You are on page 1of 3

Fatima R. Andres 2015-89501 Pan Pil 101 Prop.

Mendoza

Teoryang Pampanitikan: Sa tagpuan at paliparan

Ang pagbabanggaan ng mga teoryang pampanitikan habang sila’y tinatalakay at sinusuri


sa aming klase ay nagpapahiwatig na mayroon ngang mga pagkakatulad at pagkakaiba ang mga
ito. Sa magkakaibang punto susulpot sa atin ang ilang kaisipan na bagaman dalawa o tatlo o higit
pang magkakaibang teorya ay mayroon ding mga bagay kung saan sila nagkakatagpo at mayroon
din kung saan sila nagigirian.

Sa Istrukturalismo pinagtutuunang pansin ang istrukturang makikita sa mga akda.


Mariing ipinaglalaban ng mga structuralist na makikita ang structures kahit saan kung kaya’t
magagamit ang teoryang ito sa halos lahat. Samantala sa Marxismo lagi’t laging itinatanong
kung para kanino ang isang likha at ano ang pulitika nito. Ayon kay Virgilio Almario, nagiging
malaking problema sa mga linyadong manunulat ang pagtuturing sa halos lahat ng kanilang mga
likha na malikhain hangga’t ito’y nagsisilbi sa masa. Mahalaga rin sa Marxismo ang konsepto ng
reproduksyon at authenticity. Sa panahon naman ngayon na malakas ang Post Modernism, sa
tingin ko ay may kahalintulad ito sa sinasabi ni Almario sa mga Marxista na halos lahat na
lamang ng mga bagay ay itinuturing na malikhain. Hindi na mahalaga ang istruktura o
pormalidad ng isang panitikan sa Marxismo at Postmodernismo, ngunit kaiba sa
pamomobroblema ng mga Marxista sa reproduksyon at authenticity, hindi na ito halos
pinagtutuunan ng pansin sa Postmodernismo.

“Bakit panitikan ang panitikan? Anu-ano ang mga institusyon na nagdedeklara na


panitikan iyan?” Ito naman ang mga katanungan na iniiwan sa atin ng teoryang Post-
Istrukturalismo. Para kanino? Ang tanong na laging hinahanapang kasagutan sa Marxismo.
Kumbaga para sa mga Marxista ang lipunan ang institusyong nagtatakda kung ang isang likha ba
ay maituturing na panitikan. Para sa kanila hangga’t ang isang akda ay may malinaw na silbi sa
masa ay isa itong lehitimong likha. Para naman sa istrukturalismo, mahahanap ang sagot sa
tanong kung bakit panitikan ang isang panitikan sa pamamagitan ng pagtingin sa istruktura nito,
kung ito ba’y naayon sa nabuong balarila ng isang tao o institusyon. Nabubuo ang balarila sa
mga anda na napansing litaw sa halos lahat ng mga naunang akda.

1
“Structures are everywhere” muli ayon sa mga istrukturalista, ngunit sa Postmodernismo
hindi na mahalaga ang structures, hindi na mahalaga ang mga anda o mga nakasanayang
tradisyon. Masasabing walang “Absolute truth” sa postmodernismo at nakadepende ito sa social
construct sa kung saang lipunan umiiral ang isang panitikan.

Dako naman tayo sa mga taong nagteorya at alamin kung mayroon bang pagkakaiba o
distinksyon ang mga intelektwal sa ating bansa sa mga nagteorya mula sa Kanluran. Susubukan
kong tignan at alamin kung ano ang istilo ng pagtatalakay at pagbibigay kahulugan nila sa isang
partikular na teorya.

Nakatuon ang Istrakturalismo ni Isagani Cruz sa mga anda. Ipinakita niya na mayroon
tayong tinatawag na arketipikong bayani sa pamamagitan ng nabuo niyang balarila. Sinuri niya
ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga epiko. Bumuo siya ng isang bagong salita
(anda mula sa salitang umandar) mula sa isang umiiral na na salita. Ang aplikasyon ng kaniyang
pagteteorya ay nakalapat sa kulturang Pilipino halimbawa na lamang ng mga epiko, pati na rin
ang buhay ng isang sikat na tao gaya ni Ninoy Aquino at Fernando Poe, Jr . Hindi niya inilayo sa
lipunang Pilipino ang kaniyang pagteteorya.

