You are on page 1of 8

474

ID. D ~ para 611 Kooteuto, Ko08eplo, al Ka8ayaayao

2. lsagani R. Cruz, "English and Tagalog in Philippine Literature: A Study of


Literary Bilingualism," World English 5 (1986), 163-76.
3. l:agani R. Cruz, "Deconstructing English as a Language for Philippine
Theory, paper read at the Third International Philippine Studies Conference
Quezon City.July 14, 1989. Abridged in: "Why English Will Not Do as our Languag~
for Critical Theory," Philippine Starweek (September 10, 1989), 10-11.
4. Isagani R. Cruz, "Expanding the Scope of the Literature Class: Towards a Ang Pagbasa Bilang Paglikha•
New Definition of Literature," The Teaching of Literature in ASAIHL Universities, &ledad ~- Rey~
Antony Tatlow, ed. (Hong Kong University Press, 1982), 59-62.
5 . Carlos A. Angeles, A Stun of]ewels (Manila: Alberto S. Florentino, 1963).
6. Ricaredo D. Demetillo, The Aesthetic Voict of Poetry (Quezon City: New
Day: 1962), 259.
B1LANG JSANG INSTITIJSYON, maraming elementong taglay ang panitikan. Kasama
7. Ophelia Alcantara Dimalanta, The Philippine Poetic (Manila: Colegio de rito ang lipunan/ideolohiya na nagbibigay-daan at humuhubog sa
Sanjuan de Letran, 1976), 20-30. pangkalahatang kaisipan ng teksto, ang manunulat na tagalikha ng mga
8. Gemino H. Abad, "Two Poems by Carlos A. Angeles: An Experiment in akda, ang teksto na bunga ng maraming mga impluwensiya, at ang
Poetics," Asian Studies 10 (1972): 344-60. Revised and reprinted in In Another mambabasa na tagatanggap ng sinasabi o di-masabi ng akda at ang kamalayan
Light: Poems and Essays (Quezon City, UP Press, 1976), 195-218. nito. Marami nang teorya ang nabuo upang ipaliwanag ang isa sa mga
9 . Gemino H. Abad, A Formal Approach to Lyric Poetry (Quezon City. UP Press,
elementong ito at kaugnayan nito sa iba pang elemento; halimbawa sa
1978) . historikal na teorya ng panitikan, madalas pinag-uugnay ng kritiko ang
teksto at ideolohiyang pinag-ugatan ng akda. At sa iba pang pananaw tulad
10. Ricaredo D. Demetillo, Major and Minor Keys: Critical Essay on Philippine
ng sikolohikal o arketipal, tinatangka ng kritiko na ipakita ang ugnayan ng
Fiction and Poetry (Quezon City: New Day Publications, 1989), 86. ,,- manunulat at ng kanyang likha, ang masasalimuot na proseso ng pagpasok
11. Ricaredo D. Demetillo, "Criteria in the Assessment of Philippine Literat;ue sa· akda ng samotsaring pangyayari o impresyon sa personal na buhay ng
in English," Tenggara 14 (1986): 103-09.
isang nobelista o makata.
12. Demetillo, "Criteria in the .. . " Sa aking panayam, nais kong bigyang-limitasyon ang pagtalakay sa
13. Ophelia Alcantara Dimalanta and Virginia Mata, Philippine Contempor~ry . • el ng mambabasa tungo sa
pamamag1tan ng pagpapako ng atens1yon sa pap
Literature in English: Tradition and Change (From the 20s to the Present) , (Manila: . . .d l · king sanaysay na makabuo
paghkha ng kahulugan. Samakatwi , ayunm ng a
University of Santo Tomas Press, 1985), iv. . alang-alang sa maha1agang
ng isang kapani-paniwalang teoryang magsasa
buo ng mga kahulugan ng
14. Alcantara Dimalanta and Mata. papel na ginagampanan ng mambabasa sa pag d kt
. . kakaroon ng sumusuno na estru ura
15. Ophelia Alcantara Dimalanta, "The Poet in Todays Society," CETA]oumal akda. Sa gamtong tunguhm, -~ag . . k kun bakit nagkaroon ng
O
5 (1988) : 51-56. ang talakay. Sa umlng bahag1, ipahhwanag gap sa kamalayan ng
16. Alcantara Dimalanta and Mata, 103. balakid sa pagsisikap na pahalagah~n ang n;rg~: ikalawang seksiyon,
17. Gemino H. Abad. The Space Between (Quezon City: UP Press, 1985).
tnambabasa sa panahong binabasa mya ~ng a a. paglikha ng kahulugan:
t~ 1· . b b sa sa. 515tema ng-ka ang tinatawag na
..,ta akaym ang papel ng mam a a
18 Ge ·
of Filiplno p:;~;
H Abad and Edna z. Manlapaz, eds. Man of Earth: An Anthology
~d Verse from English 1905 to the Mid-50s (Quezon City: Ateneo
de Manila University Press, 1986) -
·1
1 an sa mga .kategoryang tutu .
·
intertekstuwalidad, ang mam a
kuym ang w1 •
b b sa b1langsu
b"ect at ilan pang kaisipan. Sa

bukal ng tradisyonal na kritisismo ,
susunod na dibisyon, pagbabahkan ang

• Unang inilathala sa Mithi 20 (1989).


