Professional Documents
Culture Documents
Deskripsyon ng Realismo
Ipinaglalaban ng dulog realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao,
anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang
paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-pulitikal, kalayaan,
kamangmanagan kriminalidad, bisyo, prostitusyon, at kawalan ng katarungan para sa mga
naaapi. http://jalajalanhsfilipinoiii.blog.com/
2. Anak
4. Eskapo
5. Dekada 70
6. Cobrador
7. Sakay
Kasaysayan ng Realismo
Ang realismo ay isang malaking kilusang umusbong sa larangan ng sining noong
siglo 1900. Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang
pamamaraan. Itinatakwil ang ideyal na paghuhulma at pananaw sa mga bagay (Villafuerte,
et al, 2006).
Unang ginamit ang terminong realismo noong 1826 ng Mercure franciais du XIX
siecle sa Pransya bilang paglalarawan sa doktrinang nakabatay sa makatotohanan at
wastong paglalarawan ng lipunan at buhay. Nagkaisa ang mga realistikong Pranses sa
pagtakwil sa pagiging artipisyal ng klasismo at romantisimo. Sinikap nilang ipakita ang
buhay ng mga panggitna at mababang uri ng tao, ng mga pangkaraniwan, ng mga kagila-
gilalas ng mga mapagkumbaba at ng mga hindi nakikita. Sa proseso inilabasa ng realismo
ang mga di-kapansin-pansin at kinakalimutang bahagi ng buhay sa lipunan (Villafuerte, et al,
2006).
Naging masigla ang talakayan tungkol sa realismo noong unang bahagi ng 1900 na
siglo. Nakatulong dito ang kilusang anti-romantisismo sa Alemanya kung saan mas nagtuon
ng pansin ang sining sa pangkaraniwang tao. Idagdag pa rito ang pagtataguyod ni Auguste
Comte (Kilalang Ama ng Sosyolohiya) ng posibistikong pilosopiya sa paglulunsad ng
siyentipikong pag-aaral; ang pag-unlad ng propesyunal na jornalism o kung saan iniuulat
nang walang bahid na emosyon o pagsusuri ang mga kaganapan; at ang paglago ng idustriya
ng potograpiya (Villafuerte, et al, 2006).
Pinahahalagahan ng Realismo
4. Kritikal na Realismo. Inilalarawan ang ang gawain ng isang lipunang burgis upang
maipamalas ang mga espektong may kapangitan at panlulupig nito.
1. Ano ang paksang-diwa ng pelikula? Paano ito ipikikita sa bawat tagpo nito?
Pagnilayan: “Di sapat na matutuhan ng isang indibidwal ang tungkol sa kawayan
buhat sa isang kawayan, siya na rin mismo ang dapat maging kawayan” ([Noorinaga,
1730-1801], Mendiola at Ramos, 1994).
Ang moralismo ay isa sa mga pananaw na ginagamit sa mga pagsusuri ng iba’t ibang
tekstong pampanitikan gaya ng pelikula. Gumagamit ito ng sukatan ng tamang pag-uugali o
ugaling itinatampok sa isang pelikula bilang instrumento sa sosyalisasyon ng mga
manonood. Ang pananaw na ito ay may layuning mabigay–aral sa mga mambabasa.
Masasabing ito ay ekstensyon ng pananaw humanismo dahil sa pagbibigay-halaga ng mga
humanista sa pagpapanatili ng integridad at dignidad ng tao bilang nilalang na may isip.
Dahil may didaktibong oryentasyon ang mga akdang moralismo, itinuturing ang
panitikan bilang tagaakay sa tao sa mabuting landas.
Sa panahon ng katutubo, maituturing na mga akdang didaktiko o moralistiko ang mga
salawikain, kasabihan, pabula, ilang alamat at iba pang mga kwentong-bayan nito.
Sa ika-19 na siglo ay ipinakilala ni Sigmund Freud ang siko-analitikal na proseso ng mga
pelikula na isinasagawa pa rin sa buong mundo kahit sa kasalukuyan. Dalawa sa mga kilalang
indibidwal ang nagpakilala sa siko-analiktikal na teorya. Ito ay ang Freudian at Lacanian na
teorya ng siko-analisis. Nagsimula ang siko-analitikong teorya sa pamamagitan ng pag-
unawa sa kaisipan na nagnanais na matupad ang pangangailang at ninanais o maaaring
mauwi lamang pagkaawa o pagkamuhi sa sarili dulot ng kasalanan. Ang damdaming ito ay
nababaon sa kailalaliman ng di-konsyus na pag-iisip ng tao
Maaari rin namang gamitin ang sikolohiyang pagdulog sa pagsusuri sa mga tauhan at
pangyayari sa akda nang di inaalam ang buhay ng may akda. Sinusuri rito ang mga tauhan
sa akda, ang kanilang mga kilos at kaisipan, ang relasyon ng bawat isa, kung bakit nagbago
ang dating paniniwala, kung bakit tinatalikuran ang dating ipinakikipaglaban, ang
pinagdadaanang buhay o mga pangyayaring nakaapekto o nakakaapekto sa kanilang mga
pananaw.
Malaking impluwensiya sa sikolohikal na pagdulog si Sigmund Freud, isang
sikolohista, na nagsabi na natuklasan ng mga makata at pilosopo ang unconscious bago
ako; ang natuklasan ko ay ang pamamaraan siyentipiko upang pag-aralan ito (Reyes,
1992:46).
Ayon kay Freud, ang tao ay tulad ng isang iceberg na nakalutang na may dalawang
bahagi- ang nakikitang bahagi at ang bahaging nakalubog sa tubig. Itinutulad niya ang
nakalutang na bahagi sa conscious o ang pagiging malay ng isang indibidwal tungkol sa
kanyang sarili.
PELIKULA AT FEMINISMO
Maituturing ang isang pelikula bilang salamin ng buhay o iba’t ibang hininga ng
buhay, aliw, lungkot, tagumpay, kabiguan, poot, galak, tulay ng pagbubunyag, isyung
panlipunan, kahalagahang pang-edukasyon at iba pa. Naroon ang pagsasariwa ng mga
kabiguan, mga pagtitiis, pangarap at tagumpay. Naging arena rin ng diskuro ng kasarian ang
pelikula. Kalimitang nagiging paksain ang tungkol sa kababaihan at ang iba’t ibang papel na
ginagampanan katulad ng pagiging anak, asawa, ina, kabit, prostityut, alagad ng simbahan,
lola, yaya, kaibigan, guro, mandirigma at iba pa. Makikita ang mga karanasang pinagdaanan
ng isang babae kaugnay sa papel na kanyang ginagampanan sa lipunan.
Walang ibang nilalayon ang feminismo kundi ang mabigyan ang babae ng sariling tinig,
magkaroon ng pantay at oportunidad sa lahat ng aspeto ng buhay panlipunan, maging
malaya sa pagpapahayag, at wakasan ang anumang pagsasantabi batay sa kasarian at
seksuwalidad (Evasco et.al 2011). Naniniwala ang feminismo na may pagkakaiba ang lalake
at babae, na hindi maaaring magpantay ang dalawa sa pisikal na aspekto. Kaya ang ninanais
at ang mga ipinaglalaban ng mga feminista – ay ang magtataglay ng parehong karapatan sa
lipunan na kailanman ay hindi magiging basehan ang kasarian. Na siya naman ang nararapat
na matamasa ng lahat upang maiwasan ang di pagkakaunawaan sa isyung pangkasarian.
Ayon kay Villafuerte et.al (2006), ang feminismo ay pagsusuri ng panitikan at awtor
mula sa punto de vista o pananaw ng isang feminista. Sinusuri ng sa feminismong kritisismo
ang papel na ginagampanan ng mga babaeng karakter at ang mga temang ikinakabit sa
kanila. Ipinapakita rito na ang karakter sa panitikan ay malinaw na pinagsama-samang
konstruksyon, hindi lamang ng mga manunulat kundi maging ng kulturang kinabibilangan
nila para itaguyod ang patuloy na dominanteng kalagayan ng mga lalaki sa lipunan at
kultura.
Sa ngayon mababasa pa rin natin sa mga aklat at mapapanood pa rin sa mga pelikula
ang usaping pangkababaihan at ang di pantay na pagtingin sa isyung ito. Naririnig pa rin
natin sa mga balita ang pang-aabuso sa kababaihan na parang walang halaga sa lipunan. Ang
di ganap na kamalayang feminismo ay makikita pa rin sapagkat hindi tapat ang kabuuan sa
pagsulong sa isyung pangkababaihan. At ang pelikula ang epektibong kasangkapan ng
pagsulong at pagtuguyod upang mamulat sa kamalayang feminismo sa lahat ng institusyong
panlipunan mula sa tahanan, opisina, simabahan, paaralan at kahit saang sulok ng bansa o
mundo ay may pagsulong sa adbokasiyang feminismo.
2. Bilang panimula, linawin ang iyong naunawaan tungkol sa pelikula. Ano ang mensahe
ng pelikula?
3. Suriin ang tagpuan at mga tauhan batay sa pang-ekonomiya, sosyal at politikal na
aspeto.
3.1. Ano ang mga kinabibilangan na ekonomik, sosyal at politikal na istatus ng mga
tauhan?
3.2.Ano ang nangyari sa kanila bilang epekto ng kanilang ekonomik , soyal at politikal
istatus?
4. Palawakin ang panunuri sa pamamagitan ng pagbanggit sa naging batayang sanhi ng
tunggalian. Ilahad ang detalye ng mga patunay na may inekwalidad, opresyon , at
pagkontrol sa yaman/resorses ng nasabing lipunan.