You are on page 1of 1

Mga Dulog sa Pasusuri ng Pelikulang Panlipunan

Maituturing na isa sa pinakamahiwagang sining ang pelikula. Naitatanghal nito ang isang
ideya, kaisipan at maging ang kultura ng isang lugar sa pamamagitan ng pinakapiling artistikong
gamit at epektibong pagpapahayag. Magmula sa simpleng litrato hanggang sa nabigyan ng buhay,
nagdala na nga ng malaking pagbabago ang pelikula hindi lamang sa isang partikular na indibidwal
kundi maging sa buong mundo.

Realismo
Adbokasiya ng Realismo ang pagtuklas sa pang-araw-araw na realidad ng tao. Nais nitong
talakayin ang mga penomeno gaya ng patungkol sa pamilya, edukasyon, kahirapan at iba pa.
Nag-ugat ang teoryang Realismo sa bansang Pransya. Na ayon sa kasaysayan naitalang sina
Honore de Balzac at Gustav Flauvert ang isa sa mga unang realistang manunulat na nagtataga ng
isang komposisyon hinggil sa kritikal na pagsusuri at obserbasyon sa lipunan.

Marxismo
Isa sa pinakatanyag na teoryang ginagamit ng mga kritiko sa larangan ng panunuring
pampanitikan. Umusbong at napaunlad ni Karl Marx na isang Alemang Pilosopo na tinaguriang “The
Communist Manifesto”. Katulong ni Marx sa pagtaguyod ng Marxismo si Friedrich Engels.
Layunin ng teoryang ito na pag-usapan aang tatlong batayang ideya: 1. pilosopiya ng
pagtingin ng tao, 2. kasaysayan, at 3. pampolitika at pang-ekonomiyang programa.

Pormalismo
Isang pagdulog ng pagsusuri sa panitikan na may malawak na antas ng pagtatasa sa teksto
mismo. Isinasantabi ng teoryang ito ang kahit anumang paunang ideyang napupuna ng kritiko kundi
pukos lamang ito sa kung ano ang nasa loob ng akda, ano ang lantad na ideya nito at ano ang
maaaring kapupulutan na konklusyon.

Feminismo
Ang teoryang feminismo ay tumutukoy sa diskurso ng kasarian bilang espasyo ng gumagalaw
na lipunan. Adbokasiya ng teoryang ito na isulong ang bukas na opportunidad ng bawat isa sa
iba’t ibang larangan-trabaho, pamahalaan, kapangyarihan at iba pang responsibilidad sa lipunan.

You might also like