476 Ang Dagba88 Bilang Deglikha 4Tl
ID. PegbBM para M Konlebto, KoMCplo, at

lalong-lalo na yaong naganap sa nobela at ipakikita ang pinag-ugatan n Robert P:nn ~~rren at iba pang kritikong Amerikano. Sa doktrinang
teoryang nagsasaalang-alang sa bunga ng akda sa buhay ng mambab g formalis~iko, higit na pinahahalagahan ang teksto-ang partikular na anyo,
A~g ~ahuli-hulihang paksa ay tatalakay sa binubuong teorya ng pagbas::: . nyo , 1mahen• tono , punto d e b.1sta mto.
d1se · Karaniwang sinusuri ang teksto
pmamog sa pangangailangang muling ibalik ang mambabasa sa sistema n bilang _likhang tiwalag sa sumusunod na mga kategorya-lipunan,
. "kan na mal aon nang nagtakwil sa kanya.
pamt1 g ideoloh1ya, tala~buhay_ ng ~nunulat at mambabasa. Ang isang kritikal na
konsepto sa gamtong h1Stonkal na pananaw ay nag-uugat sa paniniwalang
Ilang Balakid sa Pagpapahalaga sa Mambabasa walang papel ang kaalaman hinggil sa buhay ng isang may-akda o ang
pagtanggap sa akda ~g kamalayan ng mambabasa sa pagpapaliwanag sa
Ang unang balakid sa pagbabalik ng mambabasa bilang importanteng kahulugan ng akda; tmawag ang ganitong maling pagsali ng manunulat at
sangkap sa pagbuo ng kahulugan ay matatagpuan sa kolonyal na konteksto mambabasa n_a intentional fallacy at affective fallacy.
kanonisadong teorya at kritisismo. Ang salitang "kanonisado" ay
1pmakakahulugan dit~ bilang sagrado, banal, iginagalang, at samakatwid, Sa gayon, naniniwala ang kritikong nahasa sa ganitong pagsusuri na
makikita ang obhetibong kahulugan ng akda sa pamamagitan ng maingat at
makap~ngyarihan sapagkat di-pangkaraniwan. Sa aking pagsusuri, ang
masusing pag-aaral sa panloob na mga katangian ng akda na sumusunod sa
kanomsadong teorya at kritisismong namamayani sa kasalukuyan sa
Hang batas at alituntunin. Nagkakaroon lamang ng transaksiyon ang kritiko
maraming larangan ng panitikan sa bansa ay nagtataglay ng malinaw na
at ang tula; halimbawa, si Cleanth Brooks at ang tulang "Ode to a Grecian
kontekstong kolonyal. Nangangahulugan na ang argumento ng aking
sanaysay ay ang sistemang kanonisadong nagkaugat sa isang kolonyal na Urn" niJohn Keats. Sa praktikal na aplikasyon sa Pilipinas, ilang halimbawa
nakaraang may ugnayan ang Pilipinas sa Kanluran-isang relasyon ng . ang mga pagsusuri nina Ricaredo Demetillo (sa tula sa Ingles) at Leonard
dominasyon at subordinasyong nagsangkot sa lahat ng bahagi ng lipunan, Casper (isang kritikong Amerikano na nag-aral ng panitikan sa Ingles).
lalong-lalo na sa kultura. Sa madaling salita, may antagonismong Sina Bienvenido Lumbera at Virgilio Almario ay dalawa lamang sa mga
namamayani-ang katutubo laban sa banyaga, ang katutubo at tradisyonal nagsipag-aral ng katutubong panitikang naimpluwensiyahan ng Formalismo,
na kritikong aral sa mga teorya ng panahong klasikal at romantiko sa Europa lalo na sa dekada animnapu.
(mga aklat sa Kastila na salin mula sa mga kritisismong galing sa Gresya, Kolonyal ang teksto ng Formalismo sapagkat isang programang layunin
Roma, edad media sa Europa at neo-klasisismo at romantisismo sa lamang ng paliwanag ang ginamit bilang pamantayan sa pagtaya sa
ikalabinlima at ikalabinsiyam na dantaon sa Europa) laban sa kr4isismong katutubong panitikan-sa Ingles o sa Filipino. Sa Kanluran, lumitaw ang
naghari sa Amerika at Inglatera sa mga panahong 1940-1960. Bahagi ng Formalismo bilang reaksiyon sa impresyonistikong pagsusuring nagaganap
ganitong antagonismo ang wikang ginagamit-ang Filipino na sinandigan noon; kabilang sa nilabanang sistema nito ang sosyolohikal, moralistiko,
ng tradisyonal na kritiko, at ang Ingles na ginamit ng mga kritiko (Filipino his.torikal na pananaw na nagsuri sa lahat ng bagay maliban sa aktuwal na
man o dayuhan) na siyang sumulat ng mga aklat at sanaysay na kakikitaan teksto. Bukod dito, ang pagsulpot ng Formalismo ay higit na nakaugnay sa
ng pagpasok ng makabagong mga kaisipan hinggil sa panitikan. mga puwersang historikal at sosyolohikal na bumu? sa lip~na~ sa Kanluran
Sa higit na partikular na pagsusuri, makikita ang isa pang balakid sa sa unang hati ng ikadalawampung siglo-ang mdustnyahsasyon, ang
uri ng kritisismong nangibabaw sa dalawang pangkat ng mga kritiko-ang dalawang digmaang pandaigdig, ang pamamayani ng agham, ang pagkawala
mga Formalista na naunang nagsulat sa Ingles at sumuri sa mga akdang ng mala-Diyos na kalagayan ng tao, ang naghaharing indibidwalismo, at
naisulat sa wikang banyaga, at ang mga kritikong sosyolohikal/historikal na marami pang masasalimuot na pangyayari sa kasaysayan.
nag-aral ng mga akda sa katutubong panitikan mula sa isang perspektibang Sa malalim na pagsusuri, makikita natin na ang ironya, ang
tumanggap ng impluwensiya ng Marxismo, isang makapangyarihang sistema impersonalidad, ang angst, ang pagkalulong sa ka~alan, ~ng preokupasy~n
na maimpluwensiya sa paghubog sa kamalayan ng maraming kritiko. sa obhetibismo, ang pag-iwas sa emosyon at sentimentahdad, ang pagp1ga
1
Unahin natin ang Formalismo na dumating sa Pilipinas noong sa mga imahen ang matinding takot sa personal na ugnayan, ang
ikapitong dekada sa paglitaw ng mga pagsusuring malinaw na nabahiran pagkabilanggo ~g makata sa toreng garin~ na ikinawala ng kanyang
ng doktrinang hango kina Cleanth Brooks, Percey Lubbock, Marek Scherer, komunikasyon sa kapwa, ay maiuugnay, sa hulmg pagkukuro, sa kasaysayan
Ir

