Professional Documents
Culture Documents
Velasco
Kulturang Popular (Lit156)
Walang pag-iimbot kong sasabihin na hindi madaling batirin at lunukin ng agad- agaran
ang mga kaisipan, proposisyon, at mga pagdulog ng pagbasa na inihahain ng mga teorista at
teoryang nakapaloob sa mundo ng kritikal na teorya. Hindi madali sapagkat lumilihis at
humuhulagpos ito sa tradisyonal na mga lapit at metodolohiya ng positibistikong agham
panlipunan na dati rati'y ipinapangalandakan bilang mga natatanging kaisipang makakabasa at
makakapagpaliwanag sa kapangyarihan ng media at ang ugnayan nito sa kanyang publiko.
May tambalang bisa ang paglitaw ng lenteng kritikal sa disiplina ng pag-aaral ng media.
Una, ang pagpasok ng kritikal na teorya sa larang ng pag-aaral ng mga anyong pang
komunikasyon at media ay may layong higitin ang aspekto ng panunuri upang lubos na
masiyasat ang lalim ng pagkakatalima at pag-iral ng mga puwersa at kontradiksyong
panlipunan at pangkapangyarihan na humuhugis at patuloy na humuhubog sa mga
sagisag, hulagway, naratibo, ideolohiya, at rehimen diskursong pang-med ng mga
pakatotohanan na taglay ng isang textong pang-media.
Ikalawa, kaakibat nito, layon din ng mga teoretikal na pagdulog na ito na baklasin mula
sa pagkakatalaga sa toreng garing ng akademya at politika ng kaalaman ukol sa
komunikasyon ang mga teoryang walang pasubaling itinatanghal ng iilan bilang
natatanging lente para matalos ang masalimuot at komplikadong labirintong
kinasasadlakan ng mamamayan sa mundong inuugit ng media at ng isang mediang
inuugit din naman batay sa mga kontradiksyon sa kasaysayan at saysay ng mga
kontradiksyon ng kanyang daigdig.
Ang kunwang obhetibidad at siyentistikong lapit nito ay nakita bilang mga saligang
kaisipang patuloy nagbibigay tibay mismo sa namamayaning kaayusan at umaayuda din sa lingid
na operasyon ng mapanup na kapangyarihan mismong mung ng paneneorya at interpretasyon
Mahalagang banggitin dito ang patotsida ng kritikong si Jon Simons ukol sa pagkakaiba ng
kritikal na teorya at poadusmo, aniya akol sa kritikal na teorya. lift regarded itself as critical not
only, or kritikal perhaps not primarily, in relation to its object of inquiry but bo in relation to
traditional or conventional approaches and methodologies with which it contrasted oel Critical
theory requires an allegedly uncritical Other in order to identify itself (Simons 2004, 3)
"[t]he arbitrary nature of the sign explains in turn why the social fact alone can create a
linguistic turn. The community is necessary if values that owe their existence solely to usage and
general acceptance are to be set up: by himself the individual is incapable of fixing a single
value" (Saussure 2007, 6).
Ang batayang dalumat ng semiotika ay ang hugpungang signifier + signified sign
(sagisag). Sinasaklaw ng sagisag ang mga bagay (berbal man o biswal) na nagluluwal ng
kahulugan gaya ng wika, imahe, simbolo, naratibo. pananamit, unpristruktura, pelikula, at
musika, halimbawa. Una, binubuo ang sagisag ng kanyang signifier.
Ang signifier ay ang denotatibo o literal na pakahulugan sa isang sagisag Ibig sabihin
ang katangiang material ng mga sagisag na maaaring mahinuha batay sa ating mga pandamdam
(senses).
Ang signified naman ay ang konotatibo at mas malalim na asosasyon ng pakahulugan sa isang
sagisag.
Ayon nga kay Tolson ukol kay Barthes, [f]or Barthes, however, mythology' also has an
additional dimension. It is not just that media texts make use of particular meaning systems, it is
more than these meaning systems become taken for granted 'common sense' of the age" (Tolson
1996. 7).
Kung gayon, ang mga diskurso na masasalat at makikita sa mga produkto ng media at
kulturang popular ay maaaring mabatid bilang mga pananagisag na nagbibigay-tulos sa
namamayaning mga mito sa loob ng isang lipunan.
Ang naturalisasyon sa mga mito, bilang bahagi ng pang-araw-araw na pagtangkilik natin
sa media at ng ating pinanghahawakang sentido komon, ay banayad na pagpaloob sa lohika ng
mga umaakda ng ating mga pananaw panlipunan, Kaakibat na nga dito ang mga mito, na para
nga sa nakakarami ay ang tanging katotohanan, na ating ikinakawing ukol sa usapin gaya ng
sekswalidad, kasarian, lahi, etnisidad, pagkabansa, tunggaliang pang-uri, kagandahan, kaligtasan.
pagkamamamayan, at konsumerismo, halimbawa.
Kailangang mabatid na ang pag-aaral sa mga sagisag at sa mga mitong kakawing nito ay
paglusong at pagsuong din sa pag aaral sa papel ng ideolohiya sa pagbubuo ng mga
pakahulugang nakagiya mismo sa namamayaning sistema ng pananagisag na umiral sa larang ng
komunikasyon ar kultura. Ang pagkilatis sa mga textong pang-media ay pagtimbang din sa mga
puwersang nagsasalikop sa pag-uugit ng mga anda ng identipikasyon ng indibidwal ukol sa
kanyang sarili, sa kanyang lugar sa lipunan, at ukol sa mismong kapangyarihan ng lipunang
ginagalawan.
Ang teorya ng semiolohiya ay mabisang sandata para mabasa at mabasag ang mga lingid
na mito ng mga nasa poder ng kapangyarihan an tagapag akda ng mga texto. Mabisang kalasag
din ito sa pagbubuo ng mga bagong siste ng pagpapakahulugan at hulagway ng pagtanaw sa
lipunan.