You are on page 1of 11

7

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 4
Mga Retorikal na Pang-ugnay

1
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
FILIPINO 7
Aralin 4 Unang Markahan
Learning
Area
Learning Competency Learning Tasks Mode of Delivery

Gumising, ayusin ang sarili, kumain ng umagahan at ihanda ang sarili


sa isang makabuluhang araw!
Mag-ehersisyo, mag-meditate at makipag-bonding sa pamilya.
Filipino Nasusuri ang isang 1. Basahing Ang Weekly Home
dolyu-film batay sa mabuti at Learning Plan ay ilalagay sa
ibinigay na sagutan sa iyong isang expanded envelope
pamantayan. kuwaderno ang na may kulay lila para sa
(F7PD-ld-e-4) bawat hinihingi Baitang 7 na ilalagay sa
Naisasalaysay nang sa araling ito. plastic envelope bilang
maayos at wasto ang proteksyon sa pagkabasa.
buod.pagkakasunud- 2. Isulat sa
sunod ng mga sagutang papel Ito ay kukunin ng mga
pangyayari sa ang iyong tugon magulang o guardian sa
kuwento,mito,alamat sa Pagyamanin paaralan sa itinakdang araw
at kwentong bayan . sa pahina 8 at at petsa para sa kanilang
(F7PS-ld-e-4) Tayahin sa taon at pangkat.
Nagagamit nang pahina 9.
wasto ang mga Hanapin lamang ang silid-
retorikal na 3. Ipasa ang aralan ng Tagapayo kung
pangugnay na sagutang papel saan itinalaga ang taon at
ginagamit sa akda na may pangkat ng mag-aaral.
(kung ,kapag,sakali at kumpletong PAALALA: HUWAG
iba pa.) sa sagot.
KALIMUTANG ISULAT
paglalahad
ANG SUMUSUNOD SA
(una,ikalawa,halimba
wa at iba pa,isang ITAAS NG INYONG
araw,samantala) at SAGUTANG PAPEL:
sa pagbuo ng PANGALAN:
editoryal na SECTION:
nanghihikayat.
SUBJECT:
(F7WG-lf-g-4).

Inihanda ni Iwinasto ni Binigyang pansin

FLORDELIZA R. ORTAL LEILA M. MONSANTO CRISTETA R. LAMBON


Guro sa Filipino 7 Ulungguro III Punungguro IV

2
Filipino 7
Unang Markahan
Modyul 4
Mga Retorikal na Pang-ugnay

Alamin:

MELCs:
1. Nasusuri ang isang dolyu-film batay sa ibinigay na
pamantayan .
(F7PD-ld-e-4)
2. Naisasalaysay nang maayos at wasto ang
buod.pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento,mito,alamat at kwentong bayan .
(F7PS-ld-e-4)
3. Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pangugnay na
ginagamit sa akda (kung ,kapag,sakali at iba pa.) sa
paglalahad (una,ikalawa,halimbawa at iba pa,isang
araw,samantala) at sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat.
(F7WG-lf-g-4).

Subukin Natin

PANUTO: Basahin at unawain ang mga pahayag. Ibigay ang


tinutukoy. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel .
1. Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.
A. wakas B. kasukdulan C. simula D. kakalasan
2. Tumutukoy sa panahon at lugar kung saan naganap ang
kuwento.
A. tauhan B. tagpuan C. banghay D. wakas
3. Ang nagsabi na ang maikling kuwento ay isang maikling
kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na
buhay.
A. Patrocino Villafuerte C. Jose Rizal
B. Genoveva Edroza-Matute D. Juan Luna

3
4. Anyo ng panitikang nagsasalaysay sa madali, maikli at
masining na paraan.
A. alamat B. pabula C. epiko D. maikling
kuwento
5. Ang paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa
kanya.
A. simula B. tunggalian C. kakalasan D.
kasukdulan

Balikan

PANUTO: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga


ekpresyong nagpapahayag ng posibilidad. Ibatay ang iyong
mga pangungusap sa sitwasyon: Kung hindi mo
tinulungan ang batang humihing ng tulong, ano kaya ang
maaring mangyari sa kanya? Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1.siguro 2.baka 3.sa palagay ko 4.posible 5.marahil

Ating Tuklasin

Basahin mo at unawain ang maikling kuwentong mula sa


Cotabato. Alamin kung masasalamin ba rito ang pagpapahalagang
panlipunan at pagpapahalaga sa batas ng mga taga- Cotabato.

Ang Reynang Matapat

Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa ating


kapuluan ay dinadarayo na ng mga mangangalakal na Arabe, Tsino
at Hindu ang kaharian ng Kutang-bato na pinamumunuan ni Reyna
Sima, na isa sa mga reyna na namuno ng isang kaharian sa
kapuluan ng Mindanao. Nakilala siya dahil sa kanyang
katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na pamamalakad
sa panunungkulan. Ang Kutang-bato ang Cotabato ngayon na isa
sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.