478
ID. Pagbaga para M Kontcksto, KoMepto, al Ang PeghMR Bilang Deglikha
479
--c_

at lipunan, na ginigimbal ng malalalim na karanasang ayon nga kay Willi konseptong ang mam~abasa _ay kailangang imulat sa mga kontradiksiyon
Butler Yeats ay, "The center cannot hold." am
ng lipunan; sa
. . madalmg
. sahta,
. pumasok ang publi'k o b'l
1 ang mga taong
. ~agmula rin sa Formalismo ang panibagong suporta para sa tagisan kailan_gang gismgm sa kam~an~ kalagayang api; malinaw din sa ganitong
ng eht1sta at "bakya." Hindi ko sinasabing sa Forrnalismo lamang nagmula histonkal na pananaw na hmdi _sapat ang maglarawan; kailangang usisain
ang lahat ng kaisi~ang pinaikot sa ganitong distinksiyon ng panitikang ng akda ang mga karanasang pmag-ugatan nito sa lipunan. Ang mahusay
d_apat _p~g-aralan at lturo sa mga unibersidad. Masasabi natin na ang ganitong na akda ay yaong naglalahad ng kontradiksiyon ng lipunan na sinusuri sa
s1mphp1kasyon ay nagmula rin sa ating kolonyal na kondisyon; ang katutubo isang obhetib~ ~t siye~tipiko~g pamamaraan. Hindi sapat na tukuyin ang
ay hindi nararapat pag-aralan o ituro sa mga kurso sa panitikan samantalang tema ng pag-1b1g ng 1sang bmata at dalaga. Ang nararapat ay itapat ang
dapat lamang na isali sinaJose Garcia Villa, Arturo Rotor, at Manuel Arguilla, ganitong relasyon sa mga ugnayang panlipunan.
halimbawa, sa mga kurso sa Philippine literature. Sa pananaw na Ano-ano ang mga implikasyon ng ganitong mga paniniwala sa papel
Formalistiko, lalong tumibay ang paniniwalang nararapat na gawing ng mambabasa? Una, nagkaroon ng pagkiling para sa mga akdang realistiko-
pamantayan ang mga katangiang hinahanap ng Forrnalismo sa mahusay na ang kalakarang nagtutulak sa isang manunulat upang masinsinang suriin
akda. Kung kaya, sa rnga pagsusuri ng mga kritikong Forrnalista sa mga ang mga karanasang panlipunan at ilarawan ang mga ito sa panitikan. Ang
katutubong tula, kuwento, nobela, namayani sa kanilang pag-iisip na mahina indibidwal sa kanyang pakikipag-uganayan sa buong lipunan ang dapat
at walang kuwenta ang rnga akda ng hindi kakikitaan ng naturang mga pagtuunan ng pansin ng ganitong akda. Ang mga nobela ni Balzac sa
katangian. ltinapon sa labas ng kanonisadong akda ang mga likhang Pransiya ang rnodelo ng ganitong pananaw. Sa gayon, malakas ang paniniwala
sentimental, nangangaral, gumamit ng de-kahong wika, walang ironya, hindi na ang panitikan ay salamin o repleksiyon ng buhay; kung malalim ang
gurnagarnit ng sariwang imahen; ang anumang kumbensiyonal at tradisyonal pagkakabaon ng akda sa ganitong paniniwala, higit ang kahusayan nito
na hindi pumasa sa panlasa ng mga kritikong makabago ay tinayang hindi kaysa akdang walang pagtatangkang maging salamin ng mga kontradiksiyon
karapat-dapat na ibilang sa mahuhusay na katha. sa lipunan. Samakatwid, ang isang pananaw o kalakaran ay ginamit na
Subalit dapat isipin na ang akdang naturan-ang mga tula nina Jose naman upang rnaging bukal ang pamantayan. Sa ganitong pangyayari, walang
Corazon de Jesus, nobela ni Fausto Galauran, kuwento ni Hilaria Labog- pagpapahalaga sa mga akdang itinuring na di-realistiko-romantiko,
ay panitikang popular sapagkat malaon nang tinanggap ng libo-libong eskapista, se~timental, pantastiko-mga akdang walang gaanong batayan
marnbabasa. Sapagkat hindi kinilala ang n;iga ito bilang mahusay na sa tunay na buhay.
panitikan-sa sistema ng Forrnalismo-tumindi ang impresyon na ang mga Pangalawa, sa ganitong paghahari ng realistikong pamantayan, muling
ito ay "bakya"; ang popular, samakatwid, ay "bakya." Hindi naunawaan ng pinagkibitang-balikat ang mga akdang popular na karamihan ay hindi
ganitong pananaw, at ng mga kritikong tumahak sa landasing Formalistiko, nangahas tumukoy sa nag-uumigting na tagisan ng puwersa sa lipunan
na ang ugat ng mga akdang popular ay matatagpuan sa uri ng lipunang sapagkat nagkasya sa paglalarawan ng pagkawala ng pagmamah~l _ng is~ng
ginagalawan ng mga manunulat at ng publiko, sa uri ng mga kumbensiyon binata sa isang dalaga, 0 ng mga pagtitiis ng isang ina, on~ pagh1h1ga~t1 ~g
at tradisyonal na paraan ng pag-unawa sa realidad na malaon nang isang nilalang na naunsiyami sa pag-ibig. At sa g_a~ilong ~agtmgm,
nakarnihasnan ng mga tao, sa paraan ng distribusyon ng mga akda sa nakondena ang mga mambabasa na mahilig na bm~1!1 ng gamtong mga
magasing kornersiyal, ang kadahupan sa kaalaman ng sining ng pagsulat lathalain, bilang pasibo, walang alam, ignorante, at mah1hg tumakas sa bu_haY:
ng mga manunulat. Sa ganitong negatibong pagtaya, lalong umigting ang Itinuturing ng ilang kritikong Marxista na ang mambabasa ay hmd1
kontradiksiyon ng panitikan sa Ingles-mahusay, masalimuot, malalim-at dumaranas ng kahit anong proseso sa kamalayan sa kanilang pagbabasa ng
Filipino-simple, mahina, superpisyal. Sa gayon, nabaon sa kamalayan ng ipinalalagay na walang kawawaang panitikang popular. Sa gayon, maba?a
rnararning rnag-aaral na talagang may pagkakaiba ang mga akdang naturan ang turing ng Marxistang pananaw sa akdang popular a_t sa mga taong d1to
sang-ayon sa mga pamantayan ng kasiningan at kabuluhan. ay "nagugumon" sapagkat pinatitibayan ng bawat 1sa ang kawalang-

