You are on page 1of 17

Kilates: Panunuring

Pampanitikan ng Pilipinas

By: Rosario Torres-Yu


May-akda :Rosario Torres-Yu
Lingwahe : Tagalog
Nai-publish : Quezon City: University
of the Philippines Press,
2006
Paksa : Philippine Literature and
History and Critism
Original galing sa University of Michigan
Digitize noong May 16, 2008
512 paniha
Tungkol sa May Akda:
Mga gawa ng May Akda
• Natto at bagoong: mga
sanaysay sa kulturang
Filipino’t Hapon sa
paningin ng mga Hapon
• Bayan at lipunan: ang
kritisismo ni Bienvido L.
Lumbera
•Langaw sa isang basong gatas at
iba pang kuwento
•Welgang Bayan: Empowering
Labor Unions Against Poverty
And Repression
Mga Nilalaman

I. SINASABI NILA
II. PANUNURI
III. PAGBASA PARA SA KONTEKSTO,
KONSEPTO AT KASAYSAYAN
IV. SILABUS, PANITIKAN NG PILIPINAS
I. SINASABI NILA
 Breaking trough and away
By Bienvenido L.Lumber
 Intoduksyon
By Soledad S. Reyes
 Ang Filipino sa Kritisismong Filipino
By Virgilio S. Almario
 The Nature of the Filipino Literacy Achivement
By Lucila V. Hosillos
 Ang Kritika sa Panahon ng Krisis
By Epifanio San Juan Jr.

Ang Paghuli sa Adarna: Tungo sa


IsanPamantayang Pangkultura
By Nicanor G. Tiongson
Ang Kritika sa Panahon ng Krisis
By Epifanio San Juan Jr.

“Sa gitna ng permanenteng krisis ng sambayanan, laganap


na karukhaan at paghihikahos ng nakakarami; sa harap ng
matinding kahirapan ng mga manggawa’t pesante, ng mga
militarismo at low-intensity warfare ng mga dayuhan,
maitatanong natin: Hindi ba isang may- kalabisang luho
ang papuri nating ginagawa para sa ilang libro? Ano ang
silbi ng sining sa harap ng nakaririmarim na kalagayan ng
madlang hindi siguro makabasa ng kahit isang librong
maitatanghal dito? Ano ang katuturan ng proseso ng
pagkilatis, panunuri at pagpapahalagang nakapaloob sa
pagkakataong ito?”
Itinatanong ng kritika: anong uri ng
kultura ba ang nililikha natin sa ngayon, isang
kulturang mapagpalaya o mapanupil?
Sa postmodernong panahong
kinasasangkutan natin, lalo na sa isang
neokolonyal na bansa sa tinaguriang
Pangatlong Mundo tulad ng Pilipinas na
kasalukuyang dumaranas ng isang malubha’t
laganap na krisis, ang layon at motibasyon,
ang raison d’etre ng mapanuring kaisipan, ay
hindi maikukulong sa limitasyong tradisyonal
na ang angkop sa belles tettres sa kultura ng
kanlurang kaisipan.
Ang prinsipyo at tadhana ng kritika sa mga
bansang nasisikap makawala sa sumpa ng tradisyon
ay nakasalig sa matindi’t masalimoot na
traspormasyong sumasaklaw sa buong kabuhayan,
katawan, at kaluluwa ng buong sambayanan.
Hindi tulad sa kanluran, ang sining at kritika sa
mga bansang dumaranas ng mga rebolusyong
pagbabago ay hindi maibubukod sa krisis ng
pulitika at ekonomiya– magkatalik ang krisis at
kritika sa bawat pangyayaring nagaganap sa mga
lipunang ito.
Dapat pasiglahin ang mapanuring kamalayan
at bisyon upang maigupo ang awtoridad ng
pagtriyarkan’t makauring institusyon, batas, at mga
praktikang patuloy na umiiral.
Nasaan ang lakas ng kritika, ang
kapangyarihan ng kritika? Naisusog ni Micheal
Foucault: “Hindi na teoretikal lamang ang pag-iisip.
Sa sandaling mailahad ito, ito’y humahati o
naglalapit, tumutulak o umaakit, dumudurog,
humihiwalay, nag-uugnay at muli pang nau-uugnay,
hindi niya mapigil na hindi magpalaya o manugpo.
Samakatuwid, hindi kalabisang sabihin na na
ang pag-asa ay nasa kritika, ang kritika bilang
artikulasyon ng mapanuring kaisipan. Ang kritika ay
diskurso laban sa kapangyarihan, sa totalidad at
herarkiya ng makapangyarihan. Ang pagsisikap na
katawanin ang katotohanang ito, sa pansin ko, ang
siyang maituturing na positibong kontribusyon ng
Manila Critics Circle sa proyektong pagbubuo ng
pambansang kulturang mapaglaya.
Kaya ang palakpak natin para sa mga kasapi
ng Manila Critics Circle ay laging kinakailangan,
nararapat, at napapanahon.
Mga Aral:
Hindi dapat tayo matakot na magbigay ng
kritiko sa isang sitwasyon pero dapat ay unawain
mo nang mabuti ang sitwasyon dahil tayo ay may
karapatan at tungkulin sa ating bansa at kapwa tao.
Kung meron akong alam na may katuturan ay hindi
pa nalalaman nag ibang tao at palagay koy dapat
itong malaman nila ay hindi ako magdalawang isip
na emungkahi ito. Sapagkat, ikaw ay hindi lang ako
makakatullong kundi mapapalawak rin ang aking
kalaman.
Nag-uulat : Jeane Abastas
Sesyon : B4/B5
Oras : TTh 1:30-3:00pm
Guro : Mrs. Corbeta

You might also like