You are on page 1of 10

Ponemang Suprasegmental

GRADE 7- FILIPINO
Ponemang Suprasegmental-
ay mahalaga para sa mabisang
pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang
maging mas maliwanag at maiparating ang
tamang damdamin sa pagpapahayag.
 1.Intonasyon, tono, at punto- ang intonasyon ay
tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas
ng pantig sa salita na maaaring makapg-iba sa kahulugan
ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng
baybay. Ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi
ng damdamin samantalang ang punto ay ang rehiyonal na
tunog o accent.
 Ang ganda ng tula? (Nagtatanong/Nagdududa)
 Ang ganda ng tula. (Nagsasalaysay)
 Ang ganda ng tula! (Nagpapahayag ng kasiyahan)
 2. Diin at Haba- ang haba ay tumutukoy sa haba ng
bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig
ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng
bigkas sa pantig ng salita.
 /balah/ (bullet)
 /bala/ (threat)
 /tu.boh/ (pipe)
 /tuboh/ (sugar cane)
 3. Hinto o antala- Ito ay ang saglit na pagtigil sa
pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ipinapahayag. Ginagamit ang kuwit,
tuldok, semi-kolon, at kolon sa pagsulat upang
maipakita ito.
 Hindi maganda. (Sinasabing hindi maganda ang
isang bagay)
 Hindi, maganda. (Pinasusubalian ang isang bagay at
sinasabing maganda ito.)
 Bukod sa mga ponemang suprasegmental ay
nakatutulong din sa mabisang pagpapahayag ang mga di-
berbal na palatandaan gaya ng kumpas ng kamay at
galaw ng mata at katawan lalo na sa pagbigkas ng tula.
 Ang pagkumpas ay mahalagang sangkap sa sining ng
pagbigkas ng tula. Ginagamit ito upang maihataid ang
damdamin ng tula sa madla o mailarawan ang kaisipang
inilalahad nito. Dapat tandaan na ang bawat kumpas ay
kailangang maging natural, hindi pasulpot- sulpot ang
kamay at lalong hindi palamya-lamya ang galaw ng bisig.
 Kailangangang kumpas ay maging angkop sa daloy ng
damdaming nais ilarawan. Ang wastong pagkumpas ay
nakatutulong sa pagpapataas ng damdamin hanggang
marating ang pinakamaigting na damdaming inihahatid sa
madla.
 Gayundin, mahalaga sa pagbigkas ang disiplina. Maging
ang galaw ng mata at katawan ay dapat magkaroon ng
kaisahan. Kung ang pokus ng paningin ay sa gawing
kaliwa, lahat ng pares ng mata ay dito dapat nakatuon.
Ang paglalapat ng angkop na galaw ay nakadaragdag sa
kagandahan o kasiningan sa pagpapahayag.
 Angkumpas o kilos na gagawin ay dapat umaayon sa
diwang isinasaad ng nais sabihin o bigkasin.
 /bu.kas/, /bukas/
 1. ______ na tayo pumunta sa silid- aklatan upang
magbasa.
 2. ______ pa kaya ang silid- aklatan hanggang
mamayang hapon?
 /bu.hay/, /buhay/
 3. Ang wika ay ______ kaya nagbabago sa pagdaan ng
panahon.
 4. Ang ____ ng wika ay nakasalalay sa dalas ng
paggamit nito.
 /sa.yah/, /sayah/
 5. Bihira na sa kababaihan ang nagsusuot ng ______ sa
panahong ito.
 6. Hindi niya mapigilan ang kaniyang _____ nang
makabalik sa Pilipinas at makasama ang kaniyang
pamilya.

You might also like