.
Kung sa kritisismong Formalistiko ay nabalewala ang mambabasa kabuluhan ng ganitong uri ng akda.
bilang bukal ng kahulugan, sa kritisismong Marxismo naman ay ibinatay sa
.L,, --
480 ill. D ~ pare 611 Koote_ll,iito. Ko1111epto. al

I t,Dg p ~ r,Uwig Daglikha


481

l
Kung ~agbabalikang-tanaw, makikita natin na ang dalawang b1·nubuo ng dalawang

sangkap·• ang si·n asag1sag · ifited) at ang nananagisag
· (s1g111
1
mahalagang s1stema ng kritiko-ang Formalismo at Marxismo-ay lumikha (signifier). Ma~ahmuot a~g m~a konklusyon ng teorya na naging hasehan
ng larawan ng mambabasa hilang indihidwal na hindi kailangang isali sa ng Estru~turahsmo suhaht sa ISang simplistikong pagtingin, makakakuha
paglikha ng kah~lugan. Bagama't pumasok ang mamhabasa sa Marxistang tayo ng ilang konklusyon. Bumuhuo ang mga salita ng isang sistema na
pananaw, karamwan namang mabaha ang tingin sa antas ng kanyang nakapaloob sa siS temang ito-tula, kuwento, o nohela-ang realidad na
kamalayan, lalong-lalo na yaong mamhahasa na namihasang tumanggap ng nalikha sa pagsasama-sama ng mga partikular na salita. Sa madaling sahi,
mga akdang popular, di-realistiko, at samakatwid ay ipinalalagay na hindi ang tula tu~~kol sa puno ay hindi tumuturol sa isang aktuwal na puno sa
mahusay. ating kapahg1ran, o sa puno na maaaring nag-udyok sa makata, halimhawa,
Sa ganitong mga pananaw, hindi gaanong nagtuon ang kritiko ng _sijose Corazon de Jesus, upang sulatin ang "Punongkahoy" 0 sa anumang
atensiyon sa mga teoryang pinagmulan ng kanilang mga kritisismo. Batid partikular na puno na nahuhay, nahuhuhay, o malaon nang namatay. Ang
nila ang praktikal na aplikasyon ng pagsusuri suhalit madalas na hindi puno sa tula ay tumutukoy sa realidad ng puno sa !ooh ng partikular na
malinaw ang batayan ng ganitong pagsusuri-ang mga ahstraktong kaisipang tula; ang buhay at dinamismo ng tula ay nakasalalay mismo sa pagkakaugnay
pinagmulan ng ilang prinsipyo sa analisis. Kung tutuusin, hindi isang sistema ng mga elemento sa loob ng tula.
ng teorya ang Formalismo sapagkat isa itong paraan ng pagdulog. Suhalit Sa ganitong pananaw, maaaring tanggapin ang kaisipan na ang wika
ang Marxismo ay kakaiba sapagkat may tinatawag na teoryang Marxista na mismo ang pook o lugar ng pagtatagisan ng maraming kahulugan. Batay
unang hinango sa mga sinulat nina Marx at Engels, Lenin, Trotsky, Mao naman ito sa paniniwalang ang wika ay hindi isang sistema na madaling
Zedong, at nina Georg Lukacs at Lucien Goldmann, Louis Althusser, at maunawaan, at kusang nagpapahayag ng malalalim na kahulugan; hindi
maging si Pierre Macherey, at iha pang kritikong banyaga. ito transparent sa madaling salita. Mahirap itong sukulin at mahirap ding
Ating mahihinuha na walang gaanong hilig ang mga kritiko na suriin pasukuin upang ilitaw ang wastong kahulugan ng mga salita. Sa pagsasanih
ang basehan ng mga teorya-isang kalakaran hindi lamang sa Pilipinas ng mga salita sa pagbuo ng pangungusap, sa pagsasanih ng mga pangungusap
kundi maging sa Estados Unidos at sa lnglatera. Sa mga akda ng mga upang bumuo ng talata, sa pagsasama-sama ng mga talata upang humuo ng
Europeo-Aleman, Pranses, at Ruso-matatagpuan ang sistematikong kabanata· !along nagiging masalimuot ang proseso na kakikitaan ng
pagpapaliwanag ng mga hatayang teoretikal ng kani-kanilang mga sistema pagtatagisan, "pag-aaway" ng iha't ihang kahulugan sa hawat pagbahagong
ng paniniwala hinggil sa panitikan. Sa paningin ng indihidwal na naturan, nagaganap sa sistema. Sa pananalita nga ng ilang makahagong pilosopo,
kailangang ipaliwanag ang batayan ng teorya sapagkat ang konklusyon ng ang teksto ang isang pook ng "walang katapusang paglalaro" na ang mga
isang pagsusuri ay kasinghusay lamang ng paraan ng pagpapaliwanag sa salita mismo (the pr~sence) ay naikokondisyon ng mga patlang, mga espasyo
kultura at kabuluhan ng teorya. Sa madaling salita, maraming teoryang at mga puwang na siyang dahilan kung hakit may lumalahas na sistema ng
mahubuo sa pagpapaliwanag ng isang grupo ng penomena. Ang bisa at kahulugan sa akda. 2
kahuluhan ng teorya ay nakasandig sa sistematiko at lohikal na Pinasusubalian ng ganitong di-kumhensiyonal na teorya ng wi~ ang
pagpapaliwanag ng mga prinsipyong sinusundan sa isang antas na ahstrakto. nakamihasnang paniniwala na ang wika ay instrumento/ahente/s1s1dlan
lamang ng mga realidad na nasa !ahas ng wika, na naririyan na ang mga
Ang Paglikha ng Kahulugan realidad at ginagamit lamang ang wika upang usalin o ipa~ayag ang ~alaon
Dalawang mahalagang konsepto ang dapat linawin sa bahaging ito nang nalikhang realidad. Sa teorya nina de Saussure, m1smong wika ang
upang mabatid natin ang prosesong nagaganap tungo sa pag-unawa. Uunah~n lumilikha ng realidad-ang partikular na tula, o nohela, o ~uwent?. Sa
natin ang konsepto ng "teksto," ang akda na hinuhuo ng mga salita. Bat~d ganitong pagtingin sa makapangyarihang puwersa-ang w1ka-:-bilang
natin na ang mga salita ay nagtataglay ng maraming kahulugan batay na nn manlilikha pinasusuhalian na rin ang kaisipang ang akda ay palagmg may
sa pagkakagamit sa mga ito. Ayon sa pag-aaral ni Ferdinand de Sassure katapat na 'realidad sa !ahas nito-ang teorya ng repleksiyon sa realismo.

