You are on page 1of 12

Camarines Norte College

Labo, Camarines Norte


Junior High School Department
S.Y. 2020-2021
Mga Gawaing Pampagkatuto para sa Filipino 7

FILPINO 7: Mga Panitikang Rehiyonal at Ibong Adarna

Unang Kwarter

Mga Piling Akda


Mula sa Mindanao
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao

Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ag isang makatotohanang proyektong panturismo

Batayang Aklat/Reference Book


PUNLA 7: Panitikang Rehiyonal at Ibong Adarna
(Bernie C. Santos at Gina P. Canlas)

**gamitin ang isang buong intermediate na papel bilang sagutang papel**


1 Si Pilandok at ang Batingaw, kuwentong-bayan
mula sa Lanao
Mga Pahayag sa Pagbibigay-patunay: Pagsang-ayon at Pagsalungat

Inaasahang pagkatuto:

1. Magagawa mong maiugnay ang mga pangyayari sa binasa sa iba pang lugar
2. Magagawa mong makasulat ng isang sanaysay ukol sa maipagmamalaking turismo ng Lanao na
may wastong gamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng patunay

Ang araling ito ay nakasentro sa paglalamangan at pagkakasunduan ng mga tao sa isang


lipunan. Dito ay magagawa mo ring mapahalagan ang kagandahan ng turismo ng Mindanao. Sa
paghahanda, gawing batayan ang iyong batayang-aklat, pahina 2-10. Maaari mong gawin ang mga
gawaing inihanda sa iyo upang matamo mo ang kahandaan para sa mga inaasahang pagkatuto.

Para sa iyong karagdagang pag-aaral sa mga pahayag sa pagbibigay ng patunay, maaari mo ring tingnan ang
mga halimbawang na nasa http://camarinesnortecollegejhs.com
Sundan mo ang link at pindutin ang MODULE>>GRADE 7>>FIRST QUARTER>>FILIPINO
FILIPINO 7 ARALIN 1 IBA PANG HALIMBAWA SA MGA PANG-UGNAY NA PANANG-AYON AT
PANANGGI

Pagtataya 1. Tapatan ng mga Hayop


Panuto: Nalaman mo sa kuwentong-bayan mula sa mga Maranao ang isang kalagayang
panlipunan na nagpapakita ng pagiging lamang sa katayuan sa buhay ng ibang tao—ang
kalakasan na dulot ng yaman at talino, at ang kahinaan na dulot ng pagiging mahirap at
kamangmangan. Kaugnay nito, suriing mabuti ang pares ng mga hayop sa ibaba. Tukuyin kung
aling pares ng hayop ang maaaring magkasundo o magkalamangan. Isulat ang simbolong = kung sa palagay mo
ay magkasundo ang dalawang hayop; simbolong > naman ang isulat kung malalamangan ng unang hayop ang
pangalawa; at simbolong < naman kung malalamangan ng pangalawang hayop ang nauna. Pagkatapos ay sagutin
ang mga pamprosesong tanong. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

1. ______ 4. _____

2. ______ 5. _____

3. ______

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang iyong naging batayan sa pagkilala kung aling pares ng hayop ang maaaring magkasundo o
magkalamangan? Lagyan ng maikling paliwanag.
2. Sa kasalukuyang lipunan, ano-anong lamangan ng mga tao ang iyong nakikita?
3. Sa kasalukuyang lipunan, ano-anong pagkakasunduan ng mga tao ang iyong nakikita?
4. May nakikita ka bang pagkakasunduan at paglalamangan sa pamumuhay ng mga Maranao kung ang
pagbabatayan ay ang kuwentong-bayang “Si Pilandok at ang Batingaw”? Ipaliwanag.
5. Ano ang mahalagang natutuhan mo sa kuwento na maaari mong maibahagi sa iyong tahanan o mga
miyembro ng pamilya?

