You are on page 1of 3

ANG KRITIKA SA PANAHON NG KRISIS

Epifanio San Juan Jr.

I. PANIMULA

Alam naman natin lahat kung gaano ka importante sa Sining ang Kritika. Ang
pagpapalaganap nito at pagpreserba sa lahat ng mga angkin nito. Subalit, sa pabago-bagong
panahon at dala ng mga hamon dito natin nararanasan ang iba’t ibang problema na nahahanay
sa pag intindi sa Kritika. Kasali na dito ang permanenting krisis ng sambayanan, laganap na
karukhaan at paghihikaos ng nakakarami. Paano natin mabigyang silbi ang sining kung ganito
naman ang hinaharap ng ating bayan?

II. LAYUNIN

Makatwiran ba o makatarungan ang umiiral na kaayusan ng lipunan?

Ano nga ba ang epekto ng Krisis sa ating Kritika?

III. BUOD

Ang krikita bilang panunuri at pag aaral sa likhang-sining ay isang rasyonal at


sistemtikong pagtalakay sa iba’t ibang uri ng sining o likhang isip, ang pagpapaliwanag o
pagpapahalaga sa mga pamamaraan nito at produkto. Sa Pilipinas na isang neokolonyal
na bansa (Pangatlong Mundo); ang layon at motibasyon ay ang raison d’etre ng
mapanuring kaisipan, hindi maikukulong sa limitasyong tradisyonal na angkop sa belles
lettres sa kulturang kaisipan.
Sa kanluran, ang sining at krikita sa mga bansang dumaranas ng mga
rebolusyonaryong pagbabago ay hindi maibubuklod sa krisis ng pulitika at ekonomiya.
Ayon kay Hemingway “Ang kritiko ay isang parasite sa Katawan ng awtor.” “Ang
kritika ay isang proyektong namumukod sa akdang sinusuri sapagkat ito’y likang-sining
din at may tanging kasariang nakaugat sa mga pagbabagong pangkultura na
masasaksihan sa lahat ng bansa sa Pangatlong mundo.”
Ang kritika at sining ay bahagi ng larangan ng ideolohiya kung saan nagkakamalay
ang lahat tungkol sa halaga at kahulugan ng mga nangyayari sa kanilang buhay. Doon
nabubuo ang kamalayan at kolektibong kapasiyahan ng bawat lakas, at doon
nabibigyang-tinig at direksiyon ng kritika ang lakas ng masa.
Samakatwid, ang kritika ay isang porma ng ideolohiya na may puwersang
pampulitika, may puwersang moral at intelektwal. KULTURA, MGA PAGBABAGO SA
IDEYA, DAMDAMIN, MORALIDAD, KAHALAGAHAN, KAMALAYANG PURI. Dahil
diyalektiko ang relasyon ng mga ito.

IV. PAGLALAHAD NG DATOS SA HINUHA/LAYUNIN

Ang nakasakdal ngayon ay dili iba kundi ang kritiko, ang sining ng kritika o
mapanuring kaisipan. Nakataya rito ngayon ang halaga at kabuluhan ng kritika sa
lipunan natin, lalo na sa pakikibakang pangkultura at pang-ideolohiyang bumubuhay
sa atin. Ang Kritika sa panahon ng krisis ay kumbaga mas nanaig ang may mga
kapangyarihan.
Ang epekto ng krisis sa Kritika ay ay nasisira ang kabuhayan ng marami as mas
lalong maghihirap ang mga tao. Alam naman natin na ang Pilipinas ay pangatlo sa
listahan ng nakakaranas ng matinding krisis kaya nahihirapan ang karamihan sa
pagsimula ulit.

V. KONGKLUSYON

Sa gitna ng pernanenteng krisis ng sambayanan, ng laganap na karukhaan at


paghihikahos ng nakararami; sa harap ng matindjng kahirapan ng mga
manggagawa't pesante, ng mga biktima ng militarismo at low-intensity warfare ng
mga maykapangyarihan, at sa patuloy na pagsasamantala't panunupil ng mga
dayuhan.
Nagkakaroon ng krisis ang Kritika kung walang maniniwala o kaonti lang ang
may alam. Lalo na kung may pinapanigan ang Kritika, kaya mas uusbong ang krisis
nito. Ang Kritika ay isang porma ng ideolohiya na may pwersang pampulitika, may
puwersang moral at intelektwal. Ito rin ang pinagsamang Kritika ng mga tao na
sumasalamin sa pagpapahayag ng katotohanan laban sa korupsyon, krisis o
kahirapan dulot ng may mga kapangyarihan.
At ang krisis naman ay isang napakabigat na problema na nararanasan ng
maraming tao. Ang kondisyon ng Kritika sa Panahon ng Krisis ay kapag may Krisis
ang Kritika ay hindi nagiging malakas o matibay sa kadahilanang mas nanaig ang
kasinungalingan o may mga taliwas sa lipunan na kung saan mas paniniwalaan nila
ang may kapangyarihan.

VI. SANGGUNIAN

https://pdfcoffee.com/4-ang-kritika-sa-panahon-ng-krisis-pdf-free.html

Ipinasa ni:
DULFO, MHELDEN T.
BEED-3A

Ipinasa kay:
Prof. Lorelie J. Paloma

You might also like