Professional Documents
Culture Documents
A. Kahulugan
Ayon kina Nuncio at Nuncio (2004), ang kultura ay isang pinagsasaluhang
praktika at mentalidad ng tao. Idinagdag pa nila na isang deskripsyon lamang ito
sa terminong kultura sapagkat walang tahasang kahulugan ito. Ang kultura ay
masasabing mayroong repleksibong kahulugang maaaring nakabatay sa
katangian, salik at deskripsyon na sumasanga sa usapin ng politika, ekonomiya
at kasaysayan, wika pa nina Nuncio at Nuncio.
Ayon naman kina Bernales at Dela Cruz (2017; nasa Bernales, et al., 2019 din),
ang popular ay nangangahulugang karaniwan, malawak ang sakop, talamak at
napapanahon. Maaari itong tumukoy sa tao, bagay, lugar o pangyayaring
tinatangkilik o kinagigiliwan ng maraming tao. Sa karaniwang salita,
nangangahulugan itong sikat, uso o in na ayon kay Gonzalez (2009) ay mga
salitang nagpapahiwatig sa kasalukuyan. Idinagdag pa nga niyang:
…ang specific time frame o fixated time marker natin ay kung ano ang sikat, uso
at in ngayon at wala nang ibang panahon pa, walang noon, walang hinaharap
na time frame. Basta sa kasalukuyan lamang, Kung tutuusin, simpleng sikolohiya
ng panahon ang terminong popular. Kumbaga, nag-iisip tayo sa ngayon, umiiral
tayo sa ngayon, naiimpluwensyahan tayo ng maraming bagay at tao sa ngayon,
binabagabag tayo ng maraming problema sa ngayon, lahat talaga sa ngayon.
Samakatwid, ang salitang popular sa kulturang popular ay walang ibang
pinapatungkulan kundi ang kasalukuyan, ang ngayon.
B. Katangian
Ayon kay Tolentino (2007; sa Bernales, et al., 2019), may shelf life ang ano
mang artifact ng kulturang popular. Sikat lamang ito sa kasalukuyang pagdanas
ng fad kahit pa may paratihang media at genre na nagsisiwalat nito. Ano mang
bagay na uso sa kasalukuyan ay nawawala rin sa uso. Nawawala sa uso ang
mga ito dahil sa pag-unlad ng teknolohiya o pagbabago sa panlasa ng mga
konsyumer, Kasi nga, laging may dumarating na bago.
Mahigpit ding nauugnay ang kulturang popular sa modernismo dahil usapin ito
kung ano ang uso at laos na. Kaya nga, madalas na nagmumula ang kulturang
popular sa mga modernong produkto ng mga kompanya at mauunlad na bansa.
Maaari ring sabihing bunga ng kolonyalismo at komersyalismo ang kulturang
popular. Ang popularisasyon ng isang bagay ay karaniwang bunsod ng
pagtangkilik ng madla sa ano mang dayo. May mahigpit itong kaugnayan sa
komersyalisasyon ng mga produkto dahil ito ang nagdidikta ng popularisasyon
ng konsumpsyon.
Lagi ring may sentrong pinanggagalingan ang kulturang popular. Madalas, ang
sentro nito ay mga ulong-bayan, mga pangunahing lungsod, mga sentro ng
kosmopolitanismo at urbanidad. Kasi, kung ano ang nagaganap sa sentro ay
sinusundan ng mga periphery. Para nga itong nakahahawang sakit na mahirap
iwasan (lisannemariechantal.blogspot.com).
Panghuli, ang kulturang popular ang realidad ng masa. Ito ang isinusubo sa
kanya ng panahon at kalaunan ay kanyang kinagigiliwan at tinatangkilik. Ito ang
alon ng panahon na kanyang kinapapatianuran. Ito ang kanyang minamahal,
kahit pa panandalian lamang dahil nga popular, kahit pa kinasusuklaman ng ilan.
C. Dahilan at Pinagmumulan
2.Latak. May mga kulturang popular ding panghalili sa mahal at orihinal. Dahil
nga masang nakararami ang ahente ng popularisasyon at madalas ay hindi niya
kayang bilhin ang mga produktong mamahalin, nagkakasya na lamang siya sa
mga mumurahin upang makiuso pa rin kahit paano.
3.Pangmasa o komersyal na kultura. Madalas, ang mga mumurahing produkto
ay sumasailalim sa maramihang produksyon. Bunga nito, nagkakapare-pareho
ang nabibili ng masa sa murang halaga.
Salungat sa pananaw na ito ang ilang mag-aaral ng kulturang popular. Ayon kay
Gimenez-Maceda (1996; sa Bernales at De la Cruz, 2017), napakasimplistiko
kung titingnan ang mga konsyumer bilang masang walang sariling pag-iisip.
Sinabi niya, sa industriya ng kulturang popular sa Pilipinas, isang porma ng
elitismo ang pagtingin na repleksyon lang ng kamartiran ng masa ang mga tema
ng represyon at pang- aapi sa mga kultural na produkto.
Ayon kay Gimenez-Maceda (1996; sa Bernales at Dela Cruz, 2017), elitista ang
pananaw na pantasya at ang kagustuhang makatakas sa mga problema ang
dahilan ng pagkahilig ng masa sa mga happy ending, halimbawa, sa mga
teleserye at pelikulang rom-com ng Star Cinema. Sa ganitong batis, hindi tayo
pasibong tagatanggap lamang ng kung anong ihain sa atin. Pinipili natin kung
anong produkto ang tatangkilikin at kung ano ang hindi tatangkilikin. Pinipili natin
kung anong mensahe ang paniniwalaan o kung ano ang may halaga sa atin.
Isa pang silbi ng kulturang popular ang paglikha ng kolektibong identidad. Sa
pagkonsumo ng kulturang popular, nakabubuo at nakapagpapatatag ng ugnayan
ang mga tao. Nagiging daan ito upang magkaroon sila ng palitan ng kaalaman at
bahaginan ng karanasan. Makikita ang ganitong ugnayan sa kwentuhan ng mga
kasambahay sa pinanood na teleserye o ng mga bata sa pinanood na anime,
pakikipagdebate sa social media tungkol sa eskandalong kinasasangkutan ng
isang artista, o paglikha ng sariling bidyo bilang tugon sa isa pang bidyong nauna
nang naging viral at pakikipagbatuhan ng mga pick-up o hugot lines.
Pandemik na Kultura
a.Freedom of Movement
b.Face to Face Interaction
c.Mass gathering
d.Regular work
SA PANAHON NG PANDEMYA
Pagsasanay:
Bernales, R.A., Cordero, M.E.B., Balagat, R.B. & Golloso, H.E. 2019. Panitikan
ng Pilipinas: Kasaysayan at pagsusuri. Malabon City: Mutya Publishing House,
Inc.
Nuncio, R.V. & Nuncio, E.M. 2004. Sangandiwa: Araling Filipino bilang
talastasang pangkalinangan at lapit-pananaliksik. Manila: UST Publishing House.
#kulturangpopular
#popularculture
#pandemya
Dr. Elizabeth M. Garcia
SA PANAHON NG PANDEMYA