Pagtataya 2. Pagsulat ng Sanaysay


Mga gabay na hakbang sa pagbuo ng sanaysay
1. Manaliksik ng mahahalagang impormasyon tungkol sa tanyag na Maria Cristina Falls.
2. Sa pagkuha ng mga impormasyon, tiyaking masagot ang mga sumusunod na tanong:
• Saan matatagpuan ang Maria Cristina Falls?
• Ano-ano ang katangiang taglay ng talon na ito?
• Ano-anong bayan ang saklaw ng tubig-ilog na kaugnay ng talon na ito?
• Paano ito nakaambag sa kaunlaran sa ekonomiya ng Iligan at mga karatig-bayan?
• Bakit mahalaga ang talon na ito para sa Mindanao?
3. Gamit ang mga impormasyong nakalap, bumuo ng isang maikling sulatin na nagtatampok sa Maria Cristina
Falls nang tinutupad ang daloy na itinakda sa pagsulat ng sanaysay.
a. Panimulang Talata - Sisimulan mo ang iyong sulatin sa pamamagitan ng isang talatang
malikhain at nakapang-aakit na paglalarawan sa pisikal na katangian ng Maria Cristina Falls.
b. Katawang Talata - Sa pamamagitan ng tatlong talata, lalamanin nito ang sumusunod: bubuuin
mong sulatin ang (1) katanyagan ng Maria Cristina Falls kaugnay ng turismo sa lalawigan; (2)
kahalagahan nito sa kabuhayan ng mga mamamayan sa mga nakapalibot na bayan, at kontribusyon
ng talon sa ekonomiya ng Lungsod ng Iligan at mga karatig-lalawigan; at (3) kahalagahan nito sa
ekonomiya ng Mindanao kaugnay ng enerhiyang pang-elektrisidad na ibinibigay nito sa buong
Kamindanaoan.
c. Talatang Pangwakas - Wawakasan mo ang iyong sulatin sa pamamagitan ng isang talatang
nagbubuod at nagpapaliwanag kung bakit tunay na yaman ng Mindanao sa aspektong panturimso
at pang-ekonomiya ang Maria Cristina Falls.
4. Sa pagbuo mo ng iyong sulatin, tiyaking susundin ang mga pamantayang panggramatika tulad ng wastong
baybay, wastong paggamit ng mga bantas, wastong pagbanghay sa mga pandiwa’t pang-uri, mabisang pagbuo ng
pangungusap at konsistent na daloy ng kaisipan.

Checkbrik sa Pagsulat ng Sanaysay

Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman
Dapat mailahad sa sanaysay ang mahahalagang impormayon ukol sa katangian at
mahalagang naiaambag ng Maria Cristina Falls sa turismo at ekonomiya ng lalawigan at
mga karatig-lalawigan.
Pagpapahayag
Malinaw ang pagpapahayag lalo na’t mabisa ang ginawang pagbibigay ng opinyon, at
paglalahad ng mga patunay na pagsang-ayon at pagsalungat.
Bahagi ng Sanaysay
Mabisa at kaakit-akit ang simula ng sulatin. Malaman ang katawan. Nagbubuod ang wakas
at nanghihikayat.
Gramatika
Isinakatuparan ang wastong pagbabaybay at gamit ng mga salita, pagbabantas, at pag-
uugnay-ugnay ng mga kaisipang ipinahayag.
2 Ang Alimaung at ang Usa, pabula
mula sa Davao
Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad

Inaasahang pagkatuto:

1. Magagawa mong mailarawan ang isang kakilala na may pagkakatulad sa karakter ng isang tauhan
sa binasang pabula
2. Magagawa mong maipahayag nang pasulat ang saloobin tungkol sa paggamit ng hayop bilang
tauhang nagsasalita at kumikilos na parang tao gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng
posibilidad

Sa pag-aaral mo sa araling ito, malalaman mong ang kahulugan ng isang salita ay nababago
batay sa ginamit na panlapi. Mapahahalagahan mo rito ang aral mula sa isang uri ng kwento na
binibidahan ng mga tauhang hayop—tinatawag itong pabula. Magkakaroon ka rin ng kasanayan
sa paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad. Upang makamit mo ang mga
pagkatutong ito ay maging handa sa mga gawain, pag-aralan at unawain ang nilalaman ng iyong
batayang aklat, pahina 14-21.