Sa kabilang banda, gaya ng nakasanayan, inumpisahan ni Smithson ang pagteteorya ng


Structuralism sa pagbibigay linaw kung ano ba talaga ito at mga taglay nitong mga Principle. Sa
ganitong pamamaraan naipaliwanag niya ang mga kalakasan at kahinaan ng teorya.

Kapwa nila sinasabi na “Structures are everywhere” at kapwa nila pinagtuunan ng pansin
ang “archetype”. Inilapat ni Isagani sa mga epikong Pilipino ang kaniyang nabuong pagkasunod-
sunod ng mga anda, gaya ng pagbibigay halimbawa ni Smithson (Women in Love, A Several
Head) upang maliwanag na ipakita ang Synchronic o ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari
at Diachronic na mas nakapokus sa kabuuan.

Sa pagteteorya ni Smithson, isa-isa niyang ipinapasok ang aplikasyon ng Istrakturalismo


kada ibinibigay niyang Principle. Kaiba ito sa naging istilo ni Isagani Cruz kung saan hinati niya
sa dalawang bahagi; Una ay malinaw na nakatuon sa mga epikong Pilipino at mga sa mga sikat
na personalidad. Ikalawa ay sa Lipunang Pilipino. Mapapansin ang partikularidad ng unang
bahagi o ang balarila ng Epikong Pilipino samantalang mas binigyang pansin sa ikalawang
bahagi ang Lipunang Pilipino sa kabuuan. Ngunit sa dalawang bahagi na ito matibay na

2
pinanghawakan ni Isagani Cruz ang mga anda na kaniyang nabuo sa pamamagitan ng paglalapat
ng mga ito sa iba’t ibang halimbawa.

Sa Marxismo, naibigan ko ang pagteteorya ni Rolando Tolentino. Maganda na sa umpisa


ay itinampok niya ang kulturang popular ng panahong isinusulat niya ang akda kahit pa outdated
na ang ilan sa mga ibinigay niyang halimbawa sa kasalukuyan. Malaki pa rin ang kaugnayan ng
mga ito sa mga trend ng kasalukuyang panahon, kumbaga ang mga “teenagers” na kanyang
tinutukoy noon ay ang mga tinatawag na nating “millenials” ngayon. Saka niya isa-isang pinasok
ang Globarisasyon, Imperialismo, Kulturang Popular at mga gawaing pangkultura sa siyudad sa
kaniyang sanaysay. Bagaman malaki ang pagkakaiba ng pagteteorya sa Marxismo ni Tolentino
kina Marx, Engels, Benjamin at Jameson ,nagpapahayag ang bawat isa ng kani-kanilang mga
ideya patungkol sa lipunan, reproduksyon at lagi’t laging malinaw na sinasabi kung ano ba talaga
ang “Art’, para kanino dapat ito at kung ano ang pulitika nito. Halimbawa, Pinoproblema ni
Benjamin Walter ang pagrereprodus sa isang likhang sining pati na ang awtentisidad nito, ayon
pa sa kanya “Total function of art is reversed, Intead of being based on ritual it begins to be
based on another practice – politics”. Para kay Benjamin, pinapatay ng Mechanical Reproduction
ang tradisyon na nagdudulot ng malaking pagbabago para sa bawat isa sa atin.

Sa aking palagay, lagi’t laging magtatagpo ang mga teoryang pampanitikan kahit ano
pang pilit nilang itaboy ang isa’t isa, gaya sa tagpuan kung saan itinatakdang magkita ang dalawa
o higit pang mga tao at sa paliparan na simbolo ng pagalis at pagsasalungat ng mga paroroonan.
Kahit gaano pa kalayo o kasalungat ang mga ideolohiyang kanilang isinusulong at hindi na
maiiwasang tingnan nila ang isa’t isa sa isang banda upang tanawin kung ano na nga ba ang
nararating nila sa larangan ng teoryang pampanitikan, Mayroong pagkakatulad, mayroon din
namang pagkakaiba ngunit magandang isipin na nakakatayo ang bawat isa upang panindigan
ang kani-kanilang mga ipinaglalaban mapa-Istrukturalismo, Marxismo, Post-istrukturalismo o
Postmodernismo man

You might also like