Eksistensiyal – nagpapahayag ng pagkamayroon o ng
kawalan.
Halimbawa: a. May bagyong darating. b. Walang
nangyari sa usapan.
7. Pagyaya o Pagtawag – Naglalahad ng pag-anyaya.
6
Halimbawa: a. Halikayo. b. Tayo na.
8.Panawag – (vocative) Maaari itong iisahing salita o
panawag na pangkamag-anak.
Halimbawa: a. Arthur! b. Hoy! c. Kuya! d. Ginoo!
9.Pakiusap – karaniwang
ginagamitan/pinangugunahan ng pa-, paki-, maki-
Halimbawa: a. Pakidala naman nito. b. Makikisuyo po.
10. May modal na nangangahulugan ng gusto, nais,
ibig.
Halimbawa: Nais ko ng prutas. Gusto niya ng papuri.
(Mula sa aklat: Panitikang Rehiyonal-
Kagamitan ng Mag-aaral, p.66)

Ating Pagyamanin

Panuto A: Balikan ang binasang sipi ng dulang Ang


Mahiwagang Tandang. Humanap ng limang pangungusap na
walang paksa mula rito at isulat sa iyong sagutang papel. Sa
katapat ng bawat pangungusap na walang paksa ay kilalanin
ang uri nito. May ibinigay na halimbawa para sa iyo.
Ang gagaganda ng kulay. – pahanga

PANUTO B: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa


ibaba. Tukuyin kung ito ay nangyayari sa totoong buhay o
hindi. Isulat ang MK kung makatotohanan ang pangyayari at
DMK naman kung hindi makatotohanan. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel .

_______1.Ang pagmamahal ni Bagoamama sa prinsesa ay


dalisay at totoo.
_______2. Nagsasalita at dumudumi ng ginto ang tandang.
_______3. Nagpasalamat ang taumbayan sa tulong ng tandang.

7
_______4. Matibay ang pananalig ni Bagoamama sa Poong
Maylikha.
_______5. Maraming tela ang lumabas sa bibig ng tandang.

Isaisip
Ang dula ay isang uri ng panitikan na nasa anyong
tuluyan. Ito ay naglalarawan ng araw araw na pangyayari sa
buhay ng tao masaya man o malungkot.
Sa paglalahad ng mga katotohanan, napakalaking tulong
ang paggamit ng mga pangungusap na walang paksa. Ito ay
karaniwan sa anomang uri ng pakikipagkomunikasyon.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Gawin ito sa iyong


sagutang papel.
1. Paano napalalaganap at napahahalagahan ang mga
kaugalian ng mga tao sa iba’t ibang lugar sa pamamagitan
ng dula?
2. Paano magagamit ang mga pangungusap na walang paksa
sa pagbuo ng patalastas?

Isagawa
Panuto: Sumulat ng isang paglalarawan sa gawi at kilos ng
isang tauhan mula sa isang dulang panlansangan o
pantanghalan. Isaalang-alang ang gamit ng mga pangungusap
na walang paksa. Isulat sa sagutang papel.

PAMANTAYAN (RUBRIK) Puntos


Kahusayan sa pagpapahayag. (5puntos)
Malinis ang pagkakasulat. (5 puntos)

8
Kakikitaan ng pagkamalikhain. (5 puntos)
Maayos at angkop ang gamit ng mga
pangungusap na walang paksa (5 puntos)
Kabuoan (20 puntos)

Ating Tayahin

PANUTO: Isulat ang tsek (/) kung ang pangungusap ay walang


paksa at ekis (X) naman kung mayroon.
1. Napaka elegante!
2. Lahat kayo’y makatatanggap ng tela mula sa akin.
3. Tuwang-tuwang namulot ng mga ginto’t pilak ang mga
taumbayan.
4. Maraming salamat.
5. Palagay ko nga.

Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng isang patalastas na gagamitan ng mga


pangungusap na walang paksa. Isulat ito sa isang short bond
paper .
Sitwasyon: Ikaw ay isang direktor ng commercial
advertisement. Nahilinga kang gumawa ng isang komersiyal
ng produksiyon ng dulang panlansangan iyong napanood.
Gagawin mo ito upang mahikayat ang kapwa mo mag-aaral na
panoorin din ang nasabing dula. Sa pagbuo ng komersiyal ay
pumili ng isa sa mga paraang nakalahad sa ibaba na sa
pananaw mo ay maisasagawa mo nang pinakamahusay.

 Pagguhit ng poster
 Simpleng jingle na madaling matandaan

9
 Simpleng leaflets
 Simleng skit

Ang komersiyal na bubuoin ay maaaring sukatin sa


pamamagitan ng rubric na ito:

Pamantayan Nakalaang Nakuhang


puntos puntos
Malikhain, kawili-wili, at nakapupukaw 5 puntos
ng atensyon
Malinaw na makikita ang mensaheng nais 5 puntos
iparating
Nakagamit ng iba’t ibang pangungusap na 5 puntos
walang paksa sa kabuoan ng patalastas.
Naipaliwanag nang mahusay ang 5 puntos
nabuong patalastas
Kabuoan 20 puntos
Leyende:
5 – napakahusay 4 – Mahusay 3 – Katamtaman
2 – Di-mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay

10
Gabay sa Pagwawasto

Sariling pagbubuo
S Sariling paliwanag
Karagdagang Gawain
Sariling sagot Isaisip
Balikan 5. /
4. /
5. / 5. DMK 3. X
4. / 4. Mk 2. X
3. / 3. MK 1. /
2. DMK Tayahin
2. /
1. MK
1. X
Pagyamanin B
Subukin Natin paglalarawan
Sariling sagot Sariling
Pagyamanin A Isagawa

Sanggunian

AKLAT:
 Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing
House Inc, 2014.PAHINA 92
 Kagawaran ng Edukasyon. Panitikang Rehiyonal-Ikapitong
Baitang. Bloombooks, Inc., Muling Limbag 2020, pahina 64-68
 Dela Cruz, Leonora. Gantimpala: Pinagsanib na Wika at
Panitikan. Innovative Education Materials, INC.

 Nakpil, Lolita R., et-al. Gintong Pamana Wika at Panitikan. SD


Publications, Inc. G. Araneta Avenue coner Ma. Clara St.,
Quezon City

SUPPLEMENTAL:
 REX iNTERACTIVE. The Online Educational Portal for
Teachers, Students and Parents. www.rexinteractive.com,
2015

11

You might also like