4
Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang
tahimik at sagana ang mga taga Kutang-bato. Mahigpit niyang
ipinasunod ang mga batas, at ang sinomang lumabag sa ipinag-
uutos niya ay pinarurusahan. Kabilang sa patakaran na mahigpit
na ipinatutupad ng rena ay ang paggalang, paggawa at katapatan
ng kaniyang mga tauhan.
Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng
Tsino sa kaharian ng Kutang-bato. Napabalita ito dahil sa maunlad
na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima, at sa katapatan ng
kaniyang mga tauhan. Walang kaguluhan at walang nawawalang
bagay sa sinomang mangangalakal habang sila ay nasa kaharian ng
Kutang-bato.
Minsan, isang negosyanteng Tsinong nakipagkalakalan sa
kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa isang
mesa sa palasyo. Hindi ito ipingalaw ng Reyna. Ipinagbilin niyang
mahigpit sa kanyang nasasakupan na walang gagalaw ng nasabing
supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa
kaniyang nasasakupan nang sa gayon ay muling datnan ng may-ari
sa lugar na kanyang pinag-iwanan ang supot ng ginto.
Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil
sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa
katapatan.

(halaw sa Panitikang Rehiyonal-kagamitan ng Mag-aaral, pahina 49)

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel.


1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Saan ang tagpuan ng kuwento?
3. Ano ang mga katangian ni Reyna Sima bilang pinuno. (Isulat
lahat.)
4. Ano ang mga ginawa ng reyna at nakilala at umunlad ang
kanilang kaharian?
5. Bakit sinusunod ng mga tao si Reyna Sima bagamat siya ay
isang babae?
6. Bakit pinamagatang Reynang Matapat ang kuwento?

5
Suriin

Mga Elemento ng Maikling Kuwento


Tauhan – Likha ng manunulat ang kanyang mga tauhan. May
pangunahing tauhan na sa kaniya nakasentro ang mga
pangyayari. May pantulong din na tauhan.
Tagpuan/Panahon – Dinadala ng may akda ang mambabasa
sa iba’t ibang lugar, sa iba’t ibang panahon kung saan at kalian
nagaganap ang mga pangyayari.
Saglit na Kasiglahan – Inihahanda sa bahaging ito ang mga
mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa
buhay ng mga tauhan.

Suliranin o Tunggalian – Tumutukoy ito sa paglalabanan ng


pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang uri ng
tunggalian ay tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili, tao
laban sa tao at tao laban sa lipunan.
Kasukdulan – Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan.
Dito nahihiwatigan ng bumbasa ang mangyayari sa
pangunahing tauhan, kung siya’y mabibigo o magtatagumpay
sa paglutas ng suliranin.
Kakalasan – Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod
agad ito sa kasukdulan. Sa bahaging ito bumababa ang takbo
ng kuwento. Ito ay nagbibigay ng daan sa wakas.

Wakas – Dito nalalaman ang kinahinatnan ng mga pangyayari


kung malungkot o masaya ang nangyari sa tauhan.

Retorikal na Pang-ugnay
Retorikal na Pang-ugnay – nagpapakita ng relasyon o
ugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto.
Pinag-uugnay nito ang salita o pahayag na nagsasaad ng
walang katiyakan o pag-aalinlangan sa pagkakaganap ng kilos
o kondisyon.
*Pang-ugnay na ginagamit sa pagbuo ng editoryal na
nanghihikayat
Pang-ugnay na nagpapakita ng pagsang-ayon: totoo, oo,
mabuti, sigurado at iba pa
Pang-ugnay na nagpapakita ng pagtutol: hindi, ngunit,
6
pero, subalit, datapwat, bagama’t at iba pa
*Pang-ugnay na ginagamit sa paglalahad
Paglalahad ng sanhi o dahilan: dahil sa, sapagkat,
palibhasa, atbp
Paglalahad ng suliranin o solusyon: ang problema ay, ang
suliranin ay, ang deperensiya ay, ang tanong ay, ang sagot
diyan ay, ang solusyon ay at iba pa
Paglalahad ng kuwento: isang araw, noong unang
panahon, samantala at iba pa
Pagsusunod ng pangyayari o pagbibigay ng hakbang o
proseso sa pagsasagawa ng isang bagay: una, ikalawa, ikatlo,
kasunod, panghuli at iba pa

Basahin ang halimbawa ng editoryal na nanghihikayat. Pansinin


ang mga pang-ugnay na initiman.