Pagtataya 1. Tsart ng Pagkatao


Panuto: Mula sa pabulang binasa, piliin mo ang mga pangyayaring nagpapakita ng katangian ng
mga tauhan. Pagkatapos ay iugnay mo ito sa mga taong kakilala mo; kamag-anak, kaibigan, mga
artista o hinahangaang tao. Magbigay ng limang kasagutan.

Katangian ng tauhan sa pabula Pangyayari sa kuwento kaugnay Ipinakitang Kilos ng Taong


ng katangian kakilala
Halimbawa Halimbawa Halimbawa
matulungin Tinulungan ng kambing ang usa May mga personalidad gaya ng
laban sa alimaung na gutom na ilang artista na tumutulong sa mga
gutom na. taong nangangailangan gaya ng
mga nasalanta ng bagyo at iba pang
sakuna.
1.
2.
3.
4.
5.

Pagtataya 2. Pagsulat ng Talata


Panuto: Gawin ang gawaing ito pagkatapos mong mapag-aralan ang mga ekspresyong
nagpapahayag ng posibilidad. Tingnan at unawain ang nasa pahina 20-21 kung hindi mo pa
ito lubos na nauunawaan. Kung handa ka na, magagawa mo sa gawaing ito ang isang talata na
nagpapahayag ng iyong saloobin tungkol sa paggamit ng hayop na gumaganap na parang tao sa
isang kwento. Sa pagpapahayag, gagamitin mo ang mga ekspresyong maaari, puwede, at baka.
Mga gabay na hakbang sa pagbuo ng talata
1. Tandaan na ang talata ay isang sulatin na binubuo ng mga pangungusap na magkaugnay, ibig sabihin, may
isang paksang tinalatakay. Sa iyong susulatin, ang paksa ng talata mo ay “Ang paggamit ng mga hayop bilang
tauhan sa isang kuwento, magandang ideya ba o hindi?”
2. Pwede mong gamiting gabay sa pagsulat ang mga tanong na nasa pahina 22, sa ilalim ng gawain C.

Checkbrik sa Pagsulat ng Talata

Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman
Makikita sa talata ang paksang pangungusap at ang mga pantulong na kaisipan
Pagpapahayag
Malinaw ang pagpapahayag ng mga opinyon at nagamit nang wasto ang mga ekspresyon
sa pagpapahayag ng posibilidad
Bahagi ng Talata
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan
Gramatika
Isinakatuparan ang wastong pagbabaybay at gamit ng mga salita, pagbabantas, at pag-
uugnay-ugnay ng mga kaisipang ipinahayag.
3 Bantugen, bahagi ng epiko
mula sa mga Maranao
Mga Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

Inaasahang Pagpakatuto:

1. Magagawa mong makilala ang mga katangian ng mga tauhan batay sa kanilang pananalita
2. Magagawa mong makasulat ng talata tungkol sa isang natatanging kultura ng mga Maranao gamit
ang mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga

Ang araling ito ay nakapokus sa mga katangian ng isang epiko—kuwento ng


pakikipagsapapalaran at kabayanihan ng bidang tauhan. Malalaman mo sa araling ito na may mga
salitang magkasingkahulugan at magkasalungat ang kahulugan. Mapahahalagahan mo rito ang
makulay na kultura ng mga Maranao. Dito ay matatamo mo ang kasanayan sa paggamit ng mga
pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga. Pag-aralan ang nilalaman ng pahina 25-35 ng iyong
batayang-aklat.