.
(1959) at ilan pang eksperto sa wika, ang mga salita ay sagisag (sign) na Bukod dito, nilalabanan ng ganitong pananaw ang isa pang kumbensiyonal
na pag-iisip-na ang akda ay may taglay na isa o dalawang kahulugan na
....,.
-'-
482 ill. p ~ para 118. Kootebto. Ko1111epto. at Ka&aygayao /IDS PagbaM Bilang Paglikha 483

madaling mahug~~mabunot/makuha/matagpuan sa akda. Batay ang ganitong ang k~nyang isipan upang balikan ang mga nakaraang kaisipan, upang
pananaw sa pammwala na nagtatago o nagsusumiksik sa akda ang isa 0 hangum ang nakabaong mga imahen o emosyong nalikha/naantig sa
dalawa~g kah~lug~ng inilagay/inilatag/isinangkap dito ng may-akda nang pa~babasa ng n~unang mga akda. Ang reaksiyon ng mambabasa sa isang
kanya ltong h~~am. Sa makabagong teorya, hindi isang parasito ang pehkula o k~miks O tula ay nagagani.p sa isang partikular na espasyo na
mam~abasa/knuko na lubusang nakasandig o umaasa sa mayamang ang samotsanng alus~on at reperensiya ng nakaraang pagbasa ay muli't muling
orgamsmo, ang akda, upang mabuhay. Ang kritiko/mambabasa ay buong lumitaw upang makipag-ugnayan sa mga alusyon at reperensiyang taglay
layang lumilikha ng mga kahulugan sa kanyang pagbabasa ng akda. ng kasalukuyan.
Pupunta na tayo sa ikalawang kategorya, ang mambabasa. Sa At sa kanyang patuloy na pagbabasa, sinusundan ng indibidwal ang
kumbensiyonal na pananaw, katulad ng natalakay sa unang bahagi ng aking mga salita sa mga pahina; hindi niya sabayang iniisip ang maaaring
panayam, ang mambabasa ay tinitingnan bilang pasibo, walang tutol na kaugnayan nito sa tunay na daigdig. Higit na pinadadaloy nito sa kamalayan
tagatanggap lamang ng mga bagay-bagay na taglay ng akda. Siya ay ang mga impresyong nalilikha sa partikular na segundo at minutong
indibidwal na walang lakas o kapangyarihang tumugon o sumagot o makipag- sinusundan niya ang isang tula o isang kuwento , at aktibo siyang humahanap
ugnayan sa isang malikhaing paraan sa masalimuot na sistema-ang tula 0 ng kahulugan sa pagsasama-sama ng ganitong partikular na mga salita at
nobela. Wala siyang ginawa kundi tumanggap lamang ng mensahe ng pangungusap. Sa madaling sabi, realidad sa loob ng akda-dinamiko at
likhang-isip, at sa ganitong pasibong reaksiyon, madali siyang mabaon sa pabago-bago--ang pinagpapakuan ng kanyang atensiyon kung kaya't waring
anumang ideolohiyang nagbigay-hugis sa panitikan. Kung kaya't nawawala siya sa kanyang pisikal na kapaligiran, at maging ang pagdaloy
napakadaling isipin na ang mambabasa, sa ganitong pagtingin, ay tulad ng ng panahon (isang mahalagang dimensiyon) ay hindi na niya napapansin.
robot-walang pag-iisip, walang kamalayan, walang damdamin. Buhos ang kanyang atensiyon sa realidad na patuloy na nililikha sa loob ng
Subalit sa maraming teorya sa kasalukuyang panahon, lalong-lalo na akda; isa itong patunay na hindi makatwirang suriin ang akda bilang isa
yaong binubuo sa Alemanya at sa Estados Unidos, hindi na ganito ang lamang repleksiyon ng mabibigyang-kantidad na realidad-ang obhetibo
larawang lumilitaw hinggil sa mga nagaganap sa mambahasa habang binabasa at empirikal na mga da_tos at penomena. Mahalagang isipin ang nagaganap
niya ang akda. Komplikado ang marami sa mga kaisipang nililinang nina sa damdamin at sa imahinasyon ng isang mambabasa sa akto ng pagbabasa;
Norman Holland, Wolfgang Iser, Hans Robert Jauss, Stanley Fish, Jane hindi Iamang ang kanyang isipan ang isinasangkot sa isang pagbasa. Ito
Tompkins, halimbawa, at iba-iba ang teoretikal na preposisyong nakapaloob ang tesis na ininugan ng mga pagsusuri ni Norman Holland, isang kritikong
sa kani-kanilang mga teorya. 3 Subalit muli, maaari tayong makahugot ng gumagamit ng mga kaisipang hango sa sikolohiya sa kanyang
ilang makabuluhang kaisipang makatutulong sa pag-unawa kung ano nga pagpapaliwanag ng transaksiyon ng teksto at mambabasa (Holub 1984).
ha ang nagaganap sa kamalayan ng mambabasa sa sandaling hawakan niya Isa pang makabuluhang kaisipang hango naman sa pilosopiya, at
ang teksto. lalong-lalo na sa pagsusuring ermenyutika, ang nagsasaad na ang pag-unawa
Isang mahalagang konsepto ang nakabatay sa paniriiwalang aktibo at sa kahulugan ng akda ay isang prosesong nagaganap sa !ooh ng isang
dinamiko ang pagtanggap ng mambabasa sa akda. Sa madaling salita, komplikadong sistemang binubuo ng maraming antas. Sa mga aklat nina
maraming masasalimuot na pangyayari ang nagaganap sa isipan ng tao hindi Hans Gadamer at E.A. Hirsch, halimbawa, tinatalakay hindi ang relasyon
lamang sa mga sandaling binabasa niya ang akda; ang proseso ng paglikha ng mambabasa at ng akda , kundi higit na mahalaga, ang prosesong
ng kahulugan ay hindi nasisimulan sa aktuwal na panahon lamang ng nagbibigay-daan sa makabuluhang pag-unawa-ang mga hakbang na
pagbasa kundi sa higit na maagang panahon. Sa pagbabasa ng isang tao sa dinaraanan sa pagbibigay-kahulugan sa tek~to . Dito'. binibigyan ng
mga salita sa pahina, marami-rami na siyang naunang nabasa na siya~g kaukulang pagpapahalaga ang aktuwal na kon~1s~o_n ng mterpretasyon-
magbibigay-hugis sa kasalukuyan niyang pakikitunggali sa mga salita. Baud ang estado ng mambabasa, ang kanyang sub1ect1v1_ty, an~ kany~ng mga
na niya ang mga kumbensiyong kinapapalooban ng isang tula o nobela subhetibong pamamalagay at pagkiling, ang lugar mya sa 1sang s1~temang
sapagkat nakapagbasa na siya at mayroon na siyang mga inaasa_h~n: ideolohikal. Ilang tanong sa ganitong pag-unawang ermenyuuka ang
matatagpuan sa akdang kanyang hawak. Sa ganito, malinaw na kum1kilo sumusunod: Sino ba ang nagbabasa? Gaano ba siya kalapit o kalayo sa
I

