You are on page 1of 14

Kulturang Popular sa Mass

Media, Sining, atbp.


Ni: Jhuvisa M. Dinsay
KULTURA

Ang kultura ay set ng mga paniniwala, pagpapahalaga,


layunin at mga gawaing pinagsasaluhan ng mga tao sa
isang organisasyon, institusyon o lipunan.

(Bernales at De la Cruz, 2017; nasa Bernales, et al., 2019


din).
ANO POPULAR

Napapanahon, Tanyag, Bantog Sikat, Litaw, Kilala, Patok


Usap-usapan, “Blockbuster” “Patok sa Takilya”
POPULAR PAGPAPAKAHULUGAN

Williams (1983; sa Nuncio at Nuncio, 2004)

Ang popular ay isang pang-uri na nangangahulugang kinagigiliwan,


nagugustuhan ng maraming tao.

Dagdag pa nina Nuncio at Nuncio (2004), numerikal din ang


pakahulugan ng popular.

Popular ang isang bagay o tao kung maraming tumatangkilik. Ang


apirmadong aksyon na pagtangkilik ang lumilikha bilang.
POPULAR PAGPAPAKAHULUGAN

Ayon naman kina Bernales at Dela Cruz (2017; nasa


Bernales, et al., 2019 din),

Ang popular ay nangangahulugang karaniwan na


malawak ang sakop, talamak at napapanahon.

Maaari itong tumukoy sa tao, bagay, lugar o pangyayaring


tinatangkilik o kinagigiliwan ng maraming tao.
POPULAR PAGPAPAKAHULUGAN

Sa karaniwang salita,

Nangangahulugan itong sikat, uso o in na ayon kay


Gonzalez (2009) ay mga salitang nagpapahiwatig sa
kasalukuyan.
POPULAR PAGPAPAKAHULUGAN

Karagdagan pa nina Bernales at Dela Cruz

…ang specific time frame o fixated time marker natin ay


kung ano ang sikat, uso at in ngayon at wala nang ibang
panahon pa, walang noon, walang hinaharap na time
frame.

Basta sa kasalukuyan lamang, kung tutuusin, simpleng


sikolohiya ng panahon ang terminong popular.
POPULAR PAGPAPAKAHULUGAN

Kumbaga, na nag-iisip tayo sa ngayon, umiiral tayo sa


ngayon, naiimpluwensyahan tayo ng maraming bagay at
tao sa ngayon, binabagabag tayo ng maraming
problema sa ngayon, lahat talaga sa ngayon.

Samakatwid, ang salitang popular sa kulturang popular


ay walang ibang pinapatungkulan kundi ang
kasalukuyan, ang ngayon.
KULTURANG POPULAR

Kultura na popular, kultura na sikat, kulturang bantog.

Ngayong 2021 mabibilang na lamang ang hindi updated


sa Facebook.

Ang mga memes na paborito ng lahat.


KULTURANG POPULAR

Mauuri ang kulturang poular bilang: Produkto, anyo ng


pagpapahayag o identidad.

Ito ay karaniwang tinatanggap, kinagigiliwan o


sinasang-ayonan ng maraming tao at karakteristiko ng
isang partikular na lipunan at panahon.
KULTURANG POPULAR

Iniuugnay rin sa kulturang popular ang mass culture na


tinitingnan bilang komersyal na kultura – maramihang
produksyon para sa konsumpsyon ng madla.

(Bernales at Dela Cruz, 2017; nasa Bernales, et al., 2019


din).
KULTURANG POPULAR

Tinutukoy rin ng kulturang popular ang iba’t-ibang


midyang maituturing na mainstream (musika, telebisyon,
pelikula, at iba pa) at tinatangkilik ng mayorya, ng masa.

Tala- Sarah Geronimo, korean dance, oppa,


pamparampampam… Judy Ann at Gladys- Mara Clara
Robin Padilla- Ang Utol kong… Lady Gaga, Chariz, Lea
Salonga at marami pang iba. Sa ngayon nahuhumaling
ang lahat sa blogging at Tiktok.
KULTURANG POPULAR

Hornedo (sa Nuncio at Nuncio, 2004)

Ang kulturang popular ay kasangkapan sa pagpapahayag ng


damdamin at kaisipang popular. Ngunit ang pagpapahayag na ito
ay hindi payak lamang sa paglilipat nilalaman ng isang isipan sa
isipan ng iba.

May radikal na intensyon ang komunikasyon sapagkat ito ay


kasangkapan ng kapangyarihan dahil bukas ang wika sa
pagnanasa ng taong abutin at manipulahin ang kaniyang lugar.
KULTURANG POPULAR

At dahil ang popular ay ginagamitan ng wika na


makapangyarihan, na ginagamit at ginagawang armas ng
bawat isa upang palitawin ang kanilang identidad o di
kaya’y magkaroon man ng puwang sa mundong kaniyang
ginagalawan ay isang mabuting hakbang ng paglago.

Siklo ang buhay bawat dekada ay patuloy ang


pagbabago, ang pumatok nakaraan ay mapag-uusapan
din sa kasalukuyan.

You might also like