Pagtataya 1. Character Sketch ng “Bantugen”


Panuto: Pagkatapos mong mabasa ang bahagi ng epikong Maranao, marahil ay nailarawan mo
sa iyong isip ang kakaibang katangian ng epiko bilang isang akdang pampanitikan. Mahalaga sa
isang epiko ang pakikipagsapalaran at kabayanihan ng bidang tauhan sa kuwento. Ngayon ay
ipakilala mo ang bidang tauhan ng epikong binasa batay sa mga pananalita niya at mga
pangyayari sa kuwento. Magbigay ng limang kasagutan
BANTUGEN
Pananalita o Pangyayari sa Epiko Mahihinuhang Katangian
Halimbawa Halimbawa
Nakaupo si Bantugen sa kanyang maharlikang higaan Mayaman o miyembro ng naghaharing uri
1.
2.
3.
4.
5.

Pagtataya 2. Pagsulat ng Talata


Panuto: Pagkatapos mong mabasa ang epiko tungkol kay Bantugen, marahil ay nailarawan din
sa isip mo ang makulay na kultura ng mga Maranao. Ngayon ay susulat ka ng isang talatang
tumatalakay tungkol sa kultura o pamumuhay ng mga Maranao.

Upang mas lumawak ang kaalaman mo tungkol sa mga Maranao, maaari mong panoorin ang ilang
dokumentaryo ukol sa kanilang pamumuhay. Sundan mo ang link sa ibaba at pindutin ang
MODULE>>GRADE 7>>FIRST QUARTER>>FILIPINO
http://www.camarinesnortecollegejhs.com
1. Kapuso Mo, Jessica Sojo: Tradisyunal na Sipa ng mga Maranao
2. Kapuso Mo, Jessica Sojo: Ginintuang Yaman ng Lanao Del Sur

Gabay na Hakbang sa Pagsulat ng Talata


1. Pumili ng isang paksa lamang na gagawing pangunahing kaisipan ng iyong talata
a. Pag-aasawa ng mga Maranao nang higit sa isang babae
b. Makukulay na tradisyonal na kasuotan
c. Mga tradisyonal na laro ng Maranao
d. Mga ipinagmamalaking turismo ng Maranao
e. Maaari kang mag-isip ng iba pang paksa tungkol sa mga Maranao
2. Mula sa iyong napiling paksa, bumuo ka ng isang paksang pangungusap. Maaaring isa itong tanong o
malawak na kaisipan. Tingnan ang mga halimbawa;
a. Bakit nga ba nag-aasawa nang marami ang mga lalaking Muslim?
b. Ang mga larong tradisyunal ng mga Maranao ay totoong kakaiba at angat sa iba.
3. Kapag mayroon ka nang paksang pangungusap, bumuo ka na ng mga kaugnay na pangungusap upang
talakayin ang iyong paksa.
4. Gamitin sa iyong pagsulat ang mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga. Tingnan ang pahina 33-
34 ng iyong batayang-aklay upang maunawaan mo ito,

Checkbrik sa Pagsulat ng Talata

Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman
Makikita sa talata ang paksang pangungusap at ang mga pantulong na kaisipan
Pagpapahayag
Malinaw ang pagpapahayag ng mga opinyon at nagamit nang wasto ang pahayag sa
pagbibigay ng sanhi at bunga
Bahagi ng Talata
Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan
Gramatika
Isinakatuparan ang wastong pagbabaybay at gamit ng mga salita, pagbabantas, at pag-
uugnay-ugnay ng mga kaisipang ipinahayag.
4 Buhangin, maikling kuwento
mula sa mga Manobo
Mga Retorikal na Pang-ugnay na Nagpapahayag ng Panubali

Inaasahang Pagkatuto:

1. Magagawa mong maisulat ang buod ng binasang kuwento nang maayos at may kaisahan ang mga
pangungusap
2. Magagawa mong magamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na nagpapahayag ng
pasubali (kung, kapag, sakali, at iba pa)

Ang maikling kuwentong pag-aaralan mo sa araling ito ay nakasentro sa pagmamahal sa bayan.


Ipadarama sa iyo ng araling ito ang pag-alala sa kinagisnang buhay kahit pa malayo na ang narating
mo. Dito ay mauunawaan mo rin ang katangian ng isang maikling kuwento. Magagawa mo ritong
makapagsulat ng buod o pinaikling bersyon ng isang orihinal na akda. Matatamo mo rin sa araling
ito ang kasanayan sa paggamit ng mga retorikal na pang-ugnay. Pag-aralan ang nilalaman ng mga
pahina 39-47.