484 ID. Pi,gbMa para III Kooteuto, Kouepto. al 1<aaayaayao


I
! NJfJ Pngbua Bi1aog Peglikha
485

kanya~g binabas~ (sa panahon)? Anong uri ng interpretasyon ang posible? Bagama't malinaw na ang akda ay makabuluha n sa pana h ong 1to
. ay
Ma~an ~ang mak1ta pa ang orihinal na kahulugan ng akda o ang kahulugang unang I~mabas--panahon ng liberation na nangangailangan ng mga Pilipino
nakita nto ng unang nagbasa?
(mga gmto ~a tulad ng mga bayani sa Makiling) na tunay na handang
. Sa ilang t~orya, hindi lamang ang ugnayan ng teksto bilang subject magpakas.aki~ ~ara sa bayang nakagulapay, malinaw rin na ang pagbasa rito
ang tinutukoy; pmahahalagahan din ang papel ng kasaysayan at lipunan sa ng isang mdibi~wal sa dekada otsenta ay maikokondisyon din hindi ng
paglikha ng _ka~u~ugan. Sa gayon, higit na lumalawak ang konteksto ng mga pangyayann~ naganap na-ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig-
un_gayan ng md1b1dwal at ng daigdig at ng teksto. Makikita ang ganitong kundi ng masasahmuot na pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran sa
un ng teorya sa mga kritikong Aleman na batid nating nalahiran ng kasalukuyan. Samakatwid, ang kahulugan ng akda noong araw, bagama't
mambabasa at panitikan, kanilang tinutukoy ang pagsasalubong ng aktuwal maaari pa ring gumitaw sa isipan ng kasalukuyang mambabasa, ay maaaring
na pagbabasa ng teksto at ang kahulugang taglay nito, at ang kanila pang dumaan sa isang transpormasyon dahil na rin sa maraming antas ng
inaasahan mula sa teksto batay sa kanilang mga ekspektasyong nabuo dahil pagbabago-ibang mambabasa, ibang konteksto, ibang kalagayan ng bansa,
sa nauna nilang mga akdang nabasa. Tinatawag itong horizons of expectations at iba pang sangkap.
sa turing ni Hans Robert Jauss (Hlub 1984, 56-61). Maaari ding suriin ang Isa pang halimbawang nababangit ang Florante at Laura ni Francisco
panitikan sa isang diakronikong paraan sapagkat ating makikita kung Baltazar. Ang interpretasyon dito ay yaong namamayaning kahulugan-
paanong ang isang akda na .positibong tinanggap sa isang partikular na ang tula bilang protesta Iaban sa mga Kastila. Subalit batid natin na sapagkat
panahon ay maaaring tanggapin sa negatibong paraan sa ibang panahon. maraming perspektibang magagamit, lalong-Ialo na ngayon, marami ring
Susuriin dito ang pagbabago ng pamantayan at panlasa sa pagdaraan ng interpretasyon ang maibibigay sa klasikong tekstong ito. Nariyan ang mga
panahon. lsang halimbawa ang nobelang Madame Bovary ( 1856) ni Flaubert pagsusuri nina Bienvenido Lumbera, Lucila Hosillos, Epifanio Sanjuan Jr.,
na noong unang malathala ay hindi pinansin sa Pransiya subalit sa Isagani Cruz, at iba pang kritiko. Si Balagtas ay patuloy na babasahin at
kasalukuyang siglo, itinuturing itong klasiko. susuriin sapagkat bawat henerasyon ay makalilikha ng sariling kahulugan
Upang mapalinaw ang talakayan, nais kong gumamit ng ilang ng teksto. Isa itong malinaw na patunay na ang mambabasa ay may layang
halimbawa upang makita ninyo ang praktikal na konsiderasyon kaugnay lumikha ng kanyang kahulugan batay sa kanyang pagkaunawa sa teksto at
ng mga abstraktong kaisipang aking 11¾'-ibigay. Sa pagbasa ng Ang Ginto sa sa kanyang kalagayan sa kontekstong historikal.
Makiling ( 1947) ni Macario Pineda, ang reaksiyon ng isang tao ay nababatay
sa kanyang kaalaman hinggil sa matulaing alamat ng Makiling. Samakatwid, Ang Mambabasa sa Kritisismong Tradisyonal
bago pa man niya basahin ang nobela, nasa utak na niya ang isang uri ng Sa unang bahagi ng aking sanaysay, tinukoy ko ang mga balakid sa
konteksto-mga imahen at alusyong tumuturol sa diyosa sa bundok ng pagpapahalaga sa mambabasa. Subalit makatwirang itanong kung ano nga
Makiling, ang kaugnayan nito sa mga karaniwang nilalang, ang sanlibo't ha ang papel ng mambabasa bago dumating ang mga makapan&?'a~hang
isang reperensiyang taglay ng katulad n~ mga kuwento. At sa kanyang sistema ng pagsusuri-Formalismo at Marxismo. Ano ang tmgm sa
aktuwal na pagbasa sa nobela, makikita niya kung paano ginamit ng may- mambabasa, sa madaling salita, sa tradisyonal na kritisismo?
akda ang alamat sa kanyang nobela. Dalawa na ang antas ng isang konsepto-
Batay sa isang pahapyaw na pagsusuri at batay na rin sa aking pag-
ang antas na mala-alamat at ang antas na binubuo ng mga aktu';a_I na
aaral sa mahigit na tatlong daang nobela (mula 1905-1975), may Hang
pangyayari sa nobela. At sa pagbasa pa niya sa kabuuan ng nobela, h1g1t na
malilinaw na indikasyon na mahalaga ang papel ng mambabasa sa
Iumalawak at Iumalalim ang kanyang pag-unawa na ang alamat at ang
pangunahing kritisismo sa loob ng panahong nabanggit.• ~na, sa ~ga
kuwento sa nobela ay may nililikha pang salaysay na pinaiinog sa isang
pagpapakilala na sinulat ng mga batikang nobelistang tula~ mna Francisco
makabuluhang temang nalikha sa Ioob ng nobela. Sa gayon, nagsama-sama
l.aksamana Lope K Santos lfiigo Ed. Regalado.Juan Arsc1wals, at sa serye
na at pinayaman ng mga antas ang nilalaman ng nobela-ang laman at
ng lathalai~ ng Surian ng 'wikang Pambansa noong ikalimang de~ada,
dugo, at buto nito.
malinaw na pinahahalagahan ng mga manunulat ang mambabasa. Malmaw
I ,,..,,-----