EDITORYAL - Walang disiplina sa pagtatapon ng basura


(Pilipino Star Ngayon - June 17, 2018 - 12:00am)
BASURA ang pangunahing dahilan kaya nagbababaha sa
Metro Manila. Matagal nang problema ito. Ilang dekada na ang
nakalipas subalit baha pa rin ang problema. At sa kabila ng
lahat, marami pa rin ang hindi natututo at walang disiplina sa
pagtatapon ng basura sa mga estero, kanal at mga ilog. Wala pa
rin silang kadala-dala at walang malasakit sa kapaligiran. Ang
mga basurang itinambak sa mga ilog ay iluluwa sa dagat at
ibabalik naman ito ng dagat mismo sa mga dalampasigan. Totoo
ang kasabihang “kung ano ang itinapon mo, babalik din sa’yo.”
Ganito ang nararanasan sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa
tuwing may pagsama ng panahon o bagyo. Kapag nagalit ang
alon sa Manila Bay, tatangayin ang mga basurang lulutang-
lutang at ibabalik ito sa kalsada. Kaya ang mga basurang
itinapon ng mga walang disiplina ay magdudulot uli ng
panibagong problema. Ang mga basura ring ito ang hahantong
sa mga estero.
Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng paglilinis sa Estero
de Magdalena ang Metro Manila Development Authority (MMDA).
Nagtulung-tulong para alisin ang napakaraming basurang
plastic. Isinagawa ang paglilinis makaraang mag-viral sa social
media ang estero. Dahil sa dami o kapal ng basura, maari nang
maglakad sa ibabaw niyon na hindi malulubog.
Ngayon ay malinis na ang estero pero maaaring bukas o sa
susunod na araw, tambak na naman ang basura roon. Balik na
naman sa dati sapagkat walang disiplina ang mga nakatira.
7
Ating Pagyamanin

PANUTO: Punan ang tsart sa ibaba. Isulat ang hinihingi sa bawat


elemento ng maikling kuwentong Reynang Matapat. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Reynang Matapat

Mga Pangyayari
Tagpuan
Tauhan
Suliranin
Saglit na
Kasiglahan
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas

Isaisip

Sa paglalahad, kailangang gamitin ang mga retorikal na


pang-ugnay na kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at
pangatnig. Mahalaga ring tandaan na ang retorikal na pang-ugnay
ay ginagamit sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat at
ginagamit din sa iba’t ibang uri ng paglalahad.

8
Isagawa

PANUTO : Suriin mo ang katangian ng pinuno sa kuwentong


binasa. Pagkatapos, Isulat mo ang pagpapahalagang panlipunang
ipinakita at kaugnay na batas ng tao. Gawin mo ito sa iyong
sagutang papel.

Katangian ng Pagpapahalagang Kaugnay na batas ng


pinuno sa kuwento panlipunan tao sa kasalukuyan

TANONG:
1.Paano ipinakita sa kwento ang pagpapahalagang panlipunan at
pagpapahalaga ng mga tao sa batas batay sa ipinakitang
pamamalakad
ng Reyna?
2. Ano ang mga kaugaliaan at paniniwala ng mga taga-Cotabato sa
Mindanao na inilahad sa kwento?

Pamantayan /rubric

Mahusay na nailalahad ang mga datos o PUNTOS


mga impomasyong hinihinge. 5
Maliwanag na nailahad ang mga 5
kaisipan/idea.
Malinis at maayos ang 5
pagkakasulat,makikita ang pagsisikap
na maging maayos ang gawain.
Kabuoan 15

9
Ating Tayahin

PANUTO: Punan ng angkop na pang-ugnay ang bawat patlang sa


pangungusap upang mabuo ang diwa nito. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. _________ sipag at tiyaga, nagtatagumpay ang lahat.


A. palibhasa B. dahil sa C. dahilan sa D. kapag

2. ________may takot sa Diyos kaya agad humingi ng tawad.


A. dahil sa B. palibhasa C. kaya D. kung

3. Naging malinis ang ating kapaligiran ____ sobrang pag-aalaga


nito.
A. dahil sa B. subalit C. sapagkat D. kung

4. __________ darating din ang suwerte mo.


A. katapusang araw C. huling araw
B. isang araw D. samantala

5. Abala ang lahat _________ ikaw ay walang ginagawa sa bahay.


A. samantalang B. subalit C. sapagkat D. ngunit

10
Gabay sa Pagwawasto

c Sariling pagkaunawa
Sariling pagkaunawa Gawain
Sariling pagkaunawa
Balikan Isagawa Karagdagang

Sariling pagkaunawa
B 5.
D 4. Pagyamanin
a 5.
B 3.
b 4.
B 2.
a 3.
B 1. Sariling pagkaunawa
b 2.
Subukin Natin Tuklasin 1. b
Ating Tayahin

Sanggunian

AKLAT:
 Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc,
2014.pahina 81-86
 Kagawaran ng Edukasyon. Panitikang Rehiyonal-Ikapitong Baitang. Bloombooks,
Inc., Muling Limbag 2020, pahina 45-55
 Dela Cruz, Leonora. Gantimpala: Pinagsanib na Wika at Panitikan. Innovative
Education Materials, INC.

 Nakpil, Lolita R., et-al. Gintong Pamana Wika at Panitikan. SD Publications, Inc. G.
Araneta Avenue coner Ma. Clara St., Quezon City.
 Kagawaran ng Edukasyon. Panitikang Rehiyonal-Ikapitong Baitang. Bloombooks,
Inc., Muling Limbag 2020 PAHINA45-55

SUPPLEMENTAL:
 REX iNTERACTIVE. The Online Educational Portal for Teachers, Students and
Parents. www.rexinteractive.com, 2015

11

You might also like