Pagtataya 1. Pagbubuod sa Maikling Kuwentong “Buhangin”


Panuto: Tandaan na ang maikling kuwento ay isang makabagong sulatin na nagtatampok ng
isang kawili-wiling karanasan sa buhay ng isang tao. Mayroon itong mga elemento: tauhan,
tagpuan, banghay, at suliranin.Mahalaga ang mga elementong ito upang mas madali mong
maunawaan ang kabuuang daloy ng isang maikling kuwento. Upang magabayan ka sa
pagbubuod, sundin ang mga hakbang na gawain sa ibaba.

Hakbang na gawain sa pagbuod


1. Sagutin muna ang mga katanungang;
a. Saan at kalian nangyari ang kuwento?
b. Paano nagsimula ang kuwento?
c. Ano ang problemang kinaharap ng bidang tauhan?
d. Paano nasolusyonan ang problema?
e. Ano ang kinhantungan ng kuwento?
2. Kapag buo na sa isip ang mga kasagutan sa mga tanong, puwede mo nang simulan ang pagbubuod. Isulat
lamang sa isang talata.

_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
__________________________.
Pagtataya 2. Pagsulat ng Pangungusap
Panuto: Tandaan na ang retorikal na pang-ugnay ay maraming uri. Sa araling ito, ang pokus
lamang ay ang mga pang-ugnay na nagpapahayag ng panubali. Madalas na ginagamit dito ang
mga salitang kung, kapag, at sakali. Tingnan ang mga halimbawa sa ibaba;
1. Kapag napabayaan natin ang mga pamana sa atin ng mga ninuno, makakalimutan na ito
ng mga susunod na henerasyon.
2. Kung hindi mo mamahalin ang iyong sariling bayan, para ka na ring nagtaksil dito.
3. Sakaling makalimutan mo ang mga pag-uugali ng ating ninuno, ipaaalala ko sa iyo.

Maaari ka pang humanap ng iba pang halimbawa kaugnay ng gamit ng mga salitang kung, kapag, at
sakali. Gaya ng binasang maikling kuwento, ang Mindanao ay isang rehiyon ng bansa na mayaman sa sinaunang
kultura. Maraming mga pagpapahalagang etniko na hanggang ngayon ay makikita pa rin natin. Sa iyong papel,
bumuo ng limang pangungusap na may kinalaman sa pangkat etniko gamit ang mga retorikal na pang-ugnay na
nagpapahayag ng panubali. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Halimbawa:
a. Huwag nating maliitin ang mga kapatid nating aeta, dahil kung hindi sa kanila, hindi natin mababakas
ang kasaysayan ng ating lahi.
5 Buod ng Dulang “Bulawan”, dula
mula sa Davao
Mga Pangungusap na Walang Paksa

Inaasahang Pagkatuto:

1. Magagawa mong masuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari sa dula batay sa mga
karanasan sa totoong buhay
2. Magagawa mong makabuo ng isang patalastas gamit ang mga pangungusap na walang paksa

Ang araling ito ay magtuturo sa iyo na may mga kayamanang hindi materyal, hindi pera, hindi
ginto, o ano mang bagay. Ang dula ay isang panitikang pantanghalan. Nakawiwili ito dahil may
mga tauhan kang mapakikinggan at mapanonood upang ihatid ang kuwento. Dito ay mauunawaan
mong ang mga pangyayari sa isang akdang pampanitikan ay hango sa mga totoong karanasan sa
buhay ng tao. Pag-aralan ang nilalaman ng pahina 50-62 ng iyong batayang-aklat.

Pagtataya 1. Pagsusuri sa Pagkamakatotohanan ng Akda


Panuto: Pagkatapos mong mabasa ang buod ng dula mula sa Davao, subukin kung magagawa
mong maipakita ang kaugnayan ng mga pangyayari sa kuwento sa mga nangyayari sa totoong
buhay. Punuan ang tsart ng mga angkop na impormasyon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pangyayari sa Kuwento Kaparehong Pangyayari sa Tunay na Buhay


Halimbawa Halimbawa
Gustong-gusto nina Kaloy at Poloy na makakuha ng Halos lahat ng tao, kailangan ng pera para tustusan ang
bulawan (ginto). mga pangangailangan sa buhay.
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Pagtataya 2. Pagbuo ng Patalastas


Panuto: Gawing gabay sa gawain na ito ang nilalaman ng pahina 61-62 ng iyong batayang-
aklat. Sa isang long size bond paper, bumuo ka ng isang patalastas na nagtatampok sa
Kadayawan Festival ng Davao.

“Naisip na Paksa na Nagtatampok sa Kadayawan Festival”

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Mga hakbang na gawain:
1. Magsaliksik tungkol sa Kadayawan Festival.
2. Bumuo ng isang patalastas na nagtatampok ng alin mang gawain o preparasyon tungkol sa Kadayawan
Festival.
3. Gamitin sa patalastas ang natutuhang mga pangungusap na walang paksa.

Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman Mahusay na naihatid sa Maayos na May isa o dalawang Hindi
mambabasa ang naihatid sa impormasyon na nakatatawag
patalastas dahil mambabasa ang nakagugulo lamang pansin ang
natatangi ang mga mensahe ng sa patalastas o isa o patalastas
impormasyong inilahad patalastas dahil dalawang dahil kulang
kumpleto ang mga impormasyon na na kulang sa
impormasyon kulang impormasyon
Gamit ng wika Mahusay ang Wasto ang baybay May isa o dalawang Maraming
ipinakitang kasanayan ng mga salita, pagkakamali sa gamit napansing
sa gamit ng wika; may angkop ang bantas, ng wika pagkakamali
mga bantas na hindi at maayos ang sa gamit ng
karaniwang ginagamit, pagkakabuo ng wika
at may mga kayarian ng mga pangungusap
pangungusap na hindi
karaniwan
Kasanayang Mahusay na nagamit Maayos na May tatlo o apat na IIlan lamang
Panggramatika ang lahat ng uri ng nagamit ang mga uri ng pangungusap na uri ng
pangungusap na walang pangungusap na na walang paksa na pangungusap
paksa walang paksa hindi nagamit na walang
paksa ang
nagamit
6 Pangwakas na Gawain: Proyektong Panturismo
Wasto at Angkop na Gamit ng Wikang Filipino

Inaasahang Pagkatuto

1. Magagawa mong makabuo ng isang makatotohanang proyektong panturismo


2. Magawawa mong magamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang
makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo

Nakarating ka na sa huling yugto ng Unang Kwarter, ang pagbuo ng isang makatotohanang


proyektong panturismo. Matapos mong mapag-aralan at matuklasan ang kultura at pamumhay
ng mga lugar sa Mindanao, ngayon ay handa ka nang gumawa ng isang proyektong panturismo
na magtatampok sa kagandahan ng Mindanao. Dito ay mapahahalagahan mo rin ang angkop
na gamit ng wikang Filipino ayon sa layunin. Pag-aralan ang nilalaman ng pahina 66-76.

PANGWAKAS NA GAWAIN SA UNANG KWARTER: Proyektong Panturismo


Panuto: Bumuo ng isang brochure tungkol sa alinmang magandang tanawin, pasyalan, piyesta,
kultura, mga natatanging hayop o pagkain, na mayroon ang Mindanao. Magsaliksik o mangalap
ng mga impormasyon para sa bubuuin mong brochure. Sa paggawa nito, gawing gabay ang
nilalaman ng mga pahina 71-73 ng iyong batayang-aklat. Dito ay dapat maipakita mo ang
angkop na gamit ng wika ayon sa layunin na makabuo ng isang print ad.

Iba pang halimbawang brochure

You might also like