486 NJ& Pegbasa Bilaog Daglikha 487


!JI· DagbMa para 88 Kontebt.o, Konsept.o, at

itong ~akikita sa pag-uukol ng ilang pananalita na inihahandog sa Bayang !along titingkad a~g tagis~n ng masama at mabuti sa mga akda; kaalinsabay
Marahta/Sambayanang Pilipino/Kapwa Pilipino; kinakausap ng mga nito _a~g paggamit ng w1ka na waring inuusal ng isang guro o pari na
manunulat ang bayan bilang publikong babasa ng mga akda. Pangalawa nagb1b1gay ng sermon. ?unga ~i~o ay ang paiba-ibang punto de bista,
isang makabuluhang argumento sa panahong ito (1905-1940) na ang nobel~ at ang pagkakaroon ng 1ba t 1bang t1mg na nagsasalita sa nobela.
ay nararapat tingnan bilang bukal ng mga aral na maaaring pagbungahin sa Sa ganito~g- ~uperpisyal na pagtalakay sa papel ng mambabasa sa
buhay ng mga mambabasa. Ang aral ay maaaring mapagbunga sa personal tradisyonal na knt1S1smo, mahihinuha nating ang anumang teorya ng nobela
na buhay ng mambabasa (sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang pamilya ay kinakailangang magbalik-tanaw sa kalipunan nglathalaing nasulat noong
at mga kaibigan, sa kanyang pagsisikap na mapanuto.) Maaari din naman nakaraang panahon.
itong pagbungahin sa isang higit na pulitikal na paraan-sa pagmumulat sa
mga tao sa katotohanan ng pang-aapi ng mga Amerikano, sa Konklusyon
pangangailangang kumilos para sa tunay na kalayaan, at iba pang kaisipang
sumasakop sa realidad na pulitikal sa bansa. Sa harap ng natalakay na mga kaisipan, makabubuting magmungkahi
tungkol sa maaaring mabuong teorya upang maibalik sa mambabasa ang
Sa pagdaraan ng panahon, nagkaroon ng modipikasyon ang maselan at mahalagang tungkulin sa sistema ng pagbibigay-kahulugan.
paglalahad ng mga kapakinabangang makukuha sa pagbabasa ng nobela.
Una, sa pagbuo ng teorya ng kahulugan, nararapat lamang idiin ang
Para sa nobelistang tulad ni Fausto Galauran, sinusulat ang mga nobelang
mahalagang papel ng mambabasa. Bukod dito, kailangan ang isang
nagtatampok sa mga katutubong gawi at kilos upang labanan ang pagpasok
sistematiko at masusing pag-aaral ng mga sangkap na bumubuo sa ugnayan
ng modernisasyon. Sa kanilang mga sanaysay, ipinaliliwanag ng mga nobelista
ng manunulat, ng teksto , at ng mambabasa, Sa ganitong pag-aaral, kailangang
kung bakit pinagtutuunan nila ng pansin ang mga pagkakaiba ng bukid at
balikan ang mga artikulasyong ginawa na ng mga kritiko at manunulat na
lungsod, ng babaeng taganayon at ng society girl, ng makabago at tradisyonal.
Pilipino hinggil sa ipinalalagay nilang wastong ugnayan ng mambabasa at
nais lamang nilang magamit ng mambabasa ang kanilang mga akda sa
ng teksto.
pagtahak ng landasin na kinagawian na ng mga ninuno. Sa bahagi ng
kasaysayan ng nobela na kinakitaan ng pagpasok ng higit na kabataang Pangalawa, hindi makasasama sa pagsisikap na makabuo ng teorya
nobelista sa dekada pitumpu, patuloy pa rin ang malaking pagpapahalaga ang pagbaling sa Kanluran at paggamit ng ilang makabuluhang kategorya
sa mga mambabasa sapagkat buo na ang tradisyong moralistiko/didaktiko na kanila nang nabigyang-katuturan sa konteksto ng sarili nitong
na pinasimulan noon pa mang unang dekada. Ang nobela ay lumalabas pangangailangan sa teorya at kritisismo. Hindi nangangahulugang ang kritiko
bilang bukal ng aral at aliw para sa libo-libong mambabasa nito sa Liwayway, ay sasandig sa teoryang Kanluranin lamang sapagkat ang ganitong gawi ay
Aliwan, o Bulaklak. makasasama sa ating panitikan. Muling magaganap sa kritisismo ang mga
negatibong bunga ng walang katuturang paghiram ng mga kategoryang
Ang ganitong pagdidiin ng ugnayan ng teksto at mambabasa, ng papel
Formalistiko. Mahalagang timbangin ang magiging posibleng bunga ng
ng mambabasa bilang guro at pari, at tinig ng lahi ay makapagpapaliwanag
paggamit ng mga konsepto sa pagsusuri ng sariling mga akda. Mga proseso
kung bakit nagtaglay ang nobela ng sumusunod na mga katangian:
at sistema at pamamaraan ang makatwirang gawing huwaran sapagkat waring
moralistikong pananaw, manipis na karakterisasyon, kawalan ng lohikal ~a
dito may kakulangan sa sariling kritisismo.
pag-aayos ng mga pangyayari, paggamit ng wikang lubhang madamdam1~
at "mabulaklak" at iba pang aspektong madalas maging dahilan kung bakit Panghuli , ang teorya ng kahulugan ang nararapat tumulong
negatibo ang reaksiyon ng mga makabagong kritiko sa anyong natu~an. magpaliwanag kung bakit ganito ang mga Jandasing tinahak n~_nobela. Sa
Sapagkat kailangan nilang magturo, hindi kinailangan ng mga nobehsta ganitong konsiderasyon, isasaalang-alang ang popular at de-ehtlS~~g_ugat
ang lubhang masalimuot na karakterisasyon; higit na pinahahalagahan ~ng ~t oryentasyon ng ating mga nobela. Sa pagbuo ng ~eorya, dapat 1Sa1S1p na
tema o aral na makukuha ng mambabasa sa nobela. Ito rin ang dahila~ tto ay isa Jamang sa maraming posibleng perspek_uba_ng makatutul~~g sa
kung bakit namayani ang banghay ·na kakikitaan ng maraming pangyaya~ pagpapalalim ng ating pag-unawa sa masalimuot na mstltusyon ng parut1kan.
na walang gaanong kaisahan. Sa pamamagitan ng makukulay na pangyayan,
488 ID. P~baaa para sa Konleuto. Konacpto. at Kasaysayan

Mga Tala
1. Seminal na aklat sa paksa ang kay Ferdinand de Saussure, Course in
General Linguistics (Glasgow: Fontana, 1959).
2. Isa sa mga maimpluwensiyang kritikong Pranses si Jacques Derrida.
Basahin ang Of Grammatology (1980), lalo na ang introduksiyon at paliwanag ng
tagasalin ng aklat na si Gayatri Spivak, ix-lxxxiii.
3. Bilang pagpakilala sa teorya, maaaring basahin angjane Tompkins, Reader-
response Criticism: From Formalism to Post-Structuralism (Baltimore:Johns Hopkins
University Press, 1980). Iv.
4. Soledad S. Reyes, Ang Nobelang Tagalog (1905-1975): Tradisyon at ~ilabus
Modemismo (Lungson Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1982.) Basahin
ang unang dalawang kabanata. Panitikan ng Pillpinas